Chapter 7
Napapikit ako, pilit pinapanatili ang kontrol sa sarili. Hindi ko kailangang ipaliwanag ang sarili ko sa kanya. Hindi ko kailangang sabihin ang tunay kong dahilan. "Hindi kita kailangang bigyan ng sagot, Andrea," sagot ko nang matigas. "Tapos na tayo. At ang buhay ko ngayon, wala ka nang kinalaman." Tahimik. Ilang segundo bago siya muling nagsalita, mas mahina na ang boses niya pero may bahid ng hinanakit. "Hindi ako naniniwala diyan, Christopher. Kilala kita. At kung iniisip mong matatapos mo ang plano mo nang hindi kita naiipit sa gulo mo… nagkakamali ka." Bago pa ako makasagot, ibinaba na niya ang tawag. Napatingin ako sa telepono, ramdam ang paninigas ng panga ko. Andrea… Hindi ko siya dapat alalahanin. Ang dapat kong pagtuunan ng pansin ay ang kasal bukas. Pero bakit may masamang kutob akong may paparating na bagyo—at hindi ko alam kung paano ko ito haharapin? "Hindi kita hahayaan na guluhin ang plano ko, Andrea!" galit kong bulong sa sarili ko habang mahigpit na nakakuyom ang kamao ko. Kailangan kong manatili sa plano. Wala akong panahon para sa emosyon o sa nakaraan. Si Andrea ay bahagi ng buhay na matagal ko nang isinara. Kinuha ko ang baso nasa gilid at nagsalin nang whiskey at ininom ito nang isang lagukan. Kailangan kong palamigin ang ulo ko. Bukas, magsisimula ang lahat. Ang kasal. Ang paghihiganti. Ang pagbagsak ng pamilyang Curtiz. Hindi ako maaaring matinag ngayon. Ngunit kahit anong gawin kong pagpapakatatag, may isang bagay na hindi ko maalis sa isipan ko. Ang ekspresyon ni Kara sa huling pag-uusap namin. Ang lungkot sa kanyang boses. Ang bahagyang pangangatog ng kanyang labi nang tanungin niya kung kailan siya lilipat sa bahay ko. Napamura ako sa isip. Damn it, Christopher. Ano bang problema mo? Hindi ako dapat maaapektuhan. Ngunit kahit gaano ko pilit iwaksi ang iniisip ko, isang bagay ang hindi ko maitatanggi… May isang bahagi sa akin na nagsasabing, Paano kung mali ako? Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ko ang isang taong babantayan ang bawat kilos ng ex ko upang hindi ito makapagbigay ng gulo bukas sa aking kasal. Agad kong dinial ang numero ng isang tao na alam kong maaasahan sa ganitong sitwasyon. Ilang ring lang at agad niya itong sinagot. "Boss," malamig at pormal ang boses sa kabilang linya. "May ipapagawa ako sa'yo," direkta kong sabi, walang paliguy-ligoy. "Bantayan mo si Andrea. Gusto kong malaman ang bawat galaw niya. Hindi siya pwedeng makagulo sa kasal ko bukas." "Understood, boss. Anong gusto mong gawin kung sakaling may subukan siyang gawin?" Napapikit ako, saglit na nag-isip. Kilala ko si Andrea. Hindi siya ang tipo ng babaeng tatahimik na lang kapag may gusto siyang pigilan. "Kapag may ginawang kahit anong hakbang para pigilan ako, siguruhing hindi siya makarating kahit saan," malamig kong utos. "Noted. Aayusin ko, boss," sagot nito bago tuluyang ibinaba ang tawag. Ibinalik ko ang cellphone sa bulsa ko at napatingin sa malaking bintana ng aking opisina. Mula rito, tanaw ko ang buong siyudad, ang mga ilaw na nagkikislapan sa gabi—isang paalala na sa mundong ito, ang pinakamalakas lamang ang nananatili sa tuktok. At bukas, sisiguraduhin kong ako pa rin ang hari. Walang makakapigil sa plano ko. Lahat ay nasa ayos na para bukas. Hindi na kailangang gawing magarbo ang seremonya—wala akong pakialam sa tradisyon o sa pangarap ng ibang tao tungkol sa kasal. Ito ay isang kasunduan, isang hakbang patungo sa paghihiganti. Hindi kami magpapakasal sa simbahan. Wala akong balak gawing sagrado ang isang kasal na batay sa galit at paghihiganti. Sa halip, isang pribadong seremonya ang magaganap sa aking rest house, malayo sa mata ng publiko. Si Judge Santiago, isang matagal ko nang kakilala, ang siyang magkakasal sa amin. Isa rin siya sa mga pinagkakautangan ng loob ng pamilya ko noon, kaya’t tiyak akong hindi siya magtatanong ng anumang bagay. Tanging siya at si Troy ang magiging saksi sa lahat ng ito. Habang nakaupo ako sa study at pinagmamasdan ang papeles ng kasal, isang malamig na ngiti ang sumilay sa labi ko. Bukas, si Kara Smith Curtiz ay magiging isang Montero. Bukas, sisimulan ko ang pagbagsak ng pamilya niya. Ngunit sa kabila ng lahat ng plano ko, hindi ko maiwasang maramdaman ang isang bagay na matagal kong hindi pinansin—isang hindi maipaliwanag na kaba. Dahil alam kong sa laro ng paghihiganti… May isa sa amin ang siguradong masasaktan. At pilit kong sinasabi sa sarili ko—hindi ako iyon. Agad ako napatingin sa aking cellphone ng biglang tumunog. Ang inutusan ko pala ang tumawag. Agad kong dinampot ang cellphone at sinagot ang tawag. "Boss, may report ako tungkol kay Andrea," diretsong sabi ng tauhan ko sa kabilang linya. Napakunot ang noo ko. "Ano?" "Hindi siya nagpapakita ng anumang kakaibang kilos, pero may nakausap siyang isang lalaki kanina sa isang coffee shop. Base sa nakuha naming impormasyon, abogado ito." Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. Abogado? "Alamin mo kung sino siya at kung anong pinag-usapan nila," malamig kong utos. "Ayokong may makialam sa kasal ko bukas." "On it, boss. Ipapadala ko sa'yo ang detalye sa loob ng isang oras." "Good." Pagkababa ng tawag, tumayo ako at lumapit sa bintana. Mula roon, tanaw ko ang malawak na lungsod, pero sa isipan ko, isa lang ang iniisip ko—si Andrea. Ano ang binabalak niya? At bakit kailangan pa niyang kausapin ang isang abogado? Muling nag-ring ang cellphone ko. Agad ko itong sinagot. "Boss, may update ako," seryosong sabi ng tauhan ko. "Ano?" malamig kong tanong. "Ang lalaking kausap ni Andrea kanina ay si Atty. Manuel Ramirez. Isa siyang corporate lawyer—at base sa impormasyon namin, may koneksyon siya sa Curtiz family." Napakuyom ako ng kamao. Curtiz family? "May nakuha ba kayong detalye kung anong pinag-usapan nila?" tanong ko, pilit pinapanatili ang malamig na tono ng boses ko. "Pasensya na, boss, pero hindi namin marinig ang usapan nila. Ngunit pagkatapos ng meeting nila, umalis si Andrea na halatang masama ang loob." Naningkit ang mga mata ko. Masama ang loob? Ibig sabihin, hindi pumabor sa kanya ang pinag-usapan nila. "Ano ang hinala mo?" tanong ko. "Posibleng humihingi siya ng tulong para pigilan ang kasal mo, pero hindi siya natulungan ng abogado." Malamig akong napangiti. Kung gano'n, desperado na siya. "Patuloy mo siyang bantayan," utos ko. "Ayokong magkaroon ng aberya bukas." "Yes, boss." Pagkababa ko ng tawag, tumingin ako sa mga papeles ng kasal na nasa lamesa ko. Andrea, kahit anong gawin mo, hindi mo na mababago ang desisyon ko. Bukas, si Kara Smith Curtiz ay magiging isang Montero. At sisiguraduhin kong walang sino man ang makakapigil doon.Chapter 418Demon POVIto ang kinatatakutan ko… kaya ayaw na ayaw kong galitin si Jas—dahil buhay ang kapalit.Hindi siya basta-basta pumapatay para lang magpatahimik. Kapag gumalaw si Jas, may rason, at siguradong wala nang makakatakas.Ngayon, nakikita ko na naman ang tingin niyang iyon… malamig, walang emosyon, at nakatutok lang sa isang bagay—paghiganti.Kung ako ang kalaban, mas pipiliin ko pang tumakbo sa gitna ng bagyo kaysa harapin siya sa ganitong estado.Alam kong sa bawat hakbang niya ngayon, parang may dumadagundong na orasan sa paligid—bilang ng segundo bago bumagsak ang hatol.Tahimik lang siya, pero ramdam ko ang tensyon sa hangin.Si Cherie, alam din ang ibig sabihin nito; nakita ko kung paano siya bahagyang huminga nang malalim, parang naghahanda na rin sa nalalapit na salpukan.Sa teritoryo ni Damian, walang lugar para sa mahina.At ngayong galit si Jas… wala ring lugar para sa awa.Hanggang nagsalita ito, malamig at mababa ang boses na parang gumagapang sa ilalim ng
Chapter 417Cherie POVHumigpit ang kapit ko sa baril habang patuloy ang palitan ng putok sa paligid. Ramdam ko ang tibok ng puso ko—mabilis, pero kontrolado. Hindi ako puwedeng matinag, hindi ngayon na alam kong nasa bingit kami ng kamatayan.Sa bawat paglingon ko, sinusuri ko ang kilos ni Elias. Masyado siyang kalmado, parang may alam siya na hindi pa niya sinasabi. At kung tama ang kutob ko, siya ang susi sa makakaligtas kami… o siya mismo ang dahilan ng kapahamakan namin.May dalawang lalaki ang sumulpot mula sa gilid. Hindi na ako nag-aksaya ng bala—isang mabilis na slide sa sahig, inikot ko ang katawan, at dalawang putok ang pinakawalan. Tumama. Wala nang oras para mag-alinlangan.“Keep moving!” sigaw ko kina Jas at Jacob. Hindi ako natatakot mamatay… pero hindi ako papayag na mamatay kami nang walang laban.At habang patuloy ang putukan, ramdam kong mas lalong humihigpit ang bitag na pumasok kami.Bumigat ang hangin—hindi lang dahil sa usok ng pulbura, kundi dahil ramdam ko na
Chapter 416Sa bawat segundo, lalong lumalakas ang ugong ng motor. Hindi ito bangka—mas malalim at mas matinis ang tunog.“Jet ski…” bulong ni Demon, nanlilisik ang mga mata. “Mas mabilis sila sa atin.”“Hindi sila makakadaan nang madali sa makipot na pasok ng ilog na ’to,” sagot ni Elias habang patuloy na nagsasagwan. “Pero maghanda kayo. Kapag lumitaw sila, hindi na natin maiiwasan ang putukan.”Hinugot ko agad ang aking baril, ramdam ang lamig ng bakal sa palad ko. Si Cherie naman ay mabilis na nag-reload ng kanyang rifle.Sa di-kalayuan, lumitaw ang dalawang jet ski, sakay ang apat na lalaki na naka-itim at may suot na tactical vest. Isang tingin pa lang, alam kong hindi basta-basta ang mga ito—mga sanay pumatay.“Jas, ikaw sa kanan. Demon, sa kaliwa. Ako sa gitna,” mabilis na utos ni Elias.Bago pa sila makalapit, biglang may narinig akong pamilyar na tunog sa unahan—click… kasunod ng mahinang ugong na parang mula sa ilalim ng tubig.“Mine trap?” tanong ko, nakakunot ang noo.Ngu
Chapter 415Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi dahil sa takot, kundi sa excitement ng paparating na laban.Si Demon ang unang gumalaw—isang mabilis na side step at tinamaan niya ng matinding siko ang panga ng kalaban sa kaliwa. Bumagsak agad ito na parang pinutol ang kuryente sa katawan.Si Cherie naman ay gumamit ng diskarte—isang mababang ikot, sinipa ang tuhod ng isa, sabay suntok sa sikmura. Umubo ito nang malakas bago mawalan ng malay.Dalawa na lang ang nakatayo, at ako ang hinarap nila.Ang una, sumugod nang mabilis, pero hinawakan ko ang baril niya, pinaikot ang braso niya, at isang CRACK!—nabali. Bago pa makareact ang isa, inihagis ko ang unang kalaban papunta sa kanya. Sabay kaming umabante ni Mr. Crus para tapusin sila.Sa loob ng ilang segundo, wala nang nakatayo sa harapan namin.“Walang takot, sabi ko sa’yo,” bulong ko kay Mr. Crus na nakangiti lang at tumango.Pero bago kami makagalaw ulit, biglang tumunog ang malakas na alarm sa buong gusali.“Uh-oh,” ani Demon. “Mukh
Chapter 414 Ngumisi siya, ngunit malamig, walang init ng pagkilala. "Maraming bagay ang hindi mo pa alam. At kung hindi kayo maingat, baka hindi lang clone ang problema natin—baka mas malalim pa." Ramdam ko ang bahagyang pagpitik ng mga daliri ni Demon sa tabi ko, hudyat na handa siya kung sakaling may biglaang mangyari. Si Cherie naman ay hindi na inaalis ang kamay sa hawak niyang armas. "Kung gano’n, sino talaga ang dapat naming paniwalaan?" tanong ko, halos bumulong. Tumikhim siya at tumalikod, tinapik ang mesa kung saan may nakakalat na mga mapa at litrato. "Sasagot ako… pero hindi dito. Maraming matang nakatingin." Sa sandaling iyon, mas lalo akong naguluhan—at mas lalong dumami ang tanong kaysa sagot. Pero nagkatinginan kami nina Demon at Cherie nang biglang magsalita siya ng mahina, halos pabulong pero malinaw ang bigat ng tono. "Maghanda kayo… alam na nila andito na kayo. Pumunta kayo sa may kusina, may makikita kayong carpet doon. Tanggalin ninyo at buksan ang dalawang
Chapter 413Parang tumigil ang oras nang makita ko ang anyo ng matanda sa bintana. Nanginginig ang kamay ko habang nakapikit sandali, pinipigilan ang sarili na sumugod agad.Pero bago pa ako makagalaw, isang presensya ang biglang sumulpot sa perimeter. Mula sa dilim, may lalaking dahan-dahang naglakad papasok sa compound—matangkad, naka-itim mula ulo hanggang paa, at may hawak na mahabang kutsilyong kumikislap sa ilalim ng buwan.“Target spotted,” bulong ni Demon sa earpiece. “Hindi yan ordinaryong bantay… kilala ko ‘yan. Elias Cruz—dating top assassin ng Red Roses. Dangerous man, Jas. Kung nandito siya, ibig sabihin may mas malalim na misyon ang mga taong humahawak sa tatay mo.”Ramdam ko ang malamig na pawis sa batok ko. Kilala ko ang reputasyon ni Elias—walang nakakatakas sa kanya, at wala siyang sinasanto.“Abort or proceed?” tanong ni Cherie, bakas ang kaba sa boses.Hindi ako sumagot agad. Pinagmamasdan ko si Elias na ngayon ay papalapit sa mismong bintana kung saan ko nakita an