Share

Chapter 6

Author: Crescent
last update publish date: 2026-09-10 11:13:57

Matapos ang ilang araw ng paghihintay, sa wakas ay nakatanggap si Lily ng tawag mula sa mga kompanyang kanyang inaplayan, kahit natingga at hindi niya nagamit ang kanyang talento sa pagdidisenyo sa loob ng dalawang taon bilang mabuting maybahay ni Gino ay hindi pa rin matatawaran ang kanyang galing sa pagdidisenyo base sa mga portfolio na ipinasa niya sa iilang kompanya.

“This is it! This is my chance na e-prove sa lahat, lalong-lalo na kay Gino na kaya kong magtagumpay kahit wala siya, I wasted my two years loving him, caring for him pero hindi man lang niya nakita lahat ng yun,” madamdaming sambit ni Lily matapos makatanggap ng tawag.

Sa unang pagkakataon, nakaramdam ng sigla ang puso si Lily na tuparin ang naudlot niyang pangarap noon. Pinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para magtagumpay, hindi para kay Gino kundi para sa sarili niya.

“Iba ang aura mo ngayon ah, anong meron? “ tanong ni Sussie ng dumating ito galing trabaho at nakita siyang puno ng sigla habang nagluluto sa kusina.

“Wala, masaya lang ako dahil tinawagan ako ng mga inaplayan kong kompanya para sa job interview, akalain mo yun, tatlong sunod-sunod na tawag ang natanggap ko mula sa iba't-ibang kumpanya para sa interview,” nakangiting sambit niya.

“Wow! magandang balita yan, I’m happy for you Lily, then in that case, kailangan nating maghanda, bukas na bukas din sasamahan kitang mamili ng mga damit na pwede mong isuot para sa job interview mo.”

“Naku,huwag na, may mga damit akong pwedeng isuot no, ayokong maabala ka pa,” tanggi ni Lily.

“ Hindi, pwede! You are going to enter into the corporate world, ika nga, you have to dress to impress. Kaya don’t worry, dahil ako ang bahala sayo, okay? wika ng kaibigan sabay kindat sa kanya.

Kinabukasan, sinamahan nga siya ni Sussie na bumili ng iilang business suit para sa kanyang interview, mukhang mas excited pa ito sa kanya at tinulungan pa siya sa paghahanda para sa kanyang nalalapit na panayam.

Napangiti siya, sa tulong ni Sussie, unti-unti niyang nakakalimutan ang sakit na dulot ni Gino. Kahit pa paminsan-minsan naalala niya ito at kung paano niya ito minahal noon, ngunit agad siyang nakakaramdam ng poot pag sumisingit ang mukha ni Maggie na kasama si Gino.

Ewan ba niya, kahit pa sabihing wala namang pag-uusap na namagitan sa kanila ni Maggie, pero naiinis siya sa tuwing naalala ang babae. Pakiramdam niya nanliliit siya sa sarili kapag naalala ito. Parang pinupukaw nito ang sakit sa kanyang puso, ang uri ng sakit na nag-udyok sa kanya para bumangon, humanap ng trabaho na pwede niyang ipagmalaki sa kanyang sarili at pawiin ang lahat ng bumabagabag sa kanyang isipin.

Dumaring ang araw ng kanyang interview, suot ang business suit na binili ng kaibigan, confident siyang humarap sa grupo na mag-iinterview sa kanya. Inagahan talaga niya ang pagpunta sa kompanya, para hindi siya mahuli sa oras ng kanyang interview. Kaya eksakto alas nuebe ay nasa harap na siya ng mga interviewer dala kanyang resume at inihandang porfolio ng kanyang mga bagong designs.

“Miss Delfin, this past two years after your graduation, ano ba ang naging trabaho mo?” tanong ng nag-interview sa kanya habang sinisipat ang kanyang resume.

Hindi na nagulat si Lily sa tanong, medyo inasahan na niya ito, sa kanyang resume, wala siyang inilagay na job experience, dahil wala naman talaga siyang trabaho sa loob ng dalawang taon kundi ang maging maybahay ni Gino.

“After graduation, nag-asawa po ako,” medyo nahihiya at tipid niyang sagot.

“Ibig sahinin, you are married and don't have any job experience, I’m sorry to tell you this Miss Delfin, siguro kung after graduation ay nag-apply ka sa kompanya, may chance that you will be hired, but for now we can’t hire you. We are very sorry,” wika nito at iniabot sa kanya ang folder na naglalaman ng kanyang resume at portfolio.

Nanlumo si Lily sa narinig, hindi niya maintindihan na tinanggihan siya agad, dahil lang sa may-asawa siya at walang job experience, ni hindi man lang tinanong kung ano ang kaya niyang gawin. Nasa resume niya lahat ng mga achievements niya, mga project na natapos niya noong nag-aaral pa siya. Alam niyang she is capable for the job, kaya nga pinatawag siya for interview dahil nakita ng mga ito sa ipinasa niyang application na may potential siya. Yun ang pinanghahawakan niya ng makatanggap siya ng tawag .

“I know, I don't have have a real job experience, pero tingnan nyo naman sana ang kakayahan ko, nakasaad sa resume ko ang lahat ng tungkol sa akin, nag-asawa lang ako pero hindi ibig sahinin nun, na hindi na ako capable sa trabaho,” protesta niya.

Kaya niyang tanggapin, kapag tinanggihan siya dahil sa wala siyang alam sa propesyon na kanyang inaplayan, pero malinaw sa resume niya na may kakayahan siya, nagtapos siya sa kursong naayon sa trabahong gusto niyang tapusin. Kaya para sa kanya Isang mababaw na dahilan na tinanggihan siya dahil lang sa wala siyang experience sa trabaho sa kompanya at kasal siya.

“Miss Delfin, may rules ang company na ‘to. Since, you are married, at eventually ay magbubuntis ka at magkakaroon ng anak ay maapektuhan ang trabaho sa company mo kapag nagkataon. The company won’t hire people na magiging pabigat lang sa kompanya.”

Pagkatapos magsalita ng tagapanayam ay tumayo ito at sinensayaan ang assistant nito na pwede na siyang umalis at papasukin ang susunod na aplikante.

Walang nagawa si Lily kundiang lumabas ng kwartong iyon. Sinabi na lang niya sa kanyang sarili na minalas siya ngayong araw, na pinatawag lang siya ng kompanya para mapunan ang bilang ng mga applicants sa araw na iyon. Sa isip niya may sunod pa naman siyang interview sa ibang company at umaasa siya baka palarin na siya sa susunod.

Ngunit ganun na lang ang panlulumo niya na hindi rin siya natanggap sa pangalawa at pangatlo pa niyang interview na pinuntahan. At ang nakakainis sa reception pa lang ng kompanya sinabihan na siya ng receptionist wala ng bakanteng ni hindi pa nga siya tapos makapagsalita at dumaan sa proseso ng interview.

Bumagsak ang balikat niya sa pangyayari, tila lahat ng kumpiyansa niya sa sarili at ang siglang naramdaman niya ay lahat naglaho sa Isang iglap.

Kinagabihan, pag-uwi niya sa apartment ni Sussie, pagpasok pa lang niya sa p***o ay sinalubong na siya ng mabangong amoy ng pagkain. Masaya siyang sinalubong ni Sussie dala ang isang maliit na strawberry cake at nagpaikot-ikot pa ito sa harapan niya na puno na puno ng sigla.

“Congratulations sa bago mong journey Lily! Now that you are starting a new career in life, sana magtagumpay ka sa trabaho at someday ay maging isa kang sikat na designer at pagsisihan lahat ni Gino ang pambabalewala niya sayo,” masiglang sambit ni Sussie.

Napatigil si Lily sa pagsuot ng tsinelas at malungkot ang mukha na humarap sa kaibigan. Medyo nailang siya at nakaramdam na hiya kay Sussie.

Nang maramdaman ni Sussie na may mali sa hitsura ng kaibigan , ipinatong niya ang cake sa mesa at nilapitan si Lily.

“What’s wrong? Anong nangyari sa interview mo?”

Pilit na ngumiti si Lily at bahagyang umiling, na tila ba walang big deal na nangyari sa buong araw, na minalas lang talaga siya at baliwala sa kanya ang lahat.

“Wala, hindi ka na sana nag-abala pa, hindi naman ako natanggap sa trabaho, sinayang mo lang ang pera sa pagbili nitong cake,” medyo malungkot na wika niya.

"Paano nangyari iyon?" gulat na bulalas ni Sussie

“Pinatawag ka for interview, ibig sabihin, malaki ang chance mo na makapasok. Isa pa, maganda ang records mo sa school at nagtapos ka pa sa isang prestigious university, kahit pa sabihing wala ka pang job experience, malaki naman ang potencial mo at napaka-talented mo pa. Bulag ba silang lahat para hindi nila makita ang nakalagay sa resume mo at mga pofrfolio mo.”

Matapos makapagpalit ng tsinelas ni Lily ay hinila niya si Sussie papunta sa dining table at pinaupo sa bakanteng silya.

“Baka lang malas ako ngayong araw na ‘to. May dalawang interview pa naman ako, malay mo baka sa mga susunod na kompanya ang swerte ko, hindi naman ako nagmamadali,’ turan niya sa kaibigan.

Gayunpaman, nadidismaya siya kapag naiisip niya si Maggie, kaedad niya lang ito pero successful na ito. Vice president na ito ng Tan Group ngayon, habang siya ay nahihirapan pang makapasok sa trabaho.

“Anong dalawang kompanya ang may interview ka pa? Sabihin mo nga sa akin,” tanong ni Sussie na kinuha ang cake at sinimulang hiwain.

“Crown at Miller,” ang dalawang kompanyang kilalang kilala sa buong BGC.

Malaki naman ang mga kompanyang tumanggi kay Lily kanina, pero ikumpara sa dalawang kompanyang kanyang nabanggit walang panama ang mga ito. Hindi tuloy maiwasan ni Lily ang makaramdam ng lungkot, tila ba ang liit ng tsansa niya na makapasok sa ganoong klaseng tanyag at namamayagpag na kompanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE COWARD HUSBAND'S SHAME:THE OBEDIENT WIFE HE NEVER VALUED   CHAPTER 50

    Nag-aalala si Lily para kay Hector; bawat dagdag na araw na ginugugol ni Hector sa bilangguan ay isang labis na pagpapahirap para sa kanya. Awang-awa siya kapatid ngunit ayaw niyang makitungo ng masyado sa pamilya Delfin. Kung hindi lang dahil sa kapatid niya, ayaw na niyang magkaroon ng ugnayan sa mga ito.Masyado ng naghirap ang kapatid niya at tiyak na mabubulok ito sa bilangguan kung wala siyang gagawin. Alam niyang kahit mag apila pa sila, alam niyang hindi sila titigilan ng pamilya ng namatayan. Lalong-lalo na ang mag-asawang Zamora.Kaya, kahit na hindi madali ang sitwasyon ay napagdesisyunan ni Lily na makipag-usap sa pamilya Zamora at makipag-areglo. Ngunit napagtanto niya na hindi madaling pakitunguhan ang pamilya Zamora.“Easy for you to say Miss Delfin, pero hindi ganun kadali ang lahat. Gusto mong makipag-areglo? Huh! Nawalan kami ng isang myembro ng pamilya, samantalang buhay na buhay ang kapatid mo at maliit na galos lang ang mayroon siya. Hindi kami makakapayag na ma

  • THE COWARD HUSBAND'S SHAME:THE OBEDIENT WIFE HE NEVER VALUED   CHAPTER 49

    Sa loob ng dalawang taon, hindi kailanman hiniling ni Gino ang opinyon ni Lily. Those years naging sunod-sunoran siya sa lahat ng mga desisyon nito.At ngayon, sa unang pagkakataon, nawala ang karaniwang kalmado sa malinaw na itim at puting mga mata ng lalaki. Naging seryoso ang kaniyang ekspresyon, at sa likod ng tahimik niyang titig ay may matinding pagnanais na pilit nitong kinokontrol. Bahagyang napakurap si Lily sa nakikitang emosyon sa mga mata ni Gino. Sa isang iglap kumalabog ng malakas ang kanyang puso. “Lily,” anas nito sa pangalan niya.Parang napipi siya sandali at hindi makapagsalita, at basi sa mga titig ni Gino sa kanya, ang kanyang pananahimik ay nagpapahiwatig ng kanyang pag sang-ayon sa gusto nitong mangyari.Marahan itong lumapit sa kanya, at hindi niya mapigilan ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso habang palapit ito ng palapit.Hindi ito ang unang pagkakataon na tinukso siya ni Gino. Paminsan-minsan noon ay tinutukso niya ito sa kama, at nagsasabi ng ilang

  • THE COWARD HUSBAND'S SHAME:THE OBEDIENT WIFE HE NEVER VALUED   CHAPTER 48

    Handa si Gino na magpakumbaba, kahit nangangahulugan iyon na kailangan niyang lunukin ang sariling pride.Ngunit inamin niya sa sarili na hindi siya masaya sa nangyayari. Sa halip, unti-unting dumilim ang kanyang mga mata. Sobrang lalim ng lungkot at bigat na sumilay roon, para bang anumang sandali ay maaari nang tumulo ang mga luhang matagal niyang pinipigilan.Handa ba talaga siyang tiisin ang ganitong kahihiyan? Ang ibaba ang kanyang sarili at isantabi ang lahat ng kanyang dignidad, para lang maibigay ang ang hinihingi nitong diborsyo?Sa sandaling iyon, hindi niya alam kung alin ang mas masakit, ang makita itong handang magpakumbaba, o ang malaman na ganoon na lamang katindi ang kagustuhan nitong tuluyang makawala sa kanya.Bahagyang naniningkit ang kanyang maitim na mga mata habang marahang kinuskos ang dial ng kanyang relo gamit ang kanyang mga daliri.Pagkatapos ng ilang sandaling pag-aalinlangan, sinabi niya sa mahinahong boses.“Before that, bago ko pirmahan ang mga papeles

  • THE COWARD HUSBAND'S SHAME:THE OBEDIENT WIFE HE NEVER VALUED   CHAPTER 47

    Walang gaanong sasakyan sa kalsada nang gabing iyon, tahimik ngunit nakakakilabot ang tensyon sa pagitan ng dalawang lalaking mahinang nag-uusap sa kalye, pero dinig na dinig nila ang bawat isa.Biglang kinibot ni Gino ang gilid ng kanyang mga labi. Kahit nakangiti ito, pero kitang-kitang ang lamig sa mga mata nito.“Anong klaseng hilig ba mayroon si Mr. Sterling? He seems to have a particular fascination with visiting another man’s wife in the middle of the night. Hindi ba niya naiisip kung gaano ka-questionable ang ginagawa niya? What kind of man deliberately goes to a married woman’s house at such an hour, unless, of course, may iba siyang pakay?” mariing sambit ni Gino.Hindi man sila matagal na magkakilala at halos wala silang pinagsamahan noon, sapat na ang mariing pagbigkas ng pangalang “Mr. Sterling” para sa isang iglap ay magbago ang lahat. Na para bang mula sa pagiging magkaibigan ay naging magkaaway sila.“Gino Tan, bigyan mo naman siya ng kaunting kalayaan at pribadong buh

  • THE COWARD HUSBAND'S SHAME:THE OBEDIENT WIFE HE NEVER VALUED   CHAPTER 46

    Medyo disappointed si Ms. Sarah sa nangyaring usapan nila ni Mr. Tan, ang buong akala nito ay napakataas lang ng standards nito kaya ganun ito kung magsalita, kaya hindi nito napansin na may mali o may kakaibang nangyayari. Na kaya hindi ito sumama ng magyaya ang girlfriend nitong si Maggie na kumain sa labas dahil lang sa busy ito sa trabaho. Pero si Maggie lang ang nakakaalam na nagmamadali si Gino dahil sa hinabol nito si Lily. Kanina pa nito napansin ang kakaibang tingin ni Gino kay Lily."Tara na sa loob,” aya ni Maggie kay Ms. Sarah ng makaalis si Gino.May pagka-taksilá at mayabang si Ms. Sarah, pero kailangan pa rin niyang pakisamahan ito. Alam niyang maaari niyang gamitin si Ms. Sarah para makontrol si Lily. Napansin din niyang mukhang hindi nito gaanong gusto si Lily, kaya kailangan niyang pagtiisan ang ugali nito at panatilihing maayos ang pakikitungo sa babae.“Okay, tara,” sagot ni Ms. Sarah at sabay silang pumasok sa loob ng restaurant.Samantala, mag-aalas-otso na n

  • THE COWARD HUSBAND'S SHAME:THE OBEDIENT WIFE HE NEVER VALUED   CHAPTER 45

    Hindi alam ni Gino, pero sa tuwing pumapasok sa isip niya ang eksena noong nakaraang araw, kung saan ipinagtanggol ni Adrian Sterling si Lily ay hindi niya maiwasang makaramdam ng inis. Para bang may kung anong bagay sa tagpong iyon na hindi niya matanggap.Kahit hindi niya narinig ng malinaw ang mga salita nito, but he could still hear the gentleness of Adrian's voice, at ang pabulong na sagot ni Lily na parang may kakaibang lambing sa pandinig niya ay lalong nagpagalit sa kanya.Ibang-ibang sa malamig pakikitungo ni Lily sa kanya nitong mga nakaraang araw. “Tell me Lily, what's going on between you and Adrian Sterling. Is he the one pulling the strings behind your back?” wika nito sabay hablot sa baywang ni Lily.“Gino Tan! Anong kalokohan ang pinagsasabi mo? Bitawan mo nga ako. You are going too far,” singhal niya sa lalaki.Hindi inasahan ni Lily na susundan siya ni Gino sa kwarto para kumuha ng measurements.Nagpupumiglas siya, ngunit habang gumagalaw siya, lalo lang humihigpit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status