INICIAR SESIÓNMALING AKALA
Pagkatapos nang ilang minuto, isang pink minivan ang huminto sa harapan ng western restaurant kung saan tumugtog si Lily. Maya-maya lang ay bumukas ang p***o ng sasakyan at unang lumabas sa p***o ang binti ng isang babae na nakasuot ng pink stiletto heels, ilang sandali pa ay tuluyang lumabas ang buong pigura ng isang babae na may magandang hubog ng katawan, wearing pink pencil skirt na hanggang tuhod ang iksi at pink haute couture blouse. She’s absolutely beautiful, her dark sharp eyes ay diritsong nakatingin sa entrance ng restaurant. Nang mapansin nito si Gino ay biglang nagliwanag ang mga mata nito, naging demure ito bigla na para bang isang anghel na hindi makabasag pinggan, kitang-kita niya ang paghanga at pagmamahal sa mga mata nito habang nakatingin kay Gino. At nang bumaling ang tingin nito sa kanya, bahagyang tumikwas ang dulo ng labi nito, parang bang may kunting ngisi ng panunuya at pagka-disgusto. Ito ang unang beses na nakita ni Lily ang babae ng harap-harapan. Mas malakas ang presinsya nito kaysa doon sa video na nakita niya. Ito na nga si Maggie, ang itinatagong babae at kalampungan ni Gino sa hotel.Parang isang matalim na kutsilyo ang klase mga titig nito sa kanya, na para bang tinutusok ang bawat parte ng mukha niya. Pakiramdam niya ay alam nito ang paghihiwalay ni Gino. Maya-maya lang ay naglakad ito papunta sa entrance, umiindayog ang baywang nito sa bawat paghakbang gamit ang mataas na takong na sandalyas na suot nito. She's very sophisticated and stunning. Nang makalapit sa kinaroroonan ni Gino, agad nitong kinuha ang sigarilyo sa bibig ni Gino na isinubo nito ulit matapos itapon at apakan ang isa kanina, na parang bang natural na gawain na niya iyon. “Ilang ulit ko bang sabihin sa'yo na smoking is bad to your health, stress ka na naman ba, kaya naisipan mong manigarilyo ulit?” may galit pero may lambing na saway nito kay Gino. She acted like, na parang pagmamay-ari nito ang lalaki at nagsasama sila sa iisang bubong. Nakita iyon ng ilang kakilala ni Gino na palabas ng restaurant at ang isa sa kanila ay bumanat ng isang biro, mukhang iba ang pagkakaintindi nito sa ka nakita. “Mangyari at dumating na pala ang tagapangalaga ni Mr. Tan, ito lang ang masasabi ko, listen to her kung ayaw mong matulog ng mag-isa sa gabi,” sambit nito sabay tawa. Binalingan ito ni Gino, tumango at ngumiti ng tipid, tila proud na proud sa pag-iistema ni Maggie dito. Parang ipinapakita nito na napaka-espesyal ng babae para dito. Ni hindi man lang ipinaliwanag na mali ang akala nito. “Kung mananatili ka pa ng matagal dito, maybe Maggie and I can you show around Mr. Miller, for the sake of our partnership of course.” turan ni Gino at magiliw na nginitian si Maggie. “Of course! It's my pleasure!” sagot naman ni Maggie at malapad na ngumiti. “I appreciate the offer, pero huwag na, ayokong makaabala kay Mrs. Tan, or should I say sa inyong dalawa, ayokong maka-istorbo sa inyong dalawa,” bahagyang umiling ito sabay ngitii ng malapad at nakisabay na rin sa paggawa ang iba pang kalalakihan na kasama nito. Nagbiruan pa ang mga ito sa harapan niya, ang bawat salita, tawa at halakhak ng mga ito ay tila isang matalim na kutsilyo na bumabaon sa puso ni Lily. Harap-harapan na ipinamukha ni Gino sa kanya na wala siyang halaga para dito, that she's nothing compared to Maggie. Matalim niyang tiningnan si Gino, paano nito nagawang aminin sa mga kasosyo nito sa negosyo na si Maggie ang asawa nito, samantalang nasa tabi lang nito ang tunay nitong asawa? Nanliit siya sa kanyang sarili, hindi man lang siya kayang ipakilala ni Gino. Ilang minuto pa lang ang lumipas nang sinabi nitong asawa pa rin siya nito, na kasal pa siya dito, pero paanong sa isang iglap, biglang nagbago ang lahat, dumating lang si Maggie ay nakalimutan na nito ang mga binitawang salita? Galit na galit pa ito kanina, pero biglang napawi ang galit nito ng makita si Maggie. Maggie is really precious to him and that makes her heart bleed even more. Nasa ganoong siyang pag-iisip at nakatulala ng kunin ni Mr. Miller ang atensyon niya. Hindi niya namalayang nakalapit na pala ito sa kanya. “Miss Lily, you perform well kanina sa loob, gusto ko pa sanang manatili ng matagal to know you better but I have some urgent matter to deal with, maybe next time, I guess this is not the last na magkikita tayo, but for now I have to go,” sambit nito bago ito tumalikod. Wala sa loob na tumango si Lily pero ang mga mata niya ay nakatuon sa dalawang tao sa harapan niya, nakita niyang may ibinulong si Maggie kay Gino, malapad namang ngumiti si Gino at hinawakan ang maliit na baywang ng babae habang interesadong nakikinig sa ibinubulong nito. Pagkatapos ay masaya itong kumaway kay Mr. Miller ng papasok na ito sa sasakyan. “Ingat kayo sa byahe Mr. Miller,I'm sure magkikita pa tayong muli,” tila pinandigan nito na ito si Mrs.Tan, ang tunay na asawa ni Gino na hindi man lang pinabulaanan ni Gino. Matamang pinagmasdan ni Lily ang kabuuan ni Maggie, at inamin niya sa sarili na bukod tangi ang taglay nitong karisma, kahit sinong lalaki ay mahuhumaling dito, siguro kaya ito nagustuhan ni Gino dahil kaakit-akit naman talaga ito at pinong-pino kung kumilos. Pero siya ang pinakasalan nito at ginawang full time na may bahay at hindi ito. Nanghihinayang siya ng maalala ang nakaraan, noong college days niya, she had won many awards,, lahat nagsasabing malayo ang mararating niya, na may brighter future na naghihintay sa kanya. Gayunpaman, nang makapagtapos siya, binaliwala niya ang magandang kinabukasan na naghihintay sa kanya at pinakasalan si Gino at naging mabuting may bahay nito. Nilukob ng lungkot ang puso niya ng maalala ang nakaraan, tila tumagos iyon hanggang kaluluwa niya. She spend years loving him for nothing. Hindi niya namalayang nakatingin si Gino sa kanya, at kitang-kita nito ang ekspresyon ng mukha niya, ang kalungkutan, ang panghihinayang at ang sakit na tila tumutusok sa kaibuturan ng puso niya.“Aray ko! Mamat*y na yata ako,” malakas na daing ng abuela ni Gino habang nakahawak sa kanyang noo at bahagyang nakasandig sa mahabang sofa sa loob ng ancestral house ng mga Tan.Nakatingin dito si Gino na puno ng pag-alala. Bumisita ito sa matanda ng mabalitaang may dinaramdam ito.“Lola, sabihin mo sa akin, ano ba talaga ang nangyari?” puno ng pag-alalang tanong nito.“Nitong mga nagdaang araw, dinalaw ako ng Lolo mo sa panaginip, kumakaway siya akin, sinusundo na yata ako, alam mo bang hindi na ako nakakain ng maayos sa kakaisip sa Lolo mo, samantalang ikaw ay wala man lang oras para dalawin ako,” alburuto ng matanda sa apo.“Lily,” sambit ng matanda ng mapansin nito si Lily. Nandun siya dahil nag-alala din siya sa kalagayan ng matanda, kahit papano ay magiliw ito sa kanya, kaya kahit galit pa siya kay Gino ay hindi niya matiis ang abuela nito.Napalingon si Gino sa kanya at tinitigan siya ng matagal, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakaramdam siya ng konting hi
Sa loob ng western restaurant kung saan pansamantalang tumugtog si Lily. Ang buong silid ay nababalot ng nakakasilaw na ibat ibat liwanag. Magkaharap na nakaupo sina Gino at Maggie sa isang square table habang pinagsisilbihan ng waiter. Binuksan ng waiter ang isang bote ng red wine at sinalinan ang decanter, the brownish red liquid refract the light at ang liwanag nito ay tumama eksakto sa maliit na bahagi ng katawan ni Gino. His sharp features reflected the sense of ease and his narrow elongated eyes ay nakatuon sa piano sa di kalayuan na sinundan ng tingin ni Maggie.“Nakapagtataka, bakit walang tumutugtog ng piano ngayon?” sambit ni Maggie, patunay na pamilyar ito sa lugar.Nakasuot si Maggie ng kulay pink na bestida, ang mahaba at kulot nitong buhok ay nakalugay hanggang likod. Kumpara sa suot nitong pang-opisina kanina mukha itong kaayaya at sopistikadang tingnan.Bahagya itinaas ni Gino ang kilay sabay kibit balikat, habang nakatuon pa rin ang mga mata sa piano.“Hindi
Pagdating ng bahay, sinalubong kaagad si Lily sa kanyang ina. Napatingin siya sa kanyang ina, na gaya ng dati ay nagsasalita sa tonong mapang-asar habang ang mga mata ay puno ng pangungutya.“Tungkol na naman ba ito kay Gino? What are you complaining this time?” tanong ng ina.“Don’t be so naive Lily,” dagdag pa nito, alam niyang sesermonan na naman siya ng inaNoon pa man ganito na ito sa kanya, sanay na siyang palaging pinagsasabihan, sanay na siyang palaging senesermonan.“Ilang beses ko nang sinabi sayo, hindi madali ang trabaho ng asawa mo. Kailangan mong matutong maging mahinahon at maunawain, hindi yung kunting di pagkakaunawaan lang naasar ka na agad, at tapos ano?”Sa nakalipas na dalawang taon, sa tuwing nagrereklamo siya sa malamig na pakikitungo at pambabalewala ni Gino sa kanya ay pare-pareho lang ang sagot sa kanya ng ina. Nagtataka siya kung anak ba talaga ang turing ni Linda Delfin sa kanya. Gayunpaman, sa loob ng dalawang taon ay nagawa niyang magtiis dahil n
Hindi inasahan ni Lily na mag-krus ang landas nila ni Maggie sa loob ng kompanya. Ng pumasok siya sa CEO’s office wala siyang nadatnang tao sa loob. Wala ang CEO maging ang assistant nitong si Joy. Inilapag niya ng dalang folder sa desk at ang paper bag na may lamang meryenda at naupo sa visitor’s chair habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng opisina. Bigla siyang napatuwid ng tayo ng maramdam ang pagbukas ng pinto ng opisina,inasahan niyang si Gino iyon pero bahagya siyang natigilan ng si Maggie ang iniluwa ng pinto.“Oh, I didn't expect that I would see you here Lily, waiting for Gino perhaps at magmamakaawa ng tanggapin ka niya pabalik?” agad na hirit nito ng makita siya.“Anuman ang pakay ko dito wala kana dun.’ pasaring niyang sagot.“Oh, is that so? But you know, Gino trust me more than you know, so since nandito ka sa office niya, pwede mong sabihin sa akin ang pakay mo, after all I'm the vice president of this company.”Sa inis ni Lily sa gustong palabasin ni Maggi
Nakatingala sI Lily sa harap ng isang matayog na gusali, sa sobrang tayog nito na tila ba ang tuktok nito ay abot na hanggang ulap ay nakaramdam siya ng pangangalay ng leeg habang nakatingin dito. Ito ang unang beses na tumapak siya sa harap ng building ng Tan Group.Alam niyang kung ikukumpara ang katayuan ng pamilya niya sa pamilya ng mga Tan ay wala itong laban. Habang nakatayo sa harap ng gusali at pinagmamasdan ang paglabas- masok ng di mabilang na mga empleyado ng Tan group ay napabuntong hininga si Lily.Noon, hindi niya ugali ang magkumpara ng mga bagay-bagay, lalo na sa estado sa buhay. Pero sa sitwasyon niya ngayon at kasalukuyang katayuan ng pamilya nila na unti-unti ng bumabagsak, ay napagtanto niya na hindi maihahambing ang pamilya Delfin sa pamilya Tan.Pansin niya na maraming empleyadong babae ang Tan group, lahat sila ay nakasuot ng mga prestigious na damit at kapansin-pansin ang ganda ng kanilang mga makeup. Maging ang mga receptionist ay hindi magpapahuli sa ganda
Matapos ang ilang araw ng paghihintay, sa wakas ay nakatanggap si Lily ng tawag mula sa mga kompanyang kanyang inaplayan, kahit natingga at hindi niya nagamit ang kanyang talento sa pagdidisenyo sa loob ng dalawang taon bilang mabuting maybahay ni Gino ay hindi pa rin matatawaran ang kanyang galing sa pagdidisenyo base sa mga portfolio na ipinasa niya sa iilang kompanya.“This is it! This is my chance na e-prove sa lahat, lalong-lalo na kay Gino na kaya kong magtagumpay kahit wala siya, I wasted my two years loving him, caring for him pero hindi man lang niya nakita lahat ng yun,” madamdaming sambit ni Lily matapos makatanggap ng tawag.Sa unang pagkakataon, nakaramdam ng sigla ang puso si Lily na tuparin ang naudlot niyang pangarap noon. Pinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para magtagumpay, hindi para kay Gino kundi para sa sarili niya.“Iba ang aura mo ngayon ah, anong meron? “ tanong ni Sussie ng dumating ito galing trabaho at nakita siyang p







