Pagdating ng bahay, sinalubong kaagad si Lily sa kanyang ina. Napatingin siya sa kanyang ina, na gaya ng dati ay nagsasalita sa tonong mapang-asar habang ang mga mata ay puno ng pangungutya.“Tungkol na naman ba ito kay Gino? What are you complaining this time?” tanong ng ina.“Don’t be so naive Lily,” dagdag pa nito, alam niyang sesermonan na naman siya ng inaNoon pa man ganito na ito sa kanya, sanay na siyang palaging pinagsasabihan, sanay na siyang palaging senesermonan.“Ilang beses ko nang sinabi sayo, hindi madali ang trabaho ng asawa mo. Kailangan mong matutong maging mahinahon at maunawain, hindi yung kunting di pagkakaunawaan lang naasar ka na agad, at tapos ano?”Sa nakalipas na dalawang taon, sa tuwing nagrereklamo siya sa malamig na pakikitungo at pambabalewala ni Gino sa kanya ay pare-pareho lang ang sagot sa kanya ng ina. Nagtataka siya kung anak ba talaga ang turing ni Linda Delfin sa kanya. Gayunpaman, sa loob ng dalawang taon ay nagawa niyang magtiis dahil n
Última atualização : 2026-09-11 Ler mais