تسجيل الدخولNakatingala sI Lily sa harap ng isang matayog na gusali, sa sobrang tayog nito na tila ba ang tuktok nito ay abot na hanggang ulap ay nakaramdam siya ng pangangalay ng leeg habang nakatingin dito. Ito ang unang beses na tumapak siya sa harap ng building ng Tan Group.
Alam niyang kung ikukumpara ang katayuan ng pamilya niya sa pamilya ng mga Tan ay wala itong laban. Habang nakatayo sa harap ng gusali at pinagmamasdan ang paglabas- masok ng di mabilang na mga empleyado ng Tan group ay napabuntong hininga si Lily. Noon, hindi niya ugali ang magkumpara ng mga bagay-bagay, lalo na sa estado sa buhay. Pero sa sitwasyon niya ngayon at kasalukuyang katayuan ng pamilya nila na unti-unti ng bumabagsak, ay napagtanto niya na hindi maihahambing ang pamilya Delfin sa pamilya Tan. Pansin niya na maraming empleyadong babae ang Tan group, lahat sila ay nakasuot ng mga prestigious na damit at kapansin-pansin ang ganda ng kanilang mga makeup. Maging ang mga receptionist ay hindi magpapahuli sa ganda ng kasuotan at palamuti sa mukha. Ang buong gusali ay nagsusumigaw ng karangyaan at kapangyarihan, kaya hindi nakapagtataka na ganun na lang kaliit ang tingin ni Gino sa kanya bilang maybahay nito. Mula sa paghanga sa kanyang mga nakita, itinikom ni Lily ang kanyang mga labi. Biglang nanikip ang kanyang dibdib na tila ba kinapos siya sa paghinga, nakaramdam siya ng hiya at panliiit sa kanyang sarili. Humakbang siya papunta sa gilid ng gusali at kinuha ang phone sa bag at nag-dial ng numero. Agad namang sumagot ang nasa kabilang linya. “Madam” “ Assistant Joy, nandito ako sa baba ng building, pwede bang—” Hindi pa man tapos makapagsalita si Lily ay pinutol na ni Joy ang kanyang sasabihin. “Nasa meeting po ako ngayon madam, I will arrange someone na lang to pick you up.” “Hindi ako…” natigilan si Lily ng biglang naputol ang tawag. Napaawang ang labi niya sa pagkadisamaya. Walang plano na pumasok si Lily sa loob , may gusto lang siyang ipaabot kay Gino at ang assistant nito ang naisipan niyang kontakin. Kahit papano ay magiliw sa kanya ang assistant ng lalaki. Wala pang dalawang minuto, ay may lumabas para sunduin siya at inanyayahan siya sa pagpasok sa loob. “Ma'am, nasa meeting po si Assistant Joy, kaya ako ang inutusan niya na sunduin kayo.” “H-hindi na kailangan, may gusto lang akong ibigay kay assistant Joy na mga dokumento para kay Mr. Tan, at saka itong snacks na ginawa ko,” tanggi niya sabay abot dito sa hawak niyang folder at paper bag na naglalaman ng sopas na ginawa niya. “ Naku! ma’am , pasensya na po kayo pero mahigpit po ang bilin sa amin na hindi kami pwedeng tumanggap ng anumang dokumento para kay Mr. Tan, maaring kayo na po ang magbigay sa assistant niya o kayo na mismo ang mag-abot kay Mr. Tan ng personal.” hinging paumanhin ng sumundo sa kanya at ngumiti ng tipid. “Tara po, at sasamahan ko po kayo sa loob,” dagdag pa nito at iginaniya siya papasok sa loob ng building. Walang nagawa si Lily kundi ang sumunod sa babae ng magpatiuna itong pumasok sa loob. Sa loob ng opisina ng CEO, hindi maipinta ang mukha ni Gino, katatapos lang ng kanyang meeting at mukha itong irritable, kunot ang noo at igting ang mga pangang kinalas ng matipuno nitong mga braso ang suot na kurbata. Ilang beses niya itong hinila bago niya ito tuluyang nahubad. “Mr. Tan, nasa baba po si Madam Lily, pinasundo ko na sa isang empleyado,” wika ni Joy, ang kanyang assistant sabay lapag ng ilang dokumento sa desk ni Gino. Bahagyang napatigil si Gino at bahagyang lumuwag ang salubong nitong mga kilay, biglang sumilay ang munting ngiti sa kanyang mga mata na may bahid ng pangungutya.” “Huh, sinasabi ko na nga ba, at magkukumahog kang babalik sa akin Lily. Ilang araw pa lang ang lumipas at nandito ka ngayon, crawling back to me, I really looked down on you.” sambit ni Gino na may ngiti sa mga labi. “You acted tough ng umalis ka sa poder ko, aaminin ko, I expected na babalik ka pagkatapos ng isang araw. Hindi ko akalaing aabot ng ilang araw bago mo maisipang bumalik. Kung hindi dahil sa tulong ng pakialamera mong kaibigang ni Sussie, tiyak akong hindi ka tatagal ng ganito,” bulong ni Gino sa sarili. “ May another meeting pa kayong naghihintay in ten minutes Mr. Tan, ika-cancel ko ba, ngayong dinalaw kayo ni Madam?” curios na tanong ng assistant. Napaisip sandali si Gino sa tanong ng assistant. “No! E-reschedule mo na lang after thirty minutes.” Kahit ano pa man, kailangan niyang harapin si Lily, ngunit hindi ibig sabihin nito na pinapatawad na niya ito for being unreasonable, kahit na humingi pa ito ng tawad sa pagkakamaling nagawa. Sa isip ni Gino, kailangang matuto si Lily sa kawalang katwiran nito ng mabawasan ang kayabangan nitong makipaghiwalay sa kanya. She needs to learn her mistakes at hindi sapat ang ilang minuto para humingi ito ng tawad sa kanya. “Masusunod Mr. Tan,” maagap na sagot ni Joy at agad na tumawag para e-reschedule ang susunod na meeting. Sakay ng regular elevator ng kompanya, kasama ang babaeng sumundo sa kanya ay medyo natagalan bago nila narating ang top floor dahil sa maraming empleyado ang paulit-uliit na umaakyat at bumababa sakay ng elevator. At sa wakas ng bumukas ang p***o ng elevator sa top floor kung saan matatagpuan ang opisina ng CEO na walang iba kundi si Gino Tan ay hindi matiis ni Lily ang matanong, dahil hanggat maari ay ayaw niyang makita ang asawa. “Matanong ko lang, nasa opisina ba si Mr. Tan,” magalang na tanong ni Lily sa kasama.Masamang nakatitig si Gino kay Lily. His cold, piercing gaze was so intense it seemed capable of cutting straight through the car window, as if he could reach her even from across the street. Hindi niya inaalis ang paningin sa sasakyang minamaneho ni Lily, his jaw clenched tightly habang sinusundan ng mga mata niya ang bawat pag-usad nito.May matinding galit, frustration, at isang emosyon na ayaw niyang pangalanan sa kanyang mga mata. Parang ayaw niyang pakawalan si Lily sa kanyang paningin, kahit unti-unti nang lumalayo ang sasakyan nito.Malamig na pinagpawisan si Ms.Joy. Her boss is acting weird lately, tila palagi na lang mainit ang ulo nito. Noon, he doesn't care about his wife, pero ngayon, nagawa pa nitong sundan si Lily, at puno ng galit ang mata nito ng makitang may minamanehong ibang kotse si Lily.Lalong nag-iba ang timpla ng mukha nito ng may isang SUV na nag-over take at muntik pang masagi ang Mayback at sandaling nawala sa paningin nito ang sasakyan ni Lily.Kung hindi
Nag-aalala si Lily para kay Hector; bawat dagdag na araw na ginugugol ni Hector sa bilangguan ay isang labis na pagpapahirap para sa kanya. Awang-awa siya kapatid ngunit ayaw niyang makitungo ng masyado sa pamilya Delfin. Kung hindi lang dahil sa kapatid niya, ayaw na niyang magkaroon ng ugnayan sa mga ito.Masyado ng naghirap ang kapatid niya at tiyak na mabubulok ito sa bilangguan kung wala siyang gagawin. Alam niyang kahit mag apila pa sila, alam niyang hindi sila titigilan ng pamilya ng namatayan. Lalong-lalo na ang mag-asawang Zamora.Kaya, kahit na hindi madali ang sitwasyon ay napagdesisyunan ni Lily na makipag-usap sa pamilya Zamora at makipag-areglo. Ngunit napagtanto niya na hindi madaling pakitunguhan ang pamilya Zamora.“Easy for you to say Miss Delfin, pero hindi ganun kadali ang lahat. Gusto mong makipag-areglo? Huh! Nawalan kami ng isang myembro ng pamilya, samantalang buhay na buhay ang kapatid mo at maliit na galos lang ang mayroon siya. Hindi kami makakapayag na ma
Sa loob ng dalawang taon, hindi kailanman hiniling ni Gino ang opinyon ni Lily. Those years naging sunod-sunoran siya sa lahat ng mga desisyon nito.At ngayon, sa unang pagkakataon, nawala ang karaniwang kalmado sa malinaw na itim at puting mga mata ng lalaki. Naging seryoso ang kaniyang ekspresyon, at sa likod ng tahimik niyang titig ay may matinding pagnanais na pilit nitong kinokontrol. Bahagyang napakurap si Lily sa nakikitang emosyon sa mga mata ni Gino. Sa isang iglap kumalabog ng malakas ang kanyang puso. “Lily,” anas nito sa pangalan niya.Parang napipi siya sandali at hindi makapagsalita, at basi sa mga titig ni Gino sa kanya, ang kanyang pananahimik ay nagpapahiwatig ng kanyang pag sang-ayon sa gusto nitong mangyari.Marahan itong lumapit sa kanya, at hindi niya mapigilan ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso habang palapit ito ng palapit.Hindi ito ang unang pagkakataon na tinukso siya ni Gino. Paminsan-minsan noon ay tinutukso niya ito sa kama, at nagsasabi ng ilang
Handa si Gino na magpakumbaba, kahit nangangahulugan iyon na kailangan niyang lunukin ang sariling pride.Ngunit inamin niya sa sarili na hindi siya masaya sa nangyayari. Sa halip, unti-unting dumilim ang kanyang mga mata. Sobrang lalim ng lungkot at bigat na sumilay roon, para bang anumang sandali ay maaari nang tumulo ang mga luhang matagal niyang pinipigilan.Handa ba talaga siyang tiisin ang ganitong kahihiyan? Ang ibaba ang kanyang sarili at isantabi ang lahat ng kanyang dignidad, para lang maibigay ang ang hinihingi nitong diborsyo?Sa sandaling iyon, hindi niya alam kung alin ang mas masakit, ang makita itong handang magpakumbaba, o ang malaman na ganoon na lamang katindi ang kagustuhan nitong tuluyang makawala sa kanya.Bahagyang naniningkit ang kanyang maitim na mga mata habang marahang kinuskos ang dial ng kanyang relo gamit ang kanyang mga daliri.Pagkatapos ng ilang sandaling pag-aalinlangan, sinabi niya sa mahinahong boses.“Before that, bago ko pirmahan ang mga papeles
Walang gaanong sasakyan sa kalsada nang gabing iyon, tahimik ngunit nakakakilabot ang tensyon sa pagitan ng dalawang lalaking mahinang nag-uusap sa kalye, pero dinig na dinig nila ang bawat isa.Biglang kinibot ni Gino ang gilid ng kanyang mga labi. Kahit nakangiti ito, pero kitang-kitang ang lamig sa mga mata nito.“Anong klaseng hilig ba mayroon si Mr. Sterling? He seems to have a particular fascination with visiting another man’s wife in the middle of the night. Hindi ba niya naiisip kung gaano ka-questionable ang ginagawa niya? What kind of man deliberately goes to a married woman’s house at such an hour, unless, of course, may iba siyang pakay?” mariing sambit ni Gino.Hindi man sila matagal na magkakilala at halos wala silang pinagsamahan noon, sapat na ang mariing pagbigkas ng pangalang “Mr. Sterling” para sa isang iglap ay magbago ang lahat. Na para bang mula sa pagiging magkaibigan ay naging magkaaway sila.“Gino Tan, bigyan mo naman siya ng kaunting kalayaan at pribadong buh
Medyo disappointed si Ms. Sarah sa nangyaring usapan nila ni Mr. Tan, ang buong akala nito ay napakataas lang ng standards nito kaya ganun ito kung magsalita, kaya hindi nito napansin na may mali o may kakaibang nangyayari. Na kaya hindi ito sumama ng magyaya ang girlfriend nitong si Maggie na kumain sa labas dahil lang sa busy ito sa trabaho. Pero si Maggie lang ang nakakaalam na nagmamadali si Gino dahil sa hinabol nito si Lily. Kanina pa nito napansin ang kakaibang tingin ni Gino kay Lily."Tara na sa loob,” aya ni Maggie kay Ms. Sarah ng makaalis si Gino.May pagka-taksilá at mayabang si Ms. Sarah, pero kailangan pa rin niyang pakisamahan ito. Alam niyang maaari niyang gamitin si Ms. Sarah para makontrol si Lily. Napansin din niyang mukhang hindi nito gaanong gusto si Lily, kaya kailangan niyang pagtiisan ang ugali nito at panatilihing maayos ang pakikitungo sa babae.“Okay, tara,” sagot ni Ms. Sarah at sabay silang pumasok sa loob ng restaurant.Samantala, mag-aalas-otso na n







