Masuk“Ma'am, may isang problem po sa pagrerehistro ng mga anak ninyo,” panimula nita sa propesyonal na tono.
Kumunot ang noo ni Elara. “Ano po?” tanong niya na may bahagyang panginginig ang tinig.
“Ang household registration po, kasal pa kayo sa legal records,” paliwanag nito sabay abot ng dokumento. “Kung ipaparehistro ninyo ang mga bata ngayon, automatic po na lalabas ang pangalan ng ama nila.”
Parang tumigil ang mundo ni Elara. Huminga siya ng malalim, pilit pinipigilan ang pagkabigla. “P-paano po nangyari ‘yon? Alam ko namang nag-divorce na kami. Pinirmahan ko lahat bago ako umalis ng maynila.”
“Pasensya na po ma'am,” malumanay ngunit mahigpit ang sagot ng staff. “Bago ma-finalize ang registration, kailangan po munang maayos ang civil status ninyo sa legal records. Ibig sabihin, kailangan po muna ang divorce papers bago maipasok ang birth certificate sa household registration kung ayaw niyo pong nandoon ang pangalan ng ama nila.”
Huminga siya ng malalim at napatingin siya sa mga anak niyang nakaupo sa waiting area habang naglalaro ng mga laruan nila. Ang bigat ng mundo ay parang bumagsak sa kanyang mga balikat. Ang mga anak niya ang tanging dahilan kung bakit hindi siya sumuko, ay hindi maitala sa sistema hangga't hindi niya nasusulusyunan ang sarili niyang legal na kalagayan.
“Ang ibig niyo pong sabihin,” mahina niyang sambit. “Hindi ko maipaparehistro ang anak ko hangga't hindi ako legally divorced?”
Tumango ang staff. “Opo ma'am. Iyon ang requirement. Bago maipasok sa household, kailangan malinaw ang status ninyo. Legal na dokumento ang tanging makakapagpatunay.”
Huminga siya ng malalim. “Sige po, maraming salamat.”
“Sige po ma'am.”
Umalis na kaagad si Elara at pinuntahan na ang mga anak niya. “Tara na mga anak.”
“Uuwi na po ba tayo?” Tanong ni Draven, ang panganay niyang anak.
“Hindi pa anak, may kailangan pang ayusin si mama.
“Ano po ‘yon?” tanong ni Maxene.
“Ako na ang bahala.” Ngumiti siya ng matamis habang palabas sila sa munisipyo.
Naisip ni Elara na kailangan niyang makipag-divorce ng tuluyan kay Alexander kaya kailangan nilang bumalik sa maynila para makausap ito at para matuloy na ang divorce nila na inaakala niya ay tapos na.
Pagkababa nila sa terminal ng mga bus, kaagad silang pinagtitinginan ng mga tao dahil sa hindi maipaliwanag na kakaibang dating nilang apat. Maganda si Elara, simple lang pero malakas ang dating. Ang tatlong anak namin ay kahit nakasuot sila ng face mask, kapansin-pansin na talagang may taglay silang kagwapuhan. Magandang mga mata, matatangos na ilong at mahahabang pilikmata pawang kinatuwa ng mga taong makakasalubong nila. Sa pagmamasid ni Elara, bumalik naman sa kan'ya ang nakaraan at mga naranasan niya sa maynila pero hindi niya hinayaan na kainin ito ng galit para sa mga anak niya. Kailangan lang niyang gawin dito ay ang humingi ng divorce kay Alexander at pagkatapos no'n ay magpapakalayo na ulit sila at mamumuhay ng silang apat lang. Kung ano man ang nakaraan niya sa maynila siya namang binigyan siya ng magandang biyaya at iyon ang mga anak niya.
“Mama,” mahinang wika ni Nico. “Naiihi po ako.”
“Ha? Sige anak, teka.” malambing na sagot ni Elara. “Draven and Maxene, kayo? Gusto niyo rin bang pumunta ng cr?”
Mabilis silang umiling at sabay na sumagot. “Hindi po.”
“Okay sige, hintayin niyo na lang kami dito ni Nico ah? Huwag kayong aalis dito, baka mawala kayo,” paalala niya.
Si Draven ang panganay na anak ni Elara. Gentleman na bata, hindi siya masyadong nagsasalita pero meron siyang vibe na siya ang panganay, protective sa mga kapatid lalo na kay Elara. Meron itong taglay na emosyonal at intelektwal na talino. Bawat salita at kilos niya ay sumasailalim sa estilo ng isang pinuno ng pamilya. Mag awtoridad, may pang-unawa at natural na ginagabayan ang kan'yang mga kapatid.
Si Maxene naman ay ang pangalawa na anak, ay sobrang kabaligtaran. Masugla, aktibo at pilya. Mahilig sa mga pakikipaglaro at paligsahan. Sa bawat pagkakataon, ipinapakita niya ang tapang at madalas ay siya ang nag-uumposa ng mga munting away o friendly competitions sa kanilang magkakapatid.
Ang bunso naman na si Nico ay littlecry baby at likas na mahiyain. Hindi siya kasing talino o mabilis mag-isip gaya nina Draven at Maxene ngunit may mabuting puso at maalalahanin. Sa murang edad, natututo na siyang magluto at nakakagawa pa ng masarap na pagkain na ikinatuwa ng buong pamilya.
Pagkadating nina Elara at Nico sa cr, umupo sandali si Elara para pumuntay sa anak niya para magbigay ng paalala.
“Nico, punta ka na sa panlalaking cr, si mama naman pupunta sa pangbabae ah? Kapag nauna kang lumabas, hintayin mo ako, huwag kang aalis hangga't hindi mo ako kasama, okay ba ‘yon?” malambing na paalala niya.
Tumango naman ito. “Opo mama.”
Mabilis siyang tumakbo papasok sa cr ng panlalaki. Napangiti naman si Elara habang pinapanood ang anak niyang pumapasok na sa loob bago siya tuluyang pumasok sa cr. Ilang sandali pa ay lumabas na rin si Nico at sinunod ang paalala sa kan'ya ni Elara. Tumayo siya sa labas ng cr habang hinihintay na lumabas ang kan'yang ina.
Mayamaya lang ay may isang grupo ng bodyguards na nakasuot ng itim ang iniiskortan ang isang babaeng nakasuot ng maganda dress na halatang mamahalin. Ang babae ay nakasuot pa ng sunglasses at pulang-pula na lipstick. Halata sa kan'ya na naiinis siya at naiirita sa mga taong nakapaligid sa kan'ya.
“Sabihin mo sa direktor na hindi ko na kukuhanin ang scripts na gusto niyang ibigay sa akin! It's such a hassle to film in some remote mountain village! Walang eroplano at kailangan ko pa talagang sumakay ng bus! Is it appropriate for someone of my status to take the bus? Tingnan niyo nga ‘yong mga tao sa mga bus, lahat sila ay mahihirap at nakakadiri!” bulalas niya dahilan para kumunot ang mga noo ng mga taong nakarinig ng mga reklamo niya.
Mabilis namang sumang-ayon ang isang assistant niya na galing sa isang agency na may hawak sa kan'ya. Nagsimula naman ang mga bodyguards na paalisin at itaboy ang mga taong nakaharap sa dadaanana niya.
“Tabi! Tabi! Tumabi kayong lahat!” sigaw ng mga bodyguard.
Nakatingin lang si Nico sa kanila na halatang-halata gulat na gulat at naguguluhan pero kahit siya ay hindi rin nakaligtas. Marahas siyang tinulak dahilan para matumba siya sa sahig. Sa sakit na natamo niya, pinilit pa rin niyang hindi umiyak kahit ang mga luha niya ay handa nang bumagsak.
“Kaninong anak ito?! Umalis ka sa dinadaanan ko!” malamig na utos ni Nathalie.
Halata kay Nico ang takot niya. Dahan-dahan siyang umupo sa sahig at tinakapan ang bibig habang nakatingin kay Nathalie habang patuloy na namumuo ng luha niya sa mata kasabay din no'n na natatakot siya gumalaw.
“Hindi ba ang sabi ko sa'yo umalis ka sa dinadaanan ko? Pero bakit nakaupo kanpa rin diyan? Hindi mo ba alam na hindi magandang hinaharangan ang dinadaanan ng tao?! Paano ka pinalaki ng mga magulang mo? ha?! You have no manners and no upbringing!” bulalas niya kay Nico.
Pagkatapos niyang sabihin ‘yon, malakas at mabilis niyang sinipa si Nico gamit ang takong niya. Hindi na nakapagpigil si Nico at tuluyan na nga itong umiyak.
“Mama! Kuya! Ang sakit,” umiiyak niyang sigaw.
Hindi pa rin lumalabas si Elara mula sa cr nang marinig nina Draven at Maxene ang iyak ni Nico at mabilis nila itong pinuntahan. Nang makita nila ang sitwasyon doon, agad silang nagtanong na may pag-aalala.
“Nico! Anong nangyari? Bakit?” tanong ni Maxene.Nang makita ni Nico ang dalawa niyang kapatid, mas lalo pa itong umiyak na malakas. Nanginginig siya sa sakit at takot na halos hindi makapagsalita ng maayos.“Kuya, iyong babaeng ‘yan.. sinipa niya ako kuya. Sobrang sakit,” hagulgol niya.Kumunot ang mga noo nila nang marinig iyon habang tinitingnan si Nathalie na naglalakad palabas ng terminal. Huminga ng malalim si Maxene at halatang kumukulo na ang dugo.“Kuya, dito ka na muna kay Nico. May kailangan lang akong gawin. Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sa kapatid natin,” nanggigigil niyang sambit.Pagkasabi niya no'n ay kaagad naman siyang tumakbo ng mabilis hanggang sa mabilis din siyang nawala sa kalagitnaan ng madaming tao sa paligid.Wala nang oras pa para kay Draven na mapigilan pa ang kan'yang kapatid. Tiningnan na lang niya si Nico na may sobrang pag-aalala.“Sabihin mo sa akin Nigo, saan ang masakit?”“Dito at dito,” wika niya habang tinuturo ang likod ng binti niya
“Ma'am, may isang problem po sa pagrerehistro ng mga anak ninyo,” panimula nita sa propesyonal na tono.Kumunot ang noo ni Elara. “Ano po?” tanong niya na may bahagyang panginginig ang tinig.“Ang household registration po, kasal pa kayo sa legal records,” paliwanag nito sabay abot ng dokumento. “Kung ipaparehistro ninyo ang mga bata ngayon, automatic po na lalabas ang pangalan ng ama nila.”Parang tumigil ang mundo ni Elara. Huminga siya ng malalim, pilit pinipigilan ang pagkabigla. “P-paano po nangyari ‘yon? Alam ko namang nag-divorce na kami. Pinirmahan ko lahat bago ako umalis ng maynila.”“Pasensya na po ma'am,” malumanay ngunit mahigpit ang sagot ng staff. “Bago ma-finalize ang registration, kailangan po munang maayos ang civil status ninyo sa legal records. Ibig sabihin, kailangan po muna ang divorce papers bago maipasok ang birth certificate sa household registration kung ayaw niyo pong nandoon ang pangalan ng ama nila.”Huminga siya ng malalim at napatingin siya sa mga anak n
Malamig ang hangin sa bahay nila Elara pero mas malamig ang tinig ng mga kasambahay na nag-uusap sa pabulong na tono.“Narinig niyo ba?” bulong ng isa. “Buntis daw si Ma'am Elara at sabi ni Sir Alexander, hindi raw siya marangal na babae. Ibigsabihin, hindi siya ang ama ng dinadala ni Ma'am Elara!”“Grabe kung totoo ‘yan, hindi na niya makukuha kahit ano sa kan'ya,” sagot ng isa pa na may hakong panghuhusga.“Tama, wala nga talaga. Binawi na ni Sir Alexander kaya paniguradong aalis siya dito na walang dala na kahit ano,” natatawang sabi ni Sabel. “May divorce paper na! Malapit na silang maghiwalay, iyon ang sabi ni Sir Alexander.”“Naku! Kawawa naman si Ma'am Elara pero mas kawawa si Sir Alexander.”“Bakit ka naman maaawa kay Ma'am Elara eh siya ang may palaging kasamang lalaki,” mapanghusga na sabi ng isang kasambahay nila.Narinig ni Elara ang lahat. Tumayo siya sa gitna ng hallway, nanginginig ang mga kamay at ang bawat salita ay parang patalim sa kanyang dibdib. Nang makita siya n
Wala na siyang mga magulang at pinalaki lamang ng mag-asawang nag-ampon sa kan'ya na itinuring niyang tunay na pamilya. Dahil sa kanila, naputol ang pag-aaral niya at napilitan siyang isuko ang mga pangarap nang ipakasal siya kay Alexander. Ang tunay nilang anak sa ang ihaharap sa kasal, ngunit umatras sila nang malaman nilang may kapansanan si Alexander sa mga binti, kaya si Elara ang piniling ipalit upang hindi magsakripisyo ang kanilang tunay na anak. Hindi rin nila alam na dalawang taon na ang nakalipas mula nang magpagamot si Alexander at tuluyan nang gumaling. Sa loob ng dalawang taon, mag-isang nanirahan si Elara sa bahay nila, ngunit kahit malayo ang isa't isa, hindi kailanman pinabayaan ni Alexander si Elara at binigay ang mga pangangailangan niya pero iniisip pa rin niya ngayon kung ano na lang ang mukhang ihaharap niya sa asawa niya kapag nalaman niya ang nangyari. Sa kabilang banda, dumiretso naman si Alexander sa bahay nila ni Elara.“Sir, nandito na po pala kayo,” gulat
Nagmamadaling umalis si Elara papunta airport para maabutan ang arrival time ng sinasakyan na pribadong eroplano ng kan'yang asawa na si Alexander Collins. Dalawang taon na silang kasal sa isa't isa pero kahit kailan ay hindi pa sila nagkikita kaya nang malaman ni Elara na darating na ang kan'yang asawa, agad siyang nagdesisyon na sunduin ito para surpresahin niya nang walang kahit na sinong nakakaalam.Pagdating niya sa airport, agad siyang tumayo sa arrival gate pero isang oras na rin ang nakakalipas pero hindi pa rin dumadating ang pribabong eroplano na sinasakyan ni Alexander. Naghanap na muna si Elara ng makakain habang naghihintay kaya naglakad lakad na muna siya dahil na rin sa gutom. Ilang sandali lang din ay lumapag na ang sinasakyang pribadong eroplano ni Alexander at kaagad siyang lumabas ng airport na may tindig. Sinalubong siya ng mga tauhan niya.“Magandang gabi po boss,” masiglang bati ng personal assistant niya.Hindi sumagot si Alexander at patuloy lang sa paglalakad.







