Share

CHAPTER 3

Penulis: Mekssy
last update Terakhir Diperbarui: 2026-02-26 14:59:18

Malamig ang hangin sa bahay nila Elara pero mas malamig ang tinig ng mga kasambahay na nag-uusap sa pabulong na tono.

“Narinig niyo ba?” bulong ng isa. “Buntis daw si Ma'am Elara at sabi ni Sir Alexander, hindi raw siya marangal na babae. Ibigsabihin, hindi siya ang ama ng dinadala ni Ma'am Elara!”

“Grabe kung totoo ‘yan, hindi na niya makukuha kahit ano sa kan'ya,” sagot ng isa pa na may hakong panghuhusga.

“Tama, wala nga talaga. Binawi na ni Sir Alexander kaya paniguradong aalis siya dito na walang dala na kahit ano,” natatawang sabi ni Sabel. “May divorce paper na! Malapit na silang maghiwalay, iyon ang sabi ni Sir Alexander.”

“Naku! Kawawa naman si Ma'am Elara pero mas kawawa si Sir Alexander.”

“Bakit ka naman maaawa kay Ma'am Elara eh siya ang may palaging kasamang lalaki,” mapanghusga na sabi ng isang kasambahay nila.

Narinig ni Elara ang lahat. Tumayo siya sa gitna ng hallway, nanginginig ang mga kamay at ang bawat salita ay parang patalim sa kanyang dibdib. Nang makita siya ni Sabel, nilapitan niya ito na parang walang nangyari.

“Ma'am Elara pasensya na po pero binabawi na po lahat ni Sir Alexander ang maaari niyong makuha kapag nag-divorce kayo. Sigurado naman po ako na alam niyo na kung bakit,” sambit niya sa natural na tono.

Magsasalita pa sana siya nang talikuran na siya nito. Hindi naman mahalaga sa kan'ya kung ano ang matatanggap o kahit walang matanggap dahil alam din niyang may mali rin siya sa nangyari. Dahil sa kumakalat na tsismis tungkol sa kan'ya, pinaalis at itinakwil na rin siya ng mga nag-ampon sa kan'ya kaya umalis siya ng bahay nila ng walang kahit na anong dala tanging sarili lang niya.

Pagkalayo-layo na lamang siya hanggang sa malaman niyang buntis na nga siya. Sa mga oras na ‘yon naisip na rin niyang ipalaglag ang dinadala niya pero nang makapag-isip siya ng maayos, naisip niyang ituloy na lamang ang pagbubuntis niya.

“Hindi, hindi ko kailanman gagawin ‘yon. Aalagaan ko ang anak ko at papalakihin ko ng maayos kahit ako lang mag-isa,” bulong niya sa sarili habang hinihimas ang kan'yang tiyan.

Naghanap siya ng trabaho pero maraming pintuan ang nagsara sa kanya dahil buntis siya pero hindi siya sumuko hanggang sa isang araw, nakapasok siya sa isang maliit na restaurant. Pinakita niya ang ngiti niya sa may-ari kahit nanlilisik ang pagod at pangungulila.

“Kailangan ko pong magtrabaho kahit gaano kahirap. Kailangan ko pong makaipon para sa pangangailangan ko lalo na po para sa check up at para po sa anak ko,” tapat niyang wika.

Ang may-ari ay nakatingin sa kanyang mukha, nakita ang tapang sa kanyang mata. “Sige, magsisimula ka bukas.”

“Talaga po?!” hindi niya makapaniwalang sagot. “Maraming salamat po!”

Mas pinili niyang magtrabaho na walang pahinga dahil alam niyang makakapag-ipon siya ng mas malaki. Tuwing gabi, pagkatapos ng mahabang araw sa restaurant, nakaupo siya sa isang sulok, hinahapload ang tiyan niya at nagbabalik-tanaw sa lahat ng nangyari pero kahit gaano kasakit ang mundo sa kan'ya noon, ramdam niya ang init sa loob, ang kanyang mga anak ang dahilan kung bakit hindi siya sumuko.

Siyam na buwan na ang tiyan niya at habang pauwi siya sa kanilang bahay galing trabaho, nahilo na lang siya habang naglalakad at nahimatay. Pagmulat niya ng mata, napansin niyang nasa kabundukan na siya, napapalibutan ng bukirin at sariwang hangin ng probinsya ng bulacan. Nagulat na lang siya nang nasa tabi na niya ang tatlong mga anak niya. Hindi niya alam kung paano nangyari yon, sino o paano siya napaanak. Pagpasok ni Anita sa kwarto para kumuha ng gamit, napansin niyang mulat na ang mata ni Elara kaya agad niyang tinawag ang asawa niya.

“Lando! Halika bilis! Gising na siya!” sigaw niya.

“Ha?! Teka sandali!” sigaw na sagot naman nito.

Agad nilang nilapitan si Elara at naupo sa tabi niya habang nakahiga pa ito. “Iha, kamusta? Ayos ka na ba?” tanong ni Anita.

“Medyo okay naman na po. Sino po kayo?” nanghihina niyang tanong.

“Ako si Anita at siya naman si Lando, kami ang mag-asawang nakakita sa inyo sa daan.”

“Ano po ba ang nangyari? Paano po ko isinilang ang mga anak ko?” naguguluhan niyang tanong.

“Pabalik na kami dito sa bulacan nang makita kitang nakahandusay sa daan. Dinala ka namin kaagad sa malapit na hospital at doon ka na nanganak at dahil wala kaming makontak na pamilya mo, naisip na lang namin na iuwi na lang kayo dito kaysa pabayaan namin kayo,” malambing na sagot ni Anita.

“Huwag kang mag-alala, mabubuti kaming tao,” wika naman ni Lando. “May pamilya ka bang pwedeng tawagan? Para pwede ka na nilang masundo.”

Ngumiti ng pilit si Elara. “Ah, ang totoo po kasi niyan ay wala na akong pamilya. Ako na lang po ang natitira kasama po ng tatlo kong anak,” malungkot na sagot pero pinipilit maging matatag.

Hinaplos naman ni Anita ang buhok nito habang nakangiti ng matamis. “Hindi bale, dito na muna kayo. Magpalakas ka na muna bago ka bumalik ng maynila.”

“Maraming salamat po sa inyo.”

“Walang anuman,” wika ni Anita.

“Sige na, magpahinga ka na muna. Nandito naman si Anita para matulungan ka sa pag-aalaga sa mga anak mo iha,” sambit ni Lando.

“Opo, maraming salamat po ulit. Napakalaking bagay po nito sa akin,” mangiyak-ngiyak na sagot ni Elara.

“Huwag kang umiyak, baka mapano ka,” pag-aalala ni Anita.

Tumango na lamang si Elara at halatang sobrang saya niya dahil may sumaklolo sa kanila ng mga anak niya lalo na ngayong kailangan na kailangan nila ng tulong. Nanatili sila doon ng limang taon ng mga anak niya at sa paninirahan nila doon, masasabi ni Elara na napaka-simple, masaya at payapa dahil na rin sa tulong ng mag-asawa pero namatay din ang mag-asawang kumupkop sa kanila kaya siya at ang tatlong anak na lang din niya ang natira doon.

Pagkalipas ng anim na taon at sa ilang buwan niyang pag-iisip, napagdesisyunan niyang umalis na doon at maghanap ng ibang lugar na matitirahan dahil sa paglaki ng mga anak niya, kailangan din niyang makasiguro sa kanilang kinabukasan. Umalis siya para ipa-rehistro ang kapanakan ng mga anak niya pero nawindang siya sa nalaman niya. Nakaupo siya sa harap ng isang staff na nakatingin sa kanya na may halong pag-aalinlangan.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • THE FORGOTTEN WIFE: THREE LITTLE SECRETS   CHAPTER 5

    “Nico! Anong nangyari? Bakit?” tanong ni Maxene.Nang makita ni Nico ang dalawa niyang kapatid, mas lalo pa itong umiyak na malakas. Nanginginig siya sa sakit at takot na halos hindi makapagsalita ng maayos.“Kuya, iyong babaeng ‘yan.. sinipa niya ako kuya. Sobrang sakit,” hagulgol niya.Kumunot ang mga noo nila nang marinig iyon habang tinitingnan si Nathalie na naglalakad palabas ng terminal. Huminga ng malalim si Maxene at halatang kumukulo na ang dugo.“Kuya, dito ka na muna kay Nico. May kailangan lang akong gawin. Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sa kapatid natin,” nanggigigil niyang sambit.Pagkasabi niya no'n ay kaagad naman siyang tumakbo ng mabilis hanggang sa mabilis din siyang nawala sa kalagitnaan ng madaming tao sa paligid.Wala nang oras pa para kay Draven na mapigilan pa ang kan'yang kapatid. Tiningnan na lang niya si Nico na may sobrang pag-aalala.“Sabihin mo sa akin Nigo, saan ang masakit?”“Dito at dito,” wika niya habang tinuturo ang likod ng binti niya

  • THE FORGOTTEN WIFE: THREE LITTLE SECRETS   CHAPTER 4

    “Ma'am, may isang problem po sa pagrerehistro ng mga anak ninyo,” panimula nita sa propesyonal na tono.Kumunot ang noo ni Elara. “Ano po?” tanong niya na may bahagyang panginginig ang tinig.“Ang household registration po, kasal pa kayo sa legal records,” paliwanag nito sabay abot ng dokumento. “Kung ipaparehistro ninyo ang mga bata ngayon, automatic po na lalabas ang pangalan ng ama nila.”Parang tumigil ang mundo ni Elara. Huminga siya ng malalim, pilit pinipigilan ang pagkabigla. “P-paano po nangyari ‘yon? Alam ko namang nag-divorce na kami. Pinirmahan ko lahat bago ako umalis ng maynila.”“Pasensya na po ma'am,” malumanay ngunit mahigpit ang sagot ng staff. “Bago ma-finalize ang registration, kailangan po munang maayos ang civil status ninyo sa legal records. Ibig sabihin, kailangan po muna ang divorce papers bago maipasok ang birth certificate sa household registration kung ayaw niyo pong nandoon ang pangalan ng ama nila.”Huminga siya ng malalim at napatingin siya sa mga anak n

  • THE FORGOTTEN WIFE: THREE LITTLE SECRETS   CHAPTER 3

    Malamig ang hangin sa bahay nila Elara pero mas malamig ang tinig ng mga kasambahay na nag-uusap sa pabulong na tono.“Narinig niyo ba?” bulong ng isa. “Buntis daw si Ma'am Elara at sabi ni Sir Alexander, hindi raw siya marangal na babae. Ibigsabihin, hindi siya ang ama ng dinadala ni Ma'am Elara!”“Grabe kung totoo ‘yan, hindi na niya makukuha kahit ano sa kan'ya,” sagot ng isa pa na may hakong panghuhusga.“Tama, wala nga talaga. Binawi na ni Sir Alexander kaya paniguradong aalis siya dito na walang dala na kahit ano,” natatawang sabi ni Sabel. “May divorce paper na! Malapit na silang maghiwalay, iyon ang sabi ni Sir Alexander.”“Naku! Kawawa naman si Ma'am Elara pero mas kawawa si Sir Alexander.”“Bakit ka naman maaawa kay Ma'am Elara eh siya ang may palaging kasamang lalaki,” mapanghusga na sabi ng isang kasambahay nila.Narinig ni Elara ang lahat. Tumayo siya sa gitna ng hallway, nanginginig ang mga kamay at ang bawat salita ay parang patalim sa kanyang dibdib. Nang makita siya n

  • THE FORGOTTEN WIFE: THREE LITTLE SECRETS   CHAPTER 2

    Wala na siyang mga magulang at pinalaki lamang ng mag-asawang nag-ampon sa kan'ya na itinuring niyang tunay na pamilya. Dahil sa kanila, naputol ang pag-aaral niya at napilitan siyang isuko ang mga pangarap nang ipakasal siya kay Alexander. Ang tunay nilang anak sa ang ihaharap sa kasal, ngunit umatras sila nang malaman nilang may kapansanan si Alexander sa mga binti, kaya si Elara ang piniling ipalit upang hindi magsakripisyo ang kanilang tunay na anak. Hindi rin nila alam na dalawang taon na ang nakalipas mula nang magpagamot si Alexander at tuluyan nang gumaling. Sa loob ng dalawang taon, mag-isang nanirahan si Elara sa bahay nila, ngunit kahit malayo ang isa't isa, hindi kailanman pinabayaan ni Alexander si Elara at binigay ang mga pangangailangan niya pero iniisip pa rin niya ngayon kung ano na lang ang mukhang ihaharap niya sa asawa niya kapag nalaman niya ang nangyari. Sa kabilang banda, dumiretso naman si Alexander sa bahay nila ni Elara.“Sir, nandito na po pala kayo,” gulat

  • THE FORGOTTEN WIFE: THREE LITTLE SECRETS   CHAPTER 1

    Nagmamadaling umalis si Elara papunta airport para maabutan ang arrival time ng sinasakyan na pribadong eroplano ng kan'yang asawa na si Alexander Collins. Dalawang taon na silang kasal sa isa't isa pero kahit kailan ay hindi pa sila nagkikita kaya nang malaman ni Elara na darating na ang kan'yang asawa, agad siyang nagdesisyon na sunduin ito para surpresahin niya nang walang kahit na sinong nakakaalam.Pagdating niya sa airport, agad siyang tumayo sa arrival gate pero isang oras na rin ang nakakalipas pero hindi pa rin dumadating ang pribabong eroplano na sinasakyan ni Alexander. Naghanap na muna si Elara ng makakain habang naghihintay kaya naglakad lakad na muna siya dahil na rin sa gutom. Ilang sandali lang din ay lumapag na ang sinasakyang pribadong eroplano ni Alexander at kaagad siyang lumabas ng airport na may tindig. Sinalubong siya ng mga tauhan niya.“Magandang gabi po boss,” masiglang bati ng personal assistant niya.Hindi sumagot si Alexander at patuloy lang sa paglalakad.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status