Share

CHAPTER 2

Author: Mekssy
last update Last Updated: 2026-02-26 14:58:54

Wala na siyang mga magulang at pinalaki lamang ng mag-asawang nag-ampon sa kan'ya na itinuring niyang tunay na pamilya. Dahil sa kanila, naputol ang pag-aaral niya at napilitan siyang isuko ang mga pangarap nang ipakasal siya kay Alexander. Ang tunay nilang anak sa ang ihaharap sa kasal, ngunit umatras sila nang malaman nilang may kapansanan si Alexander sa mga binti, kaya si Elara ang piniling ipalit upang hindi magsakripisyo ang kanilang tunay na anak. Hindi rin nila alam na dalawang taon na ang nakalipas mula nang magpagamot si Alexander at tuluyan nang gumaling. Sa loob ng dalawang taon, mag-isang nanirahan si Elara sa bahay nila, ngunit kahit malayo ang isa't isa, hindi kailanman pinabayaan ni Alexander si Elara at binigay ang mga pangangailangan niya pero iniisip pa rin niya ngayon kung ano na lang ang mukhang ihaharap niya sa asawa niya kapag nalaman niya ang nangyari. Sa kabilang banda, dumiretso naman si Alexander sa bahay nila ni Elara.

“Sir, nandito na po pala kayo,” gulat na wika ni Sabel, ang isa sa tagalinis nila.

“Where's Elara?” malamig niyang tanong.

“Hindi ko po alam. Wala po siya dito simula no'ng dumating ako.”

“Tawagan mo siya at sabihin mong umuwi na siya. Tell her I want divorce and I'll give her this villa, two luxury cars and a lot of money,” wika niya.

Nagulat naman si Sabel at hindi alam kung paano magrereak. “Sigurado po ba kayo sir?”

“Sasabihin ko ba ‘yan kung hindi ako sigurado? Just tell her to go back home now!” inis niyang sagot.

Pagkasabi no'n ni Alexander ay kaagad din naman siyang umalis at pinaktabo ng mabilis ang sinasakyang kotse. Agad namang kinuha ni Sabel ang cellphone niya para matawagan na kaagad si Elara na pawang sinagot din naman kaagad nito.

“Hello, Manang Sabel? Bakit po?” inosente niyang tanong.

“Ma'am, nasa'an po ba kayo?”

“Pauwi na ako, traffic lang.”

“Dumating na po ang asawa ninyo at pinapauwi na po kayo kaagad,” nanginginig niyang sambit.

“Nandiyan na siya?”

“Opo, nandito po siya kanina pero umalis din kaagad no'ng nalaman niyang wala kayo dito sa bahay, pero bago po siya umalis, sinabihan niya po ako na sabihin sa inyo na kailangan niyong pumirma ng mga papeles,” sandali siyang huminto. “G-gusto na po niya ng divorce.”

Napakurap si Elara nang marinig niya ang salitang divorce. Alam naman niya na hindi naging masaya si Alexander sa kanilang kasal at kahit no'ng mismong araw ng kasal nila ay hindi siya nagpakita hanggang ngayon kaya hindi pa nila alam kung anong hitsura ng isa't isa.

“Nandiyan pa po ba kayo ma'am? Huwag po kayong mag-alala dahil mapupunta naman daw po sa inyo ang villa na ‘to, dalawang mamahaling kotse at madaming pera,” masigla niyang sambit.

Huminga siya ng malalim. “Sige po, naiintindihan ko. Pauwi na po ako.”

Agad na pinatay ni Elara ang tawag. Ramdam na ramdam niya ang bigat ng dibdib niya na halos hindi na siya makahinga ng maayos habang nakatingin sa bintana ng sinasakyan niyang taxi. Unti-unting namumuo na naman ang luha niya sa gilid ng kanyang mata. Naisip din niyang hindi na siya worthy para kay Alexander dahil sa nangyari kagabi kaya pumayag na lang din siya sa divorce na hinihingi nito kahit ayaw niya. Si Alexander naman ay pumunta kaagad sa kan'yang mansyon kasama ang kanyang assistant at mga bodyguard.

“Lucas, okay naman na ang divorce paper ‘di ba? Ready to sign na?” bungad na tanong nito pagkapasok nila sa kan'yang office room sa mismong mansyon niya.

“Yes boss, na kontak ko na rin po si Attorney Torres tungkol diyan. Mayamaya po, nandito na.”

“Make sure dahil gusto kong ipadala ninyo kaagad ‘yan kay Elara para makapirma na siya,” walang emosyon niyang sagot.

“Makakaasa po kayo.”

Pagkaupo na pagkaupo palang niya sa kan'yang upuan, nilapitan siya kaagad ng isang tauhan niya habang may hawak na cellphone.

“Boss, nakatanggap na po ako ng tawag mula sa bahay ninyo. Nakauwi na raw po si Ma'am Elara, ngunit malinaw na hindi siya nag-iisa kagabi. May mga bakas sa kan'yang katawan na hindi na kailangang ipaliwanag. Ayon pa sa kasambahay, sa loob ng nakalipas na dalawang taon ay may ilang lalaki na siyang kinikita at madalas ay hindi na siya umuuwi pagsapit ng gabi,” dire-diretso niyang salita.

Napangisi si Alexander at matalim na napatitig sa tauhan niyang nagbalita sa kan'ya habang nilalaro ang wine glass niya.

“She was with another man last night? She cheated on me?” natatawa niyang tanong.

“You're right boss,” nakayuko niyang sagot.

“If that's the case, tell Attonery Torres to revise the compensation. She will receive nothing from me. If possible, have her removed from my residence immediately. She doesn't deserve a single thing she's taken from me. She is a cheater,” matalim na utos nito kay Lucas.

“I'll call him right away, boss,” sagot ni Lucas.

Lumabas siya sa office room niya at pagkalabas palang niya ay sinalubong na siya ng pabulong na usapan ng mga kasambahay sa may pasilyo.

“Kaya pala. Nag-cheat pala si Ma'am Elara sa asawa niya. Kung tutuusin, tama lang na wala siyang makuha kahit singkong duling.”

“Oo nga. Nasa kan'ya na ang lahat, pera, pangalan at marangyang buhay pero ginusto pa rin niyang maghanap ng iba. Ano bang klaseng babae ang gumagawa ng gano'n?”

Hindi na lang niya masyadong pinansin at dumiretso na lang siya ng lakad palabas ng mansyon niya.

“Boss, saan po ang punta natin?” tanong ni Lucas.

“Find the woman that I was with earlier this morning,” malamig niyang sagot.

“That woman? Bakit po? Para saan?” nagtatakang tanong ni Lucas.

“I want her kaya kailangan ko siyang mahanap. Bumalik tayo sa airport baka nandoon pa siya.”

“Boss, mukhang malabo na po mangyari ‘yan.”

Tiningnan siya ni Alexander ng may halong bigat. “We need to find her,” madiin niyang sagot.

“Sige po.”

Pinatakbo ni Lucas ng mabilis ang sasakyan bilang utos ni Alexander. Pagdating nila sa airport, kaagad niyang tinungo ang maliit na tent kung saan niya iniwan si Elara. Umaasa siyang nandoon pa ito kahit bakas ng presensya niya, ngunit pagdating niya, wala siyang nadatnan. May kung anong kumurot sa kan'yang dibdib. Isanv hindi maipaliwanag na pagkadismaya, halos panghihinyang na hindi niya inakalang mararamdaman.

“We shouldn't stop here,” wika niya.

Hindi siya tumigil at nilibot niya pa ang buong airport pero sa kabila ng lahat ng paghahanap, hindi na niya ito muling nasilayan.

Lumapit ang kan'yang assistant, maingat ang tinig. “Boss, mukhang wala na po siya rito. Posibleng nakauwi na.”

Napasinghap si Alexander. Dahan-dahang humigpit ang kan'yang kamao at nang magsalita siya, mababa ang tono pero puno ng pagdiin ang kan'yang boses.

“Sabihin ninyo sa lahat, ikalat ninyo ang utos ko,” malamig niyang wika. “Anuman ang paraang gamitin ninyo, kahit ano pa ang kapalit na halaga, hanapin ninyo siya. Dalhin ninyo sa akin ang babaeng ‘yon.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE FORGOTTEN WIFE: THREE LITTLE SECRETS   CHAPTER 5

    “Nico! Anong nangyari? Bakit?” tanong ni Maxene.Nang makita ni Nico ang dalawa niyang kapatid, mas lalo pa itong umiyak na malakas. Nanginginig siya sa sakit at takot na halos hindi makapagsalita ng maayos.“Kuya, iyong babaeng ‘yan.. sinipa niya ako kuya. Sobrang sakit,” hagulgol niya.Kumunot ang mga noo nila nang marinig iyon habang tinitingnan si Nathalie na naglalakad palabas ng terminal. Huminga ng malalim si Maxene at halatang kumukulo na ang dugo.“Kuya, dito ka na muna kay Nico. May kailangan lang akong gawin. Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sa kapatid natin,” nanggigigil niyang sambit.Pagkasabi niya no'n ay kaagad naman siyang tumakbo ng mabilis hanggang sa mabilis din siyang nawala sa kalagitnaan ng madaming tao sa paligid.Wala nang oras pa para kay Draven na mapigilan pa ang kan'yang kapatid. Tiningnan na lang niya si Nico na may sobrang pag-aalala.“Sabihin mo sa akin Nigo, saan ang masakit?”“Dito at dito,” wika niya habang tinuturo ang likod ng binti niya

  • THE FORGOTTEN WIFE: THREE LITTLE SECRETS   CHAPTER 4

    “Ma'am, may isang problem po sa pagrerehistro ng mga anak ninyo,” panimula nita sa propesyonal na tono.Kumunot ang noo ni Elara. “Ano po?” tanong niya na may bahagyang panginginig ang tinig.“Ang household registration po, kasal pa kayo sa legal records,” paliwanag nito sabay abot ng dokumento. “Kung ipaparehistro ninyo ang mga bata ngayon, automatic po na lalabas ang pangalan ng ama nila.”Parang tumigil ang mundo ni Elara. Huminga siya ng malalim, pilit pinipigilan ang pagkabigla. “P-paano po nangyari ‘yon? Alam ko namang nag-divorce na kami. Pinirmahan ko lahat bago ako umalis ng maynila.”“Pasensya na po ma'am,” malumanay ngunit mahigpit ang sagot ng staff. “Bago ma-finalize ang registration, kailangan po munang maayos ang civil status ninyo sa legal records. Ibig sabihin, kailangan po muna ang divorce papers bago maipasok ang birth certificate sa household registration kung ayaw niyo pong nandoon ang pangalan ng ama nila.”Huminga siya ng malalim at napatingin siya sa mga anak n

  • THE FORGOTTEN WIFE: THREE LITTLE SECRETS   CHAPTER 3

    Malamig ang hangin sa bahay nila Elara pero mas malamig ang tinig ng mga kasambahay na nag-uusap sa pabulong na tono.“Narinig niyo ba?” bulong ng isa. “Buntis daw si Ma'am Elara at sabi ni Sir Alexander, hindi raw siya marangal na babae. Ibigsabihin, hindi siya ang ama ng dinadala ni Ma'am Elara!”“Grabe kung totoo ‘yan, hindi na niya makukuha kahit ano sa kan'ya,” sagot ng isa pa na may hakong panghuhusga.“Tama, wala nga talaga. Binawi na ni Sir Alexander kaya paniguradong aalis siya dito na walang dala na kahit ano,” natatawang sabi ni Sabel. “May divorce paper na! Malapit na silang maghiwalay, iyon ang sabi ni Sir Alexander.”“Naku! Kawawa naman si Ma'am Elara pero mas kawawa si Sir Alexander.”“Bakit ka naman maaawa kay Ma'am Elara eh siya ang may palaging kasamang lalaki,” mapanghusga na sabi ng isang kasambahay nila.Narinig ni Elara ang lahat. Tumayo siya sa gitna ng hallway, nanginginig ang mga kamay at ang bawat salita ay parang patalim sa kanyang dibdib. Nang makita siya n

  • THE FORGOTTEN WIFE: THREE LITTLE SECRETS   CHAPTER 2

    Wala na siyang mga magulang at pinalaki lamang ng mag-asawang nag-ampon sa kan'ya na itinuring niyang tunay na pamilya. Dahil sa kanila, naputol ang pag-aaral niya at napilitan siyang isuko ang mga pangarap nang ipakasal siya kay Alexander. Ang tunay nilang anak sa ang ihaharap sa kasal, ngunit umatras sila nang malaman nilang may kapansanan si Alexander sa mga binti, kaya si Elara ang piniling ipalit upang hindi magsakripisyo ang kanilang tunay na anak. Hindi rin nila alam na dalawang taon na ang nakalipas mula nang magpagamot si Alexander at tuluyan nang gumaling. Sa loob ng dalawang taon, mag-isang nanirahan si Elara sa bahay nila, ngunit kahit malayo ang isa't isa, hindi kailanman pinabayaan ni Alexander si Elara at binigay ang mga pangangailangan niya pero iniisip pa rin niya ngayon kung ano na lang ang mukhang ihaharap niya sa asawa niya kapag nalaman niya ang nangyari. Sa kabilang banda, dumiretso naman si Alexander sa bahay nila ni Elara.“Sir, nandito na po pala kayo,” gulat

  • THE FORGOTTEN WIFE: THREE LITTLE SECRETS   CHAPTER 1

    Nagmamadaling umalis si Elara papunta airport para maabutan ang arrival time ng sinasakyan na pribadong eroplano ng kan'yang asawa na si Alexander Collins. Dalawang taon na silang kasal sa isa't isa pero kahit kailan ay hindi pa sila nagkikita kaya nang malaman ni Elara na darating na ang kan'yang asawa, agad siyang nagdesisyon na sunduin ito para surpresahin niya nang walang kahit na sinong nakakaalam.Pagdating niya sa airport, agad siyang tumayo sa arrival gate pero isang oras na rin ang nakakalipas pero hindi pa rin dumadating ang pribabong eroplano na sinasakyan ni Alexander. Naghanap na muna si Elara ng makakain habang naghihintay kaya naglakad lakad na muna siya dahil na rin sa gutom. Ilang sandali lang din ay lumapag na ang sinasakyang pribadong eroplano ni Alexander at kaagad siyang lumabas ng airport na may tindig. Sinalubong siya ng mga tauhan niya.“Magandang gabi po boss,” masiglang bati ng personal assistant niya.Hindi sumagot si Alexander at patuloy lang sa paglalakad.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status