Masuk“Nico! Anong nangyari? Bakit?” tanong ni Maxene.
Nang makita ni Nico ang dalawa niyang kapatid, mas lalo pa itong umiyak na malakas. Nanginginig siya sa sakit at takot na halos hindi makapagsalita ng maayos.
“Kuya, iyong babaeng ‘yan.. sinipa niya ako kuya. Sobrang sakit,” hagulgol niya.
Kumunot ang mga noo nila nang marinig iyon habang tinitingnan si Nathalie na naglalakad palabas ng terminal. Huminga ng malalim si Maxene at halatang kumukulo na ang dugo.
“Kuya, dito ka na muna kay Nico. May kailangan lang akong gawin. Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sa kapatid natin,” nanggigigil niyang sambit.
Pagkasabi niya no'n ay kaagad naman siyang tumakbo ng mabilis hanggang sa mabilis din siyang nawala sa kalagitnaan ng madaming tao sa paligid.
Wala nang oras pa para kay Draven na mapigilan pa ang kan'yang kapatid. Tiningnan na lang niya si Nico na may sobrang pag-aalala.
“Sabihin mo sa akin Nigo, saan ang masakit?”
“Dito at dito,” wika niya habang tinuturo ang likod ng binti niya.
“Pakita nga, tumalikod ka,” utos niya sa kapatid.
Nagulat siya nang makita niya ang malaking pasa at sugat sa bahagi ng binti niya kung saan itinuro ni Nico. Kinuyom naman ni Draven ang kamao niya sa galit habang pinagmamasdan ang daan kung saan niya nakita si Nathalie na naglalakad palayo sa kanila kanina. Para sa kan'ya, ayaw talaga niyang magsimula ng gulo si Maxene pero ngayon dahil sa nakita niya ang mga sugat at sakit na nararamdaman ng kan'yang kapatid ay tila ba'y pinapayagan na niya si Maxene na gawin ang gusto niya para sa kanilang kapatid. Hindi sila papayag na hindi managot si Nathalie dahil sinaktan niya ang kapatid nila na wala man lang kalaban-laban.
Huminga siya ng malalim at hinahaplos ang buhok ni Nico. “Okay lang ‘yan Nico, si Kuya Maxene mo na ang bahala. Gusto mo bang hipan ko para hindi na masyadong sumakit?”
Tumango naman ng dahan-dahan si Nico. “Hmm.”
Kabilang banda, naabutan na ni Maxene si Nathalie na papunta sa isang parking lot na katabi lang ng terminal ng bus. Nakita niya ito na pasakay na sa kotse kaya mabilis siyang humarang sa dinadaanan nito habang hindi maitago ang cute at fierce niyang mukha.
“Hoy pangit na babae! Sino ang nagbigay sa'yo ng pahintulot na i-bully mo ang kapatid ko?” matapang niyang tanong.
Napangisi si Nathalie dahil ininsulto siya. “Ugly woman? Am I?”
Kumunot lalo ang noo ni Nathalie habang nakatingin kay Maxene. Gusto niyang saktan o sampalin si Maxene dahil sa inaasta ng bata pero hindi niya magawa dahil gusto niyang umasta na gusto ang mga bata at magkaroon ng good impression sa paningin ng lalaking na nasa loob ng kotse, si Alexander Collins. Kaya ang tanging magagawa na lang niya ay tingnan ng masama si Maxene ng palihim. Yumuko siya ng kaonti at hininahan ang boses.
“Sino ang tinatawag mong pangit?”
“Ikaw! Ikaw ang kinakausap ko! At hindi ka lang pangit, matanda ka pa! At masama kang tao! Pangit, matanda, masamang tao at hopeless!”
Pagkasabi no'n ni Maxene, kaagad naman niyang kinuha ang maliit na punyal sa loob ng bulsa niya at sinimulang iikot iyon sa mamahaling kotse dahilan para masira ang pintura nito. Nanlaki naman ang mga mata ni Nathalie nang makita ang malaking gasgas sa itim na mamahaling kotse.
“You little brat, stop right now! Kilala mo ba kung sino ang may-ari ng kotseng ito? ha? You dare to scratch it? Are you out of your mind?!” inis at kinakabahan na tanong ni Nathalie.
Sinubukan naman ni Nathalie na pigilan si Maxene pero mabilis na nakaiwas ito. Agad din niyang hinabol, bawat hakbang ay puno ng determinasyon. Habang si Maxene naman ay hinayaan si Nathalie na tumakbo paikot sa mamahaling kotse nang mabilis. Maingat pero parang unggoy kung kumilos. Si Alexander naman ay walang emosyon na pinapanood ang nangyayari sa labas at walang kaalam-alam sa nangyari sa kotse niya.
“Lucas, go down and take a look,” utos niya.
“Yes boss,” masiglang sagot niya.
Pero bago pa makalabas si Lucas ng kotse, bigla silang nakarinig ng sunod-sunod na paputok kaya napaatras ito kasabay ng mabilis niyang pagsara sa pinto ng kotse. Matapos ang apay na malalakas na sabog, biglang bumagsak sa lupa ang ilang bahagi ng kotse na may kasabay na matinding kalabog na umalingawngaw sa paligid. Sa mga narinig ni Alexander na ingay sa labas at matinding usok, kunot noo siyang lumabas ng kotse niya. Habang nakikita ang eksena sa labas, nagulat siya at mas lalong kumunot ang noo niya.
Nakita niya ang apat na gulong na nakahiwalay na sa mismong kotse niya at gumugulong sa iba't ibang direksyon habang sinasalubong siya ng maitim na usok. Kapansin-pansin na sirang-sira na talaga ang kotse niya. Napatingin siya kay Maxene nang magsalita ulit ito.
“Bago lang ako rito kaya palalagpasun ko muna ‘to pero kapag inulit mo pang i-bully ang kapatid ko, hindi na ako magiging mabait! Ang pangit mo! Ang tanda mo na! Ang sama mo pa! Hmmp!” inis niyang wika pero bakas pa rin na kahit galit at naiinis na ito ay lumalabas pa rin ang pagiging cute niyang bata.
“Nico! Anong nangyari? Bakit?” tanong ni Maxene.Nang makita ni Nico ang dalawa niyang kapatid, mas lalo pa itong umiyak na malakas. Nanginginig siya sa sakit at takot na halos hindi makapagsalita ng maayos.“Kuya, iyong babaeng ‘yan.. sinipa niya ako kuya. Sobrang sakit,” hagulgol niya.Kumunot ang mga noo nila nang marinig iyon habang tinitingnan si Nathalie na naglalakad palabas ng terminal. Huminga ng malalim si Maxene at halatang kumukulo na ang dugo.“Kuya, dito ka na muna kay Nico. May kailangan lang akong gawin. Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sa kapatid natin,” nanggigigil niyang sambit.Pagkasabi niya no'n ay kaagad naman siyang tumakbo ng mabilis hanggang sa mabilis din siyang nawala sa kalagitnaan ng madaming tao sa paligid.Wala nang oras pa para kay Draven na mapigilan pa ang kan'yang kapatid. Tiningnan na lang niya si Nico na may sobrang pag-aalala.“Sabihin mo sa akin Nigo, saan ang masakit?”“Dito at dito,” wika niya habang tinuturo ang likod ng binti niya
“Ma'am, may isang problem po sa pagrerehistro ng mga anak ninyo,” panimula nita sa propesyonal na tono.Kumunot ang noo ni Elara. “Ano po?” tanong niya na may bahagyang panginginig ang tinig.“Ang household registration po, kasal pa kayo sa legal records,” paliwanag nito sabay abot ng dokumento. “Kung ipaparehistro ninyo ang mga bata ngayon, automatic po na lalabas ang pangalan ng ama nila.”Parang tumigil ang mundo ni Elara. Huminga siya ng malalim, pilit pinipigilan ang pagkabigla. “P-paano po nangyari ‘yon? Alam ko namang nag-divorce na kami. Pinirmahan ko lahat bago ako umalis ng maynila.”“Pasensya na po ma'am,” malumanay ngunit mahigpit ang sagot ng staff. “Bago ma-finalize ang registration, kailangan po munang maayos ang civil status ninyo sa legal records. Ibig sabihin, kailangan po muna ang divorce papers bago maipasok ang birth certificate sa household registration kung ayaw niyo pong nandoon ang pangalan ng ama nila.”Huminga siya ng malalim at napatingin siya sa mga anak n
Malamig ang hangin sa bahay nila Elara pero mas malamig ang tinig ng mga kasambahay na nag-uusap sa pabulong na tono.“Narinig niyo ba?” bulong ng isa. “Buntis daw si Ma'am Elara at sabi ni Sir Alexander, hindi raw siya marangal na babae. Ibigsabihin, hindi siya ang ama ng dinadala ni Ma'am Elara!”“Grabe kung totoo ‘yan, hindi na niya makukuha kahit ano sa kan'ya,” sagot ng isa pa na may hakong panghuhusga.“Tama, wala nga talaga. Binawi na ni Sir Alexander kaya paniguradong aalis siya dito na walang dala na kahit ano,” natatawang sabi ni Sabel. “May divorce paper na! Malapit na silang maghiwalay, iyon ang sabi ni Sir Alexander.”“Naku! Kawawa naman si Ma'am Elara pero mas kawawa si Sir Alexander.”“Bakit ka naman maaawa kay Ma'am Elara eh siya ang may palaging kasamang lalaki,” mapanghusga na sabi ng isang kasambahay nila.Narinig ni Elara ang lahat. Tumayo siya sa gitna ng hallway, nanginginig ang mga kamay at ang bawat salita ay parang patalim sa kanyang dibdib. Nang makita siya n
Wala na siyang mga magulang at pinalaki lamang ng mag-asawang nag-ampon sa kan'ya na itinuring niyang tunay na pamilya. Dahil sa kanila, naputol ang pag-aaral niya at napilitan siyang isuko ang mga pangarap nang ipakasal siya kay Alexander. Ang tunay nilang anak sa ang ihaharap sa kasal, ngunit umatras sila nang malaman nilang may kapansanan si Alexander sa mga binti, kaya si Elara ang piniling ipalit upang hindi magsakripisyo ang kanilang tunay na anak. Hindi rin nila alam na dalawang taon na ang nakalipas mula nang magpagamot si Alexander at tuluyan nang gumaling. Sa loob ng dalawang taon, mag-isang nanirahan si Elara sa bahay nila, ngunit kahit malayo ang isa't isa, hindi kailanman pinabayaan ni Alexander si Elara at binigay ang mga pangangailangan niya pero iniisip pa rin niya ngayon kung ano na lang ang mukhang ihaharap niya sa asawa niya kapag nalaman niya ang nangyari. Sa kabilang banda, dumiretso naman si Alexander sa bahay nila ni Elara.“Sir, nandito na po pala kayo,” gulat
Nagmamadaling umalis si Elara papunta airport para maabutan ang arrival time ng sinasakyan na pribadong eroplano ng kan'yang asawa na si Alexander Collins. Dalawang taon na silang kasal sa isa't isa pero kahit kailan ay hindi pa sila nagkikita kaya nang malaman ni Elara na darating na ang kan'yang asawa, agad siyang nagdesisyon na sunduin ito para surpresahin niya nang walang kahit na sinong nakakaalam.Pagdating niya sa airport, agad siyang tumayo sa arrival gate pero isang oras na rin ang nakakalipas pero hindi pa rin dumadating ang pribabong eroplano na sinasakyan ni Alexander. Naghanap na muna si Elara ng makakain habang naghihintay kaya naglakad lakad na muna siya dahil na rin sa gutom. Ilang sandali lang din ay lumapag na ang sinasakyang pribadong eroplano ni Alexander at kaagad siyang lumabas ng airport na may tindig. Sinalubong siya ng mga tauhan niya.“Magandang gabi po boss,” masiglang bati ng personal assistant niya.Hindi sumagot si Alexander at patuloy lang sa paglalakad.







