Share

CHAPTER II (THE BLACK SHEEP)

"K A Y A . . . sino ang iboboto natin sa darating na eleksyon?!", malakas na sigaw ng MC sa mikroponyo.

"SANTIAGOOOOO!!!!", panabayang sigaw naman ng mga taong nasa covered court ng Marikina habang iwinawagayway ang mga campaign give aways kung saan nakaimprenta ang mukha at pangalan ng daddy ni Trinity.

At tulad ng ni-rehearse nila ay doon sa puntong ‘yon sila tatayo buong mag-anak at magkakahawak na nakataas ang mga kamay. Siya, her mom and her dad, are all smiling ear to ear para ipakita sa mga tiga-suporta ng daddy niya kung gaano sila kasaya na andoon sila sa harap ng mga ito... kaya na it's all for the show. Sa mga pagkakataong ito siya naiinggit sa Ate Rian niya, nasa Amerika kasi ito at  nag-aaral ng medisina.  She doesn’t have to deal with this campaign-faking period as she calls it.

"Mom, are we almost done here? I have an event to attend to", pasimple niyang bulong sa mommy ng hindi inaalis ang ngiti sa mga labi.

“Stop that! Baka magalit ang daddy mo!”, pasimple din nitong pagsaway sa kanya habang nakangiti pa rin.

Dang this election!, mura niya sa isip. Ang dami niyang lakad na naabala dahil kailangan laging kasama siya sa mga campaign ng daddy niya to show what a “happy and typical family” they are. God she hates politics!

Matapos ang ilan pang mensahe ng kung sino at ilang pagpapakuha ng litrato ay natapos din ang napakahabang araw ng kampanya nila. Nagmamadali niyang hinubad ang suot na na campaign blazers habang pababa ng entablado.

“Trinity!!!”, ma-awtoridad na tawag ng daddy niya sa kanya. 

Umikot muna ang mga mata niya  habang nakatalikod dito tsaka niya ito hinarap.

“Mag-usap muna tayo sandali anak...”, nakangiti at malumanay nitong sabi pero ang mata nito ay halos singtalim na ng itak.

Lumapit ito sa kanya at pasimple siyang hinawakan ng napakahigpit sa braso saka iginiya siya papasok sa malaki nilang van. 

Ni hindi na kinabahan si Trinity, alam naman niyang hindi usap kundi sermon na naman ang gagawi  nito. Tahimik na lang siyang sumunod daw ayaw niyang gumawa ng eksena, baka imbes na mapabilis ang alis niya ay mas lalo pa siyang ma-stuck doon.

“Are you really trying to screw me up? At talagang ngayon pa? Kung kailan eleksyon?!”, tanong agad ng daddy niya as soon as sumara ang sliding door ng van.

Bumuntong hininga siya. Here we go again, aniya sa isip at hindi na pinigil ang pag-irap.

“No dad”, naiinip niyang sagot. 

Walang saysay na magdahilan pa dito dahil paniguradong sampal lang ang aabutin niya dito and she can’t afford to hurt her face right now dahil may event nga siyang dadaluhan. Pasain pa naman sya, kaunting bunggo o kurot at agad na nagpapasa ‘yon. Litaw na litaw pa man din ang mga iyon dahil sa maputi niyang balat.

“I already told you,  clear your schedule on my campaign periods. Saan ka ba pupunta at gigil na gigil kang umalis? Paano kung may nakapansin sa pagkaatat mong makaalis kanina? Ano na lang ang sasabihin ng mga botante ko?!”, nagtatagis ang ngipin nito sa gigil at pagpipigil na lumakas ang boses dahil baka may makarinig at masira ang image nito.

Muli siyang nagpakawala ng marahas na hangin saka prente pang pinagkrus ang mga braso sa tapat ng dibdib niya tsaka sumandal sa upuan. She’d been down this road too many times na naging immune na siya.

“They’re your voters not mine. Bakit kailangan kong magpanggap na gustong gusto kong kasama kayo? Eh  sa totoo lang mas gugustuhin ko pang ka-bonding ‘yong mamang naglalako ng balut kesa sa inyo”, prangka niyang sagot sa ama

Noong bata kasi siya ay lagi siyang natatakot sa daddy niya, lalo na kapag galit ito dahil hindi lang basta palo ang inaabot niya mula dito. Dumating sa punto na kinailangan itong awatin ng mga bodyguards nila para lang tumigil sa pananakit sa kanya. After that incident ay natutunan niyang magtago sa loob ng kabinet niya sa tuwing maririnig niya ang boses nito, mga five or six years old siguro siya noon kung tama ang pagkakatanda niya. Takot na takot siyang muling masaktan nito kaya nagtitiis siya ng init at gutom sa loob ng kabinet hanggang sa makatulog ito o di kaya’y makaalis ng bahay nila. 

But as she grew older, napalitan na ng galit ang takot. Basta nagising na lang siya isang araw na napagod na siyang matakot at magtago sa kabinet. Sinimulan niya itong sagot-sagutin ng pabalang, irapan o pagtaasan din ng boses. Paano’y hindi naman ito ganun sa ate niya, sa katunayan ay kung ipagmalaki nito ang Ate Rian niya sa mga constituents nito ay akala mong ‘yon lang ang anak nito at hindi siya nag-eexist. Kaya pinangako nya sa sariling hinding-hindi na siya aasa na mamahalin din siya nito gaya ng pagmamahal nito sa ate niya. 

“Hoy Trinity! Ayus-ayusin ‘yang pananalita mo kapag ako ang kausap mo at baka hindi kita matantya!”, galit nitong sabi sabay itinaas ang palad at umaktong sasampalin siya.

Pero sa halip na umiwas ay umakto pa siyang sasalubungin ang palad nitong nahinto sa hangin dahil sa inasal siya.

“Sige! Sige Dad! Sampalin mo ’ko! Tingnan lang natin kung hindi gumuho ang vote predictions mo kapag lumabas ako dito ng putok ang mukha at may pasa. Do you think hindi ako tatanungin ng mga reporters kung anong nangyari? To think na kasama kita sa loob ng van?”, kompyansa niyang tugon tsaka ngumisi.

“At kapag tinanong ako ng mga reporters, do you think magsisinungaling ako para depensahan ka?”, sabi pa niya at sinundan iyon ng pagak na tawa.

“In your dreams dad! Rot in hell for all I care!”, dagdag pa niya.

Ngumisi din ito nang makabawi sa pagkagulat sa naging reaksyon niya.

“Baka nakakalimutan mo, mayroon ka ng lahat ng mayroon ka ngayon dahil sa ’kin. Kaya kung babagsak ako, siguradong kasama kayo dun”, 

“Mas gugustuhin ko pang gumapang sa putikan kesa ang magsinungaling for your sake, dad”, mahina ngunit gigil din niyang sabi saka tumalikod dito para buksan ang pinto ng van.

Sigurado naman syang hindi siya hahabulin nito dahil the moment na buksan niya ang pinto ng sasakyan nila ay awtomatikong umamo ang mukha nito. Nakakapanindig balahibo ang pagpapanggap at panloloko nito sa tao.

Dire-diretso siyang bumaba at mabilis na tinungo ang sarili niyang black BMW kung saan naghihintay ang bodyguard niya pati ang appointed driver niya, na if she remembers it right, Nigel ang pangalan.

Nang matanawan siya ni Julius na paparating ay mabilis nitong binuksan ang pinto sa likuran ng passenger seat kaya’t tuloy-tuloy siyang pumasok. Matapos nitong isara ang pinto ay mabilis itong lumulan sa passenger side.

“Sa Makati na tayo”, utos niya habang abala sa pagtipa sa cellphone nya para itext si Scarlett na on the way na siya.

Agad din namang binuhay ni Nigel ang makina at ilang sandali pa’y nasa daan na sila.

Inabala niya ang sarili sa pagtingin sa labas ng bintana. Hindi na naman tuloy nya mapigilan ang paglalakbay ng diwa niya at maisip ang mga bagay na ayaw na niyang maalala o isipin. Gaya ng kung bakit kaya gano’n na lang ang galit ng daddy niya sa kanya gayong napakagiliw nito sa ate niya. Oo, hindi siya magaling sa klase, hindi siya matalino pero hindi din naman siya bobo. 

No’ng una ay pilit niya pang ginagaya nag ate niya, sa pananamit, sa pagsasalita at maging ang mga paborito nito ay ginawa niya na ding paborito niya, sa pag-asang mamahalin din siya ng daddy niya. Obviously, hindi ‘yon nangyari. She was nothing but the black sheep of the family, as her own father calls her. Siya daw ang weakest link ng pamilya nila and that if they ever go down ay sigurado daw itong dahil ‘yon sa kanya. 

Naputol ang pag-iisip niya nang bigla silang huminto. Kumunot ang noo niya nang makitang wala pa naman sila sa venue na pupuntahan nila, ni hindi pa nga sila nakakapasok ng Makati.

“What happened?”, tanong niya sabay dumukwang para mas makita ang harapan.

“Mukhang may checkpoint Mam”, sagot naman ni Nigel nang hindi siya nililingon.

Napapalatak siya at padabog na sumandal sa upuan.

“Do something about it! Late na ako!”, iritado niyang utos sa mga ito.

Nagmamadali namang bumaba si Nigel at patakbong nagtungo sa harapan kung nasaan ang mga nangangasiwa ng checkpoint.

Panay ang pagpapakawala niya ng marahas na buntong hininga o di kaya ay pagpalatak. Inis na inis siya! Napakamalas niya talaga sa araw na ‘to! 

Nang lumipas ang limang minuto at hindi pa din bumabalik  ang driver niya ay binuksan na niya ang sariling bintana para silipin ito. Natanaw niyang tila nakikipagdiskusyon pa ito sa dalawang lalaking nakasuot ng uniporme ng sundalo. 

Makalipas ang ilang segundo ay lumingon si Nigel sa gawi niya at sunod na lumingon din ang dalawang sundalong kausap nito. Hindi nagtagal ay nakita niyang papabalik na ito sa kinaroroonan ng kotse nila kaya’t muli na niyang ipinasok ang ulo niya.

“Anong sabi?”, tanong niya agad nang makapasok din ito sa sasakyan.

“Eh Mam, hindi daw ho pwede eh, istrikto raw ho ang utos sa kanila walang palalampasin ng hindi naiinspection ng mabuti. Sinabi ko na na anak kayo ni Gov pero ayaw po talaga”, kumakamot pa ng ulo nitong sagot kaya’t napabuntong hininga siya ng marahas.

“Julius!!!”, iritado niyang baling sa bodyguard na lumingon lang ng bahagya sa balikat nito.

“Sabihin mo sa kung sino mang Poncio Pilatong nagmamagaling na ‘yan na kung hindi niya ako pararaanin ay magpaalam na siya sa uniporme niya dahil sisiguraduhin kong mabubura ang pangalan niya sa National Registry ng Pilipinas”, nanggigil niyang utos sa bodyguard niya.

Hindi naman ito sumagot at tuloy-tuloy na lumabas ng kotse.

“Do your job properly next time Nigel. Kung gugustuhin ko ay ngayon mismo pwede kitang palitan”, sabi niya sa driver niya nang hindi man lang ito tinitingnan.

“Sorry Mam, hindi na mauulit”, sagot naman nito.

Iniripan niya ito at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Sakto namang nagtama ang mata nila ng isang sundalong dumaan at nagawi din ang tingin sa nakabukas niyang bintana. 

Hindi siya pamilyar sa mga uniporme ng mga sundalo pero masasabi niyang hindi ito basta-basta o normal na sundalo lang. May mga design sa balikat ng suot nitong uniporme at kakaiba din ang suot nitong sumbrero.

Hindi bago sa kanya ang makakita ng gwapo dahil kaliwa’t kanan ang nanliligaw sa kanyang modelo at maging artista, pero ngayon lang ‘ata siya nakakita ng gwapong sundalo. Mabuti na lang at eksperto siya sa pagpigil ng emosyon kaya’t kahit na aminado siyang gwapong-gwapo siya sa sundalong nakatitigan niya ng ilang segundo ay alam niyang hindi iyon rumehistro sa mukha niya. Ang nakakainis lang ay mukhang gano’n din ito, mukhang magaling din itong magtago ng ekspresyon dahil hindi din niya ito nakitaan ng kahit paghanga man lang sa kanya. Sa ganda kong ‘to?!,  komento niya sa isip. Pinigil niya ang sariling mapairap nang ito pa ang unang magbawi ng tingin at nilampasan lang siya.

“Kapal”, wala sa loob niyang bulong nang tuluyan itong makalampas.

Naputol ang saglit niyang moment na ‘yon nang pumasok si Julius sa kotse.

“Okay na Mam”, anito.

Tumango lang siya at hindi na nagsalita pa. Pinindot niya ang kontrol ng bintana niya para isara ‘yon. At kahit na sabihin niya sa sariling huwag, ay pasimple pa din niyang nilingon ang sundalong dinedma ang ganda niya. Umasa siyang mapapalingon itong muli, kahit sa kotseng kinasasakyan niya man lang, pero bigo siya. Tanging likod nito ang nakita niya habang tuloy-tuloy na naglalakad hanggang sa marating ang isang nakaparadang Honda CRV sa gitna ng checkpoint mismo.

Hmft! Bwiset!, aniya sa isip tsaka padabog na bumaling sa harap at umayos ng pagkakaupo. Hindi niya alam kung bakit siya naiinis na nilampasan lang siya nito and worse, hindi man lang ito kahit napa-second glance! Minsan na nga lang siya um-appreciate ng ka-gwapuhan, isnabero pa!

Ilang sandali pa’y mabagal na umusad ang kotse nila habang nagbibigay daan ang mga sasakyang nasa harapan para sa kanila sa direksyon ng ilang sundalong nangangasiwa sa checkpoint.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status