Share

CHAPTER IV (PRETTY SAVAGE)

M A L A K A S  . . . ang dagundong ng disco music na pumapailan-lang sa buong pool bar. Isa itong exclusive bar para sa mga nasa higher class at ito ang hangout nila ng VIP members ng Queens. Others call them friends pero sa kanya ay members lang sila. Hindi siya naniniwala sa salitang ‘friends’, dahil para sa kanya, kung ang sarili niyang kadugo ay walang pakialam sa kanya, mas imposibleng magkaroon ng malasakit ang hindi naman siya kaano-ano. 

She lazily took a sip of her mojito drink habang tahimik na pinagmamasdan ang mga tao sa paligid niya. Kwento rito, chismis doon, some were flirting, some were just chilling parang siya. May mangilan-ngilang nagsu-swimming samantalang ang iba naman ay nagsasayawan habang umiinom. This is her life, dull and boring. Kaya lang naman siya biglang nagtawag ng night out ay dahil nasa bahay ang daddy niya at gusto niyang umiwas dito, just like the usual.

“Hey, Trinity... tara sayaw tayo!”, yaya sa kanya ng isa sa mga VIP members.

“Go away, I’m not in the mood”, tamad niyang sagot tsaka inirapan ito. 

Bitchesa na kung bitchesa pero gano’n kasi talaga siya. 

“Where’s Scarlett?”, iritado niyang tanong sa mga kasama niyang nakaupo sa VIP lounge by the pool.

“Mag-c-CR daw muna siya”, sagot ng isa.

“For half an hour???”, 

Wala nang sumagot sa kanya. Alam naman niyang kahit na sanay na, ay takot pa rin ang mga ito sa kanya.

Pumalatak siya at iritadong tumayo.  Inayos niya ang sparkling little black dress niya na talaga namang ‘little’. Paano’y bahagya lang ang inihaba nito sa kuyukot ng pang-upo niya at bahagya lang din ang itinaas sa dibdib niya. Tanging maninipis na strap lang ang sumasabit rito sa magkabila niyang balikat at hapit na hapit pa sa katawan niya. But she didn’t care, she has all the right to flaunt dahil hindi lang maganda ang hubog ng katawan niya, makinis at maputi rin ang balat niya. Hinayaan niyang umalon-alon ang mahaba at unat na unat niyang buhok na itinali niya ng isang high ponytail sa bawat paggalaw niya.

Agad siyang naglakad na papunta sa direksyon ng bar counter kung saan malapit ang ladies room. Ramdam ni Trinity ang pagkapako sa kanya ng tingin ng bawat daraanan, mapababae man o lalaki. Taas-noo naman siyang naglakad hanggang sa marating niya ang tapat ng ladies room. Papasok na sana siya nang may marinig siyang boses na nag-uusap sa loob.

“That Scarlett one is so trying hard! A what? Co-founder? Co-founder my foot! Eh alam naman nating lahat na she is nothing but a mere julalay ni Trinity”, wika ng isang babae.

“Baka nga ‘ka mo kung hindi siya pinsan eh ni hindi siya mapipili bilang member ng Queens”, sagot naman ng isa pang babae at sinundan iyon ng tawanan.

“Ah basta ako, ang stand ko, dapat nang i-consider ni Trinity ang change of hierarchy. I mean, hindi naman siya forever nasa college right? Eventually ga-graduate siya, so dapat ngayon pa lang simulan na niyang pumili ng magiging bagong Reyna ng Queens.”,

“Anong ibig mong sabihin?”

“Trinity will not be in reign forever. Queens will eventually need a new leader”, patuloy ang pag-uusap ng dalawang babae.

Hindi na siya nakatiis at dahan-dahang sinilip kung sino ang mga nag-uusap. Nakilala niya itong sina Angel at Atheena, kapwa VIPs ng grupo nila. Hindi naman niya sinita ang mga ito sa akto, sa halip ay tahimik siyang lumayo sa ladies room.

These women are digging up their own grave, nakangisi niyang sabi sa isip habang patungo sa bahagi ng bar counter kung saan tanaw niya ang mga naglalabas-pasok sa CR.

“The usual po Miss Trinity?”, tanong agad ng bartender sa kanya.

“No, tequila, George”, kaswal niyang sagot.

“Ohhh, rough night?”, napalingon siya sa gawi ng lalaking biglang nagsalita. 

Ngayon lang niya ito nakita sa bar na iyon, ibig sabihin ay bago ito. Halatang hamak ang tanda nito sa kanya, medyo singkit ang mga mata at may manipis na balbas. Marami din itong tattoo, maging sa leeg at mukha ay mayroon.

Inis pa siya at wala sa mood kaya hindi niya ito sinagot. Sa halip ay inirapan niya ito. Siya namang paglapag ni George ng shot glass sa harapan niya tsaka naglagay ng tequila roon. Kagyat naman niya iyong tinungga sabay s****p ng lemon na inilapag din ng bartender sa tapat niya. Ilang segundo pa’y naramdaman na niya ang pag-iinit ng mukha niya. One more shot and she is ready for war.

“Lemme guess, broken heart?”, sabar ulit ng lalaki kanina.

Pinukol niya na ito ng matalim na tingin.

“Hindi ako mababaw”, sagot niya rito tsaka ito inirapan. 

Muli niyang sinenyasan si George ng re-fill na agad din naman nitong sinunod.

Narinig niyang tumawa ng mahina ang lalaki, kaya tinaasan niya ito ng kilay. Agad din naman nitong pinagpormal ang sarili nang makitang nakataas ang kilay niya.

“Oh sorry, sorry...don’t mind me”, anito.

Muli niya itong inirapan sabay diretsong tinungga ang pangalawang shot niya ng tequila.

“Deo”, sabi ng lalaki na mula sa gilid ng mata niya ay nakita niyang naglahad ng kamay.

Padabog niyang inilapag ang shot glass sa counter tsaka ito sinagot.

“Not interested”, aniya tsaka dire-diretsong umalis doon para bumalik sa VIP lounge nila.

Pagdating niya doon ay pabagsak siyang umupo tsaka magkasabay na pinagkrus ang mga braso at binti. Nandoon na si Scarlett na tahimik lang na nakaupo sa pinakadulo ng paikot na lounge. Base sa pagkakayuko nito ay alam niyang narinig din nito ang usapan nina Angel at Atheena sa ladies room kanina. Agad na lumipad ang tingin niya sa dalawang babae na enjoy na enjoy na nagsasayaw sa tapat ng lounge nila habang may hawak na inumin.

“I’m bored”, maya-maya ay sabi niya sabay abot ng kopita niyang iniwan niya kanina.

Nagtinginan ang lahat ng kasama niya sa kanya.

“Angel and Atheena, entertain me”, dagdag pa niya tsaka muling sumandal sa lounge na gawa sa rattan at pinatungan ng foam.

Biglang rumehistro ang kaba sa mukha ng dalawang babae na nagpalitan pa ng tingin.

“A-Anong gusto mong gawin namin?”, nag-aalangang tanong ni Atheena.

“Nothing serious...”, nakangisi niyang sagot habang iniikot-ikot ang hawak niyang kopita.

Maya-maya ay walang sabi-sabi niyang isinaboy ang laman ng kopita niya kay Atheena. Agad niyang hinablot ang hawak na kopita ng katabi tsaka isinaboy rin ang laman niyon kay Angel. Halos panabay na napasigaw ang dalawa.

“Ooops! Sorry, akala ko kasi basahan”, pang-aasar siya tsaka tumawa. Nagpalitan naman ng nababahalang tingin ang iba nilang kasama.

“This is not funny Trinity! This is a limited edition Guccie dress! For God’s sake!” bulyaw ni Atheena habang nagpapapadyak sa inis.

Her laughter instantly died at agad iyong napalitan ng dangerous look. She slowly stood and walked towards the two girls na sinabuyan niya ng mojito.

“You’re worried about your limited edition Guccie dress?”, aniya habang patuloy ang paghakbang palapit sa mga ito, na unti-unti rin namang umaatras hanggang marating ng nito ang gilid ng pool.

“Easy. E di labhan natin!”, sigaw niya sabay tulak sa dalawang babae sa pool. 

“Ahhhhh!!!!”, panabay na sigaw ng mga ito at sinundan iyon ng splashing sound ng tubig.

Parang mga langgam na nagsi-gilid ang mga taong kanina lang ay masayang naliligo habang umiinom.

Ilang segundong nagkakawag ang dalawa bago nakabawi ang mga ito.

She stood firmly and looked down on the two drowned fish.

“Let me make it clear. I am Queens. And nothing would and could ever change that, even my death. Kaya tigilan mo ang pag-aabisyon sa trono ko, Atheena, dahil kung hindi, hindi lang ‘yan ang aabutin mo sa ‘kin!”, sinadya niyang lakasan ang boses to emphasize her domination.

Akmang tatalikod na siya nang may maalala siya.

“Leave Scarlett alone. Or wouldn’t like what I’ll do”, pagbabanta niya sa mga ito tsaka tuluyan itong tinalikuran.

Ayaw pa sana niyang umuwi pero nawalan na siya ng gana pumarty dahil sa mga ambisyosang ‘yon. Dinampot niya ang clutch bag at huminto sa tapat ni Scarlett na umaktong aalis na rin. Dahil hindi siya sanay maging affectionate, she just stood there without looking at her.

“You don’t have to follow me. Stay if you want. Keep your head up and don’t let them look down on, or I’ll be really angry”,  pagkasabi niya n’on ay nakita niya ang pagpipigil nitong umiyak.

She has always been a softie. Kahit noong mga bata pa sila ay mababaw na talaga ang luha nito. Magkaedad lang sila pero parang mas matanda siya dito kung umasta. Sa tuwing may nang-aaway dito sa school nila noon ay talagang inaaway niya rin. Kaya para siyang electric wire na nagshort circuit kanina nang marinig niya ang mga sinabi ng ilan nilang miyembro tungkol dito. Nevermind sa kanya dahil sanay na siya, pero her cousin is different. She has always been the sensitive one. Kahit siya ang binabash ay ito ang umiiyak para sa kanya. Although she never express her feelings, Scarlett understood her. 

Hindi na niya ito hinintay na makapagsalita pa at agad na siyang  naglakad palabas ng pool bar. Muli niyang nadaanan ang lalaking singkit na kumausap sa kanya kanina sa bar counter. He has this amazed expression on his face habang nakatitig sa kanya. Siguradong nakita nito ang lahat ng nangyari. Hindi naman na siya nagsayang ng panahon at nilampasan na ito tsaka tuloy-tuloy na lumabas. 

Lingid sa kaalaman ni Trinity, Deo has set his eyes on her from the time na pumasok sila sa bar. Pinili ni Deo na pumwesto sa bar counter kung saan tanaw niya ang grupo nina Trinity.

Pinindot niya ang speed dial 1, sa unang ring ay may sumagot agad.

Game on”, nakangisi niyang turan sa kausap sa kabilang linya habang nakapako ang tingin kay Trinity.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status