Share

CHAPTER VIII (TESTING THE WATERS)

H I N D I . . . pa man ganap na nakakapasok ay dinig na ni Red ang mahinang tugtog na halos panay beat lang. At nang itulak ni Yoda ang mabigat double door na mukhang yari sa mamahaling uri ng punong-kahoy, ay tuluyang bumungad sa kanila ang malakas na kabog ng disco music.

Sumunod na lamang siya dito hanggang marating nila ang pinaka-loob ng club. May malalaki at ilang maliliit na swimming pool doon na puno ng ilaw na may iba’t ibang kaya’t nagmistulang may kulay ang mga tubig. 

Dumiretso sila sa bar counter na malapit sa may entrance dahil iyon ang pinaka-ideal na pwesto sa kanila. Mula doon ay kita nila ang halos kabuuan ng bar, lalo na lounge kung saan nakaupo ang grupo nina Scarlet. As usual,  katabi pa rin nito si Trinity, na sa halos isang linggo nilang pagsunod sa mga ito, ay ni hindi niya nakitang ngumiti o magpakita man lang ng kahit na anong emosyon. She has that domineering vibe that makes her stand out among the rest kahit na nakaupo lang ito at walang ginagawa. 

Naputol ang akala niya’s palihim niyang pag-oobserba nang sikuhin siya ni Yoda.

“Insan, ‘kaw na umorder ng maiinom natin”, anito.

“Gin bulag lang alam ko eh”, bulong nitong dagdag tsaka humagikhik.

“Two  brandies, rocks”, sabi niya sa bar tender na agad namang tumalima.

“Two  brandies, rocks”, narinig niyang pabulong na ulit ng kasama. Nang tingnan niya ito ay mukhang sarili nito ang kausap at ginagaya ang sinabi niya kanina, pati kung paano niya iyon sinabi. 

Sa loob-loob niya ay natawa siya pero hindi na siya nagkomento. Ibinalik na lang niya ang pansin sa grupo nina Scarlet na ngayon ay nagsasayawan habang may hawak na kopita ng alak. Dinig niya ang tawanan ng mga kababaihan sa pagitan ng modernong tugtugin. Pero sina Scarlet at Trinity ay nanatiling nakaupo.

“Iyong baby mo naman ‘insan parang laging galit mundo. Napakadamot sa ngiti”,  maya-maya ay komento ni Yoda. Pero hindi niya ito pinansin dahil nakita niya si Speedy sa may di kalayuan, kung saan ang designated spot nito sa plano.  Iginala niya ang paningin para hanapin ang ilang tauhan ni Deo, pero mukhang wala pa ang mga ito. 

Nang muli niyang ibalik ang tingin sa mga kababaihan ay nakita niyang mag-isa na lang na nakaupo si Scarlet. Kusang naging malikot ang mga mata niya para hanapin ang babaeng palagi nitong kasama. 

“Haba ng leeeggg, tangos ng ilooonnggg”, narinig niyang sabi ulit ni Yoda na may himig ng pangangantyaw.

“Excuse me?”, 

Sabay silang napalingon ni Yoda sa pinanggalingan ng boses na iyon at napatikhim siya para itago ang pagkagulat nang mapagsino ang nalingunan. Walang iba kundi ang babaeng hinahanap niya mismo. 

“Were you just catcalling me?”, muling tanong ng babae na mukhang na-offend sa pag-aakalang para sa kanya ang komento ng kasama niya. 

Ngayon niya lang ito nakita ng malapitan at aaminin niyang maging siya ay saglit na natulala. Noon lang yata siya nakakita ng babaeng ganoon kaganda at kalakas ang dating. Muli siyang tumikhik tsaka ibinaling sa ibang direksyon ang paningin para kalmahin ang sarili. Parang bigla ay gusto niyang batukan ang sarili, dahil talo niya pa ang isang highschool boy biglang nawala sa sarili nang makatabi ang school crush niya. It’s not like wala siyang karanasan sa babae, pero kung paano siya magreact sa presensya ni Trinity is just embarrassing for a 26-year old, much more a ranked soldier like him.

“C-Cat...ano raw? ‘insan? Ano raw ‘yon? Pusa lang naintindihan ko”, bulong ni Yoda sa kanya habang kumakamot pa ng ulo.

Hindi niya alam kung matatawa ba siya o ano. 

“Akala niya binabastos mo siya”, mahina niyang sabi sabay lagok ng alak mula sa baso niya nang hindi ito tinitingnan. 

“Huh?? E-Excuse me baby, este... Miss Byutipul. Hindi kita binabastos ah, para dito sa pinsan kong pogi ‘yong sinabi ko kanina”, baling ni Yoda sa dalagang nasa tabi nito. 

A-Ahm... A-Ah... Ham sahrry ip I’m ophended (offended) to you, you know”, dugtong pa nito.

Hindi niya malaman kung seryoso ba “tong pinsan niya kuno o inaasar nito ang babae, dahil kung ang huli, ay mukhang tagumpay ito. Ang kanina pang nakakunot nitong noo ay mas lalo pang nalukot sabay irap sa kanila. 

“George”, narinig niyang tawag ng babae sa bar tender. 

Mukhang regular ito doon dahil pamilyar na pamilyar ang kilos at pananalita nito. Maging ang bartender ay alam agad ang gusto nito. 

Halos hindi dumikit ang puwit ng basong inilapag ng bartender sa tapat nito, ay mabilis na nito  iyong tinungga.

Mula sa gilid nito, ay malaya niya itong napagmamasdan. Halata namang bata pa ito, mga desi otso o desi nueve. Pero parang nadagdagan ang edad nito dahil sa makapal na kolorete sa mukha. Gayun pa man ay hindi iyon nakabawas sa angkin nitong ganda,, hindi lang ng mukha, kundi pati na rin ang katawan nito. Kaya lang ay parang  gusto niya itong pangaralan dahil sa suot nitong halos wala nang itinago sa katawan nito. Hindi niya tuloy maiwasang hindi mainis sa isiping kung siya na malakas ang pagtitimpi ay natutuksong tumingin, paano pa ang mga nagkalat na likas na bastos sa paligid?

“Ahem...Miss Byutipul, Anong pangalan mo? I’m Yoda... dis is my kasin---”

“Not interested”, agad nitong supalpal sa sinasabi ng kasama niya tsaka nilagok ang natititrang alak mula sa baso nito.

“A-Ahh, naku hindi, hindi…hindi ako ang may kursunada sa ‘yo, i-itong pinsan ko... di ba, insan?”, sabi ulit ni Yoda sabay siko pa sa kanya habang pinupukol siya ng nagpapaunawang tingin.

“Anong ako?”, gulat niyang tanong, pero muli lang siyang pinandilatan ng mata.

Napatingin tuloy siya sa dalagang nasa kabilang side ni Yoda, para muli lang mapaiwas ng tingin nang makitang nakatitig din ito sa kanya. Hindi niya ugali ang mapa-second look pero mukhang may sariling isip ang mga mata niya ay nilingon itong muli. Nakita niya kung paano siya nito titigan na parang bang isa siyang puzzle na pilit nitong binubuo. 

“Have we met?”, biglang tanong ng babae sa kanya.

Ibinaba ang itim niyang sumbrero at pasimple itinago ang mukha niya.

“I think---”

“Trinity! Sweetheart...there you are!”, 

Naputol ang sasabihin pa sana ng babae nang may biglang sumulpot na lalaki mula sa kung saan. Nang bigla nitong akbayan ang dalaga ay hindi niya maiwasang makaramdam ng animosity. Sa tingin niya ay halos kaedaran niya ang lalaki, kung hindi man ay mas matanda sa kanya ng isa o dalawang taon. May saglit na sandaling parang bigla niyang gustong sapakin ang lalaking dumating sa ginawa nitong pag-akbay sa dalaga. 

“Clark...you’re early. I thought 10 PM pa ang lapag mo”, tila gulat ding tugon ng babae sa bagong dating.   

Mukhang magkilala nga ang dalawa, gayunman ay halata sa mukha ng babae ang pagkaasiwa sa nakadantay na kamay ng lalaki sa balikat nito.

“When I heard you’re coming over, I took the earliest flight I could. Basta ikaw, I’ll always come running”, sagot naman ng lalaki. 

Tanging pag-irap at mabilis na pagtanggal ng kamay na nakaakbay dito ang naging tugon ni Trinity. 

“Let’s go to my private lounge”, sabi pa ng bagong dating at agad na nagpatiunang umalis. 

He silently let a scoff out. Bukod sa pagkakaroon ng gigolo vibes at pagiging presko ay bastos pa ang lalaki. Ni hindi ito nagpasintabi sa kanila, ganyong sila ang dinatnan nitong kausap ng babae. 

Nang mabaling sa huli ang tingin niya ay nakita niyang nakatitig din ito sa kanya na parang may gusto pang sabihin.

“Trinity”, tawag ng lalaki dito. 

“C-Coming”, sagot naman ng dalaga nang hindi inaalis ang pagkakatitig sa kanya. 

Siya ang unang nagbawi ng tingin sabay lumagok mula sa baso niya. 

Mula sa gilid ng mga mata niya ay nakita niya ang tuluyang pag-alis ni Trinity. Doon niya lang ito nagawang lingunin, ngunit tanging likod na lang dalaga ang nakita niya. 

Hindi niya maiwasang mapaisip kung tama ba ang naging desisyon niyang hayaan itong sumama lang sa preskong lalaking iyon.

“Ano insan? Sabihin mo lang”, putol ni Yoda sa paglalakbay na naman ng isip niya.

“Sabihin ang alin?”

“Inaano ka n’ong kupal na Clark na ‘yon! Ano? Upakan ko na?!”, anito habang sinusuntok-suntok pa ang palad na animo’y nagwawarm up.

“Tsssk”, kunwa’y natatawa niyang sagot sabay hawi sa kamao nito.

“Di nga?! Inakbayan pa ‘yong baby mo! ‘Kala niya ata uubra siya sa’yo!”, 

Nailing na lang siya at inubos ang laman ng baso niya. 

“Pare! Pare!”, maya-maya ay narinig niyang tawag ni Yoda kaya nilingon niya ito. Ang bar tender pala ang tinatawag nito.

“Yes sir?”, sagot naman ng lalaki habang nagpupunas ng baso.

“Sino ‘yong lalaking dumating na tumangay kay Miss Byutipul?”,

“Ahh, si Sir Clark?” 

“Oo, Clark nga pangalan”,

“Siya po ‘yong may-ari nitong Xtasis”, 

“Aaaahhh may-ari...tagilid pala tayo”, halos pabulong na sabi ni Yoda.

“Ho?”, 

“A-Ahh wala, wala... eh mag-ano sila ni Miss Byutipul?”

“Si Ma’am Trinity po?”

Tumango naman si Yoda at mukhang atat na atat sa sagot ng bar tender.

“Ang alam ko lang po matagal nang nililigawan ni Sir Clark si Ma’am Trinity”

“Nililigawan? Hindi pa sinasagot?”

Nagkibit-balikat lang ang bar tender tsaka umaktong aabot ng isa pang baso para punasan nang pigilan ito ni Yoda.

“Ey, ey, ey... teka lang, last question”

Tiningnan naman ito ng bar tender na parang naghihintay ng tanong.

“Si Miss Byutipul, regular ba dito?”

“Opo”

“Alam mo ba kung may boypren na?”

Biglang parang gusto niyang kutusan ang sarili dahil mukhang interesado din siyang marinig ang sagot sa tanong ng kasama niya.

Saglit na natigilan ang bar tender at tila sinipat si Yoda.

“Naku sir, kung kayo ho ang balak manligaw... parang...”, tila alangan nitong sabi.

“Aba loko ‘to ah! Bakit, magandang lalaki naman ako ah!”

Natatawang umiling-iling na lang siya sa takbo ng usapan ng dalawa.

“Di naman sa pang-aano sir, pero ang mga nanliligaw kay Ma’am Trinity panay big time, kundi artista o modelo, eh businessman o pulitiko pero lahat bagsak kay Ma’am. Eh kung kayo ho eh nagbabalak...baka kako gusto n’yong pag-isapan ulit”, nakangiti naman sabi ng bartender. 

Nakaramdam siya ng kakaiba sa narinig. 

Focus, Red,  lihim niyang kastigo sa sarili. It’s not like may balak siyang manligaw sa dalaga. Pinili niyang tumalikod sa bar counter at humarap sa mga swimming pool. Kailangan niyang magfocus sa misyon at operasyon nila. 

“Grabe naman ‘yang Ma’am Trinity mo, gawa ba siya sa ginto? Hmft! E di wag!”, narinig niya pang komento ni Yoda sabay tinalikuran din ang kausap at ginaya siya sa pagsandal sa bar counter. 

Biglang tumunog ang message alert tone ng cellphone niya. Mensahe iyon mula kay Deo para sabihing maghanda na sila at isasagawa na nila ang plano sa loob ng sampung minuto.

“Yoda, tara!”, 

Hindi na niya hinintay ang sagot nito at nauna nang tumayo para pumunta sa pwesto niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status