Share

CHAPTER ELEVEN

Penulis: Lanny Rodriguez
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-23 16:32:50

THIRD PERSON:

Bahagyang lumuwag ang pagkakahawak ni Silas sa pulsuhan niya, pero hindi para siya pakawalan—kundi para ipatong ang kamay sa pisngi ni Althea. Ramdam niya ang gaspang ng palad nito, malamig ngunit parang apoy ang dala sa balat niya.

“Look at you…” mariing bulong ni Silas, halos sumayad ang labi sa gilid ng kanyang tainga. “Kahit nanginginig ka sa takot… lalo lang kitang gustong angkinin.”

Nanlaki ang mga mata ni Althea, pilit na iniiwas ang mukha. “Huwag, Silas! Wag mo akong hawakan!”

Ngunit mas lalo lang itong lumapit, hinawakan ang kanyang baba at marahas na ipinihit ang mukha niya paharap. Ang titig nito—matalim, mabigat, parang isang kulungang hindi niya matakasan.

“Ayaw mong tumingin sa akin?” malamig ngunit nanginginig sa pagnanasa ang boses ni Silas. “Then I’ll make you.”

Dumulas ang hinlalaki niya sa labi ni Althea, pinilit buksan ang kanyang bibig. Dahan-dahan, unti-unti niyang inilapit ang sariling mukha—hanggang sa halos maglapat na ang kanilang mga labi.

“Sil
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)   CHAPTER TWENTY

    THIRD PERSON:Sa likod ng kanyang paglilingkod sa lungsod, sa imahe ng kabaitan at pagiging responsableng lider na hinahangaan ng karamihan—may isang madilim na lihim na walang nakakaalam. Sa harap ng tao, siya ang huwaran; ngunit sa dilim, siya ang bangungot. Dahil sa likod ng maskara ng isang pinuno, naroon ang tunay na anyo ni Gov. Silas—isang halimaw na walang alinlangang magbura ng buhay kapalit ng kapangyarihan at takot.Tahimik ang bundok. Tanging huni ng mga kuliglig at malamig na simoy ng hangin ang maririnig sa ilalim ng nagkukubliang dilim ng gabi. Ang kalyeng dinaraanan ng grupo ni Gov. Silas ay isang daan na tanging sila lamang ang nakakaalam—isang liblib na lugar na walang ibang nakapupunta. Doon, sa pusod ng kagubatan, nakatayo ang lugar kung saan maraming lihim ang ibinaon—mga bangkay na hindi na muling nakita ng kanilang pamilya.“Nandiyan na si Gov,” mahina ngunit mariing sabi ni Lucas. Agad na tumindig ang mga armado, tuwid na tuwid na parang mga rebultong handang su

  • THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)   CHAPTER NINETEEN

    THIRD PERSON:Biglang bumukas ang pinto, malakas ang tunog ng seradura na tila ba gumising sa katahimikan ng silid. Sabay na pumasok sina Don Ricardo at Senyora Miriam, kapwa may dala-dalang matatalim na tingin—halatang handa na namang pagbuntunan ng galit si Althea.Agad bumigat ang hangin. Ang presensya ni Don Ricardo ay parang anino na nagdadala ng kaba, samantalang ang malamig na titig ni Senyora Miriam ay tila ba walang malasakit kung masaktan man o madurog si Althea sa mga salita ng ama.Ngunit pareho silang napatigil. Sapagkat imbes na makita si Althea na mag-isa at nakayuko, nadatnan nila ang mahigpit na yakap ni Silas sa dalaga. Mainit, protektado—tila ba sinasabi ng kanyang mga braso na hindi siya hahayaang masaktan ninuman.At sa sandaling iyon, nag-iba ang ihip ng hangin.Sandaling nagtagpo ang mga mata ng tatlo—galit at gulat ang mababakas sa mukha nina Don Ricardo at Senyora Miriam, habang sa mga mata ni Silas ay malinaw ang determinasyon. Para bang tahimik na isinisigaw

  • THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)   CHAPTER EIGHTEEN

    THIRD PERSON:“Hindi ako kailanman magiging alipin mo, Silas…” mahina ngunit mariing wika ni Althea, pilit na tinatago ang pangangatog ng kanyang boses.Napangisi si Silas, mabagal ang bawat hakbang palapit. Ang bawat yabag niya’y tila dumadagundong sa katahimikan, parang mismong paligid ay yumuyuko sa kanyang presensya.“Alipin?” mariin niyang ulit, malamig at puno ng pang-uuyam. “Hindi mo pa rin ba naiintindihan, Althea?”Habang papalapit siya, biglang bumulusok sa pandinig ni Althea ang mga tinig mula sa nakaraan—malakas, mapanupil, paulit-ulit. Mga sigaw na pumipilit sa kanya, mga paalala ng kahinaan at pagkakagapos na matagal na niyang gustong takasan. Para bang bawat yabag ni Silas ay nagiging echo ng mga tinig na iyon, pinapaalala sa kanya ang sakit at takot na pilit niyang nililibing.“Mas mabuti pang mawala ka sa mundong ito kaysa sirain mo ang pangalan natin!!”“Si Governor Silas ang magiging asawa mo—sa ayaw mo at sa hindi!!”“Kahit mawala ka pa sa mundong ito!!”Parang sum

  • THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)   CHAPTER SEVENTEEN

    THIRD PERSON:Nakababad si Althea sa bathtub, ang malamig na tubig ay bumabalot sa kanyang katawan na parang yelo na unti-unting lumulunod sa kanya. Nakatitig siya sa kisame, walang iniintindi kundi ang bigat ng bawat hinga at ang sakit na pumipiga sa dibdib niya. Ang mga patak ng tubig na dumadaloy mula sa kanyang buhok ay humahalo sa luha na hindi na niya namamalayan.Unti-unti, nagiging malabo ang paligid. Ang mga tunog sa labas at pag patak ng tubig ay tila naglalaho, at ang boses nina Don Ricardo at Senyora Miriam ay nagsisimulang sumingit sa kanyang pandinig—mga boses na parang multo, paulit-ulit, masakit, at malakas sa loob ng kanyang isip.“Mas mabuti pang mawala ka sa mundong ito kaysa sirain mo ang pangalan natin!!” malakas na tinig ng kanyang ama, umaalingawngaw na parang paulit-ulit na sampal sa kanyang puso.Sumunod ang malamig ngunit matalim na boses ni Senyora Miriam:“Makinig ka sa akin, Althea. Si Governor Silas ang magiging asawa mo—sa ayaw mo at sa hindi!!”Parang s

  • THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)   CHAPTER SIXTEEN

    THIRD PERSON:Araw ng auction. Nakatayo si Althea sa gilid ng gallery, mahigpit na hawak ang sketchbook sa dibdib, pilit kinukubli ang mga luha. Ang puso niya’y tila dinudurog sa bawat iniisip. Sa isip niya, bumabalik siya sa imahinasyon—nakikita niya ang kanyang mga obra na nakadisplay sa malalaking easel, bawat kulay at linya ay nakalantad sa mga mata ng maraming bisita.Sa kanyang imahinasyon, bawat painting ay nagliliwanag sa ilalim ng maliwanag na ilaw, ang texture ng pintura ay tila sumisigaw ng buhay at damdamin. Ang mga bisita, nakaayos sa maayos na mga linya, ay humihinto, nagmamasid, humahanga, at may nagbubulong-bulungan tungkol sa halaga at detalye ng bawat obra. May mga nagbubukas ng katalogo, nagta-take ng litrato, at may ilan pang nagtatala ng mga bids. Ang bawat tingin ay tila hinuhusgahan hindi lang ang mga paintings, kundi si Althea mismo—ang puso niya’y para bang pinipiga ng kaba at pangungulila.Sa bawat guniguni, maririnig niya ang tunog ng hammer ng auctioneer, a

  • THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)   CHAPTER FIFTEEN

    THIRD PERSON:Maaga pa lang, abala na si Silas sa barangay, nakasuot ng simpleng polo at slacks, habang sinusuri ang repacking ng mga grocery packages. Ang araw ay sumisiklab sa paligid, naglalarawan ng mga tao na nag-aabang sa kanya—may halong pag-asa, pag-usisa, at konting pag-aalinlangan.“Maayos po ba ang laman ng bawat package?” tanong niya sa isa sa mga volunteers, habang dahan-dahang tinitingnan ang bawat supot ng bigas, de lata, at iba pang pagkain.Tumango ang volunteer. “Opo, Gov. Lahat po ay kumpleto.”Ngiti si Silas, hindi malakasan, tahimik lang, pero may direksyon sa bawat kilos. Habang inaabot ang mga pakete sa mga nanay at matanda, ramdam ang respeto at konting takot sa kanyang paligid. Ang bawat pasasalamat ng mga mamamayan ay nagmumula sa puso, ngunit ang kanyang presensya ay nagbibigay pa rin ng implicit na kontrol—alam nilang siya ang may hawak ng sitwasyon.Sa gilid ng barangay hall, nakapuwesto ang isang news crew. Mabilis nilang kinukunan ang bawat galaw ni Sila

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status