Share

Chapter 3

Author: Yara Rolling
last update publish date: 2026-08-11 13:16:25

Hindi ako agad bumaba sa sasakyan. Ilang segundo akong nanatiling nakaupo habang nakatitig sa napakalaking gusaling nasa harapan namin. Mataas ang salaming dingding nito at sa bawat palapag ay makikita ang mga taong abala sa kanilang trabaho. Sa labas, may mga security guard na agad na lumapit nang makita ang sasakyan ni Governor Alejandro.

Hindi ko alam kung saan niya ako dinala. Ang alam ko lang, mas lalo akong kinakabahan habang tumatagal.

“Are you coming?” Napalingon ako sa kaniya. Nakabukas na ang p***o sa kaniyang bahagi. Nakatayo siya sa labas, ang isang kamay ay nakabulsa, habang hinihintay akong bumaba.

“Nasaan tayo?”

“Sa opisina ko.”

“Para saan?”

“May pag-uusapan tayo.” Napatingin ako sa kaniya nang matalim.

“Kung tungkol ito sa tatay ko, wala akong pakialam sa kaniya.”

Hindi siya sumagot. Sa halip, tumingin lamang siya sa akin na para bang sinusubukan niyang basahin ang nasa isip ko.

“Alam ko.”

“Kung gano’n, bakit mo pa 'ko dinala dito?”

“Dahil kahit wala kang pakialam, bahagi ka pa rin ng pamilya niya.”

Tumahimik ako. Iyon ang eksaktong salitang ayaw kong marinig.

Sa loob ng dalawang taon, pilit kong tinanggal sa sarili ko ang apelyidong Valencia. Sa kulungan, mas gusto kong tawagin sa unang pangalan ko. Hindi dahil ikinahihiya ko ang sarili ko, kundi dahil ayoko nang maging anak ni Gregorio Valencia.

Bumaba ako ng sasakyan.

Agad akong sinalubong ng ilang security personnel, ngunit walang nagsalita. Habang naglalakad kami papasok sa gusali, ramdam ko ang mga matang sumusunod sa akin.

May ilan na nakakilala sa akin, may ilan namang nagbubulungan.

“Siya ba ’yung anak ni Valencia?”

“Oo. Siya ’yung nakulong.”

“Kasama niya si Governor.” Pinilit kong huwag pansinin ang mga iyon pero mahirap.

Dalawang taon akong namuhay sa lugar kung saan pare-pareho ang mukha ng mga taong nakikita ko.

Ngayon, bawat tingin ay tila may kasamang tanong.

Mamamatay-tao ba siya? Bakit siya pinalaya? Ano ang ginagawa niya kasama ang gobernador?

Napahawak ako sa strap ng bag ko.  Pagpasok namin sa elevator, kaming dalawa lang ang naroon at masyadong tahimik. Tinitigan ko ang mga numerong mabilis na umaakyat sa screen.

“Governor.”

“Hmm?”

“May gusto akong itanong.”

"Spill it,"

“Bakit ninyo ako tinulungan?”

Saglit siyang hindi nagsalita.

“Anong sinasabi mo, Althea? Anong tinulungan?” Tumawa siya nang mahina, ngunit walang saya sa boses niya.

“Hindi kita tinulungan.”

“Kung hindi tulong, ano?”

“A deal.”

Napatingin ako sa kaniya.

"Deal? Wala akong matandaang nakipagkasundo ako sa kung kanino,"

Hindi siya sumagot. Nasa pinakamataas na palapag kami.

Lumabas siya at naglakad patungo sa isang malaking double door. Binuksan iyon ng kaniyang assistant.

“Governor, ready na po ang lahat.” Tumango siya. Pagpasok ko, agad akong napahinto.

Malawak ang opisina. May malalaking bintanang tanaw ang halos buong city. Sa isang sulok ay may malaking bookshelf, habang sa kabilang bahagi naman ay may conference table na sapat para sa dose-dosenang tao. Ngunit ang unang nakakuha ng atensyon ko ay ang isang malaking larawan na nakasabit sa dingding.

Isang matandang lalaki.

Naka-suit, at nakangiti. May hawak na isang maliit na bata kaya napatingin ako kay Alejandro at napansin niya ang direksyon kung saan ako nakatingin.

“Father.”

Isang salita lang pero nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. May kung anong sakit na dumaan sa mga mata niya bago niya iyon muling itinago.

“Anong nangyari sa kaniya?” Hindi ko alam kung bakit ko naitanong. Siguro dahil sa unang pagkakataon, nakita kong hindi lamang galit ang nasa likod ng kaniyang mga mata kun'di may lungkot at sakit din. 

"Namatay na siya."

“Matagal na?”

“Labingwalong taon na ang nakakaraan.”

Napatingin ako sa kaniya. Halos kapareho ng edad ko noon.

“At ang dahilan?”

Hindi siya sumagot agad. Naglakad siya patungo sa kaniyang desk.

“Umupo ka.” Sumunod ako. Umupo siya sa kabilang bahagi ng mesa. Kinuha niya ang isang folder at inilapag sa harap ko.

May pangalan ko roon.

ALTHEA MARIE VALENCIA.

Nanlalamig ang mga kamay ko. Binuksan niya ang folder at naroon ang mga dokumento tungkol sa kaso ko. Mga court records, medical reports, psychological evaluation, prison records, pati mga litrato na ayokong makita.

Mabilis kong isinara ang folder.

“Kung ito ang dahilan kung bakit ako nandito, ayoko.”

“Hindi pa tayo tapos.”

“Ayoko nang pag-usapan ang nakaraan ko.”

“Hindi ko hinihinging kalimutan mo ang mga nangyari sa'yo.”

“Kung gano’n, ano?”

Tumayo siya. Lumapit sa malaking bintana.

“May mga taong naniniwalang past is past." Tumingin siya sa akin mula sa balikat.

“Ako, hindi.” Tumayo rin ako.

“Kung gusto ninyong sirain ang tatay ko, gawin ninyo. Hindi ko kayo pipigilan.”

“Patay na ang reputasyon ng tatay mo.”

Nanigas ako.

“Ano?”

"At hindi pa roon nagtatapos ang lahat." Dahan-dahan siyang humarap sa akin.

“May mga imbestigasyong isinasagawa laban sa mga kumpanya niya.”

“Alam ko.”

“Pero hindi mo alam ang buong dahilan. Tama?” Hindi ako nagsalita.

“May mga taong nawalan ng negosyo dahil sa tatay mo.  Mga pamilyang nawalan ng ari-arian, mga pasyenteng hindi nakatanggap ng tulong na ipinangako niya. Mga taong pinatahimik niya dahil may pera at koneksyon siya.”

Humigpit ang dibdib ko. Hindi na ako nagulat dahil ultimo ang sarili niyang anak ay sinira niya ang buong pagkatao.

Sa loob ng dalawang taon, marami na akong narinig tungkol kay Gregorio, pero iba pala ang pakiramdam kapag naririnig mo iyon mula sa taong personal na may galit sa kaniya.

“Kasama ba roon ang tatay ninyo?”

Hindi gumalaw ang mukha niya.

“Oo. ” Tahimik akong napaupo. “May sakit ang ama ko noon," Umupo rin siya.

“At kailangan niya ng liver transplant.” Napatingin ako sa kaniya.

“Siya ang nagbayad?”

“Si Gregorio ang nangako.”

“At hindi niya ginawa?” Umiling si Alejandro.

“Sa halip, pinili niyang gamitin ang pera para iligtas ang negosyo niya.” Natahimik ang buong opisina.

“Namayapa ang ama ko bago pa man dumating ang donor.”

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Sa unang pagkakataon, naintindihan ko kung saan nanggagaling ang galit niya. Hindi iyon simpleng galit sa isang kaaway, galit iyon ng anak na nawalan ng ama,, kagaya ito ng galit na naramdaman ko noon kay Victoria.

“Pasensya na.” Bahagya siyang napangiti.

“Hindi ko kailangan ng awa mo.” Tumingin siya sa'kin ng napakasama

"Hindi ito ang tamang araw para kaawaan mo ako."  Tumayo siya at muling kinuha ang isang dokumento.

“May kondisyon ang paglaya mo.” Napatingin ako sa papel.

“Ano?”

“May utang kang pabor sa akin.”Napakunot-noo ako.

“Magkano?”

“Marami.”

“Kung pera ang gusto ninyo, wala akong maibibigay.”

“Alam ko.”

“Kung trabaho…”

“Hindi rin.” Napahinga ako nang malalim.

“Kung gano’n, ano?”

Hindi siya agad sumagot.Ibinaba niya ang dokumento sa mesa.

“Marriage.” Pu***g**a! Totoo ba tong naririnig ko?

“Ano?”

“Pakakasalan mo ako.”

Hindi ako nakapagsalita. Akala ko mali lang ang narinig ko.

Marahil dahil dalawang taon akong nakakulong at hindi na sanay sa normal na mundo.

“Pwede bang ulitin ninyo?”

“Pakakasalan mo ako, Althea.”

Napatawa ako. Isang maikli at hindi makapaniwalang tawa.

“Nagbibiro po ba kayo?”

“Hindi.”

“Governor…”

“Three months.”

“Three months?”

“Magiging legal na asawa kita sa loob ng tatlong buwan.” Hindi ko alam kung matatawa o sisigaw ako.

“Bakit?”

“May mga dahilan ako.”

“Anong dahilan?”

“Personal.”

“Personal?”

Tumayo ako.

“Dalawang taon akong nakakulong. Lumabas ako ngayong araw na wala akong pera, wala akong bahay, wala akong pamilya, at wala akong trabaho. Tapos sasabihin ninyo sa akin na kailangan kitang pakasalan?”

“Hindi kita pinipilit.” Napatingin ako sa kaniya.

“Talaga?”

“Pwede kang tumanggi.”

“At pagkatapos?” Tumahimik siya, kaya napaisip ako.

“Kung tatanggi ako, babalik ako sa kulungan.”

“Hindi.”

“Weh? Kung ganon, ano?”

“Babawiin ko ang legal arrangement na ginawa ko para mapabilis ang release mo.”

Namutla ako.

“Pero sinabi ninyong legal ang paglaya ko.” Tumango siya

“Legal.”

“Kung gano’n, hindi ninyo ako basta-basta maibabalik.”

“Alam ko.”Lumapit siya sa akin.

“Pero alam mo rin kung gaano kahirap mabuhay pagkatapos mong makulong.” Huminto siya ilang hakbang sa harap ko.

“Wala kang tirahan.” Natahimik ako.

“Wala kang trabaho.” Hindi ako sumagot.

“Wala kang sapat na pera.”

Napalunok ako.

“At higit sa lahat…” Saglit siyang tumingin sa akin.

“…wala kang proteksyon.”

Tumalikod ako.

Ayokong makita niyang tama siya.

Dahil iyon ang pinakamasakit.

Sa unang araw ng kalayaan ko, wala pala akong tunay na kalayaan.

May dala akong pangalan na kinamumuhian ng marami. May rekord na susundan ako kahit saan.

At wala na ang taong dati kong matatakbuhan.

Si Mama.

Napapikit ako.

“Mama…”

Mahina kong nabigkas.

Nang marinig ko ang sariling boses, biglang bumigat ang dibdib ko.

Kung buhay lang siya…

Marahil sasabihin niya sa akin na huwag akong matakot.

Marahil sasabihin niyang piliin ko ang sarili ko.

Pero wala na siya.

Ako na lang.

Kaya kailangan kong gumawa ng desisyon.

Huminga ako nang malalim bago muling humarap kay Alejandro.

“Kung papayag ako…”

“Oo?”

“Ano ang makukuha ko?”

“Kalayaan.”

Napatawa ako nang mapait.

“Akala ko malaya na ako.”

“Hindi.”

Lumapit siya.

“Ngayong araw ka lang nakalabas ng kulungan.”

Huminto siya sa harap ko.

“Pero kung pakakasalan mo ako…”

Diretso siyang tumingin sa mga mata ko.

“…sisiguraduhin kong wala nang makakapagtangkang ibalik ka roon.”

Nanigas ako.

“At ano naman ang makukuha ninyo?”

Sa pagkakataong iyon, tuluyan nang nawala ang anumang bakas ng emosyon sa mukha niya.

“Revenge.”

Isang salita.

Isang salita na sapat para malaman kong hindi simpleng kasal ang inaalok niya.

“Kanino?”

Hindi siya sumagot.

Hindi na niya kailangang sabihin.

Alam ko na.

Sa tatay ko.

At sa sandaling iyon, isang nakakatakot na ideya ang pumasok sa isip ko.

Hindi niya ako inilabas ng kulungan dahil naaawa siya sa akin.

Hindi dahil gusto niya akong tulungan.

At lalong hindi dahil gusto niya akong mahalin.

May kailangan siya sa akin.

At kung tama ang kutob ko…

Ako ang magiging pinakamalaking sandata niya laban sa sarili kong pamilya.

“Pag-isipan mo.”

Inilapag niya ang isang dokumento sa mesa.

Tiningnan ko ang pangalan ko sa ibaba.

Sa tabi nito ay may isang blangkong linya para sa aking pirma.

At sa ilalim noon…

Marriage Agreement.

Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot.

Ang bumalik sa kulungan…

O ang maging asawa ng lalaking mukhang mas delikado kaysa sa sinumang nakilala ko roon.

Kinuha ko ang bolpen.

Ngunit bago ko tuluyang maibaba ang kamay ko sa papel, nagsalita siya.

“May isa pa akong kondisyon.”

Napatingin ako sa kaniya.

“Ano?”

Lumapit siya at yumuko nang bahagya sa akin.

“Kapag pinirmahan mo ’yan…”

Saglit siyang tumigil.

“…hindi mo na maaaring sabihin kahit kanino ang tunay na dahilan kung bakit kita pinakasalan.”

Nanlamig ang buong katawan ko.

“At ano ang tunay na dahilan?”

Diretso niya akong tiningnan.

“Malalaman mo kapag oras na.”

At doon ko naunawaan…

Hindi pala kalayaan ang iniaalok sa akin ni Alejandro Montenegro kundi isang KULUNGAN lang rin. Saan pa nga ba ako babagsak?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE GOVERNOR'S PRISON BRIDE   Chapter 6

    Parang huminto ang mundo nang marinig ko ang sinabi ng lalaki.Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot—ang baril na nakatutok sa ulo ni Mama o ang paraan ng pagtitig ni Alejandro sa akin. Ilang segundo kaming walang imik. Ito ang unang pagkakataon mula nang makilala ko siya, nawala ang pagiging kalmado niya. Nakita ko ang galit sa kaniyang mga mata, ngunit higit doon, nakita ko ang takot. Hindi para sa sarili niya. Para sa akin.“Mama!” sigaw ko.“Althea, huwag kang lalapit!” sigaw niya.“Tumahimik ka!” sigaw ng lalaking may hawak sa kaniya. Mas idiniin niya ang baril sa sentido ni Mama. “Isang maling galaw at matatapos ang lahat.”Nanlamig ang mga kamay ko. Gusto kong tumakbo papunta sa kaniya, pero alam kong isang maling hakbang lang ay maaaring maging huling sandali ng buhay niya. Dalawang taon kong iniyakan ang pagkamatay ng nanay ko. Dalawang taon kong pinaniwalaang hindi ko na siya muling makikita. At ngayong nasa harapan ko siya, ayaw ko na siyang mawala ulit.“Bitawan mo si

  • THE GOVERNOR'S PRISON BRIDE   Chapter 5

    Hindi ko maialis ang mga mata ko sa litrato. Si Mama? Buhay? Hindi ako makahinga, hindi ako makagalaw, parang may humawak sa puso ko at marahas itong pinisil. “Althea.” Narinig ko ang boses ni Alejandro, ngunit parang napakalayo nito. Hindi ko siya pinansin, hindi mawala ang tingin ko sa litrato. Si Mama ay nakatayo sa isang madilim na silid. Nakasuot siya ng simpleng damit at mas payat siya kumpara sa huling alaala ko, ngunit walang pagdududa Siya nga 'yon, ang mga mata, ang buhok, ang maliit na peklat sa baba na nakuha niya noong bata pa ako. “Impossible…” Nanginginig ang mga daliri ko habang paulit-ulit kong zino-zoom ang litrato. May petsa ito sa ibaba. August 21, 2026. Ngayon lang 'to, hindi ito kinuha ng dalawang taon na ang nakalipas, hindi ito lumang litrato kun'di ngayon mismo. “Althea, ibigay mo sa akin ang cellphone.” Mabilis akong napalingon kay Alejandro."Ang sabi nila, patay na siya." Nanatiling tahimik si Alejandro. “Sinabi nilang namatay siya noong nakakulon

  • THE GOVERNOR'S PRISON BRIDE   Chapter 4

    Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatitig sa kontratang nasa harapan ko.Ilang pahina lang iyon na may iilang salita at isang pirma. At pagkatapos kong pirmahan ito, magiging asawa na ako ng isang lalaking halos hindi ko kilala.Si Governor Alejandro Montenegro.Ang lalaking nagpalaya sa akin, ang lalaking may galit sa pamilya ko.At marahil ang lalaking may pinakamalaking dahilan para gamitin ako.“Kung hindi mo kayang pirmahan ngayon, puwede kang umalis.”Napatingin ako kay Alejandro. Nakatayo siya sa kabilang bahagi ng mesa, kalmado na parang hindi niya hinihingi sa akin ang buong buhay ko.“At ano ang mangyayari kapag umalis ako?”“Wala.”“Sigurado kayo?”“Oo.”“At hindi ninyo babawiin ang tulong ninyo sa kaso ko?”Hindi siya sumagot agad.Iyon ang dahilan kung bakit alam kong nagsisinungaling siya. “Legal na ang release mo,” sa wakas ay sagot niya. “Hindi kita basta-basta maibabalik sa kulungan.”“Pero?”Bahagya siyang napangiti. “Pero hindi ko sinabi na magiging madali an

  • THE GOVERNOR'S PRISON BRIDE   Chapter 3

    Hindi ako agad bumaba sa sasakyan. Ilang segundo akong nanatiling nakaupo habang nakatitig sa napakalaking gusaling nasa harapan namin. Mataas ang salaming dingding nito at sa bawat palapag ay makikita ang mga taong abala sa kanilang trabaho. Sa labas, may mga security guard na agad na lumapit nang makita ang sasakyan ni Governor Alejandro.Hindi ko alam kung saan niya ako dinala. Ang alam ko lang, mas lalo akong kinakabahan habang tumatagal.“Are you coming?” Napalingon ako sa kaniya. Nakabukas na ang pinto sa kaniyang bahagi. Nakatayo siya sa labas, ang isang kamay ay nakabulsa, habang hinihintay akong bumaba.“Nasaan tayo?”“Sa opisina ko.”“Para saan?”“May pag-uusapan tayo.” Napatingin ako sa kaniya nang matalim.“Kung tungkol ito sa tatay ko, wala akong pakialam sa kaniya.”Hindi siya sumagot. Sa halip, tumingin lamang siya sa akin na para bang sinusubukan niyang basahin ang nasa isip ko.“Alam ko.”“Kung gano’n, bakit mo pa 'ko dinala dito?”“Dahil kahit wala kang pakialam, bah

  • THE GOVERNOR'S PRISON BRIDE   Chapter 2

    Narinig kong magbukas ang rehas.Sa loob ng dalawang taon, paulit-ulit ko ‘yong naririnig tuwing umaga at gabi. Noon, ang ibig sabihin lang no’n ay panibagong araw ng pagkakakulong, pero ngayon, hindi ko maintindihan ang kabog sa dibdib ko.“Valencia.” Napatingin ako sa jail officer na nakatayo sa pintuan.“It’s your time.”Hindi ako agad tumayo. Nakatitig lang ako sa maliit na bintanang matagal kong naging koneksyon sa mundo. Doon ko pinanood ang ulan, ang pagsikat ng araw, at ang paglipad ng mga ibon na malayang nakakaalis kung kailan nila gusto.Ako lang ang hindi.Marahan kong hinawakan ang manipis na kumot na naging kasama ko sa loob ng dalawang taon. Hindi ko akalaing ma-mi-miss ko ang lugar na ilang beses kong isinumpa. Ayaw ko namang mag-stay dito, pero natatakot akong harapin ang mundong iniwan ko. Wala akong uuwian, wala akong sariling bahay, kinalimutan na rin ni Papa na may anak siyang nakakulong, at higit sa lahat, wala na si Mama.Mahigpit kong ipinikit ang mga mata ko.

  • THE GOVERNOR'S PRISON BRIDE   Chapter 1

    Thea's POV“Pinatay ko ang kabit ng tatay ko.”Iyon ang unang lumabas sa bibig ko nang maupo ako sa harap ng dalawang pulis na kanina pa seryosong nakatingin sa akin.Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming magkakaharap sa loob ng malamig na interrogation room. Isang bombilya lang ang nagbibigay ng liwanag sa puting kwartong walang ibang laman kundi isang bakal na mesa, tatlong upuan, at isang CCTV camera sa sulok ng kisame.Tahimik ang paligid. Sa sobrang katahimikan, kahit ang mahinang pagpatak ng tubig ng aircon ay umaalingawngaw sa pandinig ko.“Uulitin ko ang tanong,” sabi ng lalaking pulis habang pinipihit ang bolpen sa pagitan ng kaniyang mga daliri. “Ikaw ba ang pumatay kay Veronica Salcedo?”Diretso ko siyang tiningnan.“Wala akong babawiin.” Nagkatinginan silang dalawa.“Inaamin ko ang lahat.” Tumikhim ang babaeng pulis.“Ibig mong sabihin, inaamin mong ikaw ang may gawa?” Paulit-ulit? Tss. Tumango na lang ako.“Oo.” One word is enough para tuluyan na akong makulong. Hin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status