Share

THE HALF SIBLINGS
THE HALF SIBLINGS
Author: Plumarie02

CHAPTER 1: ESCAPE

LYRIA SAMANIEGO’s POINT OF VIEW,

“Enough, Lyria!” Dumagundong sa buong kuwarto ang sigaw ni Draken. Lumaki ang mga mata ko at bahagyang napaurong dahil sa sigaw niya. Biglang tumulo ang mga luha ko dahil hindi ako makapaniwala na kaya niya akong sigawan. 

“B-Bakit ka ba nagkakaganiyan, Draken? I'm your wife and she's just your mistress, pero sa kaniya ka naniniwala?!” galit kong sigaw habang nakaduro sa magaling kong kapatid na inahas ang asawa ko.

“I’m not stupid, Lyria! Alam kong may lalaki ka, huwag kang magmalinis dahil sa ating dalawa, ikaw ang unang nagloko! Baka nga hindi sa akin iyang kambal na dinadala mo!” Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at dumapo na sa pisngi ni Draken ang palad ko.

“How dare you?! Draken I'm your wife! Kilala mo ako, Draken! At ikaw Lyrie, magkapatid tayo! Kakambal kita, pero paano mo nagawa sa akin ito? You told me that your boyfriend is the father of your child, then how come na si Draken na ang ama ng anak mo ngayon??” nanunuya kong tanong sa kaniya. Napahawak ako sa noo ko at saka mahinang napatawa. 

“Kilala pa nga ba kita, Lyria?” nangungutya niyang tanong.

Napatingala ako habang patuloy lang sa pagtawa hanggang sa ang tawa ko ay napalitan ng iyak. Napatakip ako ng bibig ko upang takpan ang mga hikbi ko. Binalingan ko muli ng tingin si Draken at si Lyria. 

“Siguradong sigurado ka na ba sa mga sinasabi mo, Draken? Hindi mo tunay na anak ang dinadala ko pero tunay mong anak ang dinadala ng kabit mo? Akala ko noon hinding hindi ako magsisisi na ikaw ang naging asawa ko, pero ngayon? Sobrang nagsisisi na ako, sising sisi na ako Draken! Akala ko sa lahat ng tao, ikaw ang mas nakaiintindi sa akin Lyrie dahil magkambal tayo, hindi ba? Hindi na pala kita kilala, Lyrie. Ang sabi mo sa akin ay ikaw ang panganay sa ating dalawa kaya lagi kang nandirito sa tabi ko lalong lalo na sa mga panahon na masasaktan ako, pero bakit ngayon ikaw ang dahilan ng sakit na nararamdaman ko?” punong puno ng hinanakit kong sumbat sa kaniya.

“Wala akong ginawang masama sa iyo, Lyria. Sinabi ko lang kay Draken ang mga nakita ko,” mariin niyang sagot sa akin.

“Wala kang ginawang masama sa akin? D*mn, wala?! Anong tawag mo sa pakikipag siping mo sa asawa ng kakambal mo?! Anong tawag mo riyan sa tiyan mo na may laman at ang ama ay ang asawa ko?! Legal na pala ang pagiging kabit ngayon? Bakit hindi ako na-inform? Para sana nasundan ko ang yapak mo, Ate!” Naikuyom ko ang mga kamao ko habang nanlilisik ang mga tingin sa kaniya.

Umiling-iling ako habang winawaksi sa isipan ko ang senaryo na iyon. Ayaw ko nang isipin pa ang nangyari na iyon pero kahit anong gawin ko ay hindi mawala-wala sa isipan ko.

Napalingon ako sa natutulog kong anak na nakahiga sa carrier niya habang lulan kami ng isang itim na sasakyan. Hinaplos ko ang maliliit niyang kamay, agad na tumulo ang mga luha ko. 

Pasensya ka na anak, kailangan kitang ilayo sa ama mo. Sana pagdating ng panahon ay maintindihan mo ang naging desisyon ko. Hindi ko makakaya kung pati ikaw ay mahihirapan kung mananatili tayong dalawa sa puder ng ama mo. Hindi ko ginusto ang bigyan ka ng watak na pamilya pero hindi ko kayang isakripisyo ang mas magandang kinabukasan na naghihintay sa iyo, malayo sa mga taong maaaring sirain tayo.

“Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Ria?” Mabilis kong pinunasan ang luha ko at binaling ang tingin kay Grayven na nakatutok lang ang tingin sa dinaraanan namin. 

“I need to do this, Grayven. Kung hindi ko ilalayo ang anak ko, baka pati siya ay madamay.” Nagbuntong hininga ako at muling binaling ang tingin sa anak ko.

“How about. . . her?” Napatigil ako at nanlaki ang mga mata. Dahan-dahan akong lumingon sa harapan at nagtama ang mata naming dalawa sa rear mirror. Bumaba ang tingin niya sa front seat kaya dumako rin doon ang tingin ko.

Bumagsak ang mga balikat ko, bakit ko ba nakalimutan ang tungkol sa kaniya? Bigla akong nanlumo nang makita ang mukha niya at mahimbing na natutulog sa kaniyang carrier na nasa front seat.

“I-I don't know,” mahinang boses kong sagot sa kaniya.

“Bakit mo ba siya kinuha? She's not yours, anak siya ni Draken sa ibang babae. Ano bang plano mo sa sanggol?” seryoso niyang tanong sa akin. 

“H-Hindi ko alam, hindi ko alam kung bakit ko siya kinuha. Alam kong galit na galit ako kina Lyrie at Draken, pero hindi ko magawang magalit sa bata. Gusto ko rin siyang ilayo dahil alam kong hindi rin magiging maganda ang buhay niya kapag hinayaan ko siyang manatili kay Lyrie. Lyrie can't be a mother,” sagot ko sa kaniya habang hindi inaalis ang tingin sa sanggol.

“At sa tingin mo ikaw, kaya mo? Kaya mong mag-alaga ng dalawang bata kahit na hindi mo naman tunay na anak ang isa?” nang-uuyam niyang tanong sa akin.

“Stop questioning my decision, Gray. She's still my niece, my twin sister’s daughter. A-At. . . a-at kapatid pa rin siya ng anak ko. Kaya ko siyang alagaan dahil kadugo ko pa rin siya,” mariin kong sagot kay Grayven. Nagbuntong hininga siya bago tumango, sign na sumasang-ayon siya sa desisyon ko.

“Hindi ko alam na ganiyan mo pala kamahal ang kakambal mo kahit na nagawa niyang sirain ang pamilya ninyo ni Draken,” umiling-iling niyang sagot sa akin. 

Natahimik ako sa sinabi niya, sobrang mahal ko ang kakambal ko at hindi ko matanggap na sa lahat ng taong puwedeng trumaydor sa akin ay siya pa talaga ang gagawa noon. Lagi niya akong sinusuportahan sa relasyon ko kay Draken, without knowing na kapag wala ako ay sinusuportahan niya ang sarili niya sa pang-aahas sa asawa ko. Matatanggap ko pa siguro kung ganoon lang ang ginawa nilang dalawa ni Draken, pero hindi. Inahas niya na ang asawa ko, nagawa niya pang magpabuntis. 

She delivered her daughter safely, while I lost my another child. Kambal ang anak ko pero hindi ko pa nahahawakan ang anak kong babae ay binawi na agad siya sa akin. He's with Lyrie when she delivered her child while he's not with me when I delivered my twins. Wala si Draken sa tabi ko noong mga panahon na pangalan niya ang sinisigaw ko, wala si Draken noong mga oras na nagdadalamhati ako sa pagkawala ng isa pa naming anak. Habang siya? Tuwang-tuwa at nagse-celebrate dahil sa bagong silang na anak nila ni Lyrie.

“Stop overthinking.” Natigil ang pag-iisip ko nang marinig ko ang boses ni Grayven.  Napahawak ako sa noo ko at bahagyang hinilot. 

“Malapit na ba tayo?” tanong ko sa kaniya at saka ko binaling ang tingin ko sa bintana ng kotse.

Nadaraanan namin ang mga malalaking building na lubhang nakalulula kapag tinitingala. Gabi na pero sobrang liwanag pa rin ng paligid dahil kahit saan mo tignan o puntahan ay may madaraanan kang ilaw.

“Actually, nandirito na tayo.” Huminto ang kotse ni Grayven sa tapat ng isang building na sa tingin ko ay isang hotel. Lumabas siya at dumiretso sa likuran ng kotse. Inayos ko ang pagkakabalot ng blanket sa anak ko upang hindi siya lamigin kapag lumabas na kami ng kotse.

Dumako ang tingin ko sa front seat, napapikit ako nang mariin at Nagbuntong hininga. Bahagya akong tumayo at kinuha carrier mula sa front seat at nilagay sa kabilang gilid ko. Inayos ko rin ang blanket na nakabalot sa sanggol, aalisin ko na sana ang kamay ko sa blanket nang biglang ngumiti ang sanggol. Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko, ngumiti ba siya dahil sa ginawa ko? Agad kong binawi ang kamay ko nang bumukas ang pinto sa tapat ko. 

“Pinahatid ko na sa mga staff ng Hotel ang mga gamit natin, ayos na ba ang mga bata?” tanong ni Grayven. Tumango ako sa kaniya at sinenyasan na kuhanin ang sanggol, tumango siya sa akin at kinuha ang sanggol at nauna nang maglakad papasok ng hotel. Kinuha ko ang anak ko at saka lumabas ng kotse, sumunod na rin kami sa loob ng Hotel.

Pumasok kami sa elevator hanggang sa makarating kami sa floor ng suit namin, pagpasok namin sa loob ay naabutan namin ang mga staff na hinahanda ang mga dala nilang pagkain. Pagkatapos nilang ayusin ang lamesa ay umalis na rin sila agad.

“Nirentahan mo ito?” tanong ko sa kaniya habang nililibot ang tingin sa buong paligid. 

“Hindi, sa akin ang suit na ito at dito muna tayo pansamantala dahil inaayos pa ang magiging room ng mga bata sa bahay namin,” sagot sa akin ni Grayven.

“Ilagay muna natin ang mga bata sa kwarto, nagpabili ako ng dalawang crib bago pa tayo lumipad patungo rito sa U.S. Nag-stock na rin ako ng mga gatas at mga diaper para sa kanilang dalawa,” nakangiting dugtong niya habang hinehele ang sanggol sa mga bisig niya.

Nakikita ko na magiging mabuting ama at asawa si Grayven, masuwerte ang mapapangasawa niya. 

Pagkatapos naming ayusin ang crib ng mga bata ay iniwan muna namin sila sa kwarto upang kumain ng hapunan. Maganda ang suit ni Grayven, malaki ito para sa isang tao lang. Dalawa ang kuwarto rito, ang isa ay kuwarto niya at ang isa naman ay guest room. May kusina rin siya na katamtaman lang ang laki, may sala at may veranda. 

Pagkatapos kong kumain ay ako na ang nag-insist na hugasan ang mga pinagkainan namin, sinabihan ko na si Grayven na magpahinga muna dahil alam kong siya ang mas pagod sa biyahe. Saktong pagtapos kong maghugas ng pinagkainan namin ay siya namang pagpalahaw ng iyak ng mga bata mula sa guest room. Agad akong nagpunas ng mga kamay ko at nagtungo sa kwarto, pagpasok ko pa lang ay kitang kita ko na si Grayven na sabay na tinatapik ang dalawang bata upang patahanin, agad na tumahan si Drakley— anak kong lalaki. Habang si Daery ay wala pa ring hinto sa pag-iyak. Si Daery ay anak ng kakambal ko na si Lyrie. 

Binuhat siya ni Grayven at hinele pero ayaw pa ring tumigil ng bata sa pag-iyak. Agad akong nagtungo sa table na pinaglalagyan ng mga bote at gatas, at saka nagtimpla sa bote. Siguro ay nagugutom na si Daery kaya wala siyang tigil sa pag-iyak. Inabot ko ang bote kay Grayven at agad niyang nilagay sa bibig ni Daery ang tsupon pero ayaw nitong tanggapin ang gatas at nagpatuloy lang sa pag-iyak.

Napabuntong hininga ako, hindi na ako nakatiis at kinuha ko na kay Grayven si Daery. Hinele ko siya at nag-humm ng lullaby, unti-unti siyang kumalma hanggang sa tumahimik na siya sa kaniyang pag-iyak.

“Mukhang hindi pa ako ready na maging isang ama,” nahihiyang saad ni Grayven habang kinakamot ang kilay niya.

“Sa simula lang iyan Grayven, pero masasanay ka rin. Bumalik ka na sa kwarto mo at ituloy mo na ang pagpapahinga mo, ako na ang bahala sa mga bata,” nakangiti kong turan sa kaniya, nakikita ko ang pag-aalangan sa mga mata niya pero tinanguan ko lang siya.

“Siguro ka ba na kaya mo ang mag-alaga ng dalawang sanggol? Kailangan mo ng katulong,” pagkumbinse niya sa akin pero umiling na lang ako sa kaniya.

“Sige na Grayven, kaya ko na ito kaya huwag mo na akong alalahanin. Goodnight Grayven,” malumanay kong saad sa kaniya at saka siya hinalikan sa pisngi. Ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa noo.

“Goodnight, Ria. Kumatok ka lang sa pintuan ko kapag kailangan mo ng tulong,” saad niya sa akin. Tumango lang ako sa kaniya at sinundan siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya ng tuluyan sa kwarto.

Binaling ko ang tingin ko kay Daery, dahan-dahan ko siyang binaba sa crib niya. Mabuti na lang at hindi na siya nagising pa nang ibaba ko siya. 

Kinabukasan ay maaga akong nagising upang maghanda ng agahan namin ni Grayven, hindi naman ako pinahirapan ng dalawang bata kagabi kaya nakatulog naman ako ng maayos. Habang hinahalo ko ang sinangag ay biglang pumasok sa isipan ko si Draken at si Lyrie. Sigurado akong galit na galit na silang dalawa sa akin dahil tumakas ako at tinangay ko pa ang anak nilang dalawa pero hindi ako nakararamdam ng pagsisisi.

“Baka masunog ang niluluto mo.” Bahagya akong napaigtad sa gulat pero agad ko ring binaling ang pansin ko sa sinangag. Pinatay ko ang stove at saka sinalin sa isang lalagyan ang sinangag.

“Good morning! Sinilip mo ba ang mga bata sa kwarto?” tanong ko sa kaniya habang nakatuon ang pansin sa ginagawa ko. 

“Tulog pa rin sila, mukhang hindi ka naman nila pinahirapan kagabi. Sa tingin ko kailangan nating kumuha ng katulong mo sa pag-aalaga sa mga bata kasi hindi rin kita masasamahan dito dahil may trabaho ako sa company ng mga magulang ko. Ayos lang ba iyon, Ria?” Inangat ko ang tingin ko, nakahawak siya sa batok niya at bahagyang kinamot iyon. Nginitian ko siya bago ko nilapag sa lamesa ang mga dala kong plato.

“Malaki na ang naitulong mo sa amin, Grayven. Alam kong kailangan ka ng mga magulang mo, huwag kang mag-alala ako na ang kukuha ng taong makakasama natin dito. Let's eat?” Tumango siya at umupo na sa upuan at nagsimula nang sumandok.

Pagkatapos kong gawin ang mga gawain ko sa kusina ay dumiretso na ako sa kwarto at pinuntahan ang dalawang bata. Nagtungo ako sa tapat ng dalawang crib at napangiti ako nang bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng baby Drakley ko.

“Hello baby, why are you smiling ha? Nakikipaglaro ba sa iyo ang guardian angel mo? Halika nga rito kay Mama,” malambing kong saad at kinuha siya mula sa loob ng crib. Sinandal ko siya sa d****b ko at bahagyang sinasayaw habang tapik-tapik ang likuran niya.

“Mahal na mahal ka ni Mama,” bulong ko sa ulunan niya. Dumako ang tingin ko sa malaking salamin na nakadikit sa cabinet. Tinitigan ko ang sarili ko habang buhat-buhat ko ang anak ko. Bahagyang nakalihis ang damit ko sa balikat ko kaya lumitaw ang malaking pasa. Inangat ko ang kamay ko at bahagyang hinaplos ang pasa ko, napaigtad pa ako nang kumirot iyon dahil sa pagdampi ng daliri ko. Napakuyom ang kamao ko at mabilis na nagsituluan ang mga luha ko. 

Niyakap ko ang anak ko at galit na tumitig sa salamin, maging matatag ka Lyria! Naaawa ako sa sarili ko habang nakakatitig sa repleksyon ko sa salamin. Naiinis ako sa sarili ko dahil mahina ako, sobrang hina ko pa rin. 

“Uwaah!” Napapitlag ako nang biglang umiyak si Daery, napadako ang tingin ko kay Drakley na ginagawang chupon ang hinlalaki niya. 

“Be a good boy muna baby, ha? Umiiyak ang sister mo,” malambing kong saad kay Drakley kahit na alam kong hindi niya pa ako naiintindihan. Dahan-dahan ko siyang nilapag sa crib niya at nagpapasalamat ako dahil hindi siya umiyak bagkos ay humagikhik pa siya.

Agad ko namang kinuha sa crib niya si Daery, sinandal ko siya sa balikat ko at nag-humm ng lullaby para pakalmahin siya. Hinaplos-haplos ko ang likuran niya at kumalma naman siya. Pakiramdam ko ay naramdaman niyang safe na siya.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko para kay Daery, hindi ako galit sa bata pero pakiramdam ko ay malayo ang loob ko sa kaniya. Alam kong walang kasalanan ang bata sa ginawa ng nanay niya pero hindi ko magawang panatagin ang loob ko sa kaniya.

Nilayo ko siya sa magulang niya para maiiwas ko siya sa kapahamakan pero hindi ko rin maialis sa isipan ko na puwede ko siyang gamitin para makaganti kay Lyrie at kay Draken.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status