Share

CHAPTER 2: NEWS

LYRIA’s POIN OF VIEW,

Kasama ko na ngayon ang magiging katulong ko sa pag-aalaga sa dalawang bata— si Maria. Si Maria ay anak ng mayordoma sa bahay namin noong dalaga pa lang ako. Mas matanda lang ako ng ilang taon kay Maria pero kahit na ganoon ay naging magkaibigan pa rin kami. 

Siya ang kinuha kong makakasama ko dahil alam kong mapagkakatiwalaan ko siya at matagal ko na siyang kilala. Tinulungan ko siya na makalipad patungo rito sa U.S. 

Ilang taon na kaming hindi kami nagkikita dahil simula noong ikasal ako kay Draken ay hindi na ako masyadong nakabibisita sa bahay, kaya wala akong naging balita sa kaniya noon. Ang alam ko lang ay umalis din sila ni Aling Bela sa bahay noong panahon na tumira na ako sa iisang bubong kasama ni Draken. 

Hindi kami pareho ng ugali ng kakambal ko, close ako sa mga kasambahay namin at tinuturing ko silang pamilya habang ang kakambal ko naman ay malayong malayo sa ugali ko. Masama ang ugali niya sa ibang tao pero sa amin na pamilya niya ay ayos naman ang pakitutungo niya. 

Sobrang close kami ni Lyrie simula pagkabata pa lang, pinalaki kami ng mga magulang namin na walang inggit sa isa’t isa dahil pantay lang ang attention na binibigay ng mga magulang namin sa aming dalawa.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit bigla na lang naging ganito ang lahat sa pagitan naming dalawa.

“Ang guwapo at ang ganda naman ng mga aalagaan ko. Magkamukhang-magkamukha ang dalawang kambal!” Tila nagising ako sa malalim na pag-iisip nang marinig ko ang impit na tili ni Maria.

“T-They are not twins,” paos kong sagot sa kaniya.

“H-Ha? Jino-joke time mo ba ako, Lyria?” natatawa niyang tanong sa akin. Napayuko na lang ako at napabuntong hininga, hindi niya alam ang nangyayari sa aming dalawa ng kakambal ko.

“Teka nga, seryoso ka? I mean, sabi ni Mama sa akin ay kambal ang anak mo. How come na hindi sila kambal?” naguguluhan na tanong sa akin ni Maria. 

“The g-girl, she's not mine. She's not my daughter,” mariin kong sagot sa kaniya.

“What?! Sino ang batang ito at kanino siyang anak?” gulat niyang tanong sa akin habang nakaturo kay Daery na natutulog sa crib niya.

“Oh! Wait wait! D-Don’t tell me . . .” Biglang nanlaki ang mga mata niya at mabilis na umupo sa tabi ko. Marahan akong tumango sa kaniya na nagpapahiwatig na tama ang iniisip niya. 

“Oh my god! A-Anak ni Lyrie si Daery? Paano nangyari iyon? Nasaan ang kakambal ni Drakley?” hindi niya nakapaniwalang tanong sa akin.

“Napakahabang kuwento, Maria. Huwag muna nating pag-usap sa ngayon. Magpahinga ka muna dahil kakarating mo lang, alam kong may jetlagged ka. Ayusin mo na ang mga gamit mo sa kabilang kuwarto para makapag pahinga ka na,” nakangiti kong sagot sa kaniya.

“Sa ngayon ay palalagpasin ko itong araw na ito, Lyria. Alam kong hindi ka pa handa na ikuwento sa akin ang lahat, pero kahit na malayo ako sa iyo ay alam ko ang nangyayari sa iyo. Magkaibigan tayo Lyria,” makahulugan niyang saad sa akin bago siya ngumiti at lumabas na ng kuwarto ni Grayven.

Lumipat na kami sa kuwarto ni Grayven dahil sa dating kuwarto namin ng mga bata na siya matutulog. Wala namang problema sa akin kung magkatabi kami sa iisang higaan ni Grayven dahil simula pagkabata ay nakasanayan na namin na laging magkatabi sa isang kama.

Napalingon ako sa table sa tabi ng kama ni Grayven nang biglang mag-ring ang cellphone ko, saglit kong pinasadahan ng tingin ang mga bata at nang masiguro kong mahimbing ang tulog nilang dalawa ay kinuha ko na ang cellphone ko at sinagot. 

Lumabas ako ng kwarto bago ko tinapat sa tainga ko ang cellphone ko.

“Grayven,” bungad ko agad sa kaniya.

“Hello Ria, nariyan na ba si Maria?” tanong niya sa akin mula sa kabilang linya.

“Oo, nagpapahinga na siya sa kabilang kuwarto. Bakit ka napatawag? May kailangan ka ba o nakalimutan?” malumanay kong tanong sa kaniya.

Dinig na rinig ko ang malalim niyang pahinga mula sa kabilang linya, napatikhim siya kaya bahagya akong napatawa.

“W-Wala naman, h-how’s the twin? I mean the two children,” utal-utal niyang tanong sa akin. Hindi ko na napigilan pa ang mapatawa nang malakas, alam kong kahinaan niya ang malambing kong boses. 

“Stop laughing! Pinagtitripan mo na naman ako!” Pansin na pansin ko ang panginginig ng boses niya sa kabilang linya na lalong nagpalakas nang tawa ko.

“Ria!” 

“I’m sorry, I can't hold my laugh,” nagpipigil ko ng tawa na sagot sa kaniya. I cleared my throat.

“Sa tingin ko ay mas magandang palabasin na kambal silang dalawa,” bigla kong turan sa kaniya. Natahimik siya sa kabilang linya na siya namang ine-expect ko.

“I don't want her to feel that she's unwanted,” dugtong ko sa sinabi ko sa kaniya.

“Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Nakikita mo ba ang anak mong babae sa kaniya? O baka iniisip mo na siya ang anak mo?” pang-iintriga sa akin ni Grayven.

“Let’s say na. . . this is part of my revenge,” makahulugan kong sagot sa kaniya.

“Sigurado ka na ba talaga sa plano mo? Puwede naman tayong mamuhay nang tahimik dito sa U.S, hindi mo na kailangan maghiganti sa kanilang dalawa. Tama na ang sakit na naidulot nila sa iyo kaya huwag mo na saktan pa ang sarili mo,” seryoso niyang pahayag sa akin mula sa kabilang linya. 

“No, hindi ko sila hahayaan na maging masaya habang ako ay nagluluksa dahil sa pagkamatay ng isa ko pang anak. Hindi ko kinuha si Daery para lang akuin na anak ko, kinuha ko siya para gamitin sa pananakit kay Draken at kay Lyrie. Hindi sila magiging masaya dahil hawak ko ang kaligayahan nilang dalawa,” galit na galit kong turan sa kaniya. Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga.

“Walang magandang maidudulot ang paghihiganti, Ria. Binalaan na kita pero kung iyan talaga ang plano mo, sige hindi na kita kokontrahin pa. Kahit anong mangyari ay nandirito lang ako para suportahan ka.” Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Grayven.

“May gusto pala akong itanong sa iyo,” bigla kong saad sa kaniya.

“What is it?” tanong niya sa kabilang linya.

“Alam mo ba kung saan nakatayo ang bahay ng mga Claverde rito sa U.S?” seryoso kong tanong sa kaniya.

Simula nang maging asawa ko si Draken ay ang alam ko lang sa mga lupain nila ay kalat sa iba’t ibang bansa. Hindi ko inaalam kung saan ang mga lupain na iyon dahil hindi naman ako interesado na umalis ng Pilipinas para lang manirahan sa ibang bansa.

“Alam ko ang isa nilang lupain dito sa U.S ay nasa San Francisco. Bakit?” nagtataka niyang tanong sa akin.

“Great! Gusto kong bilihin ang lupa nila,” nakangisi kong sagot kahit na hindi naman niya nakikita.

DRAKEN CLAVERDE’s POINT OF VIEW,

Nakatingin lang ako kay Lyrie na kanina pa walang tigil sa pag-iyak. Kahit anong alo ang gawin ko sa kaniya ay hindi ko pa rin mapagaan ang loob niya. Naiintindihan ko naman na mahal niya ang anak naming dalawa kaya ganiyan siya ngayon, sino bang ina ang matutuwa kung nawawala ang kaniyang anak.

Kahit na naiintindihan ko siya, hindi pa rin sapat na dahilan iyon para ikulong niya ang sarili niya sa kuwarto at lunurin ang sarili niya sa kaiiyak. Isang araw pa lang ang nakalilipas simula nang mawala si Lyria pati na rin ang anak namin ni Lyrie at isang araw nang ganito ang girlfriend ko. 

Napakuyom ang kamao ko nang maalala si Lyria, naalala ko na naman kung paano niya ako iniwan para lang sumama sa lalaki niya. 

“Draken, a-ang anak natin!” Naiwas ko ang tingin ko kay Lyrie dahil hindi ko kayang nakikita siyang ganito. 

“D-Draken, gusto kong makita si Daery. Ang anak natin!” Napapikit ako nang humagulgol siya nang malakas. 

Lumapit ako sa kama at umupo sa tabi niya, agad ko siyang hinila at niyakap nang mahigpit. 

“Makikita rin natin siya, Love. Sinisiguro ko sa iyo na maibabalik ko siya rito nang ligtas at huwag kang mag-alala dahil sa oras na mahuli si Lyria ay ipawawalang bisa ko na ang kasal naming dalawa. Sshh! Stop crying, love. Baka atakihin ka ng sakit sa puso,” bulong ko sa tainga niya habang pinipigilan ang pagkuyom ng mga kamao ko. 

Napapikit ako nang mariin at pinapanalangin na matapos na ang problema sa mga buhay namin. 

“You should take a rest, love. I love you,” muli kong bulong sa tainga niya habang marahan na hinahaplos ang ulo niya. 

Mayamaya rin ay nakatulog na si Lyrie sa bisig ko. Marahan ko siyang hiniga sa kama at inayos ang pagkakahiga niya. Hinalikan ko ang noo niya bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Paglabas ko ng kwarto ay bumungad agad sa akin ang pintuan ng kuwarto naming dalawa ni Lyria. Hindi ko alam kung bakit may sariling isip ang mga paa ko at kusa akong dinala sa tapat ng pintuan ng dati naming kuwarto ni Lyria.

Paghawak ko pa lang sa doorknob ay rumagasa na sa isipan ko ang mga alaala namin ni Lyria noong mga panahon na masaya kaming dalawa dahil magkakaroon na kami ng kambal na anak.

Marahan kong pinihit ang doorknob at binuksan ang pinto. Pumasok ako sa loob at agad ring sinara ang pintuan. 

Dumako ang tingin ko sa kama at hindi ko maiwasang isipin kung gaano kasarap sa pakiramdam ang gumising sa umaga na magandang mukha ni Lyria ang bubungad sa akin. Ang mga h***k niya sa noo ko at ang malambot niyang labi na animo’y isang alak na sobrang nakalalasing. D*mn, I am like summer yearning for a drop of her rain.

‘The thing is that you brought this out in me. How could I want it with anyone else? When the cold winds blow, I will close my eyes calmly, knowing I am anchored to you.’ 

Napapikit ako nang mariin nang marinig ang boses niya sa utak ko, ang mga sinasabi niya noong mga panahon na wala ako sa tabi niya dahil busy ako sa trabaho. 

How could you do this to me, Lyria? How could you make me mad, and miss you at the same time?

Dumiretso ako sa table na nasa gilid ng kama at natagpuan doon ang isang papel at ang isang singsing. Simula nang manganak si Lyrie ay hindi na ako natutulog sa kuwarto na ito.

Kinuha ko ang papel at ang singsing na kilalang kilala ko, ito ang wedding ring namin ni Lyria. Binuklat ko ang papel na iniwan ni Lyria at binasa ang nilalalaman ng sulat. 

‘Draken,

         Pakiramdam ko noon, mayroon tayong perpektong relasyon. Mayroon akong perpektong asawa na kagaya mo. Sobrang saya ko dahil ikaw ang nakasama ko sa harapan ng altar habang nangangako sa harapan ng Diyos. Masaya tayo noon, bakit ganito na tayo ngayon? Hindi ko alam kung paano mo ako nagawang hindi paniwalaan, sa lahat ng tao ikaw ang mas nakakikilala sa akin. Siguro nga hindi mo na ako kilala? Siguro nga ay hindi na rin kita kilala.

           Ayos lang sa akin kung ibang babae ang pinalit mo sa akin, mas matatanggap ko pa. Hindi lang relasyon natin ang sinira mo, pati ang relasyon naming magkapatid. Huwag kang mag-alala, alam kong hindi mo na makikita pa ang kambal dahil gaya ng sinabi mo ay hindi mo naman sila anak. Hindi mo na rin ako makikita pa, pero hindi ako papayag na masaya ka habang kami ay nagdurusa. Please, tanggapin mo ang magiging regalo ko sa iyo at sa kakambal ko. 

              I will always love you, until death do us part. 

                                                                       Lyria’

“Hindi ako papayag na masaya ka habang kami ay nagdurusa?! That's bullsh*t!” gigil kong bulong habang nilulukot ang papel na hawak ko. So, sinulat niya ang message na ito bago siya umalis? 

Sa sobrang galit ko ay binato ko ang singsing sa kung saan man. Mas pinatunayan niya lang sa akin na hindi ko talaga anak ang kambal. 

“Paano mo nagawa sa akin ito, Lyria?” galit na galit kong bulong habang nakakuyom ang mga kamao ko.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad kong kinalma ang sarili ko. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at tinignan kung sino ang tumatawag.

Napakunot ang noo ko nang mabasa ang pangalan ni Jiro sa screen ng cellphone ko. Agad kong sinagot ang tawag at tinapat sa tainga ko ang cellphone.

“Hello, Draken?” bungad niya sa kabilang linya.

“Draken speaking,” sagot ko sa kaniya. 

“Draken! Thanks God, natawagan din kita!” bahagya niyang sigaw sa kabilang linya.

“Bakit ka napatawag, Jiro? What's your problem? I thought you were on a business trip?” nagtataka kong tanong sa kaniya.

“Huwag mo munang isipin ang business trip ko, isipin mo muna ang asawa mo.” Napakunot ang noo ko nang marinig ang nagpa-panic niyang boses.

“Si Lyrie? Nandirito si Lyrie sa bahay at natutulog,” nagtataka kong sagot sa kaniya habang nakakunot ang noo.

“Lyrie? Hindi ba’t si Lyria ang asawa mo? D*mn you, Draken! Nagpapakasaya ka sa tabi ng kakambal ng asawa mo habang ang asawa mo at ang mga anak mo ay isang araw nang nakahiga sa kabaong?!” Nanlaki ang mga mata ko at biglang nanghina ang mga tuhod ko dahil sa narinig.

“P-Pardon? Are you making joke with me? It's not funny! Lyria leave me for her new man, one day ago! How could you say that?!” galit kong tanong sa kaniya dahil biglang nag-init ang ulo ko. Pinagtitripan niya ba ako? Puwes hindi ako natutuwa!

“You’re a bullsh*t, man! Sa tingin mo kaya kong magbiro sa ganitong sitwasyon?! Nandirito ako ngayon sa bahay ng mga magulang ni Lyria dahil ako na ang tinawagan nila dahil hindi kayo ma-contact ni Lyrie! Natagpuan si Lyria at ang tatlong bata na wala ng buhay sa isang wasak na kotse.”

Lalong nanghina ang mga tuhod ko dahil sa sagot ni Jiro. Paano nangyari iyon? Tatlong bata? S-Si Lyria?

“P-Paano nangyari iyon?” naguguluhan kong tanong sa kaniya.

Sumikip ang d****b ko dahil sa nalaman ko, unti-unting tumulo ang mga luha ko. Nanlambot ang mga tuhod kaya napaupo na ako sa kama, nabangga ko pa ang lampshade na nasa table at nahulog sa sahig. Lumikha nang ingay ang nabasag na lampshade, pero hindi ko iyon pinansin dahil nakatuon ang pansin ko sa sasabihin ni Jiro.

“Ayon sa mga nakakita, nabundol ng truck ang kotse na minamaneho ni Lyria patungo sa bahay ng mga magulang niya. Mabilis ang pagpapatakbo ng truck kaya hindi na naiwasan ang aksidente pero inaalam pa ng mga pulis ang tunay na nangyari. Dead on arrival na ang pamilya mo pagkarating pa lang ng hospital. Ano bang ginagawa ninyo ni Lyrie at hindi niyo alam ang nangyari kay Lyria at sa mga bata?!” galit niyang sigaw sa kabilang linya.

“What happened, Draken? Bakit may narinig akong nabasag? Oh my god! Why are you crying, love?” Napadako ang tingin ko nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Lyrie. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ang libre kong kamay.

“So, magkasama nga kayo ni Lyrie? I can't believe you, Draken! Great, wala nang magiging sagabal sa pagmamahalan ninyo ni Lyrie. Huwag ka nang pumunta rito, kalimutan mo na ang sinabi ko tungkol sa pamilya mo. Kalimutan mo na rin na naging magkaibigan tayo! I'm so disappointed on you, Draken!” 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status