LOGINISANG ngiti ang dahan-dahang sumilay sa mga labi ng Doktor ng mga oras na iyon na mas lalong nagpakunot sa noo niya. Anong nginingiti ngiti nito? May nakakatawa ba sa sitwasyon o kalagayan ni Kenna? Napakuyom ng mahigpit ang kanyang mga kamay kasbaay ng pagtatagis ng knaiyang mga bagang at handa na sana niyang ibuka ang kanyang bibig ngunit nauna na itong nagsalita.“Lumabas na ang result ng mga lab test na ginawa sa asawa niyo sir at congratulations, magiging tatay na kayo!” masayang bati nito sa kaniya.Sandali siyang natigilan nang marinig niya ang mga salitang iyon. Magiging ama na siya? Ulit? Para siyang nakalutang. Hindi niya alam kung anong gagawin niya ng mga oras na iyon at nakatingin lang sa Doktor, hindi alam kung anong sasabihin niya. Biglang lumambot ang kanyang ekspresyon at pagkatapos ay napatingin kay Kenna na noong mga oras na iyon ay wala pa ring malay.“So, lalabas na po muna ako sir. Tawag na lang po kayo if may kailangan kayo.” paalam nito sa kaniya at pagkatapos
NAPAKA successful ng opening ng panibagong business ni Nathan. Masayang-masaya si Cassandra lalo na nang makita niya ang napakalaki nitong picture na gawa sa papel na naka-display sa loob ng store. Dahil nga ito ang kinuha ni Nathan na maging model ng mga damit ay talaga namang agaw pansin ito at higit sa lahat ay ito ang naging sentro ng selebrasyon.Maaga siyang umuwi noong araw na iyon dahil nga pagod siya. Iniwan na muna niya ron si Nathan dahil masama din ang pakiramdam niya. Nagpahinga lang siya at hindi niya inaasahan ay nakatulog siya at umaga na noong magising.Naglakad-lakad siya sa garden at doon na rin siya nagkape. Hindi nagtagal ay naramdaman niyang may umupo sa tabi niya. Nang mag-angat siya ng kanyang ulo ay nakita niya si Nathan. Nakakunot ang noo nito at may pag-aalala sa mga mata nitong nakatingin sa kaniya.Ilang saglit pa ay itinaas nito ang kamay at inilagay ang kamay sa kanyang noo. “May sakit ka ba? Ang putla mo. gusto mo bang samahan kita sa doktor?” tanong ni
“You mean she was your real daughter?” hinid makapaniwalang tanong ni Via sa kaniya.Nasa mansyon siya ng mga oras na iyon para sabihin dito ang totoo. Tumango siya. Kahit late na ay gising pa rin ang mga ito at sa loob ng study ay naroon ang kanyang ama, si Via at ang asawa nitong si Ivan.Napatakip si Via sa bibig nito. “Grabe, sinong mag-aakala na anak mo talaga siya? Hinid mo man lab naramdaman yung sinasabi nila na, what was that again?” nilingon nito ang asawa.Mahina itong napatawa. “Lukso ng dugo, sweetheart…” masuyong sagot naman ng asawa nito.“That! Hindi mo ba man lang ba iyon naramdaman?” kunot ang noo nitong tanong sa kana.Sa totoo lang, naramdaman niya siguro iyon kaya lang ay hindi niya alam na iyon na pala iyon. Hindi niya alam kung ano ang pakiramdam na iyon kaya hindi niya ito nakilala kaagad at dahil dito ay mas naging matindi lang ang guilt na nararamdaman niya. Napahlamos siya sa kanyang mukha. Ang kanyang mga siko ay nakapatong sa kanyang mga tuhod.“I don’t kn
NARINIG ni Kenna ang mahina at mahabang pagbuntong hininga ni Nathan. “It’s okay… hindi ikaw ang dapat humingi ng tawad sa akin kundi ako.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay binitawan siya. Hinawakan nito ang magkabila niyang mga pisngi at pagkatapos ay pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang mga hinlalaki nito.“Tahan na okay?” tanong nito sa kaniya at pagkatapos ay hinalikan ang noo niya.“Nagulat lang ako and I am lost. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil tunay ko pa lang anak si Cassandra. Kaya pala ganun na lang ang pakiramdam ko noong makita ko siya.” patuloy pa nito.Hawak pa rin nito ang kanyang mukha habang siya ay patuloy sa pag-iyak. Ayaw pa rin tumigil ng pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata. “And I am so sorry if I didn’t recognize you. I am really sorry Kenna…” puno ng panghihinayang at pagsisisi na usal nito sa kaniya. “I am so sorry…”Pinupog siya nito ng halik. Sa totoo lang, ibang-iba ang naiimagine niyang reaksyon nito sa reaksyon nito ngayon. Aka
ISANG linggong magkasama sina Nathan at Kenna ngunit pakiramdam ni Nathan ay kulang pa rin ang oras na pinagsaluhan nila. Ibang-iba an pakiramdam niya habang nasa isla sila. Para niyang nakalimutan ang lahat ng problema niya habang kasama niya si Kenna doon. Kung pwede lang sana na magbakasyon pa siya ng mas matagal ay ginawa na niya ngunit ang isang linggong iyon ay napakalaking kawalan na sa kaniya.Napakarami na sana niyang nagawa pero syempre, deserve niya naman ang bakasyon kaya hindi siya nagpapigil. Idagdag pa na alam niyang worth it ang lahat ng iyon dahil talagang napakalaki na ng pagbabago ng relasyon nila ni Kenna.Kung noon, ilang na ilang ito kapag kasama siya ngayon ay masasabi niyang komportable na ito sa kaniya. Medyo madaldal na rin ito sa kaniya kaya masaya siya. Ayaw pa sana niya talagang umuwi kaso ay kailangan na niyang bumalik sa dami ng kailangan niyang gawin.Napa buntong hininga siya. “Daddy…” tawag sa kaniya ni Cassandra.Hindi niya namalayang hinabol pala s
KATULAD nga ng inasahan ni Kenna, hindi siya nagising ng maaga dahil kay Nathan. Hindi niya namamalayan ang mabilis na paglipas ng oras dahil nga tulog ba siya at nang magising siya ay hapon na.Bumangon siya sa kama at pasuray-suray na naglakad patungo sa balcony salaming pinto patungo sa balcony. Halos palubog na ang araw ng mga oras na iyon at hindi niya maiwasang hindi mapa buntong hininga. Isang araw na kaagad ang lumipas ngunit sa halip na maglakad-lakad siya ay natulog lang ang tanging nagawa niya.Hindi nagtagal ay narinig niya ang pagbukas ng pinto at alam na niya kaagad kung sino ang pumasok. Walang iba kundi si Nathan. Sa sumunod na sandali ay narinig niya ang papalapit nitong mga yabag at bigla na lang may mga bisig na pumulupot sa beywang niya.“Gising ka na pala wife…” hinalikan nito ang balikat niya. Napapikit lang siya. Hinawakan niya ang kamay nitong nakabalot sa kaniya.Hindi sila ganito ka-sweet noong nasa bahay sila. Siguro dahil nagpapakiramdaman pa sila o dahil b
NI hindi humiwalay ang batang babae kay Nathan habang nakasakay sila ng kotse. Tahimik lang itong nakaupo sa tabi niya. Hindi niya alam na ganito pala ito kakulit. Talagang ni ayaw nitong sundin ang Mommy nito na ikinangiti niya na lang. Hindi naman siya naiinis dito kahit na wala talaga siyang hil
MALALIM na ang gabi ngunit nananatiling dilat pa rin ang mga mata ni Kenna. Hindi pa rin siya dalawin ng antok dahil hanggang sa mga oras na iyon ay iniisip niya pa rin ang sinabi ng anak niya kanina. Hindi niya maiwasang hindi mapasulyap sa natutulog na anak. Tumagilid siya at hinaplos ang maliit
SEVEN YEARS LATERNapa buntong hininga si Kenna. Kauuwi niya lang galing sa hotel kung saan siya nagtatrabaho. Nagbihis siya sandali bago tuluyang sinulyapan ang kanyang suot na relo. Alas kwatro na ng hapon, tiyak na kanina pa naghihintay ang anak niya sa kaniya.Sumakay siya sa kanyang kotse at n
‘Pak!’ isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Kenna. Napayuko siya at walang magawa kundi ang tiisin ang sakit na dulot nito.Nahuli siya ng kanyang ina na hawak ang isang pregnancy test kung saan ay positive ito, at oo, buntis siya. Buntis siya pero hindi niya kilala ang ama ng dinadala







