Share

Chapter 2

Author: eleb_heart
last update publish date: 2026-05-24 14:37:23

MALALIM na ang gabi ngunit nananatiling dilat pa rin ang mga mata ni Kenna. Hindi pa rin siya dalawin ng antok dahil hanggang sa mga oras na iyon ay iniisip niya pa rin ang sinabi ng anak niya kanina. Hindi niya maiwasang hindi mapasulyap sa natutulog na anak. Tumagilid siya at hinaplos ang maliit nitong mukha.

Bagamat hindi ito nakuha ang mukha ng ama nito ay nakuha naman nito ang mga mata ng lalaki. Wala talaga siyang ideya kung sino ito. Kahit na anong research pa ang gawin niya ay hindi niya ito mahahanap dahil hindi naman niya alam kung anong pangalan nito.

Muling bumalik sa kaniya ang sinabi ng anak niya at napaisip siya. Ito na ba ang tamang oras para ikonsidera ang pagkakaroon ng bagong lalaki sa buhay niya? Hindi para sa kaniya kundi para sa anak niya na naghahangad ng pagmamahal ng isang ama. Ngunit gusto niya na piliin ang lalaking matatanggap nito ang anak niya, yung hindi basta lalaki lang.

Hindi niya gagawin iyon para sa sarili niyang kaligayahan kundi para sa anak niya. Naaawa na siya rito, awang-awa at umaabot na rin sa punto na halos maiyak siya sa tuwing nakikita niyang nakatanaw ang anak niya sa mga batang may kahawak kamay na ama. Alam niya, alam na alam niya ang nararamdaman nito kaya kailangan na niyang magdesisyon. Baka ito na nga ang tamang oras para muling buksan ang puso niya.

~~~~~~~

KINABUKASAN, maaga pa ring gumising si Kenna para maghanda ng babaunin ng anak niya. Pagdating sa mga baon at pagkain ng anak niya ay medyo mitikoloso siya. Gusto niya na palaging healthy ang kakainin ng anak niya at bukod pa doon ay iyon na lang din ang way niya para ipakita sa anak niya kung gaano niya ito kamahal.

Kahit na hindi siya gaanong nakatulog kagabi ay medyo mataas pa rin ang energy ni Kenna. Nang tuluyan niyang maihanda ang mga pagkain na kailangan niyang ihanda ay ginising na niya ang kanyang anak para kumain. 

Hindi naman na ito mahirap gisingin kaya hindi na siya nahihirapan pa. Wala na rin itong karekla-reklamo dahil excited ito na pumasok palagi sa school.

ISANG halik at iginawad ni Kenna sa kanyang anak. Nasa tapat na sila ng kanyang classroom. “I love you Mommy!” sabi nito sa kaniya bago tuluyang tumakbo papasok sa loob ng silid aralan. Napangiti na lang siya habang nakasunod ng tingin sa kanyang anak bago tuluyang tumalikod upang bumalik sa kanyang kotse.

Ngayong araw ay darating ang may ari ng hotel kung saan siya nagtatrabaho. Mataas na rin ang posisyon niya sa hotel dahil sa tagal na niyang nagtatrabaho doon. Malaki ang utang na loob niya sa hotel dahil binigyan siya nito ng trabaho at dahil din doon ay nabuhay niya ang kanyang anak. Naibigay niya rito ang mga pangangailangan nito kaya pinagbubutihan niya ang kanyang trabaho.

Ni minsan ay hindi niya pa nakita ang owner ng hotel dahil masyado daw itong busy at marami itong negosyo. Wala din siyang alam tungkol dito basta ang alam niya lang ay ang pangalan nito na Nathan Montefalco. Ni wala din kahit isa na larawan sa hotel kaya wala siyang ideya kung ano ang itsura nito. 

Hindi nagtagal ay tuluyan na siyang nakarating sa tapat hotel kung saan ay dali-dali siyang bumaba. Isa iyong high end hotel. Marami na silang naging customer na mga kilalang tao. Bukod pa doon ay mataas ang reviews nila online kaya marami pa ring nagchecheck in sa hotel.

Sa labas pa lang ay makikita mo na ang mga staff na talagang abalang-abala sa pagdating ng owner. Excited ang lahat dahil ito pa lang yata ang unang beses na magpunta ito doon. Marami na rin kasing branch ang kanilang hotel at maswerte pa nga sila na ang hotel na iyon ang napili nitong puntahan.

Pagdating niya ay napakarami na kaagad niyang trabaho. Isa hanggang sa dalawang oras ang lumipas ay biglang nag-ring ang cellphone niya. Nakita niyang ang teacher ng anak ang tumatawag kung saan ay napuno siya ng pag-aalala kaagad, iniisip na baka may nangyari na rito kaya dali-dali niya itong sinagot. “Ma’am, may problema po ba?” nag-aalalang tanong niya.

“Ay wala naman po Miss, pero po ay biglaan po silang nagpatawag ng meeting sa divisions office kaya kailangan ko na pong pauwiin ng maaga ang mga bata. Pasensya na po talaga kayo.” humihingi ng pansensyang sabi nito sa kaniya.

“Wala po kayong dapat ipag-aalala ma’am, ayos lang po.” sagot niya pero ang totoo ay medyo worried siya dahil ngayon nga darating ang owner ng hotel at kailangan niya pang asikasuhin ang pagdating nito pero dahil walang mag-aalaga sa anak niya ay kailangan niya itong sunduin.

Pagkababa niya ng tawag ay sandali siyang nagpaalam sa kanyang mga kasamahan para sunduin si Cassandra sa school. Sadyang binilisan niya na lang ang pagpapatakbo ng kanyang sasakyan dahil kailangan niya pang magmadali na bumalik. Hindi naman pwede na wala siya pagdating ng owner ng hotel dahil baka kung anong sabihin nito. Baka isipin nitong pinapabayaan niya ang kanyang trabaho at ayaw niya naman iyong mangyari.

Hindi nagtagal ay tuluyan na siyang dumating sa school ng anak niya. Puno ng pagmamadali siyang nagtungo sa classroom nito at sinundo ito saka muling bumalik sa kotse. Hindi naman niya ito pwedeng idiretso pauwi dahil wala naman itong kasama sa bahay nila kaya no choice talaga.

Habang nasa sasakyan ay binilinan na niya ang kanyang anak na huwag itong maging makulit sa trabaho niya. Iiwan niya na lang muna ito sa garden para maglaro dahil hindi naman ito pwedeng maglaro sa loob ng kanyang opisina lalo na at naroon si Beatrice. Galit na galit ito sa kaniya kaya baka hanapan siya nito butas. Mas mainam na lang din na mag-ingat siya.

Mabait naman ang kanyang anak kaya siguradong hindi ito maglilikot. Bibigyan niya na lang ito ng papel na pwede nitong pagguhitan. Mahilig kasing gumuhit ang anak niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 49

    ALAM ni Zade kung gaano kadelikado ang taong kalaban nila kaya hindi siya nagdalawang isip na humingi ng tulong sa ama ni Cassandra ng hindi nito alam dahil baka magalit lang ito sa kaniya. Ang kaligtasan nito ang nakataya doon kaya wala siyang balak na hindi ito seryosohin.“Huwag kang mag-alala, akong bahala. Hindi ko hahayang masaktan ang anak ko.” paniniyak ng ama nito. Maging ang kapatid ni Cassandra na si Damien ay siniguro din sa kaniya na wala siyang dapat ipag-alala at mag-focus lang sa karera nila.NAGING mabilis ang pagkilos ng mga tauhan ni Nathan. Kaagad nilang natagpuan ang mga taong nagbanta sa anak niya at syempre, hidni siya nagdalawang isip na ipakulong ang mga ito.Kung gusto nilang saktan ang anak niya ay kailangan muna nilang dumaan sa kaniya.DUMATING ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang Championship ay ginanap sa Blackwood Academy, isa rin ito sa mga pinaka prehistiryosong academy sa bansa at doon din sila nag-training ni Zade nitong mga nakaraang araw.Katul

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 48

    HINDI mapakali si Zade buong gabi.Paulit-ulit niyang tinitingnan ang simbolong nakatatak sa likod ng sobre. Isang itim na kabayo na may mapupulang mata.Akala niya ay hindi na niya iyon makikita pang muli. Mahigpit niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Unti-unting bumalik sa alaala niya ang mga pangyayaring halos sumira sa buhay ni Cassandra.Ang pekeng drug test. Ang pagkawala ng mahahalagang ebidensya.Ang biglaang pag-atras ng mga testigo.At ang mga taong tila naglaho na parang bula pagkatapos mangyari ang lahat.Noon pa man ay alam niyang hindi iyon simpleng sabwatan.May mas malaking taong nasa likod ng lahat. At ngayong bumalik ang simbolong iyon. Ang akala niya ay ang kaniyang ama lang ang nasa likod ng lahat ng iyon pero hindi pala. Nagkamli siya at ngayon, pati si Cassandra ay damay na.Ibig sabihin hindi pa tapos ang laban.Samantala...Tahimik na nakaupo si Cassandra sa veranda ng kanyang bahay.Nasa kanyang kandungan ang liham na ilang ulit na niyang binasa."Hindi pa ta

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 47

    DALAWANG araw ang lumipas.Dalawang araw na paulit-ulit na pinag-isipan ni Cassandra ang imbitasyong ipinadala ng International Equestrian Federation.Hindi pa rin niya ito sinasagutan. Sa halip ay ibinuhos niya ang lahat ng oras niya sa Montefalco Horse Sanctuary. Katulad ng nakasanayan, maaga siyang nagising upang alagaan ang mga kabayo.Tahimik niyang nilinis ang sugat ng isang dating racehorse na iniligtas niya ilang buwan na ang nakararaan. "Konting tiis pa. Malapit ka nang gumaling."Marahang humuni ang kabayo. Napangiti siya. Hindi niya namalayang may nakatingin pala sa kanya mula sa may gate."Mas lalo kang gumagaling sa pag-aalaga."Napalingon siya.Si Zade.May dala itong isang maliit na paper bag.Napabuntong-hininga siya."Hindi ka ba nagsasawang pumunta rito?"Bahagyang ngumiti ang binata."Hindi."Iniabot nito ang paper bag."Ano 'to?""Bread.""Nagluto si Lola.""Sabi niya pumapayat ka raw."Napailing si Cassandra habang natatawa."Hindi naman.""Talaga?""Tingnan mo ng

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 46

    MABIGAT ang katahimikan sa buong Montefalco Horse Sanctuary.Ilang oras na ang lumipas mula nang umalis ang mga opisyal ng International Equestrian Federation, ngunit nanatili pa ring nakaupo si Cassandra sa veranda. Nasa kandungan pa rin niya ang maliit na kahong naglalaman ng kanyang National Champion Pin.Paulit-ulit niya iyong binubuksan.Paulit-ulit ding isinasara.Parang hindi pa rin siya makapaniwala na matapos ang halos isang taon ay muli niya itong nahahawakan.Marahan niyang hinaplos ang gintong insignia.Kasabay niyon ang pagbalik ng napakaraming alaala.Ang unang araw niya sa Equestrian Academy. Ang unang medalya. Ang unang pagkapanalo. Ang unang pagkakataong niyakap siya ng kanyang lolo habang umiiyak ito sa sobrang saya."Alam kong kaya mo, apo. Hindi ka ipinanganak para sumuko."Napapikit si Cassandra. Muling bumigat ang kanyang dibdib.Kung buhay lamang sana ang kanyang lolo...Marahil ay ito ang pinakamasayang araw para rito."Ate Cassandra?"Napamulat siya. Nakatayo

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 45

    KINABUKASAN hindi pa man tuluyang sumisikat ang araw ay gising na si Cassandra.Katulad ng kanyang nakagawian, tahimik siyang naglakad palabas ng bahay habang tangan ang isang timba ng pagkain para sa kanyang mga kabayo. Mahinahon niyang isa-isang pinakain ang mga ito."Good morning, Atlas.""Good morning, Bella."Ngumiti siya nang lumapit si Ellie at marahang isinandal ang ulo nito sa kanyang balikat.Napatawa siya. "Selosa ka talaga."Marahan niyang hinimas ang noo nito. "Don't worry. Ikaw pa rin ang favorite ko."Mahinang humuni ang kabayo na tila ba naiintindihan ang bawat salitang sinasabi niya. Ilang sandali pa'y dumating si Mang Ernesto, ang matagal nang tumutulong sa kanya sa sanctuary simula ng dumating siya."Ma'am Cassandra. Luto na po ang almusal."Ngumiti siya. "Salamat po, Mang Ernesto."Ngunit bago pa siya makalakad papasok ng bahay ay may narinig silang busina mula sa labas ng gate.Napatingin silang lahat.Isang puting van ang dahan-dahang huminto.May logo iyon ng In

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 44

    Maagang-maaga pa lamang ay tila ibang klaseng sigla na ang bumalot sa buong Montefalco Horse Sanctuary. Yes, binigyan na niya nga pangalan ang kaniyang rancho.Isa-isang inilabas ni Cassandra ang mga kabayo mula sa kani-kanilang kulungan habang sinasalubong ng malamig na simoy ng hangin ang kanyang mukha."Good morning, Atlas."Mahinahon niyang hinaplos ang noo ng isa sa mga kabayong dati niyang nailigtas mula sa isang ilegal na karera.Noon, kahit makita lamang nito ang tao ay agad na itong nanginginig sa takot.Ngayon...Ito na mismo ang kusang lumalapit sa kanya.Napangiti si Cassandra."Ang layo na ng narating mo."Parang naisip niyang ganoon din ang nangyari sa kanya.Dati, akala niya ay hindi na siya muling makakahawak ng reins.Hindi na muling sasakay.Hindi na muling mangangarap.Ngunit kahapon...Isang simpleng pagtalon lamang ang nagpatunay na may natitira pa pala sa dating Cassandra Montefalco.Hindi pa tuluyang nawawala ang rider sa loob niya.Habang inilalagay niya ang pa

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 6

    NI hindi humiwalay ang batang babae kay Nathan habang nakasakay sila ng kotse. Tahimik lang itong nakaupo sa tabi niya. Hindi niya alam na ganito pala ito kakulit. Talagang ni ayaw nitong sundin ang Mommy nito na ikinangiti niya na lang. Hindi naman siya naiinis dito kahit na wala talaga siyang hil

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 5

    ISANG mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Kenna at sinalubong ang mga mata nito bago tuluyang sumagot. “I’m sorry sir pero hindi ko matatanggap ang offer niyo. Why not try to find another woman? Yung handang makipagkasundo sa inyo.” suhestiyon niya. Ayaw niyang itaya ang puso ng anak niya.

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 1

    SEVEN YEARS LATERNapa buntong hininga si Kenna. Kauuwi niya lang galing sa hotel kung saan siya nagtatrabaho. Nagbihis siya sandali bago tuluyang sinulyapan ang kanyang suot na relo. Alas kwatro na ng hapon, tiyak na kanina pa naghihintay ang anak niya sa kaniya.Sumakay siya sa kanyang kotse at n

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Prologue

    ‘Pak!’ isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Kenna. Napayuko siya at walang magawa kundi ang tiisin ang sakit na dulot nito.Nahuli siya ng kanyang ina na hawak ang isang pregnancy test kung saan ay positive ito, at oo, buntis siya. Buntis siya pero hindi niya kilala ang ama ng dinadala

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status