LOGINSEVEN YEARS LATER
Napa buntong hininga si Kenna. Kauuwi niya lang galing sa hotel kung saan siya nagtatrabaho. Nagbihis siya sandali bago tuluyang sinulyapan ang kanyang suot na relo. Alas kwatro na ng hapon, tiyak na kanina pa naghihintay ang anak niya sa kaniya.
Sumakay siya sa kanyang kotse at nag-drive patungo sa school kung saan niya ipinasok ang kanyang anak. Mabuti na lang at mabait ang teacher nito at pinayagan siyang doon na muna ang anak niya maghapon kahit na tapos na ang klase nito.
Sa totoo lang ay wala din naman siyang mapag-iwanan sa anak niya. Pitong taon na ang lumipas simula noong lumayas siya sa bahay ng kanyang stepfather at simula noon ay hindi na sila muling nagkita pa ng kanyang ina.
Napakahirap ng pinagdaanan niya pero sinong mag-aakala na makakaya niya ang lahat ng iyon ng mag-isa. Marami siyang narinig sa ibang tao noong ipinagbubuntis niya si Cassandra, na kesyo malandi daw siya at nabuntis ng maaga at higit sa lahat ay hindi siya pinanindigan ng nakabuntis sa kaniya pero wala naman iyong problema sa kaniya sa halip ay ginawa niya iyong inspirasyon para magpatuloy siya.
Ngayon ay okay naman na ang buhay nila ng anak niya pero may mangilan-ngilan pa rin syempre na lihim siyang pinag-uusapan lalo na sa trabaho niya. Alam niyang pag-alis niya ay siya ang topic ng mga kasamahan niya sa hotel pero wala lang iyon sa kaniya. Hindi na iyon bago pa sa kaniya dahil palagi naman na siyang nakakarinig ng mga ganung klaseng salita ngunit wala siyang pakialam. Ang sa kaniya lang ay huwag na nilang idamay pa ang anak niya.
Hindi nagtagal ay tuluyan na siyang nakarating sa school. Kaagad siyang bumaba ng kotse at pinuntahan ang classroom ng anak niya. Ipinasok niya ito sa isang private school malapit lang sa tinitirhan nilang maliit na apartment kung saan sila nakatira. Pakiramdam niya kasi ay mas safe ito doon.
Kapag sabado at linggo naman ay wala siyang choice kundi ang isama ito sa trabaho niya. Mabuti na lang at kahit papano ay hindi ito malikot kaya okay lang naman. Pero ang problema nga lang ay mahilig itong maglaro at kung sino-sinong lalaki ang kinakakausap nito at tinatawag na Daddy.
Patawa-tawa lang siya minsan pero ang totoo ay nasasaktan siya para sa anak niya. Paano ba naman kasi ay alam niyang naghahanap ito ng pagmamahal ng isang ama pero ginagawa niya naman ang lahat ng kanyang makakaya para hindi na ito maghanap pa ng pagmamahal ng isang ama ngunit alam niya sa sarili niya kung ano ang hinahanap nito dahil maging siya ay lumaking walang ama.
Alam na alam niya ang nararamdaman ng anak niya pero palagi niya lang iyong isinasantabi. Oo, pumapasok sa isip niya paminsan-minsan ang ama nito ngunit kahit na gusto niyang ibigay ang gusto ng anak ay hindi niya naman magawa.
Wala siyang alam tungkol sa lalaki at tanging ang mukha lang nito ang natandaan niya. Bukod pa doon ay tinakbuhan niya ito kinabukasan, yung tipong hindi pa ito nagigising sa sobrang takot niya.
Sa totoo lang ay hindi niya akalain na may mabubuo sa isang gabing iyon pero ano pang magagawa niya? Wala siyang pinagsisisihan sa nangyari dahil ang kapalit naman ay ang anak niyang napaka-cute at nagsisilbing kulay sa boring niyang mundo.
“Mommy!” masayang bulalas nito ng makita siya. Kaagad itong nagtatakbo sa kaniya at niyakap siya kung saan ay niyakap niya rin naman ito kaagad at pinupog ng halik.
“Ahh!” sabi nito at pagkatapos ay halos itulak na siya. “Stop na Mommy.” reklamo nito sa kaniya na ikinataas niya lang naman ng kilay niya.
“Why? Don’t tell me ay ayaw mo ng kiss ng Mommy?” tanong niya rito.
Ngumuso lang ito. “Hindi naman sa ganun Mommy, pero kasi… ang baho ko pa.” sagot nito sa kaniya na ikinataas niya lang lalo ng kilay niya.
“Kadami mo na talagang alam.” sabi niya bago tumayo at nilingon ang teacher nito. “Ah ma’am salamat po, uuwi na po kami.” nakangiti niyang paalam dito na ikinatango lang naman nito at ngumiti.
“Naku, kanina pa po niya kayo hinihintay. Mabuti nga po at dumating na kayo kaagad. Excited na pong umuwi, alam niya kasing wala silang assignment bukas.” sabi ng teacher nito sa kaniya.
Alanganing ngumiti siya. “Naku, ito talagang si Cassandra ma’am e mas nagiging pasaway pa lalo.” napapakamot na lang siya sa kanyang ulong sabi sa teacher ng anak niya.
“Ganyan lang po talaga siya Miss pero matalino po ang anak niyo.” sabi nito sa kaniya at nang lingunin niya ang kanyang anak ay nakita niyang kinukuha na nito ang bag nito sa upuan.
“Salamat po ma’am, sige po mauna na po kami.” sabi niya rito.
“Sige po Miss.” sagot nito sa kaniya pabalik.
Hindi nagtagal ay hawak na niya ang kamay ni Cassandra at sabay na naglalakad palabas ng school nang mapansin niyang medyo tahimik ito. “May problema ba, little bean?” tanong niya rito. Nasanay na siyang iyon ang tawag niya sa anak kung saan ay naging palayaw na nito iyon.
Umiling ito ngunit basang-basa niya ang ekspresyon nito. “Ano nga iyon?” tanong niya at tumigil sa paglalakad bago umupo sa harap nito. Nakita niyang nag-iwas ito ng tingin sa kaniya bago yumuko.
“Next week kasi Mommy ay may program sa school at ang sabi ni ma’am ay kailangan daw kasama ang Mommy at Daddy sa pag-attend.” sagot nito sa kaniya kung saan ay natigilan siya bigla.
Alam na niya kaagad kung bakit ganito ang ipinapakita ng anak niya. Gusto nitong pumunta doon ng may ama. Katulad niya noong bata pa siya ay palagi na lang siyang tinutukso ng mga kaklase niya dahil wala siyang ama. Alam na alam niya pero, paano niya ipapaliwanag sa anak niya ang sitwasyon niya? Ang sitwasyon nila? Masyado pa itong bata para maintindihan ang lahat.
Akmang ibubuka na sana niya ang kanyang bibig para magsalita nang bigla na lang itong tumingin sa kaniya. Halos madurog ang puso niya ng masalubong ng kanyang mga mata ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. “Pwede bang pumunta ako doon ng may Daddy, Mommy?” tanong nito sa kaniya pero paano nga niya iyon gagawin? Sino ang isasama niya?
“Anak…” hinaplos niya ang buhok nito.
“Alam ko Mommy, alam ko. Pero kung may mahahanap ako, okay lang sayo diba? Papayagan mo naman ako diba?” nagmamakaawa ang mga mata nito.
Sa huli ay napapikit na lang siya ng mariin at humugot ng malalim na buntong hininga. “Mommy please?” muling tanong nito sa kaniya. Lumambot ang puso niya at hinaplos ang pisngi ng anak niya bago mahinang tumango.
“Sure, sure little pea.” mahina ngunit puno ng guilt na sagot niya sa kanyang anak. Kung iyon ang makakapag pasaya sa anak niya ay handa niyang gawin ang lahat kaya sa huli ay pumayag na lang siya.
...
…
ALAM ni Zade kung gaano kadelikado ang taong kalaban nila kaya hindi siya nagdalawang isip na humingi ng tulong sa ama ni Cassandra ng hindi nito alam dahil baka magalit lang ito sa kaniya. Ang kaligtasan nito ang nakataya doon kaya wala siyang balak na hindi ito seryosohin.“Huwag kang mag-alala, akong bahala. Hindi ko hahayang masaktan ang anak ko.” paniniyak ng ama nito. Maging ang kapatid ni Cassandra na si Damien ay siniguro din sa kaniya na wala siyang dapat ipag-alala at mag-focus lang sa karera nila.NAGING mabilis ang pagkilos ng mga tauhan ni Nathan. Kaagad nilang natagpuan ang mga taong nagbanta sa anak niya at syempre, hidni siya nagdalawang isip na ipakulong ang mga ito.Kung gusto nilang saktan ang anak niya ay kailangan muna nilang dumaan sa kaniya.DUMATING ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang Championship ay ginanap sa Blackwood Academy, isa rin ito sa mga pinaka prehistiryosong academy sa bansa at doon din sila nag-training ni Zade nitong mga nakaraang araw.Katul
HINDI mapakali si Zade buong gabi.Paulit-ulit niyang tinitingnan ang simbolong nakatatak sa likod ng sobre. Isang itim na kabayo na may mapupulang mata.Akala niya ay hindi na niya iyon makikita pang muli. Mahigpit niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Unti-unting bumalik sa alaala niya ang mga pangyayaring halos sumira sa buhay ni Cassandra.Ang pekeng drug test. Ang pagkawala ng mahahalagang ebidensya.Ang biglaang pag-atras ng mga testigo.At ang mga taong tila naglaho na parang bula pagkatapos mangyari ang lahat.Noon pa man ay alam niyang hindi iyon simpleng sabwatan.May mas malaking taong nasa likod ng lahat. At ngayong bumalik ang simbolong iyon. Ang akala niya ay ang kaniyang ama lang ang nasa likod ng lahat ng iyon pero hindi pala. Nagkamli siya at ngayon, pati si Cassandra ay damay na.Ibig sabihin hindi pa tapos ang laban.Samantala...Tahimik na nakaupo si Cassandra sa veranda ng kanyang bahay.Nasa kanyang kandungan ang liham na ilang ulit na niyang binasa."Hindi pa ta
DALAWANG araw ang lumipas.Dalawang araw na paulit-ulit na pinag-isipan ni Cassandra ang imbitasyong ipinadala ng International Equestrian Federation.Hindi pa rin niya ito sinasagutan. Sa halip ay ibinuhos niya ang lahat ng oras niya sa Montefalco Horse Sanctuary. Katulad ng nakasanayan, maaga siyang nagising upang alagaan ang mga kabayo.Tahimik niyang nilinis ang sugat ng isang dating racehorse na iniligtas niya ilang buwan na ang nakararaan. "Konting tiis pa. Malapit ka nang gumaling."Marahang humuni ang kabayo. Napangiti siya. Hindi niya namalayang may nakatingin pala sa kanya mula sa may gate."Mas lalo kang gumagaling sa pag-aalaga."Napalingon siya.Si Zade.May dala itong isang maliit na paper bag.Napabuntong-hininga siya."Hindi ka ba nagsasawang pumunta rito?"Bahagyang ngumiti ang binata."Hindi."Iniabot nito ang paper bag."Ano 'to?""Bread.""Nagluto si Lola.""Sabi niya pumapayat ka raw."Napailing si Cassandra habang natatawa."Hindi naman.""Talaga?""Tingnan mo ng
MABIGAT ang katahimikan sa buong Montefalco Horse Sanctuary.Ilang oras na ang lumipas mula nang umalis ang mga opisyal ng International Equestrian Federation, ngunit nanatili pa ring nakaupo si Cassandra sa veranda. Nasa kandungan pa rin niya ang maliit na kahong naglalaman ng kanyang National Champion Pin.Paulit-ulit niya iyong binubuksan.Paulit-ulit ding isinasara.Parang hindi pa rin siya makapaniwala na matapos ang halos isang taon ay muli niya itong nahahawakan.Marahan niyang hinaplos ang gintong insignia.Kasabay niyon ang pagbalik ng napakaraming alaala.Ang unang araw niya sa Equestrian Academy. Ang unang medalya. Ang unang pagkapanalo. Ang unang pagkakataong niyakap siya ng kanyang lolo habang umiiyak ito sa sobrang saya."Alam kong kaya mo, apo. Hindi ka ipinanganak para sumuko."Napapikit si Cassandra. Muling bumigat ang kanyang dibdib.Kung buhay lamang sana ang kanyang lolo...Marahil ay ito ang pinakamasayang araw para rito."Ate Cassandra?"Napamulat siya. Nakatayo
KINABUKASAN hindi pa man tuluyang sumisikat ang araw ay gising na si Cassandra.Katulad ng kanyang nakagawian, tahimik siyang naglakad palabas ng bahay habang tangan ang isang timba ng pagkain para sa kanyang mga kabayo. Mahinahon niyang isa-isang pinakain ang mga ito."Good morning, Atlas.""Good morning, Bella."Ngumiti siya nang lumapit si Ellie at marahang isinandal ang ulo nito sa kanyang balikat.Napatawa siya. "Selosa ka talaga."Marahan niyang hinimas ang noo nito. "Don't worry. Ikaw pa rin ang favorite ko."Mahinang humuni ang kabayo na tila ba naiintindihan ang bawat salitang sinasabi niya. Ilang sandali pa'y dumating si Mang Ernesto, ang matagal nang tumutulong sa kanya sa sanctuary simula ng dumating siya."Ma'am Cassandra. Luto na po ang almusal."Ngumiti siya. "Salamat po, Mang Ernesto."Ngunit bago pa siya makalakad papasok ng bahay ay may narinig silang busina mula sa labas ng gate.Napatingin silang lahat.Isang puting van ang dahan-dahang huminto.May logo iyon ng In
Maagang-maaga pa lamang ay tila ibang klaseng sigla na ang bumalot sa buong Montefalco Horse Sanctuary. Yes, binigyan na niya nga pangalan ang kaniyang rancho.Isa-isang inilabas ni Cassandra ang mga kabayo mula sa kani-kanilang kulungan habang sinasalubong ng malamig na simoy ng hangin ang kanyang mukha."Good morning, Atlas."Mahinahon niyang hinaplos ang noo ng isa sa mga kabayong dati niyang nailigtas mula sa isang ilegal na karera.Noon, kahit makita lamang nito ang tao ay agad na itong nanginginig sa takot.Ngayon...Ito na mismo ang kusang lumalapit sa kanya.Napangiti si Cassandra."Ang layo na ng narating mo."Parang naisip niyang ganoon din ang nangyari sa kanya.Dati, akala niya ay hindi na siya muling makakahawak ng reins.Hindi na muling sasakay.Hindi na muling mangangarap.Ngunit kahapon...Isang simpleng pagtalon lamang ang nagpatunay na may natitira pa pala sa dating Cassandra Montefalco.Hindi pa tuluyang nawawala ang rider sa loob niya.Habang inilalagay niya ang pa
NI hindi humiwalay ang batang babae kay Nathan habang nakasakay sila ng kotse. Tahimik lang itong nakaupo sa tabi niya. Hindi niya alam na ganito pala ito kakulit. Talagang ni ayaw nitong sundin ang Mommy nito na ikinangiti niya na lang. Hindi naman siya naiinis dito kahit na wala talaga siyang hil
ISANG mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Kenna at sinalubong ang mga mata nito bago tuluyang sumagot. “I’m sorry sir pero hindi ko matatanggap ang offer niyo. Why not try to find another woman? Yung handang makipagkasundo sa inyo.” suhestiyon niya. Ayaw niyang itaya ang puso ng anak niya.
YUMUKO ang lahat ng mga staff ng marinig nila angs inabi ng isang manager na papasok na daw ang owner ng hotel. Wala ni isa ang nagtangkang magtaas ng ulo kahit sino sa takot. “Mommy!” halos mapalundag sa gulat si Kenna ng marinig ang boses ng kanyang anak.Nang mag-angat siya ng kanyang ulo ay nak
“Dito ka lang, okay? Huwag kang lalayo. Hahanapin kita mamaya kapag may free time na ako.” bilin niya rito. Tumango naman ito kaagad sa kaniya. Bukod doon ay iniwanan niya ito ng mga pagkain para hindi naman ito magutom.Muli niya itong hinalikan sa noo bago tuluyang umalis dahil kailangan na niyan







