Share

Chapter 2 Dreams

MARCUS:

NAKANGUSO AKONG nakahalukipkip habang nasa byahe kami ni Mommy. Si Mommy Moi din kasi ang tagahatid at sundo ko. Sa akin siya pinakatutok dahil bunso daw ako. Dadaanan pa namin ang mga ate at kuya ko sa school nila. Si Jessie naman ay sinundo rin ni Tatay Darwin. Wala naman kasing ibang nag-aalaga kay Jessie kaya si Tatay ang tagahatid at sundo rin nito.

"How's school, sweetie? Bakit nakabusangot ka dyan, hmm? Pwede nang sabitan ng kaldero ang nguso mo anak," natatawang saad nito na bahagya akong nilingon.

Lalo akong napangusong ikinatawa nito.

"Haist, dugong Montereal talaga. Apaka-attitude," tatawa-tawang saad nito na napapailing sa akin.

"Mommy naman kasi," paninimula ko na pinalungkot ang tono.

"Oh, what's wrong, sweetie. Hmm?" malambing tanong nito na sa harapan nakatingin.

"Si chubs po."

"Oh, what about her?" saglit ako nitong nilingon na nanunudyo ang ngiti at tingin.

Napakibot-kibot ako ng nguso ko na nakahingang malalim.

"Mommy, she kissed me," namilog ang mga mata nitong nilingon ako saglit.

Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko sa pag-amin ko kay Mommy. Maya pa'y napahagalpak na ito ng tawang ikinabusangot ko lalo.

"Si Jessie? She kissed you?" muling tanong nito.

Tumango lang ako. Napapabungisngis pa rin ito habang nagmamaneho.

"Hay...ang mga batang 'to. May gatas pa kayo sa labi. Hwag munang magligawan, sweetie."

"Mommy!!"

"What?" maang-maangan nitong tanong.

"Mommy naman, hindi ko siya nililigawan. Eewww, bestfriend ko po siya. Saka...saka may crush na po ako," mahinang sagot kong ikinalingon nito.

Mabuti na lang at naka-green lights kaya napatigil muna ito. Nanlalaki ang mga mata nitong hinihintay ituloy ko ang kwento. Lahat kasi ng ganap sa amin ay dapat naming kinukwento kina Mommy at Daddy. 'Yon ang rules na mahigpit na pinapatupad ni Mommy sa bahay. Ang lagi kaming honest kahit ano pa ang nangyari sa araw namin ay dapat naming ikwento.

"Si....Bianca po, anak ni Tito Blake Lee,"

"What?!" napahampas pa ito sa manibela kaya nasagi nito ang busina.

"Mommy, naman, lower your voice. I'm not deaf," pagmamaktol ko.

Nakatitig pa rin ito sa akin.

"Bakit naman 'yong anak pa ng inshik na 'yon ka nagkagusto? Anak naman. Ayoko sa Mommy non, may gusto 'yon sa Daddy mo eh. Napakaarte ng Mommy non. At obviously na nagpapa-cute sa Daddy Akhiro mo. Hwag na siya. Ekis siya sa listahan ko. Ayoko ngang maging balae ang Celeste na 'yon. 'Di lalo lang siyang mapapalapit kay tukmol ko. No way. That's final. Palitan mo ang crush mo, anak. Ayoko don," napanganga akong napakurap-kurap sa mahabang litanya nito.

Kung hindi lang ako matalino ay hindi mag-sink-in sa utak ko lahat ng sinabi nito.

"Mommy--"

"Ayoko. Si Jessie na lang. 'Yon, mas gusto ko ang batang 'yon kaysa sa Bianca na anak ng Celesteng 'yon," napaungol akong nagrereklamo at napapadyak ng mga paa pero pinandilatan lang ako ng mga mata nito.

"Mommy naman!"

"Asher Marcus Montereal. Umayos ka, hwag mong i-apply sa akin ang pagiging ma-attitude mo, ang Daddy mo nga hindi umubra sa akin. Isilid ko pa kayo sa sako eh. Basta, ayoko sa Bianca na sinasabi mo, Marcus. Si Jessie ang gusto ko, kuha mo, little tukmol?" pinal nitong saad.

"Haist!" napapadyak ako ng mga paa.

"Marcus."

"Eto na po. I-uncrush ko na. Kainis ka naman, Mommy!" napahagikhik itong ikinabusangot ko lalo at napahalukipkip.

Hinaplos pa ako nito sa ulo bago muling pinaandar ang kotse dahil lumuwag na ang kalsada.

"Very good. That's my sweetie, ang cute ng little tukmol ko. Manang-mana sa Daddy tukmol," napapahagikhik nitong saad.

Napaikot na lamang ako ng mga mata at sumandal ng upuan.

SAGLIT LANG AY nasa tapat na kami ng school nila ate. Ang quadruplets na may iisang mukha. Kung hindi ko lang sila mga Ate ay malilito din ako sa kanila.

"Mommy!!" masiglang salubong nila kay Mommy.

First year highschool na ang mga ito habang si Kuya Mikael Angelo ay third year na. Fourteen na si Kuya at twelve naman sila Ate habang ako ay mag-aanim pa lang.

Napanguso na lamang akong pinanood ang mga ito mula dito sa loob ng kotse. Isa-isa silang humalik at yumakap kay mommy. Kasunod nila si Kuya Angelo na may malapad ding ngiting sinalubong ng yakap at halik si mommy sa pisngi. Ang saya nilang tignan. Para lang silang magkakapatid lalo na't maliit ding babae si Mommy pero napakaganda naman niya. Bata-bata pa ang itsura niya dahil nasa 30's pa lang naman. Hindi nga halata na may mga anak na ito eh.

Umayos na ako nang upo. Napakadaldal ng mga ito lalo na ang four Maria's haist. Parang mga tindera sa palengke ang bunganga ng mga ito. Walang kapaguran. Dada nang dada.

"What's up, little dude? Ang tagal mong lumaki," ani Kuya na nakipag-goose-bump sa akin.

Ngumiti akong napakamot sa ulo. Naupo na rin sila Ate sa likod ko na isa-isang ginulo ako sa buhok.

"Are you okay bunso? Ang tamlay mo yata?" si Ate Maria Carrie.

Ang panganay sa quadro na sinalat pa ako sa leeg. Nag-aalala namang sinalat din ako ng tatlong ate ko.

"Okay lang 'yan. Nagmamaktol lang," parinig ni Mommy na nagmamaneho na.

Napaayos naman ng upo ang four Maria's na humalukipkip at tinaasan ako ng kilay. Haist. Ang mga babaeng 'to. Lagi kaming kinakawawang mga lalake ng pamilya. Kung ma-attitude kami nila kuya at daddy ay mas lalong ma-attitude naman ang four Maria's at ni mommy sa amin. Kaya sa huli? Mga opinion nila ang nasusunod sa mansion. Kahit naman si daddy ay walang laban kay mommy. Lagi nga 'yon yes sweetie kay Mommy na dinaig pa akong bunso kung matakot kay Mommy.

Pagdating namin ng mansion ay tumuloy na ako ng silid ko. Tinatamad ako ngayong makipaglaro sa mga kapatid ko. Ang Mommy Moi naman kasing 'yun eh. Tama bang siya ang mamili ng magiging crush ko? At si chubs pa talaga ang gusto. Haist. Napadapa ako ng kama at pumikit na lamang.

NAPAPANGITI AKO habang pinagmamasdan ang isang dalagang naka-wedding gown at may takip na belo sa mukha. Naluluha akong nakamata dito na hinihintay siya dito sa harapan ng altar. Pinapalakpakan din siya ng mga tao dito sa loob ng simbahan habang dahan-dahan itong naglalakad sa red carpet na puno ng mga rose petals.

Para akong nanonood ng isang romantic movie na kinakasal ang bidang babae at bidang lalake. At nakikita ko pa ang sarili ko sa itsura ng bidang lalakeng naka-all-white tuxedo. Napakaaliwas ng mukha nitong nagniningning ang mga mata na nakatutok sa bride nito. Napangiti ako. Pero unti-unting napalis nang itaas na ng bidang lalake ang belo at.....mukha ni chubs ang nakita kong nagkakandatulis na ang ngusong handang-handa ng humalik sa....akin!!??

"What the heck!!?" napabalikwas akong nasapo ang ulo dahil sa panaginip ko!

Tumayo pa ang mga balahibo ko sa katawan na maisip na......magpapakasal kami balang araw ni chubs!!? Oh my gosh! No way! Ang Mommy naman kasi eh. Tuloy hanggang panaginip si Jessie ang kasa-kasama ko! Haist! Napakamot ako sa ulo na bumangon na lamang para makaligo. Napapailing ako habang nakatapat sa shower.

"H-Hindi. ...ayoko ngang si chubs ang mapangasawa ko balang araw. Haist!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status