Share

CHAPTER 7

TANGHALI na nang makabalik si Eris sa puwesto ni Hasna kung saan matiyagang hinintay siya ng kaibigan. Nangunot ang kaniyang mga mata nang makita si Almidos na nakaupo sa dulo ng upuan habang si Hasna naman ang nasa kabilang dulo nito.

“Hey, pasensya na natagalan. Sobrang haba pa naman ng pila. Nakikipag-away na nga ako doon sa mga kasunod ko dahil pasingit nang pasingit,” panimula ni Eris upang kuhanin nag atensyon ng dalawa niyang kaibigan na hindi namalayan ang kaniyang pagdating.

Kaagad na tumayo si Hasna at saka lumapit kay Eris. “Ang tagal mo,” reklamo niya kay Eris.

“Babalik na kayong sittio?” biglang singit ni Almidos. Tumayo ito mula sa kaniyang kinauupuan at saka lumapit sa dalawang dalaga.

“Hindi pa. Kakain lang muna siguro tapos uuwi na rin,” sagot ni Eris. Napatango-tango naman si Almidos bago ngumisi.

“Sabay-sabay na tayo,” wika ni Almidos.

Pasimpleng umirap si Hasna at saka tinalikuran sina Eris at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status