Share

CHAPTER 6

TAHIMIK na sinulyapan ni Eris ang kaibigan na nakaupo sa kaniyang tabi at hindi inaalis ang atensyon nito sa labas ng umaandar na sasakyan. Napahinga nang malalim si Eris na siyang naging dahilan ng paglingon ni Hasna sa kaniya.

Napakamot na lamang si Eris sa kaniyang ulo at saka ngumiti.

“Ang aga-aga pa para lunurin ka ng mga iniisip mo. Ayos ka lang ba?” tanong ni Eris kay Hasna. Hindi sumagot si Hasna at muling ibinaling ang atensyon nito sa kalsada.

Palihim na napangiwi si Eris at ginaya na lamang ang kaibigan sa pagmamasid sa kanilang dinadaanan.

“Manong, sa Arson National High School po,” abiso ni Eris sa driver ng tricycle na kanilang sinasakyan.

Nakuha ni Eris ang atensyon ni Hasna. Pagbaling niya sa kaniyang kaibigan ay nakatingin na ito sa kaniyang habang nakakunot ang noo nito.

“Akala ko ba magliliwaliw? Bakit pupunta tayo sa school?” tanong ni Hasna kay Eris.

“Dadaan lang naman tayo, kukuha
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status