Beranda / Romance / THE INVESTIGATOR / THE INVESTAGATOR-chapter 6

Share

THE INVESTAGATOR-chapter 6

Penulis: CHENEL
last update Tanggal publikasi: 2026-03-01 13:24:24

"Hubarin mo ang suot mong Bonet ng makilala ko kung sino ka!" Nagmamadali kung utos sa lalaking kaharap ko.

Ibinaba niya ang kaniyang isang kamay at inilagay sa kaniyang leeg. Nang huhubarin na niya ang Bonet ay bigla na lang akong nawala sa atensyon ng lalaki. At mabilis nga niyang nahawakan ang kabila kong braso na may hawak na patalim. Pinilipit niya iyon hanggang mabitawan ko ang hawak kong kotsilyo. malakas din niya akong sinipa sa tiyan dahilan para mapaatras ako ng bahagya.

Nakita kong Umiling-iling lang ang lalaki habang seryosong nakatingin sa akin. Iniisip siguro nito na wala akong magagawa sa kan'ya kahit magawa ko pang lumaban.

Shit! mukhang nabali yata ang braso ko ha? Talagang sinusubukan ako ng taong ito. Humanda siya sa akin---" bulong ko.

"Naghahanap ka yata ng sakit ng katawan no? Pero huwag ka mag-alala dahil 'di mo na 'yon maramdaman pa! dahil papatayin na kita!"

Ngunit hindi manlang nasindak ang lalaki sa pananakot ko, ni hindi ito kumikobo sa kanyang kinatatayuan at inaabagangan lang ang pagsugod ko.

Kaya naman mabilis akong tumakbo sa dereksyon niya. Pinagsusuntok ko siya ngunit mabilis lang niyang naiwasan ang lahat ng atake ko. Kakaiba ang bilis niyang pinapakita. Kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang maka tama sa kaniya.

At bigla na lang akong nahinto sa pag-atake ng mahawakan niya ang dalawa kong braso. Tumingin siya sa mukha ko, nagawa pa niya akong kindatan kaya namilog ang mata ko. Matapos noon ay buong lakas niya akong sinukmuraan.

Parang maiisuka ko ang lahat ng kinain ko kagabi sa lakas ng atake na iyon. Napaluhod ako sa lupa at ininda ang sakit. Kinabahan ako ng makita ko siyang lumapit sa kinaroroonan ng patalim na kanina lang ay hawak ko.

Pinulot niya iyon mula sa semento. Pinagmasdan niya ang kotselyo na para bang sinusuri niya iyon. Mabilis ang paghakbang niya palapit sa akin at ng akma akong sasaksakin, bigla na lang akong napapikit.

Ngunit ilang sandali pa ay nakarinig ako ng putok ng baril. At ng imulat ko ang aking mata nakita ko ang lalaki na nakahandusay na sa harapan ko at wala ng buhay. Nakahinga ako nang maluwag ang akala ko ay katapusan ko na iyon.

Napasulyap ako sa babaeng nasa may hagdanan, ang aking pa lang Ina na siyang nagligtas ng buhay ko. Nakatulala siya sa gitna ng hagdan habang hawak ang baril nanginginig sa takot at hindi siya makapaniwala sa nangyari.

Kaya ka-agad kung nilapitan ang aking Ina, kinuha ko ang baril niyang hawak at niyakap ko siya ng mahigpit, habang yakap ko siya ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buo niyang katawan.

"Ma, maraming salamat iniligatas mo ang buhay ko. Huwag kang matakot ginawa mo lang ang tama. Iniligtas mo ako sa kamatayan," malumanay kung wika sa aking Ina.

"Nakapatay ako anak, alam kong dahil sa ginawa ko, ay makukulong ako at natatakot akong malayo sa 'yo anak," wika ni Ina.

"Huwag po kayong matakot Ma, walang makukulong at hindi tayo magkakalayo, mabuti pa ay bumalik po mo na kayo sa kwarto ninyo. May tatawagan lang ako para ipaalam ang nangyari rito," utos ko rito.

Sumunod naman ang aking Ina at bumalik na nga siya sa kaniyang silid. Ka-agad ko naman kinuha ang telephono at tumawag ako sa station namin.

Inilagay ko ang numero ng station namin at nagring na ang telephono. Mabilis naman may sumagot sa kabilang linya.

"Hello Good morning po, Mam, Sir, I'm Spo2 Derick Zamora, may maitutulong po ba ako sa inyo?" Bungad niyang tanong mula sa kabila lenya.

"Ako to si Samantha, magpdala ka ngayon ng pulis dito sa bahay dahil may lalaking nangahas na pumasok dito, kailangan ko ng tulong ninyo," wika ko.

"Ikaw pala Sergeant Samantha, Sige at mapapdala ako ng pulis di yan sasama na rin ako," Saad ni Dereck.

"Okay maraming salamat mag-iingat kayo," bilin ko.

Ilang oras din ang nakalipas bago tuluyan makarating sa bahay si Spo2 Dereck Zamora at dalawa pa niyang kasama.

"Anong nangyayari rito Samantha?" Tanong niya ng makita ang lalaking nakahandusay sa sahig na wala ng buhay.

"Nangahas na pumasok dito sa loob ng bahay ayan na tigok," sagot ko.

"Gusto kong alisin ninyo rito 'yan ngayon din at linisin ang matsa ng dugo, sana wala ng makaalam ng nangyaring ito ha, pwede ba iyon," pakiusap ko sa aking mga kasama.

"Okay Samantha, no problem, ang mabuti pa siguro matulog ka na, kami na ang bahala rito. Iiwan ko rin si spo4 Ruben at Spo3 Carlos, para magbantay dito hanggang mag-umaga," wika ni Dereck.

"Ahm.... Sige, Pa-ano kayo na bahala rito ha, babalik na ako sa aking kwarto para muling matulog," Saad ko.

Kinaumagahan, pagkagising na pagkagising ko, ka-agad akong nagpunta sa kwarto ng aking Ina para kamustahin siya, tungkol sa nangyari kaninang madaling araw, marahan kung pinihit ang doorknob, para sana silipin sa loob ng kwarto niya si Mama, ngunit wala naman akong nakita emahe nito at maging ang kaniyang kama ay maayos na rin.

At nakatupi na ang kumot at maayos ang pagkakasalansan ng mga unan dito.

Napaisip tuloy ako, dahil dapat ngayon nasa kwarto paniya si Mama, dahil sanay iyon na gumigising ng late.

Ahm... Siguro hindi na siya ga-ano nakatulog kanina matapos ang nangyari--" bulong ko.

Hanggang isara ko na lang muli ang pinto ng kwarto ni Mama at naglakad na ako pababa ng hagdan, pagkababa ko ng mataas na hagdan bumungad naman sa harapan ko, ang katulong namin si Aleng Nena, na abala naman sa pagwawalis ng sala.

Hanggang mapasulyap siya sa dereksyon ko, at pansamantala niyang tinigil ang kanyang ginagawa.

"Mam, Samantha, gising na pala kayo, good morning po bungad na pagbati sa akin ni Aleng Nena.

"Good morning rin po Aleng Nena," Saad ko sabay ngiti.

Teka lang po! Nakita mo po ba si Mom? Maikling tanong ko sa matanda.

"Naroon siya, sa labas, napansin ko nga. Mam, parang ang lalim ng iniisip ni Madam parang may dinadalang problema," Saad niya.

"Ganoon po ba, Sige po maraming salamat, so pa-ano po maiiwan po mo na kita pupuntahan ko lang si Mom," wika ko.

Nilampasan ko si Aleng Nena, at naglakad palabas hanggang makalabas ng pinto, nagpaling-linga ako sa buong bahagi ng paligid hanggang makita ko sa 'di kalayuan ang aking Ina, nakatayo lang siya at malayo ang tingin pinagmamasdan niya ang ibat ibang uri ng halaman sa garden.

Mabilis akong naglakad sa dereksyon niya at ng makalapit ay niyakap ko ng mahigpit ang aking Ina na kaniya naman ikinagulat.

"Mom, may problema ba, bakit napapansin ko lagi ka na lang tula, tungkol ba ito sa lalaking na patay mo?" Tanong ko.

"Hindi ko ginusto ang nangyari anak, niligtas ko lang ang iyong buhay, ngunit hindi ako pinapatulog ng aking konsensya, naawa ako sa taong pinatay ko dahil alam kong may pamilya rin siya," wika ng aking Ina.

"Huwag na po ninyo masyadong isipin iyon, wala naman po may kagustohan ng nangyari, kung hindi sana siya naglakas loob na pasukin ang bahay natin hindi naman siya mapapatay malas lang niya dahil nagkataon narito ako. Subalit aaminin ko magaling talaga siya makipag laban, iyon nga lang isang putok lang ng baril ang nakapagpatahimik sa kaniya.

Saka, Mama magpasalamat na lang po kayo dahil buhay ako at nang dahil sa inyo kaya ako nakaligtas," paliwanag ko sa aking Ina.

"Ahmmm.. sabagay tama ka nga anak," mahinang wika ng aking Ina.

Ang mabuti pa siguro Mom, bumalik na tayo sa loob ng ating bahay at magpahinga na rin po kayo, Pa-ano naman po kung lagi kayong ganiyan, mahihirapan akong iwan kayo mgisa rito sa bahay. Hindi ko naman pwedeng baliwalain ang aking mga mission dahil obligation ko po iyon," Saad ko.

Yumakap ng mahigpit ang aking Ina, Samantha mag-iingat ka sa bawat laban mong pinupuntahan, alalahinin mo dalawa na lang tayong magkasama sa buhay. Hindi ko kakayanin pang mabuhay kung pati ikaw ay kukunin sa akin," malungkot na wika ni Ina.

"Huwag po kayo mag-isip ng ganiyan Mom, at saka mag-iingat po ako. At kapag nasa mission na ako palagi kitang tatawagan Mom, so, Pa-ano po halika na po sa loob ng bahay," wika ko sa aking Ina.

Ngunit pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay ay nagring ang cellphone ko sa bulsa, ka-agad ko itong kinuha, nakita ko sa screen na tumatawag si Bryan, hindi ko alam kung bakit? kaya sinagot ko na lang dahil baka importante iyon.

"Yes! Bryan, bakit napatawag ka? Tanong ko ka-agad sa kaniya.

"Samantha kinakailangan na magkita tayo ngayon, pumunta ka sa ibibigay kong lugar at doon tayo magkita, importante ang paguusapan natin tungkol ito sa mission ibinigay ni Boss Niel, may lead na ako kung saan sila matatagpuan at kung Pa-ano tayo makakapasok sa lungga nila ng hindi namamalayan," paliwanag niya.

"Ganoon ba! maganda balita nga iyan Bryan, pero sa dami nang sinabi mo kailangan paba natin mag-usap ri'yan, buong detalye sinabi mo na," Saad ko.

"Basta Samantha, magmadali ka na pumunta roon para mas maintidihan mo ang mga sinasabi ko, sumunod ka na lang at huwag ka na komontra okay ba iyon!" Gigil niyang wika.

"Sige hintayin mo na lang ako sa lugar na binigay mo sa akin, good bye magkita na lang tayo roon.

Narinig na Mama ang paguusap namin ni Bryan Kya naman naging malungkot na nman ang emahe ng kanyang mukha.

Tumingin ako sa kaniya ng seryoso Saka, nagpaalam.

Mom, kailangan ko na umalis ngayon rin araw. Importante po ang pupuntahan ko, tulad ng sinabi ko po Sayo mam, huwag kana mag isip pa ng kung ano ano, si Aleng Nena, na po muli ang bahala sa inyo rito sa bahay," paliwanag ko.

Tumango tango lang siya at yumakap, anak mag iingat ka huwag mo kalimutan tumawag sa taas kapag kailangan mo ng tulong niya," paalala ni Mom.

okay po Mom Hindi ko kakalimutan mga bilin nyo sa akin, so pa-ano o maiiwan mo na kita.

"Aleng Nena kayo na po mo na ang bahala sa aking Ina, kung may problema po at kailangan kayo rito tungkol sa bahay tawagan ninyo lang ako," bilin ko sa matanda.

"Walang problema po iyon Mam. Ako na po ang bahala sa inyong Ina, Saka, mag-iingat po kayo sa inyong pupuntahan," paalala ni Aleng Nena.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • THE INVESTIGATOR    THE INVESTAGATOR-chapter 14

    Pasado alas syete na ng gabi ng ako ay magising. Hindi ko namalayan na napahaba pala ang tulog ko at ang masama pa roon ay sa ibabaw pa ngdibdib ni Sir Bryan. habang nakapatong ang ulo ko.My gosh, nakakahiya, hmm... But I think parang okay lang naman sa kanya---" bulong ko.Inangat ko ang aking ulo at inayos ang aking magulong buhok, napasulyap naman ako sa mukha ni Sir, Bryan, nakatulog rin pala siya---" bulong ko.Tatayo na sana ako sa aking kinauupuan nang bigla akong mapalingon sa dereksyon ng pinto. Narinig ko ang ilan katok, ngunit hindi pa rin ako tumayo sa aking kinauupuan at inaabangan ko lang kung sino ang iluuwa ng pinto.Ngunit ilan minuto rin ang nakalipas, pero walang pumapasok bagkus ay tuloy lang sa pagkatok ang taong nasa labas, kaya napagdisisyonan kong lumapit na lang sa pinto.Hust! nakalock naman pala rito sa loob kaya 'di mabuksan buksan---" bulong ko.Hin

  • THE INVESTIGATOR    THE INVESTAGATOR-chapter 23

    Pov- Samantha chapter 13Pagtapos kong tumawag kay Luna, nagpaalam na ako kay Mang Dante at dahil nagawa na ang motor ko kinuha ko na rin ito, para naman magamit ko na, at hindi na ako nagcocomute sa tuwing may pupuntahan ako. Ibinigay sa akin ni Mang Dante ang helmet at pagkakuha ko ay ka-agad rin akong sumakay sa motor."Mam Samantha mag-iingat po kayo sa daan at sakto lang ang pagmamaneho," wika niya."Maraming salamat po Mang Dante. So pa-ano po maiiwan na po kita," Saad ko.Sinuot ko ang hawak kong helmet at mabilis ko nang pintakbo ang motor patungo sa hospital, hanggang marating ko na ng ito dahil wala naman sagabal sa daan.Marahan akong pumasok sa malaking gate at ng makapasok ako sakay ng motor ay nagtungo ako sa parking lot, subalit napansin ko ang mga matang nakatitig sa akin, hindi ko alam kung bakit.Dahil siguro maingay tunog ng aking motor at maganda ito, kaya agaw pansin sa m

  • THE INVESTIGATOR    THE INVESTAGATOR-chapter 12

    POV Bryan.Habang unti-unti kong dinidilat ang aking mata tumambad sa harapan ko ang nakakasilaw na ilaw, at maingat rin akong bumangon mula sa pagkakahiga sa isang maliit na foldeng bed, hanggang imikot ang paningin ko sa kabuohan ng kwarto, nalaman ko pala na nasa loob ako ng hospital at pa pa-ano ako nakarating rito?. Dahil ang nalaalala ko lang ay nasa loob ako ng malaking compound habang nakagapos sa poste ang aking mga braso at nalaalala ko rin na kinalagan ako ni Samantha mula sa pagkakagapos, pagtapos ay nanghina na ng subra ang katawan ko dahil sa gutom kaya nawala na ako ng malay.Siguro dinala ako ng mga kasama ko rito, at kasama si Samantha, subalit nasaan sila? bakit wala ang emahe nila sa loob ng kwarto na ito.Napasulyap ako pinto ng bigla itong magbukas at iniluwa nito ang napagandang nurse, napalunok ako ng titigan ko ang kanyang nakakaakit na mukha, maging ang kanyang hugis ng k

  • THE INVESTIGATOR    THE INVESTAGATOR-chapter 11

    Pov: Samantha.Nakahinga na ako ng maluwag ng mailigtas ko mula sa pagkakagapos Sir, Bryan. Dahil na rin sa tulong ng mga kasama ko. nailigtas na rin ng iba kong kasama ang mga dayuhang bihag ng mga kaaway, mabuti na nga lang at medyo nabawasan ang bilang ng mga armadong nagbabantay sa loob ng compound na ito.Kaya madali lang namin silang napabagsak, pasalamat na rin ako dahil walang nasawi sa mga kasama ko kanina habang nakikipag laban sa mga armadong kalalakihan. talagang napagplanohan namin ang hakabang simula palang na pasukin namin itong loob ng compound."Sergeant Samantha, na search na namin ang buong lugar na ito, Wala na kaming nakitang tao, bukod sa mga toristang nakakulong kanina sa lumang bodega na iyon, nakakatiyak akong wala na rito ang pinuno nila.Pero kahit ganoon pa man ay matagumpay nating nailigtas ang mga bihag nila lalo na si luetenant Cortez," paliwanag ni Spo1 Dereck Zamora.

  • THE INVESTIGATOR    THE INVESTAGATOR- chapter 10

    Pov: Bryan.Sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung makakaligtas pa ako sa kamay ng mga armadong lalaki na humuli sa akin kanina. Sa ngayon ay narito ako sa malaking poste kung saan nakagapos ang dalawa kong braso. Nararamdaman ko rin ang pananakit ng aking katawan dahil sa natamo kong bogbog sa kamay ng mga lalaking humuli sa akin. Hindi ko man lang nga nagawang ipagtanggol ang aking sarili dahil hawak nila ako. Ngunit ang lahat ng dinanas ko ay balewala sa akin. Hindi ko iniisip kung ano ang pwedeng mangyari sa akin noong mga oras na iyon. Dahil ang tanging inaalala ko ay ang sitwasyon ni Samantha, dahil natakot ako na baka pati siya ay mahuli rin, lalo't kasama ko siyang pumasok sa compound na ito.Nasaan kaya siya ngayon? sana naman ay ligtas siya at nagawa na niyang makalabas sa compound na ito. Siguro nga ay ganoon na ang nangyari dahil kung nahuli rin siya malamang narito rin siya kasama kong nakagapos---" bulong ko sa aking isipan.

  • THE INVESTIGATOR    THE INVESTAGATOR-chapter 9

    Ka-agad rin naman lumabas ng gate si Sir, Bryan, sakay ng kanyang kotse."Mang Benjo, Sergeant, Samantha. Bilisan ninyo sumakay na kayo," nagmagmadali niyang wika matapos siyang huminto sa kinatatayuan namin ni Mang Benjo."Wala bang nakakita sa'yo na lumabas ng gate?" malumanay kong tanong kay Sir, Bryan."Hindi ko alam basta pagpunta ko kanina ng parking lot pumasok na lang ako sa loob ng nasasakyan na ito, at ka-agad kong pinaandar at minaneho," sagot niya, hanggang mapansin niya si Mang Benjo at nagtanong."Mang Benjo, okay lang po ba kayo? Ilang oras po ang aabotin bago natin marating ang sinasabi mong lugar?" Tanong ni Bryan, Na ka-agad rin naman sinagot ni Mang Benjo. "Siguro mga isang oras lang Sir, medyo malapit lang po kasi ang lugar na iyon dito. ang masama lang po ay liblib ito, hindi gaano mapapansin, at napakatamik pa," wika ni Mang Benjo."Ganoon po ba, kung gan

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status