LOGINMabilis akong nagtungo ng kwarto at ihinanda ang ilan kong kagamitan, hinubad ko rin ang suot kong pantulog at pinalitan ko ng itim na sando, nagsuot rin ako ng pantalon saka itim na combat shoes.
At pagkatapos ay sinuot ko rin ang black leather jacket ko, Saka ko sinuksok sa beyawang ang baril na mula pa sa aking namayapang Ama. Lumabas ako ng aking kwarto at sandali nga akong nahinto nang masulyapan ko si Ina na nakaupo sa sofa, lumapit ako sa kaniya saka, ako nagpaalam. "Mom, aalis na po ako, siguro matatagalan ako bago makabalik rito sa bahay," aniya ko. "Ngunit huwag po kayong mag-ala-ala dahil magpapaasign ako ng ibang kasama ko rito sa bahay para naman makasigurado akong ligtas kayo, "So, pa-ano po aalis na ako," wika ko sa aking Ina sabay halik sa kaniyang noo. "Sige Anak maraming salamat, mag-iingat ka," malumanay niyang wika. Ka-agad na akong tumalikod sa aking Ina at lumabas na ako ng bahay. Sigurado ako na na nauna na sa akin si Bryan sa lugar, at baka kanina pa niya ako hinihintay mainipin pa naman iyon---" bulong ko. Masyadong malayo ang lugar na pupuntahan ko, hindi kaya matrapik ako sa daan kung magtaxi ako roon? huysts! kung maayos na sana ang motor ko ay mabilis lang akong makakarating roon, ngunit ang masama eh nasa pagawaan pa ito. Dahil nasira ang ilang bahagi nito noong nakaraan araw. Ano kaya kung magmrt na lang ako? tiyak kong mabilis lang ako makakarating sa lugar na pupuntahan ko, ngunit malayo-layo naman ang lalakarin ko mula rito bago ako makarating sa terminal ng tren. Bahala na nga pero iyon lang ang naisip kong paraan para hindi ako maipit sa trapik---" bulong ko. Pagkalabas ko ng malapad na gate ay ka-agad akong naglakad patungo sa station ng tren, kahit alam kong malayo ay nagtiaga ako. At Ilang sandali nga ay nakarating rin ako sa station hanggang makabili na ako ng ticket, pagkakuha ko ng ticket ay naghintay na ako sa paparating na tren, hindi naman nagtagal at narinig ko na ang bosena ng parating na tren at nang huminto ito ay pumusok na ako sa loob kasabay ng iilan pang pasahero sumakay rin. Sakto naman dahil maraming bakanteng upuan ang loob ng treen kaya maipapahinga ko ng maayos ang paa ko. Naupo na ako at binibaba ko sa bakanteng upuan ang dala kong bag. Medyo malayo-layo pa ang destination kong lugar at ilan station pa ang titigilan ng tren bago ako makarating sa aking pupuntahan. Naisipan kung kunin ang Pocket book kong dala na nasa loob ng aking bag, naisipan ko na lang basahin iyon para hindi ako maboring, hilig ko rin magbasa ng mga nakakakilig na novela na gawa ng magagaling na Author. Habang abala nga ako sa pagbabasa ng pocket book hindi ko namamalayan na puno na pala ng pasahero ang lob ng tren at may mga iilan na rin nakatayo habang nakaharap sa dereksyon ko. Napailing na lang ako at bumalik na sa pagbabasa ng pocket book, ngunit parang may iba akong napansin sa lalaking nakaharap sa akin. Dahil parang pasimple niyang tinitingnan ang nakalabas kong dibdib dahil nga nakasuot lang ako ng sando, noong una ay hinayaan ko lang siya, ano naman kung tingnan niya hindi naman niya ito makukuha--" bulong ko. Ngunit habang tumatagal napapansin ko ang reaksyon ng kaniyang mukha, napapakagat rin siya sa kaniyang labi ang masama pa roon ay ang isang kamay niya ay nakahawak sa ibaba bahagi ng kaniyang katawan. Mukhang sa oras na ito ay pinagpapantasyan ako ng lalaking kaharap ko habang abala ako sa pagbabasa ng pocket book," Saad ko sa aking isipan. Pansamantala ko nga mo na hininto ang aking pagbabasa, at pinagmasdan ko ang mukha ng lalaki habang nakataas ang kabila kong kilay. At dahil nakapikit siya ay hindi niya alam na kinana pa ako nakatingin sa kaniya at pinapanood ko lang siya, para ba siyang nagiimagine. Ilang sandali nga ay nahimasmasan ang lalaki at bumalik siya sa katinuan saka, muling sumulyap sa dibdib ko, ngunit sinita ko na siya sa kalokokan niyang pinapakita. "Hoy lalaki, pinagnanasaan mo ba ako?akala mo ba'y hindi ko napapansin na kanina mo pa tinitingnan ang dibdib ko! mukhang may iniisip kang hindi maganda!" palatak ko, dahilan para tumingin sa dereksyon ko ang ilang tao sa loob ng tren. "Huh! Hindi po! inaantok lang po ako at nangangawit na ang ulo ko, kaya paminsan minsan ay napapayuko ako," dahilan ng lalaki. "Huwag ka nang tumanggi! dahil kitang-kita ko na pinagpapantasyahan mo ako habang abala ako sa pagbabasa ng pocket book, huli ka na huwag na magpalusot pa. Hindi mo ba alam na pulis ako! gusto mo ba dalahin kita sa prisinto, manyak!" Masungit kong wika. Tumahimik na lang ang lalaki at hindi na muling nagsalita pa, napansin ko rin ang mahinang bulungan ng mga tao sa loob ng tren habang ang mga mata nila ay nakatingin sa dereksyon ko, at maya-maya nga ay biglang huminto ang tren sa pangalawang station, at dahil sa hiya nagmamadali ng bumaba ang lalaking manyak at hindi na nito nagawa lingonin ako. Huminga ako ng malalim Saka, muling nagbasa ng pocket book, At habang abala sa pagbabasa, biglang nagring ang cellphone ko, si Bryan ang tumatawag---" bulong ko, Pagkasagot ko ng tawag niya ay ka-agad kong narinig ang boses niyang parang nagmamadali. "Samantha na saan ka na? Kanina pa ako narito sa lugar, pwede ba bilisan mo dahil may pupuntahan pa tayo at may mga tao rin na susundan," wika niya sa kabilang linya. "Masyado ka naman nagmamadali, pwede ba hintayin mo na lang ako riyan at huwag na huwag kang aalis, nagmrt na nga ako para hindi matrapik eh, ilang oras siguro na riyan na ako kaya relax lang okay," Saad ko.Pasado alas syete na ng gabi ng ako ay magising. Hindi ko namalayan na napahaba pala ang tulog ko at ang masama pa roon ay sa ibabaw pa ngdibdib ni Sir Bryan. habang nakapatong ang ulo ko.My gosh, nakakahiya, hmm... But I think parang okay lang naman sa kanya---" bulong ko.Inangat ko ang aking ulo at inayos ang aking magulong buhok, napasulyap naman ako sa mukha ni Sir, Bryan, nakatulog rin pala siya---" bulong ko.Tatayo na sana ako sa aking kinauupuan nang bigla akong mapalingon sa dereksyon ng pinto. Narinig ko ang ilan katok, ngunit hindi pa rin ako tumayo sa aking kinauupuan at inaabangan ko lang kung sino ang iluuwa ng pinto.Ngunit ilan minuto rin ang nakalipas, pero walang pumapasok bagkus ay tuloy lang sa pagkatok ang taong nasa labas, kaya napagdisisyonan kong lumapit na lang sa pinto.Hust! nakalock naman pala rito sa loob kaya 'di mabuksan buksan---" bulong ko.Hin
Pov- Samantha chapter 13Pagtapos kong tumawag kay Luna, nagpaalam na ako kay Mang Dante at dahil nagawa na ang motor ko kinuha ko na rin ito, para naman magamit ko na, at hindi na ako nagcocomute sa tuwing may pupuntahan ako. Ibinigay sa akin ni Mang Dante ang helmet at pagkakuha ko ay ka-agad rin akong sumakay sa motor."Mam Samantha mag-iingat po kayo sa daan at sakto lang ang pagmamaneho," wika niya."Maraming salamat po Mang Dante. So pa-ano po maiiwan na po kita," Saad ko.Sinuot ko ang hawak kong helmet at mabilis ko nang pintakbo ang motor patungo sa hospital, hanggang marating ko na ng ito dahil wala naman sagabal sa daan.Marahan akong pumasok sa malaking gate at ng makapasok ako sakay ng motor ay nagtungo ako sa parking lot, subalit napansin ko ang mga matang nakatitig sa akin, hindi ko alam kung bakit.Dahil siguro maingay tunog ng aking motor at maganda ito, kaya agaw pansin sa m
POV Bryan.Habang unti-unti kong dinidilat ang aking mata tumambad sa harapan ko ang nakakasilaw na ilaw, at maingat rin akong bumangon mula sa pagkakahiga sa isang maliit na foldeng bed, hanggang imikot ang paningin ko sa kabuohan ng kwarto, nalaman ko pala na nasa loob ako ng hospital at pa pa-ano ako nakarating rito?. Dahil ang nalaalala ko lang ay nasa loob ako ng malaking compound habang nakagapos sa poste ang aking mga braso at nalaalala ko rin na kinalagan ako ni Samantha mula sa pagkakagapos, pagtapos ay nanghina na ng subra ang katawan ko dahil sa gutom kaya nawala na ako ng malay.Siguro dinala ako ng mga kasama ko rito, at kasama si Samantha, subalit nasaan sila? bakit wala ang emahe nila sa loob ng kwarto na ito.Napasulyap ako pinto ng bigla itong magbukas at iniluwa nito ang napagandang nurse, napalunok ako ng titigan ko ang kanyang nakakaakit na mukha, maging ang kanyang hugis ng k
Pov: Samantha.Nakahinga na ako ng maluwag ng mailigtas ko mula sa pagkakagapos Sir, Bryan. Dahil na rin sa tulong ng mga kasama ko. nailigtas na rin ng iba kong kasama ang mga dayuhang bihag ng mga kaaway, mabuti na nga lang at medyo nabawasan ang bilang ng mga armadong nagbabantay sa loob ng compound na ito.Kaya madali lang namin silang napabagsak, pasalamat na rin ako dahil walang nasawi sa mga kasama ko kanina habang nakikipag laban sa mga armadong kalalakihan. talagang napagplanohan namin ang hakabang simula palang na pasukin namin itong loob ng compound."Sergeant Samantha, na search na namin ang buong lugar na ito, Wala na kaming nakitang tao, bukod sa mga toristang nakakulong kanina sa lumang bodega na iyon, nakakatiyak akong wala na rito ang pinuno nila.Pero kahit ganoon pa man ay matagumpay nating nailigtas ang mga bihag nila lalo na si luetenant Cortez," paliwanag ni Spo1 Dereck Zamora.
Pov: Bryan.Sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung makakaligtas pa ako sa kamay ng mga armadong lalaki na humuli sa akin kanina. Sa ngayon ay narito ako sa malaking poste kung saan nakagapos ang dalawa kong braso. Nararamdaman ko rin ang pananakit ng aking katawan dahil sa natamo kong bogbog sa kamay ng mga lalaking humuli sa akin. Hindi ko man lang nga nagawang ipagtanggol ang aking sarili dahil hawak nila ako. Ngunit ang lahat ng dinanas ko ay balewala sa akin. Hindi ko iniisip kung ano ang pwedeng mangyari sa akin noong mga oras na iyon. Dahil ang tanging inaalala ko ay ang sitwasyon ni Samantha, dahil natakot ako na baka pati siya ay mahuli rin, lalo't kasama ko siyang pumasok sa compound na ito.Nasaan kaya siya ngayon? sana naman ay ligtas siya at nagawa na niyang makalabas sa compound na ito. Siguro nga ay ganoon na ang nangyari dahil kung nahuli rin siya malamang narito rin siya kasama kong nakagapos---" bulong ko sa aking isipan.
Ka-agad rin naman lumabas ng gate si Sir, Bryan, sakay ng kanyang kotse."Mang Benjo, Sergeant, Samantha. Bilisan ninyo sumakay na kayo," nagmagmadali niyang wika matapos siyang huminto sa kinatatayuan namin ni Mang Benjo."Wala bang nakakita sa'yo na lumabas ng gate?" malumanay kong tanong kay Sir, Bryan."Hindi ko alam basta pagpunta ko kanina ng parking lot pumasok na lang ako sa loob ng nasasakyan na ito, at ka-agad kong pinaandar at minaneho," sagot niya, hanggang mapansin niya si Mang Benjo at nagtanong."Mang Benjo, okay lang po ba kayo? Ilang oras po ang aabotin bago natin marating ang sinasabi mong lugar?" Tanong ni Bryan, Na ka-agad rin naman sinagot ni Mang Benjo. "Siguro mga isang oras lang Sir, medyo malapit lang po kasi ang lugar na iyon dito. ang masama lang po ay liblib ito, hindi gaano mapapansin, at napakatamik pa," wika ni Mang Benjo."Ganoon po ba, kung gan







