Tatawagan na sana ni Cheska si Nico upang sabihin kung nasaan si Chelsea nang biglang may nag text sa kanya. (Unregistered number: If you want to see Chelsea alive and breathing so fine you should come to this address *** **********. I'll be waiting for you, but not so patient. I only have two rules. 1st don't tell to Nico and 2nd once you call a police or pulling some strings to call the intelligence security. Hindi ako mag dadalawang isip na pasabugin ang bungo nang so long lost daughter mo.)Nanginginig ang kamay ni Cheska na nahulog ang kanyang cellphone. Walang ibang pumapasok sa kanyang utak kundi ang iligtas ang kanyang anak. Nag uunahang tumulo ang mga luha ni Cheska at patakbong pumunta sa parking lot at pinaharurot ang kanyang sasakyan papunta sa address na sinend ni Karina.Sa kalagitnaan nang kalsada ay patuloy pa rin ang panginginig nang kanyang kamay sa pag mamanneho. Ilang beses na rin syang kamuntikang mabangga at panay ang kanyang busina. Kulang nalang ay paliparin n
Napalunok si Nico nang mariin, "Pero paano naman ako?..." Pagak na tumawa si Cheska, "Noon ba inisip mo ako? Inisip mo ba kung paano ako noon o kung paano ba ang ginawa mong sariling pamilya?""That's why I'm here to repent for my sins... Alam ko nag kamali ako Cheska. Madami akong nagawang pag kakamali na mismong ako hindi ko alam kung anong pamamaraan ba ang gagawin ko para mapatawad mo ako sa mga nagawa kong pag kakamali. Cheska..." Nag mamakaawang tawag ni Nico sa kanyang pangalan. "Tao rin ako nag kakamali ako-" "Oo, nag kamali ka Nico pero ang mga ginawa mo sa'kin kahit kailan ay hindi yon naging maka tao! Para akong basura na anytime pwede mong itapon at pwede mong pulutin kung kailangan mo pa!"Pinipiga ang puso ni Nico sa kanyang naririnig mula kay Cheska. Kahit hindi naman nya naging intention na makasakit ay grabe ngang nasaktan ang kanyang asawa. Ngunit ngayon gagawin nya na ang lahat para maka bawi at mabuo ang kanilang pamilya. Haharapin nya na ang lahat at hindi nya
"What's your favorite color Chelse-a" Utal na tanong ni Cheska sa kanyang anak. Kasalukuyang naka kandong sa kanya ang panganay na anak. Hindi pa rin ito makapaniwala na buhay sya at hard copy pa nga nya ito. Isang mini Cheska kung tatawagin kaya hindi maipag kakaila na anak nya ang kasama ngayon. Matapos nga nang iyakan nila kanina ay ganon din ang pag iyak ni Aden nang makita na ang kanyang Ate na inaakalang matagal nang patay. Kahit sino naman ay ganoon ang magiging reaksyon. "I love color pink Mommy!" Ang sarap sa pakiramdam na tinatawag syang Mommy nang kanyang anak. "So, we have the same color Baby... How about your favorite food?" Ngayong kapiling nya na ang anak ay kikilalanin nya ito nang mabuti at pinapangako nyang babawi sya sa mga pag kukulang nya. "I don't have an exact favorite food Mommy, but I like eating ice cream when I'm sad so I think an Ice cream will do po". Maligayang sagot ni Chelsea sa kanya. Sa Isang sulok ay si Nico na pinag mamasdan ang kanyang mag Ina
May mga bagay talaga na dumadating sa ating Buhay na mahirap paniwalaan ngunit may mga bagay din na mahirap tangapin kung ito ay totoo. Minsan kung sinu swerte ay mga bagay na nakakapag pasaya sa atin, ngunit karamihan ay mga masasamang Balita na hindi natin kaya tanggapin. Buhay si Chelsea? Buhay ang anak namin? Ilang taon na ang nakalilipas na hindi nya pinaniniwala ang kanyang sarili na patay si Chelsea ngunit bakit kung kailan tanggap nya na ay sasabihin naman ni Nico na buhay sya?Anong scenario ang gustong ipalabas ni Nico ngayon? Binunot ni Nico ang kanyang cellphone sa bulsa at binuksan ito. Nag text sya sa Isang katulong na nag babantay kay Chelsea upang dalhin si Chelsea sa kanilang location ngayon ni Cheska sa rooftop ng Condo. Hindi pa nakakabawi si Cheska sa parang panaginip na pangyayari ng may pinakita si Nico na litrato ng isang Batang Babae. Babaeng mala anghel ang mukha sa ganda na kamukhang kamukha nya. Tumulo ang luha ni Cheska habang nanginginig na kinuha ang c
Mag gagabi na ng maka uwi si Cheska. Kaninang mga alas tres ng hapon ay naka uwi na sya para mag prepare ng simple celebration nila sa Condo, ngunit muli nanaman syang umalis upang bisitahin ang puntod ni Chelsea at makapag paalam na aalis na muna sila ni Aden sa Pilipinas. Kung pwede lang dalhin ang mga labi ng anak ay gagawin nya ito. Si Chelsea lang naman ang dahilan kung bakit parang may pumipigil sa kanila na umalis. Pag bukas ng elevator ay para syang tinakasan ng sariling dugo ng makita si Nico na nanlulumo. Namumula ang mga mata nito na alam nyang dahil sa pag iyak. Ano kaya ang dahilan ng pag iyak nya?Hindi nya alam kung papasok sya sa loob ng elevator o mag papakain sa lupa. Paano nya nga ba haharapin si Nico na walang sinasabing masakit na salita sa lalaki? Paano nga ba harapin ang Isang lalaki na kahit mahal mo pa ay mahirap mahalin? At para kayong laging inalalayo ng Tadhana sa isa't isa at mayat mayang pinag tatagpo. "Cheska." Utal na tawag nito sa pangalan nya. Masy
Ilang linggo nang naka kulong si Cheska sa kanyang kwarto para mag mukmok at harapin lahat ang kanyang nararamdaman. Maraming katanungan ang bumabagabag sa kanyang isipan at karamihan doon ay ang tanong na Bakit? Bakit sa lahat ng tao na pwedeng pumatay sa kanyang ama ay ang pamilya pa ni Nico? At bakit lahat nalang ay may kinalaman kay Nico? Talaga bang ganito makipag laro ang Tadhana na kalalabanin sya sa pamamagitan ng ganitong pamaraan? O dahil sa ilang taon ng kanilang pag sasama ay matagal ng umayaw ang Tadhana sa kanila? Masakit isipin, pero kailangan kayanin. "May mga tao na para lang sa isa't isa sa Isang relasyon bilang mag girlfriend at boyfriend pero hindi sila para sa isa't isa kapag ikinasal na, kumbaga hindi na pwede ang relasyon nila bilang mag asawa...." Wala sa sariling wika ni Cheska habang naka tingin sya sa harap ng salamin. Ngayong araw nya lang nagawang ibangon ang kanyang sarili muli. Hindi naman pu pwedeng mag papa tangay sya sa agos ng buhay. Minsan kailang