Ilang araw ang lumipas at umiwas na si Brie kay Vinz dahil sa nangyari.May hinala siya na ay tinatago sa kaniya si Vinz kaya mas lalo siyang naging alerto.
Hindi parin tumigil si Lanche sa pagsusuyo kay Brie. Pilit niya itong tinataboy palayo. Hanggang sa isang araw, hindi niya inaasahan ang lahat.
"Elle please. Makinig ka muna sa akin." Pagmamakaawa ni Lanche kay Brie. Gya noon, andito siya sa labas ng bahay ni Vinz.
"Lanche umalis ka na please lang," sabi nito. Hindi niya rin alam kung bakit hindi niya pa pinapakinggan ang paliwanag ng lalaki. At hindi pa rin siya nagpapakita sa pamilya niya.
"Bakit ba ang kulit mo? Ayaw mong tantanan ang girlfriend ko?" sabi ni ng kalalabas na si Vinz.
Weeks passed.Tahimik na naglalakad sa gilid ng daan si Brie. Naalala niya yung unang pagkikita nila ni Lanche. Muntik pa siyang sagasaan nito.Mabigat ang mga paghinga niya habang hawak ang isang folder. Habang tumatagal, pabigat nang pabigat ang pakiramdam niya. Hindi na niya napigilan pa ang luhang kanina pa gusto pumatak sa pisngi niya.Nakarating siya sa labas ng apartment. Tahimik at walang tao dito. Umupo siya sa labas niyon. Habang hawak-hawak niya ang isang folder na puti. Hindi niya maiwasang hindi umiyak. Napakabigat ng dibdib niya. Hindi niya matanggap ang lahat.Naisip niyang kuhain ang ilang importanteng gamit niya sa mansion ni Lanche. Sinalubong siya ng mga katulong. Mabuti na lamang at wala si Lanche dito. Umakyat siya sa kwarto niya
"Brie? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Lauren sa kaniya.Pinuntahan siya ni Brie sa condominium nito. Gaya ng ineexpect niya, mugto ang mata ni Lauren."L-lauren kailangan ka niya," sabi ni Brie."Brie, wala na kami ni Lanche. At wala akong balak sirain kayo. Kaya please ayusin niyo ang gulo niya–""Nasa hospital siya. He needs you not me.""What?! What Happened?" tanong ni Lauren."Kailangan ka niya Lauren. Please. Puntahan mo siya.""Pero B-brie. Bakit mo to ginagawa?" tanong ni Lauren sa kaniya.
Tahimik na nakadungaw sa bintana ng apartment niya si Brie. Habang nilalasap ang simoy ng hangin. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang nangyari. Tinatanaw niya ang mga building sa kalayuan habang naisisinagan ito ng palubog na araw.Mabuti na ang ganito. Ang tuluyang siyang kalimutan ng lalaki. Ilang araw na ang lumipas mula ng makausap niya si Lauren. At inaamin niya na hanggang ngayon ay sobrang sakit ng lahat. Sapilitin niyang binitawan ang unang lalaking minahal niya dahil kailangan.Muli siyang nakaramdam ng sakit at paghirap huminga. Madalas na rin siyang sumpungin ng pagpapalpitate niya. Bahagya siyang humiga sa kama niya habang hawak-hawak ang parte ng dibdib niya. Hindi pa rin humuhupa ang sakit ng dibdih niya.Para bang ilang beses ito tinutusok-tusok."A-ahh!"
Muli siyang binalot ng lungkot ng bumalik siya sa apartment. Hawak niya pa rin ang folder na puti habang may luhang natulo sa pisngi niya galing sa mga mata niya."Mesothelioma"Napapikit na lamang siya ng mabasa niya ito. Naka-third opinion na siya sa iba't-ibang mga doctor. Subalit iisa lang ang mga resulta nila.Muling sumakit ang kaniyang dibdib. Sobrang sakit niyon na para bang mamamatay na siya sa sobrang sakit. Nahihirapan na din siyang huiminga kaya kinuha niya ang pain reliever na mesa. Hindi pa rin nawala ang sakit sa dibdib niya at patuloy pa rin itong sumasakit pa. Napahawak na lamang siya habang namimilipit sa sakit. May luhang tumulo sa mga mata niya."A-ahhh! P-please..." hawak-hawak niya parin ang kaniyang dibdib habang hinahaplos-haplos iyon para mawala ang pananakit. Tumagal ang pananakit ng dibdib niya ng ilang minuto bago ito nawala. Nakahinga na rin siya ng maluwag ng humup
Weeks passed...Habang tumatagal, palala ng palala ang kaniyang karamdaman. Pinili pa rin niyang itago kay Lanche ang tungkol dito. Kaya walang kaalam-alam ang lalaki tungkol sa kaniyang sakit.Nakaupo siya habang nakatanaw sa bintana ng kwarto. Hindi niya namalayan na unti-unting pumapatak ang mga luha niya galing sa kaniyang mata. Marahan niya itong pinunasan.Matagal na niyang pinaghandaan ang bagay na ito. Kaya naman masaya siya ng malaman mula kay Lauren na malapit na silang ikasal. Masakit man, pero mas pinili niyang suportahan at maging masaya na lamang para sa kanila."Anak, kumain ka muna." aya sa kaniya ng kaniyang ama. Hindi niya ito sinagot bagkus ay patuloy niya pa ring pinupunasan ang luha sa kaniyang mga mata.
Lumipas pa ang maraming araw. Marahan niyang inalalayan si Brie na makaupo sa wheelchair. Gusto nito makalanghap ng hangin mula sa garden. Kaya naman ay pinayagan siya ng doctor para ilabas sa garden. Nakarating naman sila doon. Wala gaanong tao at karamihan rin ay pasyente. Huminto sila sa ilalim ng puno. Maganda ang panahon kaya naman maaliwalas ang kalangitan."Kaya magpagaling ka na para maigala kita " nakangiting sabi ni Lanche.Hindi alam ni Brie kung ano ang irereact niya sa sinabi nito. Dahil batid niya ang katotohanan. Batid niya na ilang sandali na lang siya magtatagal dito. Ayaw niyang paasahin ito na may himala na gagaling pa siya.Ngumiti na lamang siya. Naawa siya sa lalaki. Ayaw niyang dumating ang araw na maiiwan niya ito.Bumalik na sila sa kwarto. Ilang araw na niyang napa
Pagabi na subalit hindi magawang matulog ni Lanche. Hindi siya makatulog dahil baka sumpungin na naman si Brie. Nasa labas siya nagpapahangin habang may hawak na sigarilyo."Captain!" napalingon siya ng tawagin siya ni Meshua kasama nito ang kaibigan ni Brie na si Chillet."Kanina ka pa ba dito captain?" tanong sa kaniya nito.Hindi siya sumagot, nanatili lamang siyang nakatanaw sa malayo. Nasa loob naman ang tatay ni Brie kaya mag magbabantay sa kaniya. Kagagaling lamang niya sa bahay ng mga kapatid nito dahil dinalaw nila si BrieIlang minuto lang ay nagpasiya na silang pumasok sa loob. Bumungad sa kanila ang bagong gising na si Brie. Kita niya mga mata nito na nahihirapan ang dalaga. Hinawakan niya ang kamay ni Brie habang nakatingin it
LANCHE's POV"I want to be selfish. I want you to be back. I want you to be mine again. I hate seing you like this. P-pero kung talagang..." hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sumikip ang dibdib ko. Unti-unting tumulo ang mga luha ko."K-kung talagang nahihirapan ka na, t-tatanggapin ko. " naiyak na sabi ko habang hawak ang kamay niyang maputla."Mahal na mahal kita Elle. Mahal na mahal kita!"Nakita ko naman na unti-unti siyang lumuha. Mabilis ko iyong pinunasan."I was June and you were my Johnny CashNever one without the other, we made a pa