Nagising siya alas sais ng umaga dahil nakasanayan na niya. Agad na bumaba siya ng kusina pagkatapos maghilamos at magmumog.Hindi siya sanay na naghihintay lang na tawagin para kumain. Gusto niyang tumulong din sa mga gawaing bahay.Nagtanong agad siya sa katulong na nasa kusina kung ano ang lulutuin para makatulong."Naku, Ma'am Yazmin, nakapagluto na po ako. Kakain na po ba kayo para ipaghanda ko kayo sa mesa? Si Sir Sean kasi, eh, maagang umalis at kadalasan ay kape lang talaga ang iniinom niya kada umaga.""Gano'n ba? Ay, sige. Huwag ka nang mag-abala ako na ang kukuha ng makakain ko. Kumain na rin ba kayo?""Sabay-sabay po kaming kumakain at mamaya pang alas siyete kami kumakaing lahat. Umupo na lang po kayo do'n sa dining area po at ilalabas ko na ang almusal. May gusto po ba kayong ipaluto?"Ngumiti siya rito."Salamat pero okay na sa akin kung ano mang nailuto mo na."Papatapos na siyang kumain nang dumating si Nana Klaudia na may dala-dalang bayong at nasa likod naman nito s
Ikatlong araw ng paghahanap niya ng trabaho. Siniguro niya munang kumain ng lunch bago siya pumunta sa napakalaking building na may pa job fair nang araw na iyon.BiaSe Company ang naghahanap ng mga trabahante sa iba't-ibang negosyong hawak ng kompanyang iyon. Ang pinakamalaki at main business nila ay ang Glass and Steel business. Napapatingala pa siya sa building na pinasukan. Hindi iyon ang mismong pagawaan pero iyon ang buidling para sa admistrative works ng kompanya. Ang building din na iyon yata ang nagsisilbing venue sa kung ano mang events ng mga negosyong under sa BiaSe Company. Ang alam niya ay kakapalit lang ng pangalan ng kompanya kaya't naghahanap din ng mga bagong trabahante.Dumagsa nga ang mga applicants. May kanya-kanyang table sa specific na position na aaplayan mo.Doon siya pumila sa kung saan angkop ang course at experience niya sa trabaho. Matiyaga siyang naghintay pagkatapos niyang maipasa ang resume. Biglang nagbulungan naman ang dalawang nasa tabi niyang apl
Hindi muna siya umuwi ng bahay pagkatapos. Dumiretso siya ng mall para bumili ng mga damit na maisusuot sa opisina.May tatlong pares lang kasi siya at nakakahiya naman kung iyon lang ang salitang isusuot niya. Okay lang siguro no'ng nasa kanila siya nagtatrabaho pero nasa isang malaking kompanya na siya ngayon konektado, sa kompanya pa ni Sean.Tipid na tipid naman siya habang namimili dahil baka maubos na ang pera niya, eh, magsisimula pa lang siya ng trabaho sa Lunes.Namimili pa rin siya nang biglang tumunog ang phone. Nang silipin niya ang phone ay nakita niyang si Sean ang tumatawag. Hindi niya sana papansinin iyon pero panay lang ang ring ng phone niya kaya't sinagot niya na lang din."Where are you?" Bossy pa ang tunog ng boses nito.Sinisipat niya ang damit na naka-hanger gamit ang isang kamay habang nakikipag-usap dito."Nasa mall.""Why? May mga kailangan ka bang bilhin na wala sa bahay? Nagpa-grocery na ako kay Nana Klaudia. Nagpasali pa ako ng napkin and panty liners-"Ka
Ang plano niya ay umuwi nang maaga dahil nga ay nagpaluto siya ng special dinner sa bahay para kay Yazmin dahil tinanggap ito ni Mr. Rado.Sa totoo lang ay hindi rin niya inaasahan na tatanggapin nito si Yazmin nang gano'n kabilis. Alam niya kasing mapili rin si Mr. Rado sa pagkuha ng mga empleyado nito. Isa kasi ito sa may maliit na share sa kompanya niya. Pwede niya namang bilhin ang share nito pero hindi niya ginawa bilang respeto na rin.Kaibigan ito ng Papa niya na hinikayat ng ama niyang makisosyo rito kahit hindi naman talaga gano'n kalaki ang na-invest ng matanda. Gusto lang kasi ng ama niyang tulungan ang kaibigan para magkaroon ito ng chance na makapagsimula sa sarili nito kung kailan ready na ito.Pero hindi iyon nangyari. Nawili na yata si Mr. Rado sa kompanya nila at nawala na sa utak nito ang magtayo ng sarili nitong steel and glass company at iyon ang ipinagtataka niya.Hindi pa niya ito kinausap tungkol sa pagkakadispalko ni Mr. de Lara ng pera. Imposible kasing hindi
Sinadya niya talagang hintayin si Sean since hirap din naman siyang matulog. Nang marinig na dumating na ang lalaki ay agad na lumabas siya ng kwarto bago pa man ito makapasok sa loob ng kwarto nito.Kinausap niya agad ito tungkol sa mga damit sa loob ng kabinet niya. Hindi niya alam kung bakit parang natigilan itong nakatingin lang sa kanya. Dumako ang mga mata niya sa exposed na dibdib nito dahil hindi nakasara ang ilang butones sa itaas ng polo nito. Hawak pa ng isang kamay nito ang nakasabit sa balikat na coat.Siya naman ang parang natigilan. Medyo magulo ang buhok ng lalaki at namumula ang mukha.Nakainom ba ito?"Let's not argue about it. Nabili ko na ang mga iyon. Hindi na pwedeng ibalik. Kung ayaw mong isuot, you can give them away if you want." Walang ano mang sabi nito na bigla na lang siyang tinalikuran na para bang ayaw na siyang harapin.Parang nainsulto ang pakiramdam niya. Napatingin tuloy siya sa sarili. Maayos naman ang mukha niya, ah! Bakit parang nagmamadali na it
Naiilang siyang makaharap uli si Sean pero wala siyang choice kundi gumising nang maaga dahil first day niya sa trabaho.Nakaligo na siya at nakapagbihis pero nag-aalangan pa rin siyang bumaba sa komedor. Alas otso magsisimula ang oras ng trabaho niya at mag-aalas sais y media pa lang. Suot niya ang isa sa mga binili niyang damit pang-opisina. Tumayo siya at huminga muna nang malalim bago kinuha ang shoulder bag sa ibabaw ng kama.Nakahanda na ang almusal nila sa mesa pero walang Sean siyang nakita. Ang alam niya kasi sa gano'ng oras ay handa na ang lalaking pumasok sa opisina nito."Good Morning! Kumain ka na at nang makapagtrabaho ka nang maayos. Unang araw mo pa naman ngayon," masiglang bati ni Nana Klaudia at agad na siyang pinaupo."Si S-sean ho?""Hindi ka na nasanay do'n. Hindi naman talaga iyon nag-aalmusal. Maagang umalis dahil may business meeting siya. Hindi na nga rin iyon nakainom ng kape niya."Tumango lang siya."Saluhan ninyo na ho ako, Nana," aya niya sa babae."Mauna
Mabuti na lang at wala si Mr. Rado nang bumalik siya ng opisina nito. Para siyang lutang hanggang sa makaupo sa harap ng laptop.Pinilit niyang bumalik sa ginagawa kanina pero ang mukha ng dalawang naglalandian ang nakikita niya sa screen ng laptop.Hindi pa siya nakakatagal sa pagkakaupo nang tumunog ang Avaya phone. Inalis muna niya ang bara sa lalamunan bago sagutin iyon. Iniisip niyang baka magpa-follow up na si Lany sa pinagawa nito sa kanya. Hindi pa naman siya nakakapangalahati do'n."Yazmin de Lara of Mr. Rado's office." Iyon agad ang bungad niya dahil sabi ni Lany kanina ay magpakilala agad siya at sabihin kung saang office para malaman agad ng nasa kabilang linya kung tama ba ang natawagan nila. Puro internal calls o within the office lang kasi ang tinatanggap na tawag ng Avaya niya. Si Lany naman ay nakakatanggap ng mga tawag both internal and external. Ito kasi ang kumakausap sa mga clients bago iyon pinapasa kay Mr. Rado."Come back and get the documents, Miss de Lara,"
Hindi naman siya pinag-overtime sa unang araw niya sa trabaho. Pinauna pa nga siya ng uwi ni Mr. Rado dahil may tatapusin daw itong trabaho kasama ni Lany.May pakiramdam na siya kung ano'ng klaseng "trabaho" ang ibig nitong sabihin. Wala naman siyang ebidensiya kaya't pinigilan na niya ang sariling mag-isip ng gano'ng bagay tungkol sa dalawa. Kahit naman totoo ang hinala niya ay labas na siya do'n. Buhay naman nila iyon at hindi naman siguro pinupwersa si Lany.Dahil hindi nga siya magpapasundo kay Mang Rogelio ay kailangan pa niyang maglakad hanggang kabilang kanto kung saan ang sakayan. Nakalabas na siya ng exit door ng malaking building na pinapasukan nang may magsalita sa likuran."Hi!"Nagtatakang napalingon siya at nakita niya ang humahangos na lalaki. "I think this is yours." May inabot ito sa kanya.Nang tingnan niya ang inabot nito ay awtomatikong kinapa niya ang bulsa ng blazer kung saan niya inipit ang ID. Wala na nga do'n ang ID niya."Yazmin de Lara?" Binasa pa ng lalak