Share

Chapter Five

Muntik nang mapasubsob si Rose sa dibdib ni Carlos nang bigla siya nitong hilahin.

"Ano ba! Nasasaktan ako Carlos!" galit na sigaw niya sa binata habang pilit na inaalis ang mga kamay nitong nakaharang sa kanyang harapan.

Itinukod nito sa pader ang dalawang kamay sa magkabila niyang braso at idiniin nito ang mukha sa kanya. Nalalanghap na niya ang mabangong hininga nito at parang nawala agad ang inis na nararamdaman niya kanina rito. Pero nang biglang hawakan nito ang kanyang baba at tinignan siya ng masama sa mga mata ay muling nabuhay ulit ang pagkainis niya sa binata.

Kung noon ay sobrang hinangaan niya ito dahil sa kabaitang nakikita niya ngayon ay sobra ang pag-sisisi niya kung bakit tinanggap niya ang tulong nito. Sobrang nasasakal na siya sa ugali nitong hindi niya halos maintindihan.

Minsan mabait at minsan naman hindi.

"B-bitiwan mo ako Carlos, nasasaktan na ako!"

"Ilang beses na ba kitang binalaan na huwag na huwag kang makipaglandian sa Markus na iyon. Hindi mo kilala ang tao na iyon Rose kaya huwag kang basta-bastang magtiwala," galit na sabi nito sa kanya na mas hinigpitan pa ang pagkahawak sa kanya baba.

Mas malakas ang binata sa kanya kaya hindi niya basta-basta maiaalis ang kamay nitong nakahawak sa kanya.

"Hindi kita maintindihan Carlos, ano bang gusto mong sabihin?" nahihirapang sabi niya dahil sa higpit na pagkahawak nito sa kanya.

"Huwag ka nang magmaang-maangan pa Rose alam kong alam mo ang ibig kong sabihin."

"Eh, ano ngayon kung makikipaglapit ako kay Markus wala naman atang problema hindi ba? Unless kung may gurang na magagalit diyan sa tabi-tabi," pasipol na saad niya.

Nakita niya ang pag-iba sa ekspresiyon ng mga mata ng binata. Nang muli niyang tanggalin ang mga kamay nito ay nagpaubaya naman ito.

"Hindi ko gustong pareho ninyong pagsisihan ito sa bandang huli."

"Bakit natatakot ka ba na papatulan ko si Markus?" natatawang saad niya sa binata na halatang hindi na halos maipinta ang galit sa mga mata nito.

"Oo! Natatakot akong masaktan mo siya! Rose alam naman natin pareho na hindi pwede diba? Na walang kasiguraduhan ang lahat ng ito hanggat hindi mo pa naaalala ang iyong nakaraan! Paano nga ba kung may pamilya Kang naghihintay sa'yong pagbabalik? Paano kung may pamilya ka na pala at may mga anak na? Hindi ba mas masakit iyon?!"

Hindi siya nakaimik sa sinabing iyon ng binata.

Oo nga pala.

Bakit hindi niya iyon naisip agad?

"P-pero paano kapag wala?"

"Sana nga..wala," mahinang usal nito na hindi niya halos marinig.

"A-anong sabi mo?"

"Nothing..layuan mo si Markus iyon lang!"

"Rose where are you going?" sigaw ni Markus sa kanya.

Hindi siya sumagot bagkos ay binilisan niya ang mga hakbang para hindi siya nito maabutan pero heto at magkasabay na silang naglalakad sa gilid ng kalsada.

Papunta sana siya sa bayan para mamili ng mga beeds na gagawin niyang palamuti.

"Rose," tawag ulit nito sa kanyang pangalan.

Kabago-bago lang nilang nag-usap ni Carlos kanina na layuan niya ang engot na Markus na ito subalit kahit anong pilit niyang pag-iwas ay heto at humabol pa talaga sa kanya.

"Bakit ka ba sumama? May pupuntahan lang ako mas mabuti pa ay umuwi ka na baka hinahanap ka na ni Carlos ngayon," simpleng pagtataboy niya rito.

"Actually ikaw naman talaga ang sadya ko Rose kung bakit nakapag desisyon akong mag stay muna rito ng ilang araw."

Napahinto siyang bigla sa sinabing iyon ng binata.

"A-ako? B- bakit naman?"

"G-gusto ko lang makasiguro na okay ka na," mahinang sabi nito pero sapat na iyon para marinig niya.

" Markus," tawag niya rito at tumingin naman ito pabalik sa kanya. Nagulat siya nang makitang may luha ito sa gilid ng mga mata habang malungkot na nakatitig sa kanya.

Parang may munting kamay na humaplos sa puso niya ng sandaling iyon. Nakaramdam agad siya ng kunting pangungulila sa mga mata nito.

"K-kung alam mo lang sana Rose na sobra ang saya na nararamdaman ko nang makita kit ulit dito. Hindi mo lang alam kung gaano mo kami pinag-aalala," malungkot na saad nito.

"A-anong ibig mong sabihin? Kilala mo ba ako Markus?"

Hindi ito sumagot kaya tinanong niya ulit ito subalit ngumiti lamang si Markus.

"Biro... lang ikaw naman kasi masyado kang malambot. May naalala lang kasi akong isang matalik na kaibigan kasing edad mo rin siya, kasing tangkad at kasing ganda."

"T-talaga?"

"Yeah," tatango-tangong sagot nito.

"Pero bigla siyang nawala."

"Huh? Bakit saan ba siya nagpunta?" interesadong tanong niya rito.

" Mahabang kwento Rose..."

"Hindi mo ba siya hinanap?"

"Iyon nga ang pinakamasakit sa parte ko wala ako noong time na nangyari ang insidenteng iyon. Nasa abroad ako noon nag-aaral ng Phycologist at siya naman ay kumukuha ng culinary arts sa UP. Nabigla nga ako nang balitaan ako ni mommy na nawala raw ang best friend ko. Sobra akong nalungkot dahil hindi ko man lang siya nagawang ipaglaban. Pero alam mo ba kung anong mas masakit? Iyong muling pinagtagpo ang landas namin pero hindi na niya ako nakilala."

"B-bakit ano bang nangyari sa kanya?"

Gusto pa sana niyang marinig ang kwento ng binata tungkol sa tinatawag nitong kaibigan subalit inunahan siya nito ng lakad at pumara ng isang pedicab. Wala siyang nagawa at sinundan na lamang niya ito. Tahimik silang pareho sa loob ng pedicab wala silang imikan hanggang sa makarating sila sa maliit na shopping center sa bayan.

Namili siya ng mga beeds para sa gagawin niyang palamuti. Napansin din niyang namili Rin ito.

Nakakatuwa nga si Markus eh dahil parang alam na alam niya ang mga gustong kulay ng mga beeds na kinakailanganin niya

"Paano mo na laman na paborito ko ang mga beeds na ito?"

"Ahhmmm.. because I'm a psychologist at nababasa ko sa mga mata ng mga tao ang gusto nila."

"Talaga."

"Yes."

"Ahh..Miss dalawang box nitong kulay purple at isang box naman nitong peach at ito pa..pakisali na rin nitong dalawang dosenang designs."

Agad namang tumalima ang saleslady na naka assign sa counter.

"560 pesos lahat po maam."

Pagkatapos niyang magbayad sa counter ay napansin niya si Markus na may tinitignang maliit na papel.

"Ohh..may bibilhin ka ba?"

"Nope..pero may gusto akong puntahan," nakangiting sabi nito at hinila siya nito papunta sa kabilang side na building. Nakita niyang maraming mga pumipila doon at kadalasan ay mga kabataan.

"A-anong gagawin natin dito?" takang tanong niya sa katabi.

"Relax manunuod tayo ng Cine, Rose I know gusto mo ito hindi ba?"

"Ahhmm...—"

"Ticket for 2 please."

Nakita niyang maliit lamang ang mga nanunuod sa loob. Umupo siya sa bandang unahan at sumunod naman si Markus may bitbit na itong dalawang popcorn at dalawang drinks. Nakangisi itong ibinigay sa kanya ang popcorn.

"X-Men ang palabas ngayon kaya manuod muna tayo bago umuwi. Nababagot na kasi ako sa bahay ni Carlos at saka masyadong nakakaumay ang mga pagkaing niluluto ni Nay Celia."

Hindi niya talaga mapigilang mapatawa sa sinabing iyon ni Markus. May pagka attitude talaga ang engot na ito halatang maarte pagdating sa pagkain. Paano ba kasi eh puro gulay ang niluluto ni Nay Celia at pabalik-balik lage ang recipes nito kaya nga nakapag desisyon siyang magluto ng bagong putahe.

"Kaya pala..na paggising ko kaninang umaga ay ikaw na ang nagluto sa kusina."

"Yes... nagulat nga si Nay Celia eh kasi magkasing lasa lang daw ang luto nating adobo," sabi nito habang titig na titig sa kanya.

Napakurap siya nang biglang may naalala. Hindi lang niya matandaan kung sino ang nagtanong kung saan niya raw ba natutunan ang recipes na iyon.

" Ahmm..siyanga pala kumusta naman ang pakikitungo sa'yo ni Carlos?"

Napalingon siya sa katabi habang titig na titig ito sa palabas na X-Men.

Marami pa itong mga tanong sa kanya subalit masyado siyang abala sa pag-iisip tungkol sa mga sinabi nito.

"Okay naman talaga si Carlos iyon nga lang kapag sinusumpong ay napakasuplado pero okay naman talaga ang engot na iyon masyadong maalaga at maasikaso."

Ito naman ngayon ang napahinto at napatitig sa kanyang mukha. Bigla siyang kinabahan nang maalalang muli ang pinag-usapan nila ni Carlos.

" W-wala ka bang nakitang kunting hinala sa mga kilos na ipinapakita niya sa'yo?"

"Huh? A-anong ibig mong sabihin?"

"Wala Rose..I just trying to warn you about Carlos huwag ka dapat magtiwala sa kanya. I knew him more than you know

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status