Share

Chapter 8

"Bakit mo ginawa iyon?" galit na mungkahi ni Rose sa binata.

Sinundan niya ito papalabas ng bahay. Ang sarap lang batuhin ng lalaking ito kung hindi lang siya nakapagtimpi ay baka nasampal na niya ito mismo sa harapan ni Markus.

"Hintayin mo nga ako! Kinakausap pa kita!" galit na sigaw niya rito habang sinusundan parin ang binata.

"Bakit ba nagagalit ka?" tanong nito sa kanya.

"Bakit ako nagagalit? Tinatanong mo ako kung bakit ako nagagalit? Eh, sino ba ang hindi magagalit sa ginagawa mo? Walang kasalanang ginawa iyong tao tapos kwenilyuhan mo? Ganyan ba dapat makipag-usap?"

"That's what he got !"

"What did you say?" inis na tanong niya sa binata.

"Ilang beses ko na siyang binawalan na huwag kang pakialaman! Na huwag kaniyang lapitan! Pero ang tigas din, eh!"

Huminto ito sa paglalakad at nakapamaywang na humarap sa kanya. Namumula ang mukha nito sa galit at kitang kita pa niya kung paano ito manggigil sa inis.

"Kapag sinabi kong hindi ka pwedeng lumapit sa kanya! Gawin mo at huwag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status