Share

Chapter 6

Hating gabi na nang umuwi sila ni Markus sa mansion at sobra ang kasiyahan na nararamdaman ni Rose ngayon. Masayang masaya siya dahil masarap pala kasama ito bukod kasi sa matabil ito at mapagbiro ay may sense of humor talaga itong ka date.

Kaya hindi na nawala ang ngiti sa labi niya nang pumasok siya sa loob ng kanyang silid.

Hinubad niya ang kanyang suot na dollshoes at inilagay na rin niya sa cabinet ang mga pinamili niyang beeds para sa gagawin niyang palamuti.

Gusto kasi niyang gawan ng bracelet si Carlos para naman makabawi siya sa mga utang niya rito. At baka sakali ay muling bumalik ang dating Carlos na nakilala niya noon. Iyong laging nakangiti, maalagain at masarap kausap. Hindi katulad ngayon na halos hindi man lang siya kayang tignan kahit sa malapitan man lang. Kung noon ay puring puri nito ang kagandahan niya, kahit sa simpleng pananamit lamang at simpleng kilos ay lagi niyang nakikita sa mga mata nito ang paghanga. Ngayon ay wala na siyang makitang galak sa mga mata nito kundi galit at laging naiinis sa tuwing nagtatama ang mga mata nila.

Lihim siyang napabuntong hininga at dahan-dahang hinubad ang suot niyang damit. Nang tinanggal niya ng paunti-unti ang mga butones ng kanyang damit ay bigla na lamang siyang nagulat na may isang bultong nakatayo malapit sa veranda ng kanyang kwarto. Nakapamaywang ito habang nakasandig sa pader malapit sa vanity mirror niya. Nakasuot ito ng sando at pajama na gaya nang dating nakagawiang suot nitong pangtulog.

"What are you doing here?" sabi niya habang nagmamadaling ibinalik ang suot niyang pang itaas na damit.

Hindi ito tuminag.

Nanatili lamang nakatitig ang mga malamlam nitong mga mata sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito habang nakatitig sa kanya dahil wala siyang nababasang iba kundi blanko lamang.

"K-kanina ka pa ba naghihintay dito?" mahinang tanong niya sa binata.

Umiiling-iling ito habang dahan-dahang lumakad patungo sa veranda. Narinig niya ang mga buntong hininga nito habang nakatitig sa bilog na buwan.

Dahan-dahan siyang lumapit dito at tumabi sa binata.

" Saan ka ba galing at ngayon ka lang nakauwi?" tanong nito habang nakatitig parin sa buwan.

"Sa...sa bayan may pinamili akong gamit."

"Sa bayan din nanggaling si Markus, magkasama ba kayo?" agad na tanong nito.

"Ahmm...hindi naman talaga kami magkasama na umalis..hinabol niya lang ako at sumabay sa bayan. Pumayag naman ako kasi nga hindi ko pa kabisado masyado ang lugar dito. Sinamahan niya akong namili at....at inaya niya akong manuod daw kami ng sine kaya ayon....nanuod kami," kinakabahang sabi niya rito dahil nakikita na naman niyang muli ang mga galit nitong mga mata.

"Nakipag date ka pala sa kanya," napapailing na sabi nito habang pasimpleng kinakamot ang batok.

"Carlos hindi naman iyon date eh, inaya niya lang naman ako and I think it's good if—"

"Ilang beses ko ba dapat sabihin sa'yo Rose na huwag kang lalapit ng basta-basta sa Markus na iyon. Trust me may masama siyang binabalak sa'yo."

Inis na tinignan niya ito sa mga mata.

"Bakit mo nasabing may binabalak si Markus sa akin? Nagmamagandang loob lang iyong tao tapos paparatangan mo agad ng masama. At saka nararamdaman ko namang mabait siyang tao," inis na sabi niya rito. Hindi na talaga siya nakapagtimpi sa binata at iniwan niya ito sa veranda.

" Nandito naman ako at bakit kailangan mo pang magpasama sa iba? Rose ilang beses ko bang sabihin sa'yo ito na hindi ka dapat makikipaglapit sa lalaking iyon!"

"Bakit hindi pwede?" naiiyak niyang sagot dito. "Dahil ba ay hindi ko maalala ang nakaraan ko? Na baka may asawa at mga anak akong naiwan naghihintay sa pagbabalik ko? Iyon ba, huh, Carlos? Alam mo noong una, Oo umasa akong may mga taong naghahangad sa pagbabalik ko. Alam mo bang araw-araw akong naghihintay ng magandang balita na may darating dahil hinahanap nila ako. Pero wala hindi ba? Walang naghahanap sa akin dahil ang totoo walang nagmamay-ari sa akin."

Hindi niya na napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha sa pisngi . Pinahid naman niya agad iyon gamit ang kanyang kamay.

"Alam mo ba kung gaano kalungkot isipin iyon?"

Nanatiling nakatitig lamang ang binata sa kanya habang nakikinig sa kanyang mga simpathiya.

Mapait siyang ngumiti rito.

"Siguro nga mag-isa lang talaga ako sa buhay. Pero hindi naman ako nawawalan ng pag-asa . Alam ko naman na balang araw kapag bumalik na lahat ang alaala ko ay makikita ko rin sila. Kaya sana naman Carlos huwag ka nang magalit dahil magkaibigan lang kami ni Markus batid ko naman na malinis ang hangarin niya sa akin."

"Kahit ano na lang ang hilingin mo, Rose huwag lang iyan. Papayag naman ako kapag alam ko na mapagkakatiwalaan ko siya, eh kaso hindi nga diba?"

Napakunot ang noo niyang tinignan ito.

"Magkaibigan kayo noon hindi ba?"

"Oo noon pero hindi na ngayon."

"Nalilito ako, diba siya pa nga ang pinahawak mo sa kaso ng ex mo?"

" Because he worked on NBI at gusto niyang kunin ang kaso pumayag naman ang mga magulang ni Angelica kaya wala rin akong magawa."

"What do you mean? So....ibig sabihin ayaw mong siya ang hahawak sa kaso ng ex mo? Ganoon ba?"

"Kung ikukwento ko sa'yo ang buong detalye kulang ang gabi. You better go to sleep now..dumaan lang naman ako kanina para e check kung okay ka na ba.. lage ka kasing sumisigaw kahit ano na ang ginagawa mo sa iyong sarili at ayaw kong maulit iyon."

"I'm sorry kung pinag-aalala kita." Pagbibigay paumanhin niya sa binata.

"Siyanga pala I brought you a dinner pero mukhang kanina pa kasi iyan kaya masyado nang malamig. I can call—"

"No!" sigaw niya rito habang pinipigilan ang binata sa pagtipa sa cp nito para tawagin ang katulong sa baba.

"I will eat that sayang naman kung hindi ko kakainin."

"No baka sumakit ang tiyan mo...I can cook you again if you want."

Nagulat siya sa sinabi nito.

Teka lang, totoo ba si Carlos ang nagluto nito para sa kanya?

Bigla atang bumait ah! O hindi kaya na realize nito na masama talaga ang laging nakasimangot. Hindi nakaka-healthy sa katawan.

"No! Niluto mo iyan kaya kakainin ko."

Kukunin pa sana ito ng binata subalit pinigilan niya.

Chicken barbeque ang ginawa nitu, carbonara at isang basong gatas ang ginawa nito para sa kanya.

Wow! Just wow! Ito ba ang version ng healthy diet ng isang Carlos Montenegro?

"Masarap ka palang magluto, Carlos sana dalasan mo naman.. napakasarap eh!" sabi niya habang nilantakan ang carbonara.

"hmmmmm...."

Napa creamy nito at sobrang sarap ang pagkakatempla halatang sakto sa ingredients lalong lalo na ang inasal na barbique nito napakasarap nang pagkakatimpla ng sauce.

" Yeah and starting tomorrow ako na ang magluluto and no more Markus recipes. Kaya ko naman ang lahat ng ginagawa at kaya ko pa iyong higitan."

Tinaasan niya ito ng kilay.

"Talaga?"

"Yeah...mas masarap pa nga akong ka date sa gagong iyon.. wanna try?"

"I like your proposal but gaya ng sabi mo hindi ako dapat nagpadalos dalos ng desisyon lalong lalo na sa mga bagay-bagay na ikasisira ng bukas ko baka kapag dumating ang araw na iyon ay pare-pareho nating pagsisihan sa bandang huli."

"

"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status