LOGINElysia's POV
Tahimik ang loob ng munisipyo. Masyadong tahimik para sa isang araw na dapat puno ng saya. Nakatayo ako sa harap ng marriage officer, hawak-hawak niya ang mga papeles. Nakasuot naman ako ng isang simpleng puting bestida na mas mukhang pang-interview kaysa pangkasal. Walang belo. Walang bulaklak. Walang luha. Sa tabi ko naman ay ang nag-iisang Kyler Sage Athienza, ang lalaking papakasalan ko sa loob ng limang minuto. Gwapo. Matangkad. Pero ni minsan ay hindi man lang dumapo sa 'kin ang mga malalamig niyang mga mata. Diretso lang ang tingin niya sa harap na para bang hindi kasal ang pinapasok kundi isang kontratang kailangan lang pirmahan. “Miss Elysia Lior Mortel,” panimula ng marriage officer, “do you take Kyler Sage Athienza as your lawful wedded husband?” Huminga ako nang malalim. Ito na ‘yon. Wala nang atrasan. “Yes,” mahinahong sagot ko. Hindi ako masaya, hindi rin ako nakakaramdam ng kaba. Just feeling empty. Dahil na rin siguro matagal ko nang inihanda ang sarili ko para sa araw na ‘to. “Mr. Kyler Sage Athienza, do you take—” “Yes.” putol niya sa marriage officer. Mabilis iyon at walang emosyon. Walang halik na sumunod. Walang palakpak. Walang “You may now kiss the bride.” Para bang hindi kami karapat-dapat sa ganoong linya. Dinaig pa kami ng mga batang nagkakasal-kasalan sa tabi-tabi. One signature and I'm tied to my unwilling groom for I don't know how long. Three months before the wedding... Malinaw sa akin ang sinabi ni Papa. “Elysia, kailangan natin ‘to,” mahina niyang sabi habang nakaupo kami sa study room. Nakalatag sa mesa ang mga papeles. Athienza Group, merger, utang, deadline. “Business marriage,” dagdag niya. “Hindi ka nila sasaktan at hindi ka nila pababayaan.” Pero hindi rin niya sinabi na mamahalin ako. Na magiging masaya ako sa piling ng mapapangasawa ko. Hindi ko pa kilala si Kyler noon. Ang alam ko lang ay siya ang golden heir ng Athienza family. Bata pa pero CEO na. Walang eskandalo. Walang babae sa balita. Perfect. At ako? Isang Mortel na kailangang ialay para mabuhay ang kompanya ng pamilya ko. Pumayag na lang rin ako. Bakit? Dahil anak ako? Dahil utang na loob? Dahil wala akong choice? Hindi ko na alam. Matapos ang civil wedding, diretso kaming umalis. Walang reception. Walang celebratory lunch. Sumakay lang kami sa kotse niya na parang walang nangyari. “Sa condo ka titira,” biglang imporma niya habang nakatingin sa kalsada. Hindi tanong iyon kundi utos. “O–okay,” iyon na lang ang naging sagot ko. Tahimik ang buong biyahe. Gusto kong magsalita, magtanong, kahit anong normal na bagay. Gaya ng kung anong gusto niyang pagkain. Kung anong mga ayaw niya, mga gano'n. Pero bawat segundo ng katahimikan, mas lalo kong nararamdaman na hindi ako welcome sa mundo niya. Pagdating sa condo, iniabot niya sa akin ang susi. “May sarili kang kwarto,” sabi niya. “This marriage is only for the public. Don’t expect anything else.” Parang sinaksak ang dibdib ko. “I won’t touch you,” dagdag pa niya, parang paglilinaw ng sarili niyang terms and conditions. “And I expect the same.” Tumango lang ako. Ano pa bang magagawa ko? At doon ko naranasan ang unang gabi ko bilang asawa niya. Mag-isa sa isang malaking kama, nakatingin sa kisame, iniisip kung bakit ko hinayaan ang sarili kong mapunta sa sitwasyon na 'to. It's starting to eat me alive. Lumipas ang mga linggo. Mga buwan. Hanggang sa naging tatlong taon na. Tatlong taon na magkasama kami sa iisang bubong pero para pa rin kaming mga estranghero sa isa’t isa. Hindi niya ako sinaktan. Hindi niya ako pinahiya. Pero hindi rin niya ako minahal. May allowance ako. May credit card. May katahimikan. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, may asawa akong hindi man lang alam kung anong paborito kong kulay hanggang ngayon. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na ayos lang iyon. Na sanay na ako. Hanggang sa dumating ang gabing iyon. “May gala tayo mamaya.” Napatingin ako kay Kyler mula sa salamin habang inaayos ko ang buhok ko. Bihira siyang magsalita sa akin nang diretso. Madalas niya lang na ipag-utos sa iilang maids dito ang gusto niyang sabihin sa 'kin. “Athienza Charity Gala,” dagdag niya. “High-profile. Media will be there.” Ibig sabihin… kailangan kong gumanap. “Okay,” sagot ko, kahit kumabog ang dibdib ko. Ito kasi ang kauna-unahang beses na lalabas kami bilang mag-asawa sa isang malaking event. Pinaghandaan ko talaga iyon ng husto. I did my make up and wore an elegant red fitted backless dress paired with black high-heels. Nang bumaba ako sa hagdan at makita ko siyang naghihintay sa akin, umasa akong pupurihin niya ang itsura ko. But instead, he looked irritated the moment his eyes laid on me. “What took you so long? Mali-late na tayo.” Napahiya ako knowing that I expected him to compliment me. Nangapa ako ng sasabihin. “A–ako lang kasi ang nag-ayos sa sarili ko.” nauutal na paliwanag ko. “I didn't hire someone.” “Well, it's not my fault. I didn't hand you those cards for nothing.” Hindi na ako nakapagsalita. The next thing I knew was keeping up with his pace when he walked out on me. Muntik pa akong masarhan ng elevator. Pagdating namin sa lobby, may kotse ng naka-abang sa 'min doon. Nauna na siyang pumasok since pinagbuksan na naman na kami ng pinto ng tauhan niya. As usual, tahimik lang ang byahe like he totally forgot about my existence. Sa ballroom ng hotel, halos mabulag ako sa sobrang liwanag. Crystal chandeliers. Champagne. Napaka-engrande rin ng mga taong nandito. Hawak ni Kyler ang braso ko, mahigpit pero malamig. Parang props lang kami sa isang eksena. Ngumiti ako sa mga camera. Tumango sa mga kakilala niyang executives. Ginampanan ko ang papel ng perpektong Mrs. Athienza. Hanggang sa biglang nagbago ang aura sa paligid. Bigla silang nahinto sa pag-uusap na para bang may kung sinong royalty ang dumating. Narinig ko ang mga bulungan ng iba. “Siya na ba ‘yon?” “Grabe… bumalik na pala siya.” Napatingin ako sa direksyong tinitingnan ng lahat. At doon ko nakita ang isang matangkad at eleganteng babae. Wala man lang sinabi ang suot kong dress ngayon kompara sa suot niyang gown at sa kung papaano niya dalhin ang sarili. Her eyes scanned the room. Tumigil ang tingin niya sa 'min at naglakad na papunta sa kinaroroonan namin. “Kyler,” malambing na tawag niya rito. “Long time.” Sa unang pagkakataon, nakita kong nagbago ang ekspresyon ng asawa ko. Hindi malamig. Hindi blangko. Kundi gulat and is that... longing? He seemed to miss her. May kirot akong naramdaman sa puso ko nang makita silang magkatinginan ng gano'n. “Seraphina,” sambit naman ni Kyler sa pangalan niya.. Napatingin siya sa akin, mula ulo hanggang paa, at ngumiti. Isang ngiting hindi ko alam kung totoo ba o hindi. “So,” she trailed off, sabay tingin sa kamay kong nasa braso ni Kyler, “ikaw pala ang pinakasalan niya.” Sa paraan ng pagkakahawak ni Kyler sa braso ko, mas mahigpit kaysa kanina, doon ko napagtanto na may nakaraan siyang hindi ko alam. At si Seraphina iyon. Bakit ramdam kong nandito ang babaeng 'to para bawiin ang mayroon ako ngayon?Elysia’s POV “I'm sorry.” nakatungong paumanhin ko, hindi ko kayang tingnan ang kung sino man sa kanilang dalawa ngayon. Hindi ko na kinakaya ang tension na namamagitan sa kanilang dalawa. It's suffocating me. “Akala ko ikaw si Kellan.” Nakatayo siya sa pintuan ng balcony, ang mga mata niya ay unti-unting nagliliyab sa galit. I've never seen him this mad. Hindi ito ang malamig at kontroladong Kyler na kilala ko. Ito ang Kyler na may gustong wasakin pero halatang sobra itong nagpipigil ngayon dahil sa sinabi ng kambal niya. Naglakad siya palapit sa akin at mahigpit akong hinawakan sa pulso. He was never like this before, ngayon lang talaga siya nagkakaganito. "Go inside." matigas na utos niya sa 'kin. “Kyler—” angal ko pero agad niya ring pinutol. “Inside,” he glared at me. Tumango na lang ako. Hindi dahil gusto ko, kundi dahil alam kong wala akong laban sa tono niyang iyon. Habang naglalakad ako pabalik ng kwarto, naririnig ko pa ang boses ni Kellan sa likuran. “You shoul
Elysia's POV Hindi ko agad tinignan ang folder sa kamay ni Kyler. Mas natakot ako sa paraan ng pagtitig niya. “Sit,” hindi iyon pakiusap kundi utos. Umupo ako sa gilid ng kama, nanginginig ang mga kamay ko kahit pinipilit kong maging kalmado. Isinara niya ang pinto ng kwarto ko bago lumapit at inilapag ang folder sa mesa. “Do you know what this is?” tanong niya. Umiling ako, hindi ko siya matingnan sa mga mata kahit wala naman akong ginagawa. Binuksan niya ang folder. Mga litrato. My breathing hitched when I saw what it's about. Mga kuhang larawan ko iyon sa gala. Nakangiti sa isang executive. Nakikipag-usap sa isang foreign investor. May kuha pang may hawak akong champagne glass, parang masyadong komportable. “This is how you look,” sabi ni Kyler sa mababang boses, “when you forget your place.” “Ano’ng ibig mong sabihin?” napabulong ako. “You were too visible,” tugon niya. “Too friendly. Too… free.” Parang sumikip ang dibdib ko. Free ba 'ka mo? If this is what being fr
Elysia's POV Hindi ko alam kung alin ang mas masakit, ang paraan ng pagngiti ni Seraphina o ang paraan ng pagtitig ni Kyler sa kanya. Parang may lihim silang wika na sila lang dalawa ang nakakaintindi at hindi ako kasama roon. “Seraphina is… an old acquaintance,” sa wakas ay pagpapakilala sa akin ni Kyler sa kaniya, parang kulang pa sa paliwanag pero sapat na para tapusin ang usapan. Old acquaintance pala ha? Kung ganoon, bakit parang may parte ng pagkatao niya na biglang nabuhayan nang magsalubong ang mga tingin nila kanina? Isang parte na kahit kailan ay hindi niya nakuhang ipakita sa akin. “Nice to finally meet you,” sabi ni Seraphina sa akin, mahinhin lang ang boses niya. “I’ve heard… a lot about you.” Hindi ko alam kung bakit, pero ramdam kong pinipilit niya lang akong pakisamahan kasi nandito si Kyler. “Likewise,” sagot ko na lang at pinilit ang sariling ngumiti. Humakbang siya palapit sa akin, sapat na para maamoy ko ang pabango niya. Amoy mamahalin at matapang. Her sm
Elysia's POV Tahimik ang loob ng munisipyo. Masyadong tahimik para sa isang araw na dapat puno ng saya. Nakatayo ako sa harap ng marriage officer, hawak-hawak niya ang mga papeles. Nakasuot naman ako ng isang simpleng puting bestida na mas mukhang pang-interview kaysa pangkasal. Walang belo. Walang bulaklak. Walang luha. Sa tabi ko naman ay ang nag-iisang Kyler Sage Athienza, ang lalaking papakasalan ko sa loob ng limang minuto. Gwapo. Matangkad. Pero ni minsan ay hindi man lang dumapo sa 'kin ang mga malalamig niyang mga mata. Diretso lang ang tingin niya sa harap na para bang hindi kasal ang pinapasok kundi isang kontratang kailangan lang pirmahan. “Miss Elysia Lior Mortel,” panimula ng marriage officer, “do you take Kyler Sage Athienza as your lawful wedded husband?” Huminga ako nang malalim. Ito na ‘yon. Wala nang atrasan. “Yes,” mahinahong sagot ko. Hindi ako masaya, hindi rin ako nakakaramdam ng kaba. Just feeling empty. Dahil na rin siguro matagal ko nang inihanda a
Elysia's POV "Kellan, your brother took a leave from work. Baka mahuli tayo." Akma siyang hahalik ulit sa 'kin pero pinigilan ko na naman siya. "Not now, Ely. Enough with your excuses already. I want you now," reklamo niya at siniil ako ng mapusok na halik sa labi. Tumama ang likod ko sa malamig na semento nang marahas niya akong isinandal sa pader and pinned both of my hands above my head while his other hand was gripping my waist. "I'm not making excuses, Kellan. He's really just downstairs." "Yeah right," he snorted. Mahahalata sa tono ng pananalita niya na hindi talaga siya naniniwala sa akin. "My brother is workaholic, Ely. Slacking off isn't his thing. So try something else to fool me." Pero nandoon nga lang si Kyler sa baba, he even called me out to join him for breakfast pero tumanggi ako. What changed? Naputol ang pag-iisip ko nang ibinaling ni Kellan ang ulo ko sa gilid para mahalikan ako ng husto sa leeg. Hindi na ako nakapalag pa dahil nag-uumpisa na ring mag-in







