Se connecterElysia's POV
Hindi ko alam kung alin ang mas masakit, ang paraan ng pagngiti ni Seraphina o ang paraan ng pagtitig ni Kyler sa kanya. Parang may lihim silang wika na sila lang dalawa ang nakakaintindi at hindi ako kasama roon. “Seraphina is… an old acquaintance,” sa wakas ay pagpapakilala sa akin ni Kyler sa kaniya, parang kulang pa sa paliwanag pero sapat na para tapusin ang usapan. Old acquaintance pala ha? Kung ganoon, bakit parang may parte ng pagkatao niya na biglang nabuhayan nang magsalubong ang mga tingin nila kanina? Isang parte na kahit kailan ay hindi niya nakuhang ipakita sa akin. “Nice to finally meet you,” sabi ni Seraphina sa akin, mahinhin lang ang boses niya. “I’ve heard… a lot about you.” Hindi ko alam kung bakit, pero ramdam kong pinipilit niya lang akong pakisamahan kasi nandito si Kyler. “Likewise,” sagot ko na lang at pinilit ang sariling ngumiti. Humakbang siya palapit sa akin, sapat na para maamoy ko ang pabango niya. Amoy mamahalin at matapang. Her smell made an impression. Parang siya ang tipo ng babaeng hindi humihingi ng permiso para manatili sa kung saang lugar man niya gugustuhin. “Oh, Kyler,” bigla niyang sabi, gumalaw ang mata niya na parang may inaalala. “Ayaw na ayaw mong napupunta sa mga social interviews ang personal life mo, 'di ba?” Napatingin ako kay Kyler. Nakita kong umigting ang panga niya. “Yeah,” malamig at maikling sagot niya. Marahang tumawa si Seraphina. “Kasi kanina, may nakausap akong reporter. Sabi niya, ang charming daw ng asawa mo, sobrang open.” Naputol ang paghinga ko. Bakit biglang napadpad sa akin ang usapan? “Ano?” napabulong ako. Seraphina turned to me, kunwaring nagulat. “Oh, did I say something wrong? She mentioned kasi how proud you were to talk about your marriage.” Hindi ako nagsalita dahil hindi ko naman ginawa iyon. “Elysia?” biglang tawag ni Kyler sa akin, mababa ang boses pero mabigat ang tono. “Hindi ako–—” sinubukan kong magsalita pero mabilis si Seraphina. “Baka na-misinterpret ko lang,” sabi niya agad, hawak ang kabilang braso ni Kyler. “You know how media can twist words.” Pero sa uri ng paninitig niya sa akin ay alam kong alam niya ang ginagawa niya. Sa buong gala, pakiramdam ko ako ang chaperone na panay buntot lang sa kanilang dalawa. Sa bawat table kasi na nilalapitan namin, laging nauuna si Seraphina. Inuungkat ang mga detalye ng buhay ni Kyler na hindi ko alam. I mean, kailangan niya ba talagang ipangalandakang mas kilala niya ang asawa ko kaysa sa akin? Edi sana naging sila na lang! “Remember when you hated red wine?” “Remember how you walk away when you’re annoyed?” “Kyler doesn’t like clingy women,” sabay sulyap sa kamay kong nakakapit sa manggas ng suit niya. Hindi ko alam kung bakit ako nagpapa-apekto sa mga sinasabi niya at para akong napasong biglang napabitaw kay Kyler. Sa tuwing magsasalita naman ako, may paraan siyang baguhin ang kahulugan ng mga bagay-bagay at magmukha akong mali o hindi kagusto-gusto sa paningin ni Kyler. “Ay, you like traveling?” sasabihin niyang gano'n. “That’s funny, Kyler hates spontaneous trips.” O kaya naman, “Oh, she speaks up a lot,” nang may nakakalokong ngiti. “You always preferred silence, right?” At ang Kyler niyo? Hindi niya man lang ako ipinagtanggol. Hindi niya sinabi na mali si Seraphina. Tahimik lang siya. At sa katahimikang iyon, alam kong ako iyong talo. Pagkatapos ng gala, mas ramdam ko ang mabigat na hangin sa loob ng kotse. “Why did you talk to the media?” biglang tanong ni Kyler. Nagitla ako sa lamig ng boses niya. “Wala akong sinabi, ni hindi nga ako nakipag-usap sa media e,” agarang sagot ko. “I don't know why Seraphina said that.” Ang Seraphina na iyon, acting like an elegant vixen. Tumahimik si Kyler. Mas nakakatakot talaga siya kapag tahimik. “You know I hate publicity,” kapagkuwan ay sabi niya. “Alam ko naman iyon,” mahina kong sagot. “At alam mo ring hindi ko gagawin ‘yon.” Tumingin siya sa akin. Ito ang unang beses na matagal niya akong tinitigan. Hindi siya galit pero he doesn't seem to believe me either. Tiningnan niya ako ng mapanuri. It's as if he's looking for something by staring at my face. “Then why didn't you tell me so?“ tanong niya. “Bakit hindi mo kaagad sinabing hindi mo ginawa 'yon?“ “Pinuputol ni Seraphina ang sinasabi ko e.“ “You're my wife, not Seraphina. So you could've stand up for yourself and I would've sided with you.“ Hindi ko alam pero natuwa ako sa sinabi niya. First time kong marinig mula sa kaniyang asawa niya ako. How pathetic. “Akala ko rin kasi hindi na importante ang sasabihin ko kasi mas kilala ka naman niya e. Mas mukhang siya pa nga ang asawa mo sa dami ng alam niya sa 'yo.“ Matagal bago siya nagsalita ulit. “Ayoko ng asawang naaapakan lang ng kahit na sino.“ walang emosyong aniya. “Next time, try not to be too weak. You're carrying my name, so you better earn it.” Parang nalunok ko ang sariling dila at hindi na nakapagsalita pa. Kinabukasan, nadatnan ko si Seraphina sa condo. Naka-upo siya sa sofa, nagka-kape na akala mo siya ang may-ari nitong condo. “Good morning,” bati niya pa sa akin na para bang wala siyang ginawang masama sa akin kagabi. “Ano’ng ginagawa mo dito?” tanong ko, hindi ko na tinago ang pagkainis ko sa kaniya. “Kyler invited me,” kaswal na sagot niya. “Temporary stay.” Temporary. May gano'n pala? Sino bang matinong asawa ang mag-aaya ng ibang babae para 'temporaryong' manatili sa bahay nila ng asawa niya? Lumapit siya sa akin, mahina ang boses. “Alam mo, hindi ko inaasahang magtatagal ka.” Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. “Excuse me?” “Don’t misunderstand,” sabi niya agad, may pa-inosenteng ngiti ang naglalaro sa labi niya. “You’re… nice. Too nice.” Lumapit pa siya. “Pero hindi ka bagay sa mundo niya.” Humakbang ako paatras. “Well what can I say, asawa niya na ako. Tanggapin mo na lang.” Mahina siyang natawa. “Sa papel.” That hit a nerve. “At least I'm not some trash that's begging to be recycled,” kibit-balikat na tugon ko. Masiyado ko sigurong isina-puso ang sinabi ni Kyler sa akin kagabi. Hindi naman naitago ni Seraphina ang inis sa mukha niya. “Gusto mo ng advice?” bulong niya pa. “Stop trying so hard. Men like Kyler… they get tired.” At bago pa ako makasagot, dumating si Kyler. Nag-iba agad ang mukha ni Seraphina. “Kyler,” malambing na tawag niya at parang linta na namang kumapit sa braso nito. And wow, Kyler just let her. Asawa niya ako pero kung ituring niya ako ay para akong may isang nakakahawang sakit. “Your wife offered me coffee. She’s so thoughtful.” Napatingin sa akin si Kyler. Hindi ako nagsalita at tahimik na lang na tinungo ang kwarto at nagkulong doon buong maghapon. Kinagabihan, iniisip ko kung hanggang kailan ako magiging tahimik. Kung hanggang kailan ako magiging asawa lang sa papel habang may babaeng unti-unting kumukuha ng espasyong hindi ko man lang napunan. At habang pinipilit kong pigilan ang luha, may kumatok sa pinto. Pagbukas ko, tumambad sa akin ang maamong mukha ni Kyler. May hawak siyang folder. “We need to talk,” saad niya. Hindi malamig ang boses niya pero mas delikado iyon. At sa likod niya, sa dulo ng hallway, nandoon si Seraphina. May nakakalokong ngiti ang nakapaskil sa mga labi niya. What is she up to now?Elysia’s POV “I'm sorry.” nakatungong paumanhin ko, hindi ko kayang tingnan ang kung sino man sa kanilang dalawa ngayon. Hindi ko na kinakaya ang tension na namamagitan sa kanilang dalawa. It's suffocating me. “Akala ko ikaw si Kellan.” Nakatayo siya sa pintuan ng balcony, ang mga mata niya ay unti-unting nagliliyab sa galit. I've never seen him this mad. Hindi ito ang malamig at kontroladong Kyler na kilala ko. Ito ang Kyler na may gustong wasakin pero halatang sobra itong nagpipigil ngayon dahil sa sinabi ng kambal niya. Naglakad siya palapit sa akin at mahigpit akong hinawakan sa pulso. He was never like this before, ngayon lang talaga siya nagkakaganito. "Go inside." matigas na utos niya sa 'kin. “Kyler—” angal ko pero agad niya ring pinutol. “Inside,” he glared at me. Tumango na lang ako. Hindi dahil gusto ko, kundi dahil alam kong wala akong laban sa tono niyang iyon. Habang naglalakad ako pabalik ng kwarto, naririnig ko pa ang boses ni Kellan sa likuran. “You shoul
Elysia's POV Hindi ko agad tinignan ang folder sa kamay ni Kyler. Mas natakot ako sa paraan ng pagtitig niya. “Sit,” hindi iyon pakiusap kundi utos. Umupo ako sa gilid ng kama, nanginginig ang mga kamay ko kahit pinipilit kong maging kalmado. Isinara niya ang pinto ng kwarto ko bago lumapit at inilapag ang folder sa mesa. “Do you know what this is?” tanong niya. Umiling ako, hindi ko siya matingnan sa mga mata kahit wala naman akong ginagawa. Binuksan niya ang folder. Mga litrato. My breathing hitched when I saw what it's about. Mga kuhang larawan ko iyon sa gala. Nakangiti sa isang executive. Nakikipag-usap sa isang foreign investor. May kuha pang may hawak akong champagne glass, parang masyadong komportable. “This is how you look,” sabi ni Kyler sa mababang boses, “when you forget your place.” “Ano’ng ibig mong sabihin?” napabulong ako. “You were too visible,” tugon niya. “Too friendly. Too… free.” Parang sumikip ang dibdib ko. Free ba 'ka mo? If this is what being fr
Elysia's POV Hindi ko alam kung alin ang mas masakit, ang paraan ng pagngiti ni Seraphina o ang paraan ng pagtitig ni Kyler sa kanya. Parang may lihim silang wika na sila lang dalawa ang nakakaintindi at hindi ako kasama roon. “Seraphina is… an old acquaintance,” sa wakas ay pagpapakilala sa akin ni Kyler sa kaniya, parang kulang pa sa paliwanag pero sapat na para tapusin ang usapan. Old acquaintance pala ha? Kung ganoon, bakit parang may parte ng pagkatao niya na biglang nabuhayan nang magsalubong ang mga tingin nila kanina? Isang parte na kahit kailan ay hindi niya nakuhang ipakita sa akin. “Nice to finally meet you,” sabi ni Seraphina sa akin, mahinhin lang ang boses niya. “I’ve heard… a lot about you.” Hindi ko alam kung bakit, pero ramdam kong pinipilit niya lang akong pakisamahan kasi nandito si Kyler. “Likewise,” sagot ko na lang at pinilit ang sariling ngumiti. Humakbang siya palapit sa akin, sapat na para maamoy ko ang pabango niya. Amoy mamahalin at matapang. Her sm
Elysia's POV Tahimik ang loob ng munisipyo. Masyadong tahimik para sa isang araw na dapat puno ng saya. Nakatayo ako sa harap ng marriage officer, hawak-hawak niya ang mga papeles. Nakasuot naman ako ng isang simpleng puting bestida na mas mukhang pang-interview kaysa pangkasal. Walang belo. Walang bulaklak. Walang luha. Sa tabi ko naman ay ang nag-iisang Kyler Sage Athienza, ang lalaking papakasalan ko sa loob ng limang minuto. Gwapo. Matangkad. Pero ni minsan ay hindi man lang dumapo sa 'kin ang mga malalamig niyang mga mata. Diretso lang ang tingin niya sa harap na para bang hindi kasal ang pinapasok kundi isang kontratang kailangan lang pirmahan. “Miss Elysia Lior Mortel,” panimula ng marriage officer, “do you take Kyler Sage Athienza as your lawful wedded husband?” Huminga ako nang malalim. Ito na ‘yon. Wala nang atrasan. “Yes,” mahinahong sagot ko. Hindi ako masaya, hindi rin ako nakakaramdam ng kaba. Just feeling empty. Dahil na rin siguro matagal ko nang inihanda a
Elysia's POV "Kellan, your brother took a leave from work. Baka mahuli tayo." Akma siyang hahalik ulit sa 'kin pero pinigilan ko na naman siya. "Not now, Ely. Enough with your excuses already. I want you now," reklamo niya at siniil ako ng mapusok na halik sa labi. Tumama ang likod ko sa malamig na semento nang marahas niya akong isinandal sa pader and pinned both of my hands above my head while his other hand was gripping my waist. "I'm not making excuses, Kellan. He's really just downstairs." "Yeah right," he snorted. Mahahalata sa tono ng pananalita niya na hindi talaga siya naniniwala sa akin. "My brother is workaholic, Ely. Slacking off isn't his thing. So try something else to fool me." Pero nandoon nga lang si Kyler sa baba, he even called me out to join him for breakfast pero tumanggi ako. What changed? Naputol ang pag-iisip ko nang ibinaling ni Kellan ang ulo ko sa gilid para mahalikan ako ng husto sa leeg. Hindi na ako nakapalag pa dahil nag-uumpisa na ring mag-in







