Home / Romance / THE TWINS HE NEVER KNEW EXISTED / CHAPTER 6:ANG PIRMA SA DOKUMENTO

Share

CHAPTER 6:ANG PIRMA SA DOKUMENTO

Author: ATE BHIETAT
last update publish date: 2026-10-28 22:04:16

Hindi mapakali si Adrian Montenegro habang nakaupo sa loob ng kaniyang opisina. Nasa harap niya ang dokumentong ilang araw nang gumugulo sa kaniyang isip. Paulit-ulit niyang binabasa ang bawat linya, lalo na ang pirma sa ibabang bahagi.

Pirma iyon na kahawig ng kay Isabella.

Ngunit ayon sa dating kasintahan niya, may mga bagay na hindi niya alam tungkol sa nangyari limang taon na ang nakalipas.

Napahawak si Adrian sa kaniyang sentido.

Limang taon siyang naniwalang si Isabella ang may kasalanan sa pagkasira ng kanilang relasyon. Ngunit hindi niya ito pinakinggan,hindi niya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Sa halip, hinayaan niyang manaig ang galit at tuluyan niya itong itinulak palayo.

Pero ngayon, may mga dokumentong hindi nagtutugma. May mga mensaheng hindi nakarating sa kani-kanilang destinasyon. At may isang rekord na nagsasabing may pahayag si Isabella tungkol sa pagbubuntis nito tatlong araw bago niya ito palayasin.

Kung totoo ang dokumento, bakit hindi ito kailanman nabanggit ni Isabella?

At kung peke ito, sino ang may kagagawan?

Kinuha ni Adrian ang cellphone at tinawagan si Daniel, ang matagal na niyang pinagkakatiwalaang kaibigan.

“Pumunta ka sa opisina ko. Kailangan nating pag-usapan ang dokumentong nahanap natin.”

“May bago ka bang nalaman?” tanong ni Daniel.

“Wala pa. Pero kailangan kong malaman kung tunay ang pirma ni Isabella.”

“Pupunta ako riyan.”

Makalipas ang ilang minuto, dumating si Daniel. Agad nitong napansin ang dokumentong nakalatag sa mesa.

“Hindi ka na naman nakatulog nang maayos,” puna nito.

“Basahin mo muna.”

Kinuha ni Daniel ang papel at maingat na sinuri ang nilalaman.

“May nakasulat dito na may pahayag si Isabella tungkol sa pagbubuntis niya,” sabi nito. “Pero wala akong nakikitang pangalan ng doktor na nagkumpirma nito. Wala ring kalakip na medical report.”

“Pero naroon ang pirma niya.”

“Ang pirma na kahawig ng sa kaniya,”

pagwawasto ni Daniel. “Hindi ibig sabihin na siya mismo ang pumirma.”

Napatingin si Adrian sa kaibigan.

“Ibig mong sabihin, may posibilidad na may gumamit ng pangalan niya?”

“Posible. Pero kailangan natin ng ebidensiya bago tayo magbigay ng konklusyon. Dapat nating malaman kung sino ang gumawa ng dokumento at kung saan ito nanggaling.”

Tumayo si Adrian at lumapit sa bintana.

“May kambal siyang anak, Daniel. Dalawang bata na lumaki nang hindi ako nakikilala bilang ama nila.”

“Alam ko.”

“Limang taon akong wala sa buhay nila. Hindi ko man lang nakita ang unang hakbang nila, ang unang araw nila sa paaralan, o ang mga panahong kailangan nila ng ama.”

“Hindi mo na maibabalik ang mga panahong iyon, Adrian. Pero maaari mong itama ang mga pagkakamali mo ngayon.”

Napayuko si Adrian.

“Paano kung hindi na ako kayang patawarin ni Isabella?”

“Hindi mo puwedeng pilitin ang pagpapatawad niya. Ang kaya mo lang gawin ay alamin ang katotohanan at patunayan sa mga kilos mo na nagbago ka na.”

Muling naupo si Adrian.

“Gusto ko siyang makausap.”

“Kung kakausapin mo siya, huwag mong gawing panibagong paratang ang dokumentong iyan. Alalahanin mong nasaktan mo na siya noon dahil mas pinili mong maniwala sa ibang tao kaysa pakinggan siya.”

Tumango si Adrian, sa pagkakataong ito, ayaw na niyang maulit ang parehong pagkakamali.Kinahapunan, nagtungo si Adrian sa opisina ni Isabella.Hindi siya nagpaalam nang maaga dahil gusto niyang makausap ito bago pa muling mawala ang pagkakataon. Pagdating niya sa gusali, sinalubong siya ng receptionist.

“Good afternoon, sir. May appointment po ba kayo kay Ms. Isabella?”

“Wala. Pero kailangan ko siyang makausap.”

“May meeting po siya ngayon. Maaari po kayong maghintay kung gusto ninyo.”

“Sige,maghihintay ako.”

Umupo si Adrian sa waiting area.

Halos apatnapung minuto ang lumipas bago lumabas si Isabella mula sa conference room. May hawak itong folder at abalang nagbibigay ng mga tagubilin sa mga empleyado.

“Pakisend sa akin ang revised proposal bago mag-alas-singko. Kailangan ko munang suriin ang lahat bago natin ipadala sa kliyente.”

“Yes, ma’am,” sagot ng isang empleyado.

Nang matapos ang mga tagubilin nito, saka napansin ni Isabella si Adrian.

Agad na nagbago ang ekspresyon ng babae.

“Adrian? Anong ginagawa mo rito?”

Tumayo siya.

“Gusto kitang makausap.”

“Tungkol saan?”

“Sa isang dokumento.”

Napatingin si Isabella sa hawak niyang folder.

“Anong dokumento?”

“May nakita akong papel na may pangalan at pirma mo. May pahayag tungkol sa pagbubuntis mo.”

Biglang nanigas ang mukha ni Isabella.

“Dito mo gustong pag-usapan iyan?”

“Hindi. Maaari ba tayong mag-usap sa isang pribadong lugar?”

Tumingin si Isabella sa oras sa kaniyang relo.

“May sampung minuto ako bago ang susunod kong gawain. Sa meeting room tayo.”

Hindi na naghintay si Adrian ng pangalawang sagot. Tahimik siyang sumunod sa babae.

Pagkapasok nila sa silid, isinara ni Isabella ang p***o at inilapag ang folder sa mesa.

“Sabihin mo na. Ano ba ang gusto mong malaman?”

Inilabas ni Adrian ang kopya ng dokumento at inabot kay Isabella.

“Gusto kong malaman kung ikaw ang pumirma rito.”

Kinuha iyon ni Isabella. Habang binabasa ang nilalaman, unti-unting namutla ang kaniyang mukha.Hindi siya agad nagsalita, ilang segundo siyang nakatitig sa papel bago muling tumingin kay Adrian.

“Saan mo ito nakuha?”

“Sa mga lumang dokumentong may kaugnayan sa panahon ng paghihiwalay natin.”

“Hindi ko ito nakita noon.”

“Pero pirma mo ang nasa ibaba.” turo ni Adrian sa papel.

Napahigpit ang hawak ni Isabella sa papel.

“Kahawig ng pirma ko ang narito, pero hindi ako ang pumirma nito.”

..

Natigilan si Adrian ng marinig iyon.

“Sigurado ka?”

“Sigurado ako, Adrian. Hindi ko alam kung sino ang gumawa nito, pero hindi ako ang nagbigay ng pahayag na nakasulat dito.”

“May nakasaad na tatlong araw bago kita palayasin, nagbigay ka raw ng pahayag tungkol sa magiging anak mo.”

Napapikit si Isabella dahil sa hindi malaman na dahilan.

“Hindi ko alam kung bakit may ganitong dokumento. Pero kung iyan ang ginagamit mong dahilan para isipin na may itinago ako sa iyo, wala akong maidaragdag sa paliwanag ko.”

“Hindi kita inaakusahan.”

“Talaga ba?” Mapait siyang natawa. “Kung ganoon, bakit mo dala ang papel na iyan? Bakit kailangan mo akong tanungin tungkol sa isang bagay na hindi ko naman ginawa?”

Hindi agad nakasagot si Adrian non at napahawak ulit sa sentido.

“Gusto ko lang malaman ang katotohanan.”

“Ang katotohanan?” Umiling si Isabella. “Noon, gusto ko ring malaman mo ang katotohanan. Ilang beses akong nagtangkang magpaliwanag sa iyo, pero hindi mo ako pinakinggan.”

“Alam ko.”

“Hindi, Adrian. Hindi mo alam.”

Namasa ang mga mata ni Isabella, ngunit pinilit niyang pigilan ang pagluha.

“Hindi mo alam kung gaano kasakit na magmakaawa sa taong mahal mo para lamang pakinggan ka niya. Hindi mo alam kung gaano kahirap umalis nang wala man lang akong pagkakataong ipaliwanag ang sarili ko. At hindi mo alam kung ilang gabi akong umiyak dahil naniwala akong kahit minsan, pagkakatiwalaan mo ako.”

Napayuko si Adrian.

Wala siyang maisagot dahil alam niyang totoo ang bawat salitang naririnig niya.

“Isabella, nagsisisi ako.”

“Huwag mo munang sabihin iyan.” Pinunasan niya ang gilid ng kaniyang mata. “Hindi sapat ang pagsisisi mo para burahin ang lahat ng nangyari.”

Tumango si Adrian na naiintindihan ang sinabi ni Isabella.

“Hindi kita pipilitin na patawarin ako.”

“Mabuti. Dahil hindi ko kayang kalimutan ang lahat dahil lamang gusto mong magsimula ulit.”

Saglit silang natahimik.

Pagkatapos, ibinalik ni Isabella ang dokumento sa mesa.

“Kung gusto mong malaman kung sino ang gumawa nito, hanapin mo ang orihinal. Alamin mo kung sino ang naghanda at nagsumite. Huwag mong ipagpalagay na totoo ang lahat ng nakasulat dahil lamang may pirma na kahawig ng sa akin.”

“May ideya ka ba kung sino ang maaaring gumawa nito?”

Nag-atubili si Isabella.

“May isang taong posibleng may alam.”

“Sino?”

“Ang mama mo.”

Nanigas si Adrian ng marinig yon.

“Si Victoria?”

“Hindi ko sinasabing siya ang gumawa. Pero noong panahong iyon, tutol siya sa relasyon natin. May mga pagkakataong malinaw niyang ipinakita na hindi niya ako gustong maging bahagi ng pamilya ninyo.”

“Hindi gagawin ng mama ko ang ganoon.”

“Ganiyan din ang sinabi mo noon. Lagi mong ipinagtatanggol ang mama mo kahit hindi mo pa alam ang buong pangyayari.”

Napatingin si Adrian sa babae.

“Hindi mo siya kilala gaya ng pagkakakilala ko.”

“Maaaring tama ka. Pero hindi mo rin ako kilala gaya ng inaakala mo.”

Napayuko si Adrian.

Sa bawat salitang sinasabi ni Isabella, lalo niyang nakikita ang pagkakamaling ginawa niya limang taon na ang nakalipas.

“May isa pa akong itatanong,” sabi niya. “May alam ka ba tungkol sa mga pagbabagong nangyari sa medical records mo?”

Biglang natigilan si Isabella.

“Bakit mo tinatanong iyan?”

“May ilang rekord na hindi nagtutugma. Gusto kong malaman kung may nagbago sa mga dokumento noong panahong naghiwalay tayo.”

Ilang segundo siyang tinitigan ni Isabella.

Pagkatapos, marahan siyang huminga.

“Adrian, kung talagang gusto mong malaman ang katotohanan, huwag kang tumingin sa pirma lang. Hanapin mo ang orihinal na rekord at alamin mo kung sino ang may access sa mga dokumentong iyon.”

“Tutulungan mo ba akong maghanap?”

Umiling siya bilang sagot.

“Hindi ko kayang balikan ang lahat para lang tulungan kang maibsan ang konsensiya mo. Pero kung may taong gumamit sa pangalan ko at may kinalaman iyon sa mga anak ko, gusto ko ring malaman ang katotohanan.”

Tumayo si Isabella at kinuha ang folder.

“Kailangan ko nang bumalik sa trabaho.”

Hindi na siya pinigilan ni Adrian, bago lumabas, huminto si Isabella sa may pintuan.

“Adrian, may isang bagay kang dapat tandaan.”

Tumingin siya rito.

“Anuman ang matuklasan mo, huwag mong hayaang maapektuhan ang mga bata. Wala silang kasalanan sa mga nangyari sa atin.”

“Hindi ko sila hahayaang masaktan.”

“Patunayan mo iyan.”

Pagkatapos sabihin iyon, tuluyan nang lumabas si Isabella.Naiwan si Adrian sa silid, nakatingin sa dokumentong hawak niya.Ngayon, mas malinaw na sa kaniya na hindi sapat ang papel na iyon para malaman ang buong katotohanan Kailangan niyang hanapin ang orihinal na rekord.

At kailangan niyang malaman kung sino ang may kakayahang baguhin ang nakaraan nila ni Isabella.Samantala, sa mansiyon ng mga Montenegro, nakaupo si Victoria sa kaniyang silid nang makatanggap siya ng mensahe mula sa hindi kilalang numero.

“Alam na ni Adrian ang tungkol sa dokumento. Nakipagkita siya kay Isabella ngayong araw.”

Biglang nanlamig ang kaniyang mga kamay.

Mabilis siyang tumayo at isinara ang p***o. Sinubukan niyang tawagan ang numero, ngunit hindi ito sumagot.Ilang sandali pa, may dumating na panibagong mensahe.

“Kapag nahanap niya ang orihinal na medical record, malalaman niya ang lahat.” Sabi sa Mensahe.

Napahawak si Victoria sa dibdib.

“Hindi… hindi pa dapat.”

Muli niyang tiningnan ang cellphone.

May isa pang mensahe na kakapasok lang.

“May kopya pa ako ng dokumentong pinapirma mo noon.”

Parang tumigil ang mundo ni Victoria.

Hindi niya inaasahang may taong nag-iingat pa rin ng kopyang iyon. Ang mas kinatatakutan niya, hindi niya alam kung sino ang nagpapadala ng mga mensahe.Mabilis niyang binuksan ang isang lumang drawer at inilabas ang maliit na susi na matagal na niyang itinatago.Sa likod ng aparador, may nakatagong kahon ng mga lumang dokumento. Binuksan niya iyon gamit ang susi.Nandoon ang ilang papel mula sa nakaraan.Ngunit nang hanapin niya ang isang partikular na folder, wala ito sa kinalalagyan nito.Nagsimulang manginig ang kaniyang mga kamay.

“Nasaan na iyon?”

Isa-isang inilabas ni Victoria ang mga papel. Hinanap niya ang folder sa ilalim ng mga dokumento, sa loob ng kahon, at maging sa mga lumang sobre.

Wala.

Pagkatapos, napansin niya ang isang puting sobre sa pinakailalim ng kahon.

Hindi niya iyon maalalang inilagay doon.

Dahan-dahan niya itong kinuha at binuksan.

Sa loob ay may isang lumang medical record, isang kopya ng dokumentong may pirma ni Isabella, at isang maliit na papel na may nakasulat na pangalan.

DANIEL.

Namilog ang mga mata ni Victoria.

Bago pa niya maunawaan kung bakit naroon ang pangalan ng kaibigan ni Adrian, may kumatok sa p***o.

“Ma’am Victoria?” tawag ng isang kasambahay.

“May bisita po kayo.”

Mabilis na itinago ni Victoria ang mga dokumento.

“Sino?”

“Si Mr. Daniel po. Sabi niya, mahalaga raw ang kailangan niyang sabihin sa inyo.”

Parang nawalan ng hangin si Victoria.

Hindi niya alam kung paano nalaman ni Daniel ang tungkol sa mga lumang rekord. Ngunit sa unang pagkakataon, naisip niyang baka hindi na niya kayang pigilan ang pagbubunyag ng katotohanan.Muli niyang tiningnan ang papel na may pangalan ni Daniel.Sa likod nito, may isa pang pangungusap na halos hindi na mabasa dahil sa tagal ng pagkakatago.

“Kung may mangyari sa akin, ibigay ito kay Adrian.”

Nanlaki ang mga mata ni Victoria.

Dahil ang sulat-kamay sa papel ay hindi kay Isabella.

KAY DANIEL ITO NAGMULA.

At sa labas ng silid, muling kumatok ang bisita.

“Ma’am Victoria, alam kong naririyan kayo. Kailangan nating pag-usapan ang nangyari limang taon na ang nakalipas.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE TWINS HE NEVER KNEW EXISTED    CHAPTER 6:ANG PIRMA SA DOKUMENTO

    Hindi mapakali si Adrian Montenegro habang nakaupo sa loob ng kaniyang opisina. Nasa harap niya ang dokumentong ilang araw nang gumugulo sa kaniyang isip. Paulit-ulit niyang binabasa ang bawat linya, lalo na ang pirma sa ibabang bahagi.Pirma iyon na kahawig ng kay Isabella.Ngunit ayon sa dating kasintahan niya, may mga bagay na hindi niya alam tungkol sa nangyari limang taon na ang nakalipas.Napahawak si Adrian sa kaniyang sentido.Limang taon siyang naniwalang si Isabella ang may kasalanan sa pagkasira ng kanilang relasyon. Ngunit hindi niya ito pinakinggan,hindi niya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Sa halip, hinayaan niyang manaig ang galit at tuluyan niya itong itinulak palayo.Pero ngayon, may mga dokumentong hindi nagtutugma. May mga mensaheng hindi nakarating sa kani-kanilang destinasyon. At may isang rekord na nagsasabing may pahayag si Isabella tungkol sa pagbubuntis nito tatlong araw bago niya ito palayasin.Kung totoo ang dokumento, bakit hindi ito kailanman nabang

  • THE TWINS HE NEVER KNEW EXISTED    CHAPTER 5: ANG BABAENG NAGTATAGO NG KATOTOHANAN

    Hindi mapakali si Adrian habang nakatitig sa litrato ng kambal sa kaniyang cellphone.Hindi niya alam kung sino ang kumuha ng larawan, ngunit malinaw ang mensahe. May taong sumusubaybay sa mga bata at handang gamitin ang mga ito upang pigilan siya sa paghahanap ng katotohanan.Hindi na ito simpleng usapin ng nakaraan.Buhay ng mga bata ang nakataya.Agad niyang tinawagan si Daniel.“Daniel, kailangan kong malaman kung nasaan si Celeste.”“Bakit? May bago ka bang nalaman?”“May nagpadala sa akin ng litrato ng mga bata. Alam ng taong iyon kung saan sila pumapasok sa paaralan.”“Ano? Adrian, kailangan nating kumilos nang maingat. Huwag kang basta susugod kay Celeste. Kung talagang may kinalaman siya rito, posibleng may mga kasabwat siya.”“Wala akong pakialam kung ilan sila. Hindi ko hahayaang may manakit sa mga bata.”“Hindi mo pa nga alam kung anak mo talaga sila.”Natigilan si Adrian.Alam niyang tama ang sinabi ng kaibigan niya, ngunit hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon na lam

  • THE TWINS HE NEVER KNEW EXISTED    CHAPTER 4: ANG KATOTOHANANG AYAW ILIBING

    “Mom, what did you do?”Iyon ang huling tanong ni Adrian bago tuluyang maputol ang tawag mula sa kaniyang ina.Ilang segundo siyang nakatitig sa cellphone. Sinubukan niyang tawagan muli si Victoria, ngunit hindi na ito sumagot.“Damn it!”Mabilis niyang kinuha ang susi ng sasakyan at lumabas ng opisina. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kaniyang ina, pero malinaw sa kaniya ang huling sinabi nito.Alam ko ang nangyari sa mga anak mo bago pa sila isilang.Mga anak niya.Ibig sabihin, alam ng kaniyang ina ang tungkol kina Alexander at Alessandra. Ngunit bakit ngayon lamang ito nagsalita? At ano ang ibig nitong sabihin sa mga salitang iyon?Habang nagmamaneho, sunod-sunod ang mga tanong na gumugulo sa isip ni Adrian.Limang taon niyang pinaniwalaang ipinagkanulo siya ni Isabella. Limang taon niyang itinuring na isang taksil ang babaeng minsang minahal niya nang higit pa sa kaniyang sarili.Ngunit paano kung mali ang lahat?Paano kung may mga taong sadyang gumawa ng paraan para pagh

  • THE TWINS HE NEVER KNEW EXISTED    CHAPTER 3 : ANG SEKRETONG ITINAGO NG KANYANG INA

    Hindi agad nakauwi si Adrian nang araw na iyon.Nananatili siya sa loob ng kanyang sasakyan habang paulit-ulit na iniisip ang sinabi ng lalaki mula sa laboratoryo.Victoria Montenegro.Ang sarili niyang ina ang nagtatanong tungkol sa mga anak ni Isabella.Bakit?At paano nito nalaman ang tungkol sa kambal?Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang kanyang ina. Ilang ring muna bago ito sumagot."Adrian, darling. Is something wrong?""Where are you, Mom?""I'm at home. Why?""I need to talk to you.""Can it wait? I'm expecting guests for dinner.""No. I'll be there in thirty minutes."Hindi na niya hinintay ang sagot nito bago ibinaba ang tawag.Sa unang pagkakataon, may pagdududang naramdaman si Adrian sa babaeng buong buhay niyang pinagkatiwalaan.At hindi niya gusto ang pakiramdam na iyon.MONTENEGRO MANSION"Adrian? What a surprise."Nasa sala si Victoria nang dumating ang kanyang anak. Nakasuot ito ng eleganteng damit at may hawak na tasa ng tsaa."You said you needed to talk," sa

  • THE TWINS HE NEVER KNEW EXISTED    CHAPTER 2: THE CHILDREN WHO LOOK LIKE HIM

    Hindi maalis sa isip ni Adrian Alexander Montenegro ang natanggap niyang mensahe.Ilang beses na niyang tiningnan ang litrato sa kanyang cellphone. Larawan iyon nila ni Isabella limang taon na ang nakalipas, noong panahong wala pa siyang ibang gustong makasama kundi ang babaeng minahal niya nang buong puso.Ngunit hindi si Isabella ang dahilan kung bakit paulit-ulit niyang tinitingnan ang larawan.Kundi ang taong nakatayo sa likuran nila.Kahit malabo ang mukha nito, nakikilala ni Adrian ang suot nitong damit. Pamilyar din ang tindig at ang paraan ng pagkakahawak nito sa cellphone.It was someone he knew.Someone who had been close to him for years.“Damn it!”Ibinagsak niya ang cellphone sa mesa at napasandal sa kanyang upuan.Hindi siya sanay na may mga bagay na hindi niya kayang kontrolin. Bilang CEO ng Montenegro International Group, isang tawag lang niya ay kayang magpabago ng desisyon ng mga taong nakikipagnegosyo sa kanya.Pero ngayon, isang simpleng mensahe lamang ang sapat pa

  • THE TWINS HE NEVER KNEW EXISTED    CHAPTER 1: THE WOMAN HE DESTROYED

    Limang taon na ang nakalipas, pero sariwa pa rin sa alaala ni Isabella Rose Villareal ang gabing tuluyang nagbago sa buhay niya.Gabing pinili ng lalaking pinakamamahal niya na paniwalaan ang lahat, maliban sa kanya.At ngayon, limang taon matapos siyang itaboy ni Adrian Alexander Montenegro, babalik siya sa mundong minsan niyang pinangarap na maging bahagi ng buhay niya.Pero hindi na siya ang dating Isabella na handang magmakaawa para lang manatili sa piling ng isang lalaki.This time, she had something more important to protect.Her children.At hindi niya hahayaang sirain muli ni Adrian ang buhay nila.MONTENEGRO INTERNATIONAL GROUP, MAKATI CITY“Miss Villareal, Mr. Montenegro is ready to see you now.”Napatingin si Isabella sa assistant na nakatayo sa harap niya. Bahagya siyang ngumiti bago tumayo at inayos ang suot niyang cream blazer.“Thank you.”Huminga siya nang malalim bago humarap sa malaking pinto ng conference room.Hindi niya inaasahang babalik siya sa lugar na ito.Lim

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status