Home / Romance / THE TYCOON'S REBEL / The King's Gambit

Share

The King's Gambit

Author: RosenPen
last update Last Updated: 2025-09-14 22:33:02

Namayani ang katahimikan sa paligid habang hawak ni Marcus ang USB na ibinigay ni Vargas. Isinaksak niya ito sa laptop ni Sebastian.

“Are you sure about this?” tanong ni Marcus, mahigpit ang hawak sa flashlight niya.

Tumango si Sebastian, malamig ang tingin. “We do it right. We don’t leak guesses. We expose facts.”

Umupo ako sa isang kahon at dahan-dahang pinindot ang file na may label na PARIS_2019. Nag-load ang isang folder — video clips, photos, receipts, at isang spreadsheet na puno ng pangalan at halaga.

Kinabahan ako. “Saan natin sisimulan?”

“Video,” sabi ni Sebastian. “Show me the video.”

Pinindot ko ang pinakaunang clip. It was grainy — madilim, maulan, pero kita namin ang isang hotel entrance. Narinig ko ang tibok ng puso ko kasabay ng tunog ng ulan. May mga yabag ng paa, isang sigaw, isang pintuang biglang nagsarado. Isang tao ang pumasok sa frame pero hindi namin masyadong maaninag dahil malabo, lalo pa't nakaitim itong coat. Tumayo ako nang biglang lumabas ang isa pang fra
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • THE TYCOON'S REBEL   The King's Gambit

    Namayani ang katahimikan sa paligid habang hawak ni Marcus ang USB na ibinigay ni Vargas. Isinaksak niya ito sa laptop ni Sebastian.“Are you sure about this?” tanong ni Marcus, mahigpit ang hawak sa flashlight niya.Tumango si Sebastian, malamig ang tingin. “We do it right. We don’t leak guesses. We expose facts.”Umupo ako sa isang kahon at dahan-dahang pinindot ang file na may label na PARIS_2019. Nag-load ang isang folder — video clips, photos, receipts, at isang spreadsheet na puno ng pangalan at halaga.Kinabahan ako. “Saan natin sisimulan?”“Video,” sabi ni Sebastian. “Show me the video.”Pinindot ko ang pinakaunang clip. It was grainy — madilim, maulan, pero kita namin ang isang hotel entrance. Narinig ko ang tibok ng puso ko kasabay ng tunog ng ulan. May mga yabag ng paa, isang sigaw, isang pintuang biglang nagsarado. Isang tao ang pumasok sa frame pero hindi namin masyadong maaninag dahil malabo, lalo pa't nakaitim itong coat. Tumayo ako nang biglang lumabas ang isa pang fra

  • THE TYCOON'S REBEL   The Fall of Kings (Part 2)

    Bahagyang lumapit sa amin si Vargas saka itinuro ang kamay niya sa isang papel na naka-roll at mayamaya’y inihagis nito 'yon sa hangin. “Ahh... So theatrical,” aniya saka tumawa nang nakakaloko. “All this… drama. For what? For a woman? For an empire? For pride? Pathetic.”Humigpit ang hawak ni Sebastian sa baril. Ramdam ko ang init ng galit niya hanggang sa buto. “You’ll pay for every life you ruined!”“Really?” natatawa niyang aniya na para bang nanunuya. Sa isang mabilis na galaw ay naglabas siya ng maliit na aparato—parang USB—at itinapon sa sahig. “You don’t even know what you’re fighting for, Hale. The world you cling to? It’s already mine. And your Paris? A nice prelude.”Para akong nabingi. Paris. Tila ba binuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ko ang salitang 'yon. Biglang nagkaroon ng kakaibang pagkakabit ang mga piraso ng puzzle sa utak ko. Ang email, ang video, ang anonymous threats—parang may mas malaking kuwentong umiikot sa paligid nina Sebastian at Vargas.And b

  • THE TYCOON'S REBEL   The Fall of Kings

    Ang unang putok ng baril ay parang kampana ng impiyernong nagbukas ng pinto sa kaguluhan. Ang buong compound ay agad na nagising. Floodlights blazed to life. Tinamaan ang paligid ng nakakasilaw na liwanag at mula sa mataas na tore ay bumuga ng putok ang mga rifle. Sunod-sunod na halos gumuguhit na sa hangin.“Down!” sigaw ni Marcus, agad na itinulak ako sa lupa at tinakpan ng katawan niya. Ang mga tauhan naman ni Sebastian ay nagkalat, nagbigay ng suppressing fire, habang unti-unting sumusulong papalapit sa perimeter.Si Sebastian naman ay nanatiling nakatayo sa tabi ko. Ang kaniyang mga mata ay nakatuon lamang sa target at walang bahid ng pag-aalinlangan.“Sebastian! You’re still injured!” napasigaw ako, halos hindi marinig ang sarili dahil sa putukan.“I don’t care,” malamig niyang sagot, tinutok ang baril at pinutukan ang isa sa mga sniper sa tore. Tumama. Bagsak ang lalaki.Ang puso ko’y kumakabog ng sobra pero alam kong wala na kaming oras para magdalawang-isip. This was it. The

  • THE TYCOON'S REBEL   The Hunter's Snare

    Ang biyahe sa speedboat ay parang walang katapusan. Ang alon ay humahampas, ang hangin ay malamig na parang mga daliring pilit humahabol sa amin mula sa dilim. Ngunit higit sa lahat, ang katahimikan ni Sebastian ang mas nakakapangilabot.Kanina pa siya nakapikit, hawak pa rin ang kamay ko, pero ramdam kong gising siya. Hindi siya nagpapahinga. Hindi siya tumitigil. At alam kong hindi rin siya papayag na maging biktima na lamang.“Seb…” bulong ko, bahagyang humahampas ang hangin sa buhok ko. “Where are we going?”Binuksan niya ang mga mata, diretso sa akin ang tingin. Matalim, malinaw, puno ng paninindigan. “We stop running. I know where they’re based. Kung gusto nilang tapusin ito, we’ll strike first.”Nabigla ako. “Strike first? Seb, you’re still—”He shook his head. “Don’t try to stop me, Isla. Hindi nila titigilan hangga’t buhay tayo. And I won’t gamble with your life any longer. This time… they're the ones who'll become the hunted.”Nilingon niya si Marcus. “Set course for Batanga

  • THE TYCOON'S REBEL   Blood on the Water

    Akala ko, kahit papaano ay makakahinga na kami nang maluwag sa safehouse na iyon. Malayo sa lungsod, walang ingay ng trapiko, tanging hampas ng alon lang ang maririnig. Ngunit minsan, ang katahimikan mismo ang pinakamalakas na babala.Ilang oras matapos ang pag-uusap namin ni Sebastian sa veranda ay nagdesisyon kaming pumasok na. Pagod siya, at kahit pilit niyang ikinukubli ay kita ko sa bawat paggalaw niya ang bigat ng mga sugat at pagod na pasan niya.“Seb, please. Rest,” sabi ko, halos pakiusap.He smirked faintly, that familiar arrogance never leaving him. “I will. Only because you asked.”Inalalayan ko siya papunta sa kama at pinahiga siya roon. At nang akma na akong aalis ay hinakawan niya ang kamay ko. Ayaw niya itong pakawalan. Para siyang batang natatakot na kapag bumitaw siya ay mawawala ako.Madaling-araw naman nang magising ako sa malakas na hampas ng hangin. Paglingon ko ay saka ko nakitang nakaawang ang bintana kaya bumangon ako para isara ito, iniisip na baka nakaligtaa

  • THE TYCOON'S REBEL   Shadows of the Hunt

    Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Sebastian kagabi. Every word stuck with me — like a vow carved into my skin. Pero kahit anong tapang ng panata, ramdam ko pa rin ang pangamba na hindi namin matatakasan ang panganib.Dalawang araw mula nang engkuwentro ay unti-unti na siyang nakakabangon. Still pale, still weak, pero pilit na lumalaban. Ang stubborn billionaire na hindi marunong magpahinga.“Seb, please,” sabi ko habang inaayos ang kumot niya. “One more day of rest. Hindi ka pa handa para bumalik sa boardroom.”Ngumiti siya, halong lambing at yabang. “I don’t need a boardroom right now. What I need is to see you safe.”Natigilan ako. “Safe? Ano’ng ibig mong sabihin?”His jaw tightened, eyes darkening. “I got word. Someone’s moving closer. I'm not their sole target anymore. Ikaw na ang pakay nila. Gusto nilang saktan ako sa pamamagitan mo.”Parang biglang lumamig ang paligid. “Ako?” bulong ko. “Pero bakit—”“You’re the closest leverage they have against me,” sagot niya,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status