LOGIN
OLIVIA'S POV
"Miss Olivia..." "Pasensya na po." "We're here under the authority of the court." Nanlalamig ang buo kong katawan habang nakatingin sa mga lalaking unti-unting naglalagay ng pulang notice sa malaking gate ng aming mansion. PROPERTY UNDER SEIZURE Parang isang sampal ang bawat letrang nakadikit doon. "H-Hindi..." mahinang bulong ko. "This can't be happening." Kaninang umaga lang, isa pa rin kami sa pinakarespetadong pamilya sa business industry. Ngayon, sa isang iglap lang nawala na ang lahat. "Olivia!" Napalingon ako nang marinig ang umiiyak na boses ni Mama. Nakahawak siya sa braso ni Daddy na halos hindi na makatayo. Namumutla ang mukha nito habang hawak ang dibdib. "Daddy!" sigaw ko. Agad akong tumakbo palapit sa kanya. "Dad! Please... look at me!" "I'm... okay..." pilit niyang ngumiti, pero halata ang hirap niyang huminga. Hindi ko mapigilang maiyak. "What happened? Bakit biglang ganito?" Kahapon lang, okay pa ang lahat. May investors pang kausap ang daddy ko, may mga meetings pa itong in-attend-an, may expansion plans pa nga tapos ngayon, sunod-sunod ang balitang nagsi-withdraw ang investors. Na-freeze ang company accounts. May anonymous report tungkol sa illegal fund transfers at parang domino na unti-unting bumagsak ang Fajardo Investment Group. "Someone planned this..." nanginginig na sabi ni Daddy. "May gustong sumira sa atin." Kung tama ang hinala ng aking ama, sino? sino ang gustong sumira sa kumpanya? Hindi ko alam kung sino at hindi ko alam kung bakit pero kutob kong hindi aksidente ang lahat ng ito. "Dad, let's go to the hospital." Umiling siya. "Hindi. May isa pa tayong pag-asa." Tumingin siya sa akin. "The De Dios family..." Napakurap ako. "The De Dios?" "They owe us a favor." sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi dahil sa pangalan kundi dahil sa isang tao. Si Helios De Dios. Hindi ko na siya nakita pa simula noong graduation namin sa college pero hindi ko rin siya nakalimutan. Paano ko naman makakalimutan ang lalaking unang nagpabilis ng tibok ng puso ko at unang dumurog nito. Helios is cold, untouchable but brilliant. Habang lahat ng babaeng nahuhumaling sa kanya ay nakakalapit sa kanya, ako naman ay paulit-ulit niyang binabalewala. At kahit kailan, hindi niya ako tiningnan bilang higit pa sa isang kakilala. "Will he help us?" tanong ko. Tahimik na sumagot si Daddy. "He will. His father and I were once like brothers." Umaasa akong tama siya dahil kung hindi, wala na kaming matatakbuhan. — Kinabukasan, huminto ako sa harap ng Nexora Technologies, ang pinakamalaking IT company sa bansa. Ang napakataas nitong glass building ay tila sumasayad sa ulap, habang ang mga luxury cars na nakaparada sa harapan at ang mga empleyadong nakasuot ng mamahaling suit ay nagsisilbing patunay ng tagumpay ng kumpanyang ito. Kahit ang hangin ay tila may dalang awtoridad. Isang tingin pa lang, alam mo nang ang lahat ng naroon ay umiikot sa iisang tao, Helios De Dios. "Miss Fajardo? Mr. De Dios is waiting." boses ng isang lalaki. Nagpakilala itong secretary, sumunod ako sa kanya nang iginiya niya ako papasok ng gusali. Bawat hakbang ko ay parang napakabigat. Hindi na nawala ang kaba sa dibdib ko. Pagbukas ng pintuan ng executive office. Tumambad agad sa akin ang lalaking limang taon kong hindi nakita. Nakatayo siya sa harap ng salaming dingding. Nakatalikod, suot ang mamahaling itim na suit. Hands inside his pockets, parang hari ng mundong ito. Dahan-dahan siyang lumingon, tulad pa rin ng dati, napakaguwapo pa rin niya pero ang mga matang minsang lihim kong minahal, ngayon ay tila lalong lumamig na parang yelo. "Long time no see, Olivia." Napalunok ako. "H-Helios..." Hindi siya ngumiti. Hindi rin siya lumapit bagkus ay naupo lang siya sa swivel chair at pinagkrus ang mga daliri. "I heard your family is bankrupt." Diretso niyang sabi. Walang simpatya akong narinig sa tinig niya. Huminga ako nang malalim. "My father needs your help. Please... If you can lend us the money, we'll pay every centavo back." pakiusap ko, hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Matagal niya akong tinitigan. Parang may hinahanap sa mukha ko pagkatapos ay bahagya siyang ngumiti pero hindi iyon ngiti ng awa. Isa iyong ngiting kinilabutan ako. "I'll help your family." Nanlaki ang mga mata ko. "Really?" "On one condition." Napahigpit ang hawak ko sa bag. "A-Anything." Tumayo siya. Dahan-dahan ang hakbang niya palapit sa akin hanggang halos isang dipa na lang ang pagitan namin. Yumuko siya nang bahagya at malamig na bumulong.... "Marry me, Olivia."OLIVIA'S POV Araw ng kasal... "Dearly beloved, we are gathered here today..." Huminga ako nang malalim bago tuluyang bumukas ang malalaking pintuan ng St. Michael Cathedral. Napahinto ang mundo ko nang igala ko ang mga mata ko habang nakatayo sa bungad ng simbahan. Nakatingin na sa akin ang mga tao roon. Nakangiting may paghanga nang makita ako sa napaka eleganteng wedding dress ko. The church looked like something out of a dream. Thousands of white roses adorned every aisle, their sweet fragrance filling the air. Crystal chandeliers shimmered above us, reflecting the warm afternoon sunlight streaming through the stained-glass windows. White silk drapes cascaded elegantly from every pillar, while a string quartet softly played Canon in D, making the entire cathedral feel surreal. It was beautiful. No... It was breathtaking. For a moment, I forgot why I was here. Napatitig ako sa wedding gown na suot ko. It was a masterpiece. I feel like a princess stepping out of a fair
OLIVIA'S POVHindi magtatagal at magiging Mrs. Olivia De Dios na ako. Kinakabahan ako pero malaki ang bahagi ko na masaya dahil sa wakas ang lalaking matagal ko ng lihim na iniibig ay magiging asawa ko na. Bahagya akong napakislot nang bigla na lamang mag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng kama. Unknown Number iyon pero sinagot ko pa rin ang tawag."Hello?""Good morning, Miss Fajardo. This is Aaron Sison, Mr. De Dios' executive assistant." pagpapakilala ng caller. Agad akong napaupo ng tuwid. "O-Oh... good morning.""Mr. De Dios would like to see you at ten this morning.""Why?""Regarding your wedding preparations." sabi niya. Nakagat ko ang ibabang labi. Pinigilan kong ilabas ang emosyon ko. "W-Wedding?" kunwa'y sabi ko kahit expected ko na iyon. "Yes, Miss Fajardo." Sandaling natahimik si Aaron bago nagpatuloy, "The wedding will be held next week."Nanlaki ang mga mata ko."N-Next week? So sudden.""Mr. De Dios prefers not to delay unnecessary matters."Pagkababa ng tawag
OLIVIA'S POVPagkatapos kong sabihin na magpapakasal ako sa kanya. Tahimik lang na inilapit ni Helios ang marriage agreement."You can read it one last time. If there's anything you want to change, tell my lawyer."Napatingin ako sa makapal na dokumento."Wala ka bang... ibang kondisyon?" tanong ko."No." maikling sagot niya. "Wala kang ipagbabawal? Wala kang gustong baguhin sa buhay ko?" muling tanong ko. Diretso siyang tumingin sa akin."As long as you respect my privacy... I won't interfere with yours." Simple at diretsong sabi niya.Parang ganoon lang talaga kasimple ang lahat para sa kanya. Kinuha ko ang fountain pen na nasa mesa. Huminga nang malalim at pinirmahan ang pangalan ko.Olivia Fajardo.Tahimik niyang pinanood ang bawat galaw ko.Nang matapos ako, saka lang niya kinuha ang kontrata."Congratulations."Iyon lang. Wala na siyang sinabi pa pero hindi ko alam kung bakit hindi ako nasaktan. Sa halip, pakiramdam ko iyon na ang pinaka-malapit na pagpapakita ng emosyon mula
OLIVIA'S POV "Marriage?" Napatayo sa kinauupuang sofa si Mommy nang marinig ang sinabi ko. Hindi makapaniwala ang mga mata niyang nakatitig sa akin, habang si Daddy ay nanatiling tahimik sa sofa, nakayuko at magkahawak ang mga kamay. "Anak..." nanginginig ang boses ni Mommy. "Sigurado ka bang iyon ang sinabi ni Helios?" Tumango ako. "He offered to pay all our debts." Napabuntong-hininga ako bago nagpatuloy. "But in exchange. He wants me to marry him." Muling bumalot ang katahimikan sa buong sala. Hindi na ito ang marangyang tahanang kinalakihan ko. Tatlong araw pa lang ang nakakalipas, puno pa ito ng mga kasambahay, business partners, at mga bisitang halos araw-araw ay pumapasok sa aming bahay. Ngayon, kami na lang ang natitira. Unti-unti nang kinukuha ng bangko ang lahat ng pag-aari namin. Napapikit si Mama habang tahimik na umiiyak. "Hindi kita hahayaang isakripisyo ang buhay mo, Via. Hindi ba nakatakda na ang flight mo papuntang Paris para sa modeling career mo?"
OLIVIA'S POV "Marry me." Hindi ko alam kung ilang segundo akong natigilan. Akala ko mali ang narinig ko. "W-What?" Hindi man lang nagbago ang ekspresyon ni Helios. Nakaupo lamang siya sa executive chair habang tahimik akong pinagmamasdan. His sharp eyes remained unreadable, making it impossible for me to guess what was running through his mind. "You heard me." His voice was calm. Firm. Parang normal lang ang proposal na kakabitaw niya. Napalunok ako. "Hindi ko maintindihan..." mahina kong sabi. "Bakit ako?" Marami namang babae, mas maganda sa akin, mas mayaman, mas kilala sa lipunan at higit sa lahat, mas babagay sa kanya... sa tingin ko. Simula pa lang noong college, wala na akong maalalang pagkakataong naging malapit kami. Palagi siyang malamig at seryoso. Kung magtagpo man ang mga mata namin, isang saglit lang. Kaya bakit ako? Hindi siya agad sumagot. Sa halip ay tumayo siya at naglakad papunta sa glass window. Mula roon ay tanaw ang buong lungsod, tila ba n
OLIVIA'S POV "Miss Olivia..." "Pasensya na po." "We're here under the authority of the court." Nanlalamig ang buo kong katawan habang nakatingin sa mga lalaking unti-unting naglalagay ng pulang notice sa malaking gate ng aming mansion. PROPERTY UNDER SEIZURE Parang isang sampal ang bawat letrang nakadikit doon. "H-Hindi..." mahinang bulong ko. "This can't be happening." Kaninang umaga lang, isa pa rin kami sa pinakarespetadong pamilya sa business industry. Ngayon, sa isang iglap lang nawala na ang lahat. "Olivia!" Napalingon ako nang marinig ang umiiyak na boses ni Mama. Nakahawak siya sa braso ni Daddy na halos hindi na makatayo. Namumutla ang mukha nito habang hawak ang dibdib. "Daddy!" sigaw ko. Agad akong tumakbo palapit sa kanya. "Dad! Please... look at me!" "I'm... okay..." pilit niyang ngumiti, pero halata ang hirap niyang huminga. Hindi ko mapigilang maiyak. "What happened? Bakit biglang ganito?" Kahapon lang, okay pa ang lahat. May investo







