Share

Chapter 11

Nung gabing 'yon mismo ay hindi talaga ako nakatulog.Umabot na 'ko ng madaling araw kaiisip ng dapat kong gawin.

Malapit na ang buwan na ibinigay niyang palugit sa 'kin at alam kong kahit anong gawin kong pagt-trabaho ay hindi ako makakalikom ng gano'n kalaking halaga sa loob lang ng mabilis na panahon.

Nahihiya na 'kong manghiram ng pera kay Cross.Napilitan na naman akong mag-advance at mangutang sa kanya nung nakaraang sabado dahil mahal ang maintenance ni Papa.

Wala na 'kong mukhang maihaharap dahil malaki-laki na ring pera ang hindi ko nababayaran sa kanya.Ayoko namang mangutang at ipambayad sa utang ko rin mismo.Edi parang wala rin dahil nangutang na naman ako.

Pero hindi naman ako nangangamba kay Cross dahil mabait namang kaibigan 'yon at alam kong naiintindihan niya naman ang sitwasyon ko ngayon.

Mas lalong hindi ko gugustuhing mangutang ng pera kay Ramier dahil hindi pa nga maayos ang relasyon ko sa kanya ta's bigla na lang akong hihingi ng mahigit isang milyon. 'Tsaka alam ko
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status