Share

THE  UNEXPECTED BILLIONAIRES SON
THE UNEXPECTED BILLIONAIRES SON
Author: MHAYIE

****Teaser*****

PROLOGUE

"No Dad!!! "galit na sigaw niya.

"SORRY Rom ! your like it or Not ! kailangan mong pakasalan ang bunsong Anak ng mga Gonzales"

"Dad bakit?" malungkot na tanong.

"Alam mong hindi natin pedeng suwayin ang tradisyon ng ating pamilya" paliwanag nito..

"Lintik na tradisyon yan Dad ! kaya ba hinayaan mo ako sa lahat ng gusto ko? kaya ba lahat ng luho ko binibigay mo?Ngayon sinisingil mo na ako? yan ba kapalit ng luho ang pagpapakasal sa taong di ko naman kilala?" galit na turan sa ama.naikinatanggap niya ng malakas na sampal sa kanyang kaliwang pisnge., halos sumikip ang dibdib niya sa ginawa ng ama,ngayon lang siya napagbuhatan ng ama sa tanang buhay niya..

Ng mahimas masan ang ama ay humingi ito ng tawad sa anak dahil sa napagbuhatan niya ito ng kamay,akmang lalapitan siya nito ngtumakbo siya palabas ng silid ng ama.

hilam ang mga mata niya na nagtungo sa kanyang silid at doon ibinuhos ang lahat ng hinanakit sa ama..

maya maya ay kumatok ang ina niya..

"princess pede ba pumasok si mommy?" malambing na tanong nito.

pinagbukasan niya ang ina at niyakap niya ito ng mahigpit habang tuloy ang buhos ng mga luha sa mata..

"Sorry my princess wala magawa si mommy " paumanhin nito habang inaalo siya ng ina.

" Mommy ayoko magpakasal madami pa ako gusto gawin sa buhay ko" pagsusumamo sa ina.

" anak kaya mo parin naman gawin lahat ng gusto mo kahit kasal kana yung ngalang may limitasyon na"

"Mi pano ako magpapakasal sa taong di ko naman mahal!.."

"anak matututunan mo rin siyang mahalin mabait na bata si Elser tignan mo kame ng Daddy mo diba sa arrange mariage din kame nagsims , ganyan ang reaction ko nung mga bata pa kame pero kita mo naman ngayon ang pagmamahalan namin ng daddy mo? hindi din namin mahal ang isat isa pero tignan mo kung gano patay na patay sa ganda ko ang ama mo ngayon" payo ng ina na sa huli ay may pagbibiro para pagaanin ang loob niya ..

Nagpaalam na ang magulang niya para hayaan siya makapag isip at makapagpahinga na ..

sa sobrang bigat na ng mga mata niya ay nakatulog na siya ng di niya namamalayan...

Kinabukasan ay maaga siyang gumising at naligo,nakasuot siya ng black spaghetti sando at tattered balck pants na pinatneran ng black leather jacket at nagsuot narin siya ng black steleto...nilugay niya ang buhok na hanggang balikat ang haba at naglagay ng light make up at red lipstick...ng matapos ay kinuha na niya ang sling bag at susi ng sasakyan niya...

Dare daretso lang siya sa paglakad hanggang papunta parking lot ng sasakyan nila, hindi na niya nagawang silipin ang ina dahil alam niyang kasama nito ang ama niya .ayaw na niya muna makita ito dahil masama parin ang loob niya ng pagbuhatan siya ng kamay nito..

Nang makasakay sa naturang sasakyan niya ay mabilis niya binuhay ang makina ng sasakyan at pinaandar ngunit ng may sa gate na siya ay hinarang siya ng isa sa mga tauhan ng daddy niya ..

"Princess sorry po pero di po kayo pinapayagan lumabas ng Ama mo!"

"bubuksan mo ang gate o babanggain ko yan?"galit na turan niya.

"pero princess mayayari ako sa ama mo" pakiusap nito..

"Jack anong problema? "tanong ng isang tauhan nila.

"Tatay George ayaw niyang ako palabasin " sumbong sa may edad na tauhan ng ama niya.

"Mang george kabilin bilinan po ni Sir na huwag palabasin si Princess sumusunod lang ako sa nakakataas " paliwanag ni Jack.

"ok Jack ako na bahala diyan kay princess ! "

mabilis na tumalima ang tauhang si Jack.

Si Tatay george isa sa may mataas na tungkulin sa kanila,eto narin ang nakalakihan niyang tawaging tatay bata palang siya ay nagkilinggod na sa kanila si Mang George, hindi narin iba ang turing nila dito kundi isang pamilya..

"Princess mabuting sumunod ka nalang sa Ama mo para di na kayo Nag aaway !" pakiusap nito.

"Pati ba naman ikaw Tay? ayoko magpakasal sa taong di ko naman mahal " malungkot na tugon niya.

"Hindi ka naman basta basta ipakakasal ng ama mo kung di siya nararapat sayo,kaya may dahilan siguro ang ama mo bakit yun ang gusto niyang mapangasawa mo!".

"Tay tulungan mo naman ako makaalis dito,gusto ko lang naman mkapag isip isip ,pangako babalik ako bago ang itinakda ng Kasal ko..sa ngayon gusto ko muna enjoyin ang buhay ko na Malaya pa." malungkot na pakiusap niya.

Nahabag naman ang matanda ng makita siya nitong nahihirapan ...nagulat siya ng pag buksan siya nito ng Gate..

"Princess basta ipangako mo na babalik ka bago ang iyong kasal!.. " pakiusap niyo.

"Yes Tay ! alam ko naman na wala na akong magagawa pa kung eto talaga tadhana ko tatanggap8n ko nalang kahit mabigat sa loob ko."

"bilisan mona princess baka maabutan kapa ng ibang tauhan ng ama mo,Mag ingat ka princess " bilin nito.

"Salamat Tay" paalam nito at ngumiti ng tipid.

Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan niya, isa lang ang naiisip niya puntahan kundi ang pilipinas , Doon niya gustong mamalagi muna habang unti unti tanggapin ang kapalaran niya..

Sa Tulong ng mga Kaibigan ,Madali lang lusutan ang mga tauhan ng ama at mabilis na nakatungtong sa pilipinas ng walang nakakakilala sa kanya..

buti nalang may mga kaibigan siya madaling lapitan,

iniwan niya lahat ng gamit niya para di ito sa dummy account na pinagawa niya....

Madalas yun ang ginagamit niya sa tuwing aalis siya ng bahay para hindi nattrace ng ama niya kung san siya nagpupumunta...

Nakituloy muna siya sa isa sa mga Condo ng kaibigan , dahil di muna siya pedeng macheck in at baka matunton siya, magaling ang ama niya kaya nito ipahalughog ang buong pilipinas basta makita lang siya ganun ka implewensyang tao ang ama niya, na pinagmanahan niya sa ama hindi siya basta bastang babae lang ......

Sisimulan niya ang bagong buhay sa paghahanap ng trabaho,nagbago narin siya ng ibang pagkakakilanlan para makapagtago ng mabuti , kahit ganun kampante parin siya dahil alam niyang nakaantabay lang ang mga kaibigan sa paligid niya..nalihim niyang ikina salamat..

Nabuburyo na siya sa condo ng kaibigan kaya napag isipan niyang mamasyal nalang,hiniram niya ang Big motor bike na pagmamay ari ng kaibigan,halos lahat silang magkakaibigan ay marunong pagpaandar ng ibat ibang sasakyan mapalupa,dagat o himpapawid pa yan, ...

Sumakay siya sa Big motor Bike at sinoot ang helmet na nakita niya sa condo ng kaibigan, kung sisipatin ang kanya itsura ay isa isang astig na babae...sa porma at ganda ng dala niya lahat ay mapapahanga sa kanya. ..

Mabilis na sumampa sa Big motor bike at pinaharurot ang sasakyan, para siyang nakikipag karera sa mga sasakyan sa bilis niya magpaandar...

Narating niya ang parking lot ng naturang mall ,lahat ng tao sa mall mapababae o lalaki man ay napapalingon sa kanya, habang siya ay naglalakad...

Naisipan niyang pumasok sa isang store ng mga damit para bumili ng gagamitin niya dahil wala siyang nadala na gamit ni isa,hindi siya pumasok sa mga kilalang brand dahil alam niyang uusisain ang mga bumili sa naturang shop kaya sa mga di sikat na shop siya nagtungo...

Madami pa siyang dapat bilhin pero kailangan niya na umuwi dahil ,kailangan niya simulan gumawa ng resume para sa pag aapply niya ng trabaho, hindi siya pede basta basta nalang manguha o gumawa ng ibang identity kaya kailangan niya pag aralan mabuti ang lahat ng ilalagay niya

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status