Share

TUBS 3

Romary Cathalea Pov:

Hindi ko ugali ang pakinggan ang sinasabi ng ibang tao sakin, lalo na kung pang iinsulto lamang .

madalas kong gawin ay pasok sa kanang tenga labas sa kaliwang tenga ,hindi ko ugali damdamin yun dahil kilala ko ang sarili ko pero bakit ngayon ? bakit nasasaktan,??.

"S**t Stop Crying Rom! hindi ikaw to diba hindi ka naman nasasaktan? i know you Rom so stop Crying ! kilala mo sarili mo ! huwag ka magpaapekto sa Manok nayon!! " kastigo ko sa aking sarili.

Tuloy tuloy lang si Rom  sa paglalakad at nakatuon ang kanyang isipan sa mga sinabi ni Jiro kaya hindi niya napansin ang taong malalagpasan .

Pahakbang na siya ng may mabilis na humablot sa kanya at niyakap siya,nung una hindi siya nakahuma dahil sa pagkabigla  sa taong humatak at yumakap sa kanya .

"iiyak mo lang yan!" sabi nito ng maramdaman ng taong yumakap sa kanya na tangkain niyang itulak ito.

"C-Chase? " garalgal na tawag niya sa taong yumakap sa kanya ng tingalain niya ito.

"Ssshh iiyak mo lang yan !nandito lang ako Para damayan ka!"

Hindi na siya umimik pa at umiyak nalang sa mga bisig ng binata,inalabas niya ang lahat ng luhang gustong kumawala sa kanya mga mata.

Dahil sa ginawa ng binata kahit papano ay nabawasan ang bigat sa puso na nararamdaman niya.

Nang medyo nahimasmasan na si Rom  sa kanyang pag iyak,  siya na ang kusang kumawala sa pagkayakap sa binata,nagpasalamat siya at magpapaalam na aalis na para magtungo sa kubong tutuluyan niya .

Nagpresinta si Chase na ihatid siya sa kanya tutuluyan ,hindi na siya nakatanggi sa binata magaan talaga loob niya sa binata , parang matagal na niya ito kilala ngunit di niya lang matandaan.

"C-chase?" Pag agaw pansin niya sa binata habang sabay na naglalakad.

Napahinto ang binata at Tumingin lang  sa kanya na para bang hinihintay kung ano ba ang sasabihin niya rito ,medyo nailang siya sa pamamaraan ng pagtingin nito sa kanya,kaya nag dalawang isip siya kung sasabihin niya ba?.

"What Em?may sasabihin kaba?" Sabi nito ,napahinga siya ng malalim at bago nagtanong.

"M-May nagawa ba ako mali sa kanya dati? Para tratuhin niya ako ng ganto? "Umiwas ito ng tingin sa kanya at nagsimula na ito maglakad.

"Hmmp,ganon lang talaga yun si Jiro mainitin ang ulo!" Paliwanag nito .

"Pero hindi yun ang nakikita ko sa mga mata niya tuwing magkakaharap kame parang  may nagawa ako sa kanya na kinakagalit niya ?" Hindi siya kuntento sa sagot ng binata sa kanya.

"Nandito na tayo pasok kana!" Imbis sagutin ng binata ang tanong niya ay iba ang sinabi nito ,hindi na siya nag usisa pa iniisip niya na baka ganun lang nga talaga iyon  sa lahat ng baguhan.

"S-salamat Chase!"

"Pano una na ako , !?"  Paalam nito sabay talikod .

"O-ok ingat.salamat uli.!"

Pinagmasdan niya lang ito sa paglalakad habang papalayo sa kanya ng hindi na niya ito matanaw ay naisipan niyang isarado na ang pinto.

Nilibot niya ang paningin sa loob ng kanyang kubo,maayos naman at malinis ang hindi niya lang maintindihan bakit ganun nalang ang pakikitungo ng binata sa kanya?

Aminado siya na isa siya spoiled brat pero wala siyang matandaan na may naaapakan siyang tao? Kahit sa mga manliligaw niya kinakausap niya ito in a good way para di na umaasa,Yung ang iniiwasan niya talaga ang may magalit sa kanya ! .

Humugot siya ng malalim na buntong hininga at napagpasyahang magtungo sa banyo para makapaghalf bath man lang at mabawasan ang sama ng loob niya.

...........

Katatapos niya lang magtungo sa banyo ,

may maliit na kusina at banyo ang tinitiran niya ngayon ,maganda din kahit kubo lang ,hindi naman siya pihikan mas ok pa nga sa kanya yung simple lang .

Pahiga na siya ng may kumatok sa kanyang pinto, hindi na siya nag abala na magtanong kung sino dahil nasa isip niya baka si Chase lang ito ?baka may kailangan kaya dali dali niya binuksan ang pinto.

"Chase bakit B-----J-jiro?" Di makapaniwala sabi niya. Nagtama ang mata nila at napansin niya ang tingin nito na para bang sinusuri ang -----!

"HOLY S**T " bulalas niya ng mapagtanto na nakaexpose pala ang dibdib niya at mga hita sa paningin ng binata,nalimutan niya isuot ang balabal niya nakaspaghetti strap terno lang siya na ang short ay napaka iksi..

Akmang sasarado niya ang pinto ng mabilis na hinarang ni Jiro ang mga braso ,

At mabilis na pumasok sa loob .

"A-ano g-inagawa mo rito? L-labas!!!" Pagtataboy niya sa binata pero wala ata balak na lumabas ito ,nakita niya ang bagdilim ng mata nito ,kaya napaatras siya ng pinindot nito ang lock ng seradura at tumingin sa kanya na seryoso at dahan dahan papalapit sa kanya.

"H-huwag kang L-lalapit sisigaw talaga ako dito!" Banta niya pero talagang walang pake ang binata at tuloy sa paghakbang palapit sa kanya,napasinghap siya ng mabilis na hinapit siya nito palapit sa kanya.

Natulos siya sa kinatatayuan sa hindi inaasahan gawin ng binata kakaibang pakiramdam ang naidudulot nito ng maglapit ang kanilang mga katawan , hindi niya mawari kung anong klaseng pakiramdam ang dumaladaloy sa kanya.

"F*** Em sasusunod huwag kang lalabas na ganto ang suot! Pano nalang kung hindi ako ang kumatok? " nanayo ang mga balahibo niya ng maramdaman ang mainit na hininga nito sa kanyang tenga.

"A-ano kasi kala ko si C-chase!" Nauutal na sabi niya.

"Chase? Talagang ibabalandra mo yang katawan mo kay Chase? " nahihimigan niya ang pagkayamot sa binata pero di niya inintindi dahil nakafocus siya sa sistemang nararamdaman niya at pati ang puso niyang nagririgadon ...

"H-Hhindi ah! Mali ka ng iniisip! T-teka bakit kaba nandito?" Utal utal na tanong niya.

Naramdaman niya ang pagluwag ng hawak nito nakahinga lang siya ng pakawalan siya nito.

"S-sorry sa mga nasabi ko kanina!"

"O-OK lang yun kasalanan korin naman! Yun lang ba? Pede kana lumabas at baka ano pa isip ng iba pag may nakakita sayo rito !"

"Pinagtatabuyan mo ba ako?" Nagsisimula na naman magbago ang awra ng binata.

"H-hindi sabi ko nga bahala ka sa buhay mo!"  Kastigo ko sa aking sarili.

"What did you say?"

"Ah Nothing!!.  kala ko nagpunta ka rito para humingi ng sorry pero mukhang para dagdagan yung mga sinabi mo kanina!" Pag amin niya sabay kagat sa ibabang labi niya.

"P-please Em stop !" Parang nahihirapan na saway nito sa kanya.

Nag salubong ang Kilay niya sa pag saway ng binata sa kanya.

"Huh?" Takang tanong niya kung ano ba pinagsasabi nito.

"Hindi ka pa ba matutulog?"

"Eh pano ako matutulog kung nariyan kapa ? Bakit makikitulog kaba at ayaw mo pa umalis?" Nakita niya ang pagngisi nito,mukha mali ata pagbibiro niya sa binata.

"Pwede naman mukhang gusto mo na tabihan kita?!" Mahangin na sabi nito

"Y**k ! no way shuuu ! Get out  pervert !! Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi mo!" Pagtataboy niya rito, at tinulak papalabas.

Matagumpay naman niya na naitaboy papalabas ang binata ,napasandal siya sa may pintuan at napahawak sa kanyang dibdib.

"Gosh !bakit biglang uminit!!!" Pagkausap niya sa sarili at nagpaypay pa ng sarili gamit ang kamay.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jaynet Mateo
next tubs plss
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status