Share

TUBS 4

Romary Cathalea Nepunan Pov;

"Oh ija ang aga mo ? " si Manang Andeng sa kanya.

"Hindi po Kasi ako Masyado nakatulog ,Kaya po naisipan ko po maaga pumarito!"

"Inay kakain na po---ay Ang ganda sino po siya Inay?!"  Napatingin siya sa babaeng nagtanong..

"Doray si Em-Em Bagong trabahador dito!. " si Manang Andeng.

"Hii !! Em Doray nga pala!" sabay lahad ng kamay na tinanggap niya agad.

"Hello ! " Nakangiting sabi niya kay Doray.

"Sumabay kana samin sa Pagkain Em!" pag alok ni Manang Andeng .

"S-salamat po !"

Hindi na siya Tumanggi kay Manang Andeng Bilang pagrespeto ,Mabilis niya rin nakagaanan ng Loob ang anak ni Manang Andeng at Manong Greg na si Doray sadyang mababait at Masayahin ang pamilya nila Doray .

Maganda si Doray Maputi at matangkad ,chinita girl kung tutuusin bilugin ang mukha na bagay na bagay sa mapupulang labi at pilantik na mga pilikmata nito ,kung tutuusin wala nakuha sa mag asawa kung tititigan mo maigi at susuriin parang iba ang kinagalingan nito.

Habang nasa hapag kainan sila kanina nakikita niya ang saya at pagmamahal ng bawat isa kahit sa ganitong simpleng kubo lang sila nakatira at simpleng pamumuhay hindi alintana ang kahirapan.

Nakaramdam siya ng lungkot at konting inggit kay Doray ,Kung tutuusin nasa kanya na ang Lahat kayamanan ,kagandahan,Magandang bahay at iba pa ,pero kung siya ang tatanungin hindi niya kailangan ang marangyang buhay gusto niya ang Simple lang yung sama-sama sila kumakain at  may oras sa pamilya.

Napabalik lang siya sa kanyang ulirat ng Magsalita si Doray.

"Em ok ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nito.

"S-sorry  may naalala lang ako!"

"Jowa?" pag uusisa nito.

"Naku ! H-Hindi ah!!" giit ko.

"Asus Todo Tanggi pa!!"

" Hindi nga kasi, W-wala naman kasi ako Jowa!" pag amin ko.

"Kung Ganon Sino ang iniisip mo?" pangungulit nito.

"Fa--Chase?" bulalas ko ng makita ko kung sino ang sa likuran ni Doray.

"C-chase??? !!!" bulalas nito ,hindi nakaiwas saking mga mata ang nakita kong parang may lungkot na lumantay sa mga mata ni Doray.

"D-doray??" Nag-aalang bulalas ko.

"Si Sir C-chase ang iniisip mo? kayo naba?"  nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Doray.

" No !! Doray mali ka ng iniisip !!"paliwanag ko .

"Asus todo T-tanggi pa bagay naman kayo!" sabi nito at ngumiti .

Ngunit ang ngiting nakikita niya ay pilit,nakangiti nga ito pero kita sa mga mata ang lungkot yan ang isa sa kakayahan ni Rom,kaya niya bumasa ng damdamin lalo na kung nasasaktan o nalulungkot ito sa pamamagitan ng pagtingin lang sa mga mata..

Naniniwala kasi siya na hindi mo makikita ang saya ng isang tao sa mga ngiti lamang sa labi ,kung hindi sa mga mata ,lahat kaya dayain ang sakit na nararamdaman .

Pagnasasaktan o Nalulungkot ka pwede mong dayain sa mga ngiti pero hindi kailan man maipagkakaila ng iyobg mga mata na nasasaktan ka.

"Bagay Nino? " Natigilan si Doray sa Pagsasalita ng marinig nito ang baritonong boses ng lalaking nasa likuran nito.

Dahan-Dahan napalingon si Doray sa lalaking nagsalita.

"C-chase? i-ikaw P-pala?" Nauutal na sabi nito.

"Sino sinasabi mong bagay? kanino?!" tanong ni Chase kay Doray na imbis sagutin ang dalaga

"A-ano si---"

"Kelan kapa Dumating Doray?" pagputol ni Chase sa sasabihin ni Doray.

Medyo nailang siya sa Dalawa ,parang may nafefeel siyang iba sa dalawa ,kaya minabuti na lang niyang umalis para di makaistorbo sa pag uusap ng dalawa.

Hindi na niya napansin ang binatang kasama ni Chase ,naglakad-lakad muna siya tutal tapos na sila magluto ng kakainin ng mga kasama nila.

"Selosang Girlfriend Lang ang Peg?" Untag ng lalaki sa likuran niya.

"Shutang Gala!" bulalas niya sabay hawak sa dibdib.

"tssk! you Like Him huh?"

"Wow? Kabute na nga chismoso pa! #Memosangkabute !!" pa-irap na sabi .

"Hindi ako kabute Miss Tan at lalo Hindi ako chismoso! masyado kalang halata !" seryosong sabi nito.

"Wow Judgemental lang ang peg ?Teka nga bakit kaba narito?sinsundan mo ba ako?!"

"Para kang selosang GF lang ?,bakit ka umalis  ni hindi mo nga ako napansin!"

"Kapansin-Pansin kaba?"

"Talaga? sa gwapo kong ito di mo napapansin?" proud na sabi nito.

Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa sinsabi ni Jiro.

"Nevermind san ka pupunta?"

"Kahit saan basta malayo sayo! kaya shuu umalis ka nga dian at huwag mo nga ako sundan!"  pagtataray ko.

Napasinghap ako ng hawakan nito ang palapulsuan ko at Sa halip na huminto ay Hinatak ako nito hindi na ako nakapagprotesta sa gulat ,prang gusto tumutol ng utak ko .

Pero ng mahawakan ako nito parang may kung ano bultahe ng kuryente ang dumadaloy sa aking katawan at parang may kusang pag iisip ang buong katawan ko na kusang nagpaubaya nalang na sa lalaking inaiinisan ko.

"T-teka san moba ako dadalhin? "medyo kinakabahan na ako dahil medyo mapuno at madamo na sa lugar na ito at masyado na masukal ang lugar malayo narin sa mga kasamahan nila.

hindi siya sinagot ng binata ,kung kaya  nakakaramdam na siya ng kaba sa kanyang dibdib na biglang mas lalo pa nito hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang pala pulsuan,kung ano ano na ang tuqatakbo sa kanyang isipan na maaring gawin sa kanya ng binata.

huminto ito sa paglalakad kaya napahinto rin siya ,lumuwag ang pagkakakapit nito sa kanya ,mayamaya ay binitawan narin siya nito kaya doon lang siya nakahinga kahit papaano , na hindi parin ito lumilingon sa kanya .

"J-jiro anong g-ginagawa natin rito.?a-ano binabalak mo gawin ?" di na nakaitis na bulalas niya.

lumingon ito na hindi parin umiimik at seryoso siya tinignan ,nanlaki ang mata niya ng makita ang  bangin sa likuran ng binata,sa sobrang kaba hindi niya alam ang gagawin ,kahit tumakbo siya mahuhuli parin siya nito.

marami ang tumatakbo sa isip niya kaya natulos siya sa kinatatayuan pumikit nalang siya at handa na sa gagawing paghulog sa kanya ng binata sa nakikita niya mukhang balak nito itulak siya sa bangin.

"Anong ginagawa mo? "  napadilat siya ng magsalita ito.

"Pumikit handa na sa pagkahulog!" prangka niya rito.

"Serously?Ganon ba ako kasama sa Tingin mo?" Bumuntong hininga ito at nagsalita uli .

"Kung papatayin kita hindi na ako mag aaksaya na dalhin kapa rito at isa pa hindi ako ganun kasamang tao ! maybe kung gaguhin ako patalikod.!"

"Aba ! Malay koba kaya dinala mo ako rito para itulak ng sa ganun pwede mo sabihin nagsuicide ako o-or pwede mo sabihin na nawawala ako t-tapos matatagpuan ang bangkay ko sa baba ! Gosh huwag naman sana!!!"

"Hindi lang din pala matapang judgemental kapa!" bulalas nito.

"May sinasabi ka?"  sabi ko.

"Masakit kana nga sa Tenga judgemental kapa  pasalamat  ka Maganda ka !" prangkahang sabi nito.

Hindi ako nakaimik dahil sa kahihiyan kaya napayuko nalang ako.

"Pano mo makikita ang ganda ng lugar na ito kung hindi ka nakapikit nakayuko ka naman!" sabi nito habang nakatingin sa kawalan kung kaya nag angat ako ng tingin at tinignan siya.

"Alam kong gwapo ako! kaya huwag moko titigan ng ganyan baka matunaw ako!" Pahabol pa nito.

"Yabang naman !"  bulong ko at mabilis na umiwas ng tingin.

Namangha ako sa ganda ng lugar na ito,ang tahimik at masyado nakakagaan ng pakiramdam.

kung titignan mo sa malayuan parang bangin pero kung lalapit ka makikita mo ang ganda  nito.

Sa baba kasi nito ay mga naggagandahang bulaklak

parang sinadyang hinukay ang burol kung kaya aakalain mong bangin sa malayuan, may mga puno rin ito na hitik sa bunga ng mangga,para kang nasa paraiso.

"Dito ako nagpupunta mag isa pagkelangan ko ng peace of mind,sa nakikita ko sayo mukhang kelangan mo ,!"  sabi nito.

"S-Salamat!"

Hinintay nila ang paglubog ng araw, kita mo rin kasi ang paglubog ng araw sa lugar na iyon.

Napalitan ng saya ang pangungulila na nararamdaman niya kanina,hindi naman niya ginusto lumisan sa kanilang bahay sadyang hindi niya lang maatim ang rebelasyon ng kanyang ama.

Sa Sobrang laki ng Respeto at pagmamahal sa kanyang Ama kaya lalo siya nasaktan sa isinuwalat nito  ang kinatatampo niya lang na hindi man lang inaalam ang mararamdaman niya o itinanong man lang  kung gusto niya ba makasal sa taong hindi niya kilala lalo ang Taong hindi niya naman mahal.

"Do you Like my Place?" pag agaw pansin nito.

Napatingin siya sa binata na kanina pa pala siya pinagmamasdan nag-tama ang kanilang mata ,bahagyang ngumiti siya at Tumango bilang tugon.

"Pwede ka pumunta kung gugustuhin mo !"

"S-salamat Jiro " nakangiting sabi ko.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
💛Go£dyM.38💛
ayiiee may meeting place na sila dalawa
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status