Share

TUBS 1

*Romary POV:

****ALARM CLOCK****

"Shit!!!" mura ko ng tumunog ang alarm clock ko, dali-dali akong bumangon at nagtungo sa banyo.

ayoko malate dahil unang araw ng trabaho ko..

yup !!! Trabaho .mabilis ako natanggap sa isang kumpanya na inapplyan ko nagkataon lang siguro na kailangan na kailangan nila ng bagong secretary.

sino ba ang hindi matataranta ibang-iba ito sa kinagisnan kong buhay.

"hindi sa nagrereklamo pero parang ganun narin! tsk.!kung hindi lang sa pesteng Bunsong anak ng Gonzales na yan hindi sana ganto buhay ko,

pero dahil sa ayaw ko maikasal kaya no choice ang beauty ko." kastigo ko habang sinisipat ang sarili.

.....

matapos masipat ang sarili ,mabilis kong tinungo ang sakayan papuntang kumpanyang papasukan ko.

.

Hindi rin naman nagtagal ay nakasakay agad ako at mabilis na nakarating sa kumpanyang papasukan ko...

.

"Oh miss Tan buti umabot ka? ilang minuto nalang at time na alam mo bang strikto ang boss natin sekretarya ka pa naman . kaya siguraduhin mong hindi ka malalate kahit wala ang boss natin nakamonitor buong sulok ng lugar nato.!" paalala ni Mrs.Miel habang nasa elevator kame.

"Sorry po Mrs.Miel hindi na mauulit!"

si Mrs. Miel ay isang H.R ng kumpanya, kaya kilala kona ang ginang medyo may kaedadan na kaya naiintindihan ko kung bakit medyo may pagkastrikta, siya rin ang nag interview sakin nung nakaraang linggo.

"ok next time sikapin mong mas maaga !"

"ok po ,mauna na po ako !" saktong bukas ng elevator. kaya namaalam na ako.

dali dali akong nagtungo sa pwesto buti nalang at wala pa ang magiging boss ko.

kung nagkataon na nahuli ako sa pagpasok di ko alam san ako pupulutin nito.

inabala ko nalang ang sarili sa pag aayos ng gamit ko .

"Hi ! ikaw ba yung bagong sekretarya?"

mabilis ako tumayo sa pagkakaupo ko ng marinig ko ang nagsalita at nagbigay galang

"good morning Sir.! o-Opo Sir!" magalang at nauutal na sabi ko.sino ba naman ang di mauutal kung ganto kagwapo mala adonis ang kaharap ko.

sa tingin ko ito na ata yung sinasabi nilang nakakatakot na boss ko ?.

pero parang hindi naman sa nakikita ko mukha itong masarap este mabait...

"huwag mona ako tawagin Sir ! Ms---?"

"Em nalang po S-sir! .pero bilang panggalang narin po kasi po kayo po ang boss ko!" magalang na paliwanag ko. pero ngumiti lang ito.

"hehehe Ms.Hindi ako ang boss mo dito.actually pareho lang tayo nagtatrabaho dito!" paliwanag nito.

"ampf..akala kopo kasi ikaw na yung boss ko sa pananamit at itsura mopo kasi hindi kayo pang staff lang Sir.!" paliwanag ko .

"Ganun ba? sabagay di ko talaga kayo masisi kung mas gwapo ako sa boss natin.!" biro nito sabay tawa.

"ok po ano po sadya nila?" magalang na tanong ko

"ay oo nga pala ikaw talaga sadya ko dito ! sabi ni Jz este boss na ayusin mo ang gamit mo at sa iba ka ilalagay ni boss!"

"P-po?"

"Ms.Em ,Cute ka kaso bingi lang ! ,sabi ko pinauutos ni boss na sabihin sa bagong sekretary niya na pakihanda ang mga gamit mo at sa probinsya ka ilalagay ni boss!"

"Pero kakaumpisa ko palang po dito?" pagtataka ko.

"Huwag kana kumontra sumunod ka nalang sayang yung Ganda mo kung matatanggal ka kaagad dito!" pambobola nito.hindi ko alam kung kikiligin ba ako o maiinis sa pagiging pranka nito.

"o-ok po k-kelan po ba ? "

"Bukas na bukas or pede din mamaya na!"

"W-whaaat? are you Crazy? este as in ngayon na bukas na po? "

"Gwapo lang ako Ms.Cute pero di pa maluwag turnilyo ng utak ko! yes yes yow tommor / bukas yan gets mona?" biro nito na para wala lang ang mga pinagsasabi.

.

hindi na ako nakahuma sa sinasabi niyo at hindi narin hinintay pa ang sasabihin ko ..

"ok Bye Ms.Cute see you in 6:ooam " paalam nito habang paalis.

"Napaka aga naman Mr----??" habol ko.

"Chase! just call me gwapo or Chase ikaw na bahala Ms.Cute !" masayang pagpapakilala nito habang naglalakad paalis.

.

hindi kona nagawang magprotesta dahil hindi naman siya ang boss ko at isa pa napag utusan lang siya.

.

"tssk bweset naman na boss namin , akala ko pa naman dito sa JZG COMPANY ako magtatrabaho mina-malas ka nga naman!! aarrghh." -kastigo ko sa aking sarili.at patabog na umupo.

.

.

**************

Tamad na Tamad akong nag aabang sa service na gagamitin nanin papuntang probinsya.

"siguro matanda na yung boss namin kaya ganun ang utak ! " pagkausap ko sa aking sarili ng biglang may bumisina at huminto na van sa harap ko.

balak ko sana sitahin dahil sa gulat ko ngunit nakita ko ang sakay ng puting van ng buksan nito ang sliding door.

.

"Hi Ms.Cute! pasok na ng di tayo abutan ng traffic.!" napatingin ako sa Van na sinasakyan nila.

"Sir.Chase bakit ikaw lang po ang sakay ni Manong nasan po ang iba?" pag uusisa ko .

"Hindi ko ba nasabi sayo na ikaw lang ang pupunta doon?"

"W-what?" gulat na tanong ko.

"Pumasok kana at baka matraffic pa tayo! sa byahe kona ipapaliwanag! "

"o-ok po!" kahit may pag aalanganin ay sumakay ako.

"Manong pakipasok nalang ng gamit niya salamat." utos nito sa driver na bumaba para tulungan ako.

.

habang nasa byahe hindi ako mapakali dahil dalawa lang kame ni Chase sa loob.wala naman ako nararamdaman na panganib pero hindi ko alam kung bakit di ako mapakali..

.

"Lord  !! bahala na kung isasalvage man ako nito pero sana ipatikim muna sakin ng katabi ko ang Langit ..

tsk..jusme Rom kung ano ano iniisip mong kahalayan.!! pero impernes pede narin tong si chase choosy paba ako?.." kastigo ko habang lihim na kinurot ko ang kamay ko.

"May problema ba?" Tanong ni Chase na napansin ata pagkakabalisa ko

"a-amph. w-wala po may iniisip lang po ako!"

"kung iniisip mo bakit ikaw lang! hindi korin alam kasi napag utusan lang ako ni Boss saka isa pa need daw ng tauhan don !" paliwanag nito.

.

tungo lang ang tanging nasagot ko,wala naman ako nararamdaman panganib sa kanya ok naman siya at mabait,pero nahihiwagaan lang ako sa lalaking to dahil wala sa itsura nito ang isang nagtatrabaho lang o tauhan .

.

pasimple kong sinusuri si Chase ,Hindi naman siguro mapapansin nito dahil mukhang tulog na ito .

.

.

nakanaks tangos ng ilong huh? perpekto ang hulma ng mukha ang pilikmata pak na pak nakapiltantik taray! ang labi shutames ang pula sana all !! ... adonis ikaw bayan? pinipigilan ko lang mapangiti pero what the ang perpekto ng mukha hindi mo talaga pagkakamalan na tauhan lang din ito ng boss ko. inabala ko nalang ang sarili ko sa pagtitig sa kanya nakakamangha naman kasi talaga ...

.

"Are you done to checking me?"

"a-ay gwapong palak!" gulat ko.

"are you seriously? sa tagal mong pagtitig sakin Ms.Cute sa mukha to? ihahantulad mo lang talaga sa palaka, gosh asan ang hustisya sa mukhang malaadonis!" pag iinarte nito.

"hindi naman sa ganun nagulat lang ako kala ko kasi tulog ka!" paliwanag ko dahil sa kahihiyan na nahuli ako nito nakatitig.

"ok dahil diyan ililibre moko mamaya!"

"Huh? at bakit naman? angal ko.

"aba pede kitakasuhan sa pagtitig mo ng walang paalam tas inunsulto mo pa ako! biro nito.

naramdaman ko ang paginit ng pisngi ko sa kahihiyan kaya umiwas ako ng tingin.

"lalo ka naging Cute pagnagbablush ka!" puri nito.

"hindi ah.nainitan lang ako kaya namula pisngi ko!" pagdadahilan ko

"ok sabi mo eh!"

"malapit naba tayo?"

"malayo layo pa kaya kung naiinip kana pede ka matulog kung inaantok ka ! huwag ka mag alala hindi kita titigan" biro nito.

"kapal ng mukha mo hindi kita tinititigan !" imbis sumagot to ay tumawa lang ito.

"Naiintindihan kita talagang masarap titigan itong mukha ko!" sabi nito sabay kindat at halakhak

"Baliw!" ...sabi ko at nakitawa narin.

.

wala kame ginawa kung di magtawanan at mag-inisan buong byahe..

mabilis ko nakagaanan ng loob si Chase kahit puro kalokohan at medyo may kahangin ay ok naman ito kausap.

.

hindi na nga namin napansin na nakarating na paka kame.

.

"Maam Sir !nandito na po tayo!" agaw pansin ni manong

"ok po baba na kame pakibaba nalang po ng mga gamit namin !" sabi ni Chase

"nandito na tayo?"

"yup halika na!" akmang bubuksan na niya ang pinto ng pigilan ko ito

"teka ano ginagawa natin dito sa kabukiran?" tanong ko kasi naguguluhan na talaga ako.

"Nandito tayo sa Hacienda ni Boss!"

"What hacienda akal koba ---"?

.

hindi kona natapos ang sasabihin ko ng may malakas na kumatok sa may bintana.

dahil sa kung sino mang tao na kala mo naiinip na pagbuksan.

"What?" tanong ni Chase sa lalaking kala mo galit kung kumatok! " .

"ano ba ginagawa niyo at ang bagal niyo lumabas!"

hindi ko makita ang kausap ni Chase dahil nakaharang ito at di naman gasino binuksan ang pinto ng Van ..

imbis na sagutin ni Chase ang lalaking nagtatanong ay tinawanan niya lang ito.

" Baba ba kayo o palalayasin ko na lang kaya kayo ulit!" himig na may pagkairita at inip na tono nito.

" chill bro eto na! bababa na.!"

.

bumaba si Chase balak ko na sana sumunod ng isarado uli ni Chase ang pinto.

.

"wow thanks chase huh ! napaka gentleman mo!" kastigo ko sa aking sarili .

inayos ko na ang handbag ko para sa pagbaba ng makarinig uli ako ng malakas na katok hindi na ako nag abala tignan bigla ko nalang binuksan sa sobrang inis ko.

"Teka atat lang!" pagtataray ko sabay tingin sa taong kanina pa katok ng katok.

nagulat ako at saktong nagkatama ang mga mata namin nakita ko ang sandaling pagkagulat rin nito na mabilis din nagbago.

"Miss.may balak kabang bumaba o dian kana mananatili?" masungit na sabi nito.hindi ako nakasagot dahil nakaramdam ako ng pagkabog ng puso ko ng masilayan ko mabuti ang mukha ng lalaking kanina pa katok ng katok.

"ano miss tutunganga ka nalang ba dian ? " natauhan ako ng magsalita uli ito .

.

medyo nairita ako sa kagaspangan ng ugali nito.

"hindi eto na nga baba na !" pabalang na sagot ko ..

.

"akala ko ko diyan kana matutulog eh!" pagsusungit nito.

"bweset gwapo nga gaspang naman ng ugali!"  bulong ko.

"May sinasabi ka?"

"w-wala sabi ko tumabi kana riyan at baba na ho ako !" .

habang pababa ako napatingin kame pareho sa kanina pang tumatawa na si Chase!"

.

" Ano tinatawa-tawa mo dian? Chase!" sita nito kay Chase na kanina pa pala tawa ng tawa sa gilid.

.

" Wala naman ang Cute niyo lang tignan para kayo mag jowa nagbabangayan!" pang iinis nito.

"What? " sabi ng lalaking magaspang ang ugali at binugyan ng matalim na tingin si Chase.

"Chill Zen !!! hindi na ako lalaban!" biro ni Chase

.

"you Miss bukas pede kana .magsimula sabi ni boss!" sabi nito.

"What? dito ako magtatrabaho? pagkakaalam ko sekretarya ang inapplyan ko hindi farmer!"

"May reklamo ka? pede kana umuwi simulan mona maglakad!" balewalang sagot nito.

.

"pagod na ako kaya iwan kona kayong dalawa dian ikaw na Zen magpaliwanag sa kanya!" paalam ni Chase sabay alis.

at iniwan kameng dalawa ng lalaking magaspang ang ugali.

..

"Hindi naman ikaw ang boss dito kung makautos ka wagas asan ba ang boss natin? gusto ko siya makausap " sabi ko

"wala ang boss natin dito ako ang inatasan niya mamahala dito kaya sa ayaw sa gusto mo susunod ka kung talagang matigas ka pede mo nang simulan lakarin , oo nga pala malayo layo rin bago ka makapunta ng sakayan .baka abutin ka ng 5 oras sa paglalakad." sabi nito sabay alis .na hindi man lang ako tinulungan sa pagbubuhat ng gamit.

"Ah bweset!" sa inis ko ay ko ay nagtungo na ako kung san ang silid ko bahala na magtatanong nalang ako sa mga maid dito kung san room ko..

.

Malaki ang hacienda na to at hindi nga nagbibiro ang lalaki malawak ito at di mo kakayanin lakarin pauwi.aabutin ka ng ilang oras bago makapunta ng bayan.

.

kaya ko naman magtrabaho dito pero ang makasama ang magaspang na ugali ng lalaking yun di ko alam kung kaya ko magpakabait talaga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status