Tahimik sila pareho habang binabaybay ang daan pauwe sa bahay niya. Napahilot si Coleen sa ulo niya dahil parang mas lalo itong sumakit.
Ipinikit niya ang mga mata dahil naluluha siya parang may init na sumisingaw dito. Dagdag pang nilalamig na siya dala ng pagkabasa kanina ng ulan, dagdag pa na fully aircon ang loob ng sasakyan. Kaya naman hindi na niya nakayan pa at tuluyan ng nakatulog sa sasakyan.Tiningnan naman ni Vince ang dalaga at nakita niyang mahimbing itong natutulog pero mukhang giniginaw, kaya naman pinatay na niya ang aircon. Gigisingin na lamang niya ito mamaya pagkarating nila sa bahay nito."Coleen, wake up were here," bahagya pang niyugyog ni Vince ang balikat ni Coleen para magising. Agad namang dumilat ng mata si Coleen pero napadaing siya sa sakit ng ulo niya. Inikot niya ang mata sa paligid at nakitang nasa tapat na nang bahay nila ang sasakyan nito. Agad naman niyang inayos ang sarili, pero bago tuluyang bumaba ay nagpasalmat muna siya sa lalaki sa paghatid sa kaniya."Thank you," pasasalamat niya."I-ingat sa pag uwe," mahinang bigkas niya pero alam niyang naabot ng pandinig nito. Gusto niyang kutusan ang sarili bakit pa niya iyon nasabi.Mabilis siyang tumalikod at pumasok sa gate na kanina pa nakabukas nang mapansin nang kanilang guard na siya ang dumating."Good evening ma'am," magalang na bati sa kaniya ni manong guard."Good evening din po manong guard," pormal niyang bati ni hindi na niya magawang ngumiti dahil gustong gusto na niyang makarating sa loob ng bahay.Pagbukas niya sa main door tahimik na sa ssla marahil tulog na lahat ng tao sa bahay maliban na lamang sa ilaw na nasa dining area na tanging may nakabukas na ilaw.Dali-dali siyang umakyat sa kwarto niya, mamaya na lamang siya bababa ulit para kumain, pagkatapos niyang maligo. Nabasa siya kanina ng ulan kaya kailangan niya mag shower, baka lalo pa siyang magkasakit.Pagkatapos maligo agad naman siyang bumaba at nagtungo sa dining, kailangan niyang kumain dahil iinom siya ng gamot. Hanggang ngayon sumasakit pa rin ang ulo niya pero hindi na gaya kanina. Na halos mabiyak sa sakit.Late na nang magising si Coleen kinaumagahan, napasarap talaga ang tulog niya dala na rin siguro nang ininom na gamot, kaya napahimbing ang tulog niya. Pero kahit late na pumasok pa rin siya sa trabaho. Hindi na rin naman na masakit ang ulo niya. Dala lang marahil iyon ng gutom kagabi at stress.Pababa na siya ng hagdan pero hindi niya nakita ang mommy niya baka umalis ito ng bahay. Mas pabor nga 'yon sa kaniya at makaiwas siya sakaling magtanong ito kong paano siya nakauwe kagabi. Wala siyang planong sabihin na ang lalaking gustong gusto ng mga ito para sa kaniya ang siyang naghatid sa kaniya kagabi. Baka mamaya kong ano pa isipin nang ina niya. Alam naman niyang hindi siya nito titigilan kong sakali at baka masabi pa niya ang mga pinag usapan nila ng lalaki kagabi.And speaking of that man, mabuti naman at naging klaro na ang nasa pagitan nila kagabi. Ilang buwan lang naman siguro ang hihintayin niya, dahil after mailipat sa pangalan nito ang kompanya ay ito na mismo ang magpapawalang bisa ng kasal nila.Pagkarating niya sa opisina ay agad siyang sinalubong ng sekretarya niya at inalok ng kape."Yes please," aniya. Tumalima naman ito para timpalahan siya ng kape. Kailangan niya iyon ngayon para tuluyang magising ang diwa niya."Ma'am here is your coffee po, wika ni Mara at inilapag ito sa mesa niya saka tumalikod."Thank you Mara,"Pasalamat si Coleen ngayon araw dahil wala siyang gaanong meeting's kaya naman nagawa pa niyang makapag idlip sa loob ng opisina niya. She needed to gain more energy, dahil napagod siya talaga kagabi.Napag desisyunan ni Coleen na umuwe na nang maaga pagkatapos sabihin ng kaniyang sekretarya na wala na siyang mga appointment today. Uuwe lang siya para magpalit ng damit, aalis din siya dahil may usapan sila ni Bella na mag night party ngayong gabi. Dati naman na nila itong ginagawa lalo na nong mga panahong bigo siya sa pag-ibig. And speaking his ex, matagal na niya itong kinalimutan.Dumaan muna siya sa paborito niyang restaurant may gusto siyang kainin kaya naman inihinto niya ang kotse sa tapat nito. Gusto niyang matawa sa sarili daig pa niya ang buntis kong mag crave ng pagkain. But it's not bad naman, it's like she was just used to that anyways. Dati pa.She is enjoying her food, eating her favorite italian pasta, chicken fettuccine pasta to be exact. But not, until she saw someone who's very familiar to her. Walang iba kundi ang lalaking nanakit ng damdamin niya. Sa loob ng isang taon bago ito nakipag hiwalay sa kaniya ay ito ang pangalawang beses na nakita niya ito. Una, sa mall na may kasamang babae na walang iba kundi ang ipinalit sa kaniya. And now, mukhang iba na naman ata.Napailing na lang si Coleen."Once a cheater, always a cheater," mahinang bulong niya.Sigurado naman siyang hindi siya mapapansin nito dahil nasa dulong bahagi siya nakapwesto. Nasira tuloy ang cravings niya sa pagkain. Pero hindi siya nagpa apekto inubos pa rin niya ang pagkain kahit bahagyang pumait ang panlasa niya. She don't want to be sounds bitter. Naka move on na siya.Pagdating sa bahay nagpahinga muna siya saglit, bago naglinis ng katawan at nagpalit ng damit. Aantayin lang niya ang tawag or txt ni Bella bago siya umalis para sabay na silang dalawa na makarating sa pupuntahan. Linggo naman bukas at day off niya kaya mag eenjoy muna siya buong gabi.Nasa sala ang momny niya pagkababa niya, nagpaalam siya rito na magna night party sila ni Bella. Hindi naman mahigpit ang parents niya kaya no problem sa mommy at daddy niya, basta ang bilin ng mga ito huwag lang papasobra sa inom at kong hindi kayang magmaneho pauwe ay tumawag lang."Oh diba supportive yarn," napangiti siya.Umalis na siya pagkatapos matanggap ang tawag ni Bella na nagsasabing papunta na daw ito at magkita na lang sila sa club kong saan madalas tambayan nila ng kaibigan.Halos sabay pa silang dumating na dalawa, dahil wala pang limang segundo matapos niyang mag park dumating rin ito.Nagbeso beso muna sila."Dating gawi?" Magkapanabay pa nilang bigkas. Kaya naman nagtawanan silang dalawa."Let's party!"Pagpasok nila sa loob, ay siya namang pagdating ng isang mamahaling sasakyan.AUTHOR'S NOTE Hello po sa lahat ng readers ng THE UNWANTED MARRIAGE. Maraming-maraming salamat po sa inyo, sa pagsubaybay at pagsuporta niyo sa storya nina Coleen at Vince. Taos-puso po akong nagpapasalamat sa inyong lahat. Ang kwento ng tunay na pag-ibig nina Coleen at Vince. At kwento ng pagmamahalan nina, Carter at Angel na ngayon ay mayroon ng tatlong anak ang kanilang triplets na sina, Caleb, Chase and Callie. Ganun din nina Casey at Asher na maryoon ding tatlong anak na sina, Zoe Ashvi at ang kambal na sina Ashton and Aisha. Ang kambal naman na sina Vayden at Vaden, baka gawan ko rin sila soon. Muli maraming-maraming salamat talaga sa inyo, my dear readers. Love you all! CIE JILL🫰
COLEEN 1 Year later... "Happy anniversary, love," nakangiting bati ni Vince sa kanya pagkababa siya sa hagdan. Nakatayo roon ang asawa niya at mukhang hinihintay ang pagbaba niya. Malawak ang pagkakangiti nito at agad na iniabot sa kanya ang hawak nitong bouquet. Kahit may edad na ay hindi pa rin niya maiwasang kiligin dahil sa tuwing anniversary nila ay ganito ka sweet ang asawa niya. "Thank you, love," aniya at tinanggap ang bulaklak. Mabilis naman siyang hinalikan ni Vince sa mga labi na kanya ring tinugon ng buong puso. Ilang sandali pa silang naghalikan bago kumalas sa isa't-isa. Ganun pa rin ang asawa niya, walang kupas sa galing humalik. At kahit na hanggang ngayon na malalaki na ang mga anak nila at marami na silang mga apo ay hindi pa rin ito nagbabago. Palagi pa rin nitong pinapainit ang gabi nila sa ibabaw ng kama. Ayon sa asawa niya ay magandang ehersisyo raw iyon upang hindi agad na tumanda. Biniro naman niya ito na palusot lang nito iyon lagi para maka
ASHER 8 months later. Humahangos nang takbo si Asher papasok sa loob ng hospital. Kahit ang sasakyan niya ay hindi man lang niya naipark ng maayos. Nasa kalagitnaan kasi siya ng meeting kanina sa board room nang tumawag ang mommy niya na manganganak na raw ang asawa niya. Dinala na raw ng mga ito si Casey sa hospital, kaya doon na siya pinapaderitso ng mommy niya. Dali-dali siyang umalis sa kumpanya at iniwan ang meeting upang puntahan ang asawa niya sa hospital. Mabuti na lang at nandoon palagi sa mansion ang mommy niya at mommy ni Casey. Laging nakabantay ang mga ito sa asawa niya sa tuwing nasa trabaho siya. Kinakabahan at nae-excite ang pakiramdam niya. Kinakabahan para sa asawa niya na manganganak dahil alam niyang hindi biro ang manganak. Lalo pa at kambal ang isisilang ng asawa niya. Nae-excite dahil sa wakas masisilayan na nila ang kanilang kambal na anak. Parang tinatambol sa lakas ang dibdib ni Asher pagkatapat niya sa kwartong kinaroroonan ng asawa niya. Pagb
CASEY Pagkatapos ng kanilang kasal sa simbahan ay deretso na sila sa reception sa SANTILLAN GRAND MEGA HOTEL. Ngunit ang akala ni Casey na sa reception hall dederetso ay sumakay sila ng elevator. "Saan tayo pupunta, hubby?" nagtataka niyang tanong sa asawa niya dahil ang usapan ay sa reception hall sila pupunta tapos nandito sila sakay ng elevator at nilagpasan ang reception hall kung saan nandoon ang mga pamilya, bisita sa kanilang kasal at nagkakasiyahan. "To our honeymoon place, wifey," malanding sagit ng asawa niya at kinindatan pa siya. Para siyang teenager na kinilig sa ginawa nito. "Pero hubby teka lang, baka kasi hanapin nila tayo lalo na ng mga bisita natin," pigil niya sa asawa," pero alam naman ni Casey na kahit pigilan niya pa ito ay hindi papapigil ang asawa niya. "Hayaan mo sila, wifey. Isa pa nandoon naman ang mga family natin, sila na ang bahala ro 'n," sagot naman ng gwapo niyang asawa. Hanggang sa hindi niya napansin nakarating na sila sa pinakataas.
ASHER Kanina pa hindi mapakali sa si Asher sa kinatatayuan niya. Nanlalamig ang kamay sa kaba kaya maya-maya niya itong ikinikiskis. Kinabakahan siya habang hinihintay ang pagbukas ng pinto ng malaking simbahan para sa grand entrance ng kanyang bride. "Relax, Kuya, darating yan si Ate Casey," nakangiting wika ni Aaron at tinapik siya sa balikat. Si Aaron ang kanyang kapatid na lalaki at siyang tumayong bestman niya. Kahit pa sabihing magrelax at darting ang bride niya at hindi niya pa ring iwasang kabahan. May lumapit na organizer sa kanya. Sinabi nitong nasa labas na raw ng malaking pinto ng simbahan ang bride niya. Kaya naman napaayos siya ng tayo at muling kumabog ang dibdib niya. Maya-maya pa nagsimula nang maglakad ang mga abay sa kasal. Napapangiti siya habang pinagmamasdan si Zoe ang kanilang flower girl. Napakaganda at napaka cute niyang prinsesa na naglalakad sa aisle. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib niya nang magsimulang tumugtog ang kantang on this day.
CASEY Napapangiti na pinagmamasdan ni Asher ang fiancee na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Naghihilik pa ito at halatang pagod na pagod sa ginawa niyang pag-araro rito kanina. After ng proposal niya kanina ay nagpaiwan sila rito sa Mega Grand Hotel na pagmamay ari ng mga Santillan. At nandito sila sa presidential unit ngayon. Ang anak nila ay sinama na pauwe ng mommy Coleen nila kanina. Sobrang saya niya nang makita kanina ang mukha nito dahil sa surpresa niya. Hindi nga ito makapaniwala kanina habang kinukwento niya rito na kasama niya ang buong pamilya nito, at pamilya niya sa plano niyang surpresa para rito. At tuwang-tuwa siya sa magandang kinalabasan kahit pa natakot rin siya na baka magalit ito dahil natakot ito ng sobra lalo pa at kasama ang anak nila. Ginawa niya kasi iyon para talagang mapaniwala ito na totoo ang nangyayaring pagkidnap. At ngayon hindi na siya makakapaghintay pa na tuluyan na itong maging asawa niya. Wala na itong magiging kawala pa sa kanya.