LOGIN***Napabuntong-hininga na lang si Oliver matapos niyang magpaalaman kay Kieran sa telepono.Ayaw man aminin ni Kieran, kitang-kita naman sa kanya kung gaano ito kabasag dahil sa pagkabigo. At iyon ang lalong ikinababahala niya.Kung hindi nila sasamahan si Kieran sa Boracay, siguradong tutuloy pa rin ito mag-isa. At ayaw niyang mangyari iyon.Kapag ganitong sugatan ang damdamin ng kaibigan niya, mas lalo itong nagiging mainitin ang ulo at madaling makahanap ng kaaway, at iyon mismo ang iniiwasan nilang lahat.Kanina pa nga lang sa bar ni Philip ay muntik nang magkaroon ng malaking gulo. Isang simpleng pagkakasagi lang ng isang lalaki sa upuan ni Kieran ang nauwi sa komprontasyon. Sa sobrang sama ng timpla nito, agad nitong inakala na sinasadya siyang pagtripan ng estranghero.Bago pa nila napigilan, nakapagbagsak na ito ng ilang bote ng alak at halos suntukin ang lalaki. Kung hindi lang si Philip ang may-ari ng bar, malamang ay nasa presinto na ngayon si Kieran.Mabuti na lamang at p
KEIRAN'S POV:Pabalang niyang isinara ang pinto ng kanyang silid, dahilan upang bahagyang umugong ang buong kwarto.Nanggigigil siya sa inis. Pinauwi lang siya ng kanyang mommy para sermunan at paulit-ulit na buksan ang usapan tungkol kay Nikita.Ilang beses na niyang sinabi na ayaw na niyang marinig ang pangalan nito, ngunit tila ba sadyang matigas ang ulo ng kanyang ina. Bakit ba napakahirap intindihin na tapos na ang lahat?Mabilis siyang nagtungo sa banyo at agad pinaandar ang shower. Hindi na siya nag-abalang maghubad ng damit. Wala siyang lakas para gawin pa iyon. Lasing siya at kanina pa niya pilit na itinatago iyon sa kanyang ina.Napapikit siya nang maramdaman ang malamig na tubig na bumuhos sa kanyang ulo at katawan. Lalong tumindi ang lamig nang tuluyang mabasa ang kanyang mga damit at dumikit ang mga iyon sa kanyang balat.Nanatili siyang nakatayo roon habang hinahayaang anurin ng tubig ang kanyang pagod at galit. Ngunit kahit gaano kalamig ang tubig, hindi nito magawang p
Ang akala niya ay naging malapit lamang ang dalawa dahil magiging step-siblings sana ang mga ito. Hindi niya alam na matagal na pala silang magkakilala.At lalong hindi niya alam na ang babaeng madalas ikuwento ni Kieran noong teenager pa lamang ito... ang babaeng matagal nitong crush at unang minahal... ay si Nikita pala.Ngayon niya lang lubos na nauunawaan kung bakit ganito kasakit para sa anak niya ang lahat. Matagal na nitong mahal si Nikita. Mas matagal pa kaysa sa relasyon nila ni Wesley.Humugot siya ng malalim na hininga, pagkatapos ay inabot niya ang papel na kanina lamang niya nakita habang naglilinis sa kwarto ni Kieran. Dahan-dahan niya itong inilapag sa mesa. Napatingin si Kieran doon at agad na nanigas. Nawala ang anumang emosyon sa mukha nito.Marriage certificate... Ang pekeng marriage certificate ng dalawa sa isang wedding booth noong high school pa ang mga ito.Nakalagay doon ang pangalan ni Kieran at ni Nikita. Matagal na pala nitong itinatago iyon.Bahagya siyang
VIVIAN’S POV:Tahimik na nakaupo si Vivian sa dining table habang paminsan-minsang sumusulyap sa malaking orasan na nakasabit sa dingding. Kanina pa siya naghihintay kay Kieran na tuluyang makapasok sa loob ng bahay.Ilang beses pa niyang kinailangan itong tawagan bago pumayag na maghapunan kasama siya ngayong gabi. Ngunit kahit pumayag ito, ramdam niyang napipilitan lamang ang anak.Halos isang buwan na rin ang lumipas mula nang umalis sina Wesley at Nikita. Hanggang ngayon ay wala pa rin silang balita kung nasaan ang dalawa.Masakit... Napakasakit para sa kanilang mag-ina na basta na lamang silang iniwan nang walang kahit anong paliwanag. Ngunit sa tingin ni Vivian, mas malalim ang sugat na iniwan nito kay Kieran kaysa sa kanya.Kitang-kita niya ang pagbabago sa anak. Halos gabi-gabi itong umuuwing lasing. Minsan naman ay hindi na talaga umuuwi at sa condo na lang natutulog. Kung hindi pa niya tatawagan at pipilitin, hindi na ito magpapakita sa bahay. Parang unti-unti nitong tinatak
Sandali ring natigilan si Wesley. Hindi pala magandang biro iyon sa mga oras na ito. Alam niyang may dinadala pa ring sakit si Nikita sa puso nito.“P-paano na pala kayo ni Kieran, anak?” Hindi niya napigilan ang magtanong.Huminto si Nikita sa ginagawa nito bago marahang bumuntong-hininga. “'Wag mo nang itanong, Dad. Ayoko na siyang makita.”Napakunot-noo siya.“From the start, hindi naman talaga pwede. Pero pinilit namin.""Pero pumayag na ako, hindi ba?” sagot niya. “Nagbigay na ako ng daan sa inyong dalawa.”Mapait na napangiti si Nikita. “Kahit mag-give way ka pa, Dad, hindi rin ako papayag na makasal ka kay Vivian.”Napabuntong-hininga si Wesley. “Here we go again....”“She doesn't love you!” mariing sabi ni Nikita habang nakatingin sa kanya. “Ang mahal lang niya ay ang pera at kapangyarihang meron ka!”“Anak---”“Hindi mo lang nakikita dahil mahal mo siya.”“Anak,” muli niyang putol dito, mas mahinahon ang tono. “Huwag mong husgahan agad ang tao. Ang side lang ni Ralph ang nari
Makalipas ang ilang araw at sa wakas ay nakalabas na rin siya ng ospital. Mula roon ay dumiretso sila sa bahay ni Nikita... ang bahay na siya mismo ang bumili noon para kina Nikita at sa ina nito matapos silang maghiwalay.Kahit nauwi sa paghihiwalay ang kanilang pagsasama ng kanyang asawa, hindi niya kailanman pinabayaan ang mag-ina. Sinigurado niyang magiging maayos ang buhay ng mga ito sa Amerika. Binilhan niya sila ng bahay at sasakyan, at buwan-buwan ay nagpapadala siya ng sapat na allowance upang hindi sila mahirapan.Ngunit nagbago iyon nang makapagtapos si Nikita ng kolehiyo. Matigas itong tumangging tumanggap pa ng pera mula sa kanya. May maayos na itong trabaho at malaki na rin ang kinikita. Naalala pa niya kung paano sila nagtalo noon dahil pakiramdam niya ay unti-unti nang pinuputol ng anak ang natitira nilang ugnayan."Dad, hindi ko ginagawa ito dahil ayaw ko sa'yo," mahinahon nitong paliwanag noon. "Gusto ko lang maging independent. Gusto kong matutong tumayo sa sarili k
“Ah… mauuna na ako. Nakakahiya naman sa mga kaibigan mo na ako ang kasama mo. Ma-o-out of place lang ako doon…”Mahina ang boses ni Nikita, halos hindi na marinig sa ingay ng paligid.“Sige na, please… ikaw nga ang hinintay ko sa library eh,” pilit niyang sabi, umaasang kahit paano ay mapapawi niya
Umuwi siya sa kanyang condo na halos hindi na makalakad sa sobrang kalasingan. Mabuti na lang at kahit papaano ay nakauwi pa siya nang maayos, kahit hilo at lutang ang isipan. Naiirita pa rin siya sa alaala ng pamimilit ni Nicole na sumama ito sa kanya, para itong desperadong aso na in-heat palagi.
Habang nagda-drive ay hindi pa rin mawala sa isip niya si Nikita. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito kapag malaman na magiging mag-stepbrother sila. O baka wala naman iyon sa dalaga… baka siya lang itong nag-o-overreact.It’s been, what? Five years since they last saw each other. N
“Hayaan mo, Tito, kapag dumating siya… tutulungan kitang kumbinsihin siya,” sagot niyang pilit pinapakalma ang sarili.“Salamat, iho,” sabi nito, sabay tapik sa kanyang balikat. “Masaya ako na nagkaroon ako ng instant na anak na tulad mo.”Ngumiti siya. Mabait si Tito Wesley, wala siyang masasabin







