LOGINSa kasalukuyan, ang Tala Airways pa rin ang pinakamalakas na airline company sa Pilipinas. Kaya sa meeting na ito… kailangan nilang manalo, kailangan nilang manatiling nasa tuktok.Kung magsanib man ang Skylight Air at Royal Wings, hindi pa rin naman matatalo ang Tala Aiways. Ngunit mas mainam pa rin kung sa kanila mapupunta ang Royal Wings. Mas ligtas, mas matatag at mas kontrolado.“Bakit nga ba ibebenta ni Ruben Acosta ang Royal Wings?” tanong niya kay Adrian habang nasa kotse na sila. Nasa passenger seat ito at abalang tinitingnan ang tablet na hawak.“Magfo-focus daw sila sa iisang negosyo, iyong hotel chain nila.” sagot nito. “Hindi naman kasi sila makaungos sa Tala Airways kahit mas mababa pa ang airfare nila.”Humugot siya ng malalim na hininga. Bagama’t business partners sila ni Tito Wesley... ito sa Tala Airways at siya naman sa Del Toro Aviation... sa mga ganitong usapan, dapat magkasama silang humaharap.Ngunit lubos na ang tiwala nito sa kanya. Simula nang na-inlove ito s
KIERAN'S POV:Samantala, pagdating ni Kieran sa Tala Corporation ay agad siyang sinalubong ng kanyang assistant na si Adrian.Habang naglalakad sa lobby, napansin niyang napapabulong ang ilang babaeng empleyado nang makita siya. Ngunit hindi niya iyon pinansin. Sanay na siya sa ganoong eksena tuwing dumadalaw siya roon.“Ang gwapo talaga ni Sir Kieran, noh?”“Oo nga eh. Sana dito na lang siya palaging nag-oopisina para ganahan tayong pumasok araw-araw.”Narinig niya ang mga iyon ngunit nagkibit-balikat lamang siya. May opisina naman talaga siya doon, ngunit madalang lang siyang pumunta. Ngayon lang siya napadpad ulit dahil wala si Tito Wesley at ipinagkatiwala sa kanya ang pamamahala ng Tala Corporation.“Saan ka nanggaling, Sir? Kanina andito ka lang ah,” tanong ni Adrian habang mabilis na sumusunod sa kanya.“Umuwi lang ako sandali,” sagot niya nang hindi humihinto sa paglalakad. “Naghatid ako ng paboritong cake ni Nikita.”Bahagyang napatigil si Adrian bago muling sumunod. “Si Niki
"Pagkababa ko kanina, wala na roon ang portrait mo sa dingding… pinakuha mo ba?"Napatingin siya kay Kieran sa tanong nito. Saglit na nagtama ang mga mata nila, ngunit siya rin ang unang umiwas. Para bang hindi niya kayang tagalan ang paraan ng pagtitig nito.“Ako ang kumuha,” malamig niyang sagot. “Ayaw ko na iyon doon. Matagal na ring picture ’yon.”“Ikaw ang kumuha?” bahagyang napataas ang kilay ni Kieran. “Ang bigat no’n ah. Buti hindi ka nalaglag!”Nagkibit-balikat lang siya, kunwari’y walang pakialam. Ngunit sa totoo lang, hindi niya rin alam kung bakit bigla na lang niyang naisipang alisin ang portrait na iyon. Marahil ay sawa na siya sa lumang alaala. O baka naman dahil sa tuwing nakikita niya iyon, naaalala rin niya ang dating siya.Ngunit hindi pa tapos si Kieran. Napangiti ito habang nakatitig sa kanya.“Saka…” marahan nitong sabi, “I like that picture.”Nakunot ang noo niya. “Bakit?”“Dahil kapag tinitingnan ko ’yon, pakiramdam ko nasa high school pa rin tayo.” Huminga ito
Ngunit gaano man ito ka-sincere ngayon, hindi pa rin niya kayang kalimutan ang ginawa nito noon.Ang sakit na naranasan niya noong high school ay tila naging permanenteng tatak sa kanyang puso’t isipan. Isang sugat na matagal nang naghihilom ngunit hindi kailanman tuluyang nawala. At marahil, iyon na rin ang magiging sandata niya laban sa sariling damdamin.Kapag naramdaman niyang muli siyang unti-unting nahuhulog dito, ipapaalala niya sa sarili ang katotohanan... Na minsan, pinagpustahan lang siya nito... na huwad ang lahat ng ipinakita nito noon, at na hindi siya dapat umasa kailanman.“Ang mabuti pa…” putol ni Kieran sa magulong takbo ng kanyang isip. “Magpalit ka na ng damit at bumaba ka na. Kainin mo na ang pasalubong kong cheesecake para sa’yo.”Bigla siyang namula. Parang saka lamang niya naalala ang nakakaasiwang suot niya. Kanina pa pala siya nakatayo roon habang ganoon ang ayos.Tumalikod si Kieran at hindi na hinintay ang kanyang sagot. Tahimik itong naglakad palabas ng sil
Parang natigil ang buong mundo sa isang iglap. Hindi siya nakasagot. Nanatiling bukas ang kanyang bibig ngunit walang salitang lumabas. Dahil sa kaibuturan ng kanyang puso, alam niyang hindi rin siya tuluyang nakausad.Hindi mula sa kahihiyan, mula sa sakit at lalong hindi sa lalaking nakatayo ngayon sa kanyang harapan.Matagal na niyang ipinipilit sa sariling tapos na ang lahat. Na wala nang natitirang bakas ng nakaraan. Ngunit sa isang titig lamang ni Kieran, gumuho ang lahat ng pader na pilit niyang itinayo sa loob ng maraming taon.“You disgust me, Kieran.”Iyon lamang ang naisagot niya bago mabilis na tumalikod at halos patakbong umakyat sa kanyang silid.Wala siyang pakialam kung paanong nanginginig ang kanyang mga kamay at paanong nag-init ang kanyang mga pisngi. Ang tanging nasa isip niya ay makalayo rito.Si Kieran naman ay tila walang pakialam kung may makakita man sa kanilang inasal sa loob ng bahay. Samantalang siya, ingat na ingat sa bawat kilos at sa bawat tingin... baka
Tumulo ang kanyang mga luha habang muling sumasagi sa alaala ang mga sugat ng nakaraan.Hanggang ngayon, walang kaalam-alam si Kieran na alam na niya ang tungkol sa pustahang iyon. Oo, naging mahina siya noon, isang tahimik at inosenteng babaeng madaling masaktan.Pero hindi na ngayon. Hindi na siya ang dating Nikita na kayang lokohin at paikutin ng kahit sino, lalo na ni Kieran.Maya-maya ay may marahang kumatok sa kanyang pinto. “Señorita, baba na raw po kayo para mag-lunch.”Narinig niya ang tinig ng katulong mula sa labas.“Sige, baba na ako,” mahinang tugon niya.Pinunasan niya ang natitirang luha sa kanyang pisngi at huminga nang malalim. Ayaw niyang makita ng kahit sino ang kahinaan niya. Bumangon siya mula sa kama at hindi na nag-abalang magpalit ng damit. Suot pa rin niya ang oversized shirt at maikling shorts na mahigpit na nakayakap sa kanyang mga hita.Habang bumababa ng hagdan ay malalim pa rin ang kanyang iniisip. Kaya naman hindi niya napansin ang lalaking nakaupo sa di







