Share

THE WALKING NIGHTMARE
THE WALKING NIGHTMARE
Author: FoolsDome

CHAPTER 1

“Amalia! May naghahanap sa'yo!“ iyan agad ang naging bungad sa akin ni Mama noong gumising ako.

Nakakairita na nga ang umaga tapos may naghahanap pa sa akin, Hayys.

Dali-dali akong nagsuot ng tsinelas at lumabas sa aking kuwarto.

“Sino daw po iyon, Ma? Wala naman po akong maalalang bibisita sa akin, ah.“

Medyo wala pa ako sa sarili dahil kakagising ko pa nga lang.

“Ayy, hindi ko alam, Anak. Basta't kanina pa iyang nasa labas ng bahay natin.“ buntong-hininga ni Mama.

Napabuntong-hininga na lang din ako.

Sino kaya iyon? Sa pagkakaalam ko naman ay wala akong pinagkakautangan ngayon dahil kababayad ko lang at wala rin akong alam na bisita dahil wala naman akong natatandaan na may pinaunlakan ako.

Kung sino man iyon, sana ay good news ang hatid niya.

Dahil sa kuryosidad ay agad akong lumabas ng bahay upang tingnan kung sino ang nasa labas.

Hindi pa ako tuluyang nakakalabas sa tarangkahan ng bahay namin ay nakita ko na agad sa singaw ang isang pulang kotse.

Isang tingin pa lang ay alam ko na kung kanino iyon.

Lagot ako! Andito si Boss? Andito si Boss Arvin?

Ano na naman kayang kapalpakan ang nagawa ko? May katangahan na naman ba akong nagawa? Omg, hindi ko ito nagugustuhan.

Nang akmang babalik na akong muli sa loob ng bahay namin ay nakarinig ako ng isang tikhim.

Dahil sa gulat ay nabitawan ko ang dala kong mainit na kape.

Shit! Ang init!

Nang makita kong namula ang bahagi ng aking braso na natapunan ng kape ay napadaing ako.

Puta! Another katangahan na naman, tapos sa harap pa mismo ni Sir. Huhhu, paano ba alisin ang kamalasan sa katawan?

“Are you okay, Amalia?“ he asked. Medyo cold siya pero okay na. As long as okay kami at kinakausap niya ako kahit papaano ay okay.

“Okay lang ako, Sir! Napaso lang po kasi nahulog ko 'yong kape ko.Hehe“ I said habang naka-peace sign.

Tumango lamang siya sa akin at muli na namang nabalot ng katahimikan ang paligid.

To ease the awkwardness, ay muli akong nagtanong.

“Uhm, Sir? Sir ano po bang sadya niyo at pinuntahan niyo ako rito? May kapalpakan na naman po ba akong ginawa? May problema po ba sa akin? Am I fir—“ hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil bigla na lang siyang nagsalita.

“Walang problema sa pagtatrabaho mo, Amalia. I'm here to offer you a contract.“ malamig niyang wika.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Contract? Anong klaseng contact?

Kahit na naguguluhan ay nagawa ko pa ring magtanong.

“A-Anong contract po ba 'yan, Sir?” tanong ko habang parang tangang nakatitig sa kaniyang mata.

Para tuloy kaming tanga rito sa may tabi ng gate na nag-uusap.

'Di ba kapag may contract, dapat nakaupo sa restaurant o 'di kaya'y maayos ang lugar? Siya lang ata ang nakita kong nagpopropose ng kontrata sa tabi ng gate.

“This. . . This contract is too heavy, Amalia. This is kinda. . . Uhm, nevermind.“ wika niya; malamig pa rin ang boses.

Pinaglihi ba siya sa yelo at snow? Bakit ang cold niya?

“Ano ka ba, Sir! Sabihin mo na, para ka namang others!“ medyo napalakas ata ang pagkakasigaw ko noon dahil maging ang mga kapitbahay namin ay nakatingin na sa akin.

Nag-peace na lang ako sa kanila. Sinenyasan ko silang huwag na lang akong intindihin.

Nang mapabaling ako sa aking unahan ay natataranta akong humingi ng patawad.

S***a! Did I just talk to him with an informal manner? Omg, baka masesante ako nito!

“Sorry, Sir! Heheh,“ wika ko habang nakapeace sign.

Tiningnan niya lang ako na parang bored na bored siya bago sumagot.

“This contract is a marriage contract, Amalia. Marry me. . . “ wika niya.

Kung may iniinom lang akong tubig ay baka naibuga ko na ito sa kaniya.

Did I hear it right? Marriage contract, as in marriage? Kasal?

Nang makita niyang nagulat ako at mukhang takang-taka ay agad niyang dinagdagan ang kaniyang sinabi.

“Don't worry, Amalia. You'll just marry me for business. We'll live in one house for business. You're free to date whoever you want at ganoon din ako. You're free to buy whatever you want, you'll have the privilege to study again and not just that, I'll pay you 50 Million kapag pumayag ka. Let's get married, Amalia. Let's get married for a year.“ he said. Seryosong seryoso siya habang sinasabi ang mga iyon.

Nalilito ako sa dapat kong isagot sa kaniya.

Should I accept the contract? Pero paano naman 'yong paniniwala kong Marriage happens when two persons love each other? Paano iyong paniniwala kong marriage is sacred and it should be pure and real? For me, marriage is very important, pero hindi ko rin maiwasang matukso sa laki ng benifits na matatamasa ko kapag pumayag ako sa gusto niya.

Shit! Looks like I'll choose money over love.

“Uhm, Sir! Pwede po bang pag-isipan ko muna? Medyo nakakaloka naman po kasi 'yong offer niyo! Medyo nahihilo pa po ako sa mga nangyayari!“ wika ko habang sapo-sapo ang aking ulo.

Nagulat naman ako ng bigla niyang hawakan ang aking kamay.

“Are you okay? May masakit ba sa'yo“ wika niya. He looks so concern and affected.

Luh? Nagd-drama lang naman ako eh. Chozz

“Ah. . . Eh. . . Okay lang po ako Sir! Medyo nahilo lang po ako sa mga sinabi niyo. Kakagising ko lang po eh, tas medyo wala pa po ako sa tamang wisyo tapos bigla-bigla na lang po kayong nanggugulat gamit 'yang marriage contract na 'yan. Hehe“ wika ko.

Totoo naman kasing nakakagulat ang mga sinabi niya!

Kapag ikaw ba inalok ng kasal, tas hindi mo naman boyfriend, hindi ka ba mabibigla?

Nakita ko namang parang medyo na-guilty siya sa ginawa niya.

“Uhm, sorry. Pasensya na kung nabigla kita. I'ts just. . . It's just urgent.“ wika niya.

Urgent? Atat na atat na ba siyang mag-asawa?

“Urgent po? Bakit po? Ganoon na po ba kayo kadesperadong magkaasawa?“ tanong ko.

Sinamaan naman niya ako ng tingin.

Lagot. Mukhang matatanggal pa ata ako sa trabaho.

“C-Charot lang po, H-Hehe“ kinakabahan kong wika.

Nakatingin kasi siya sa akin ng masama na parang nakakainsulto ang tanong ko.

Aba, malay ko ba kung psychopath lang ba? Magaling na 'yong nakakasigurong hindi siya baliw na sabik na sabik mag-asawa tapos kapag ikinasal na ay gagawin niyang slave ang asawa niya tapos sasaktan niya at mamaltratuhin.

Hayys, tama nga siguro sila. I should stop reading articles kung saan-saan dahil ganito ang nangyayari. Hayys

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status