Share

Chapter 4

“My leave had passed! Back to work na ulit!” sigaw ko noong nakagising na ako.

Hayy, here we go again. Andito na naman tayo sa punto ng buhay natin na gusto na naman natin ng leave. Charr.

Dali-dali akong lumabas ng kuwarto ko upang magluto ng agahan. Alas kuwatro na ngayon ng umaga at alam kong kailangan ko nang gawin ang obligasyon ko sa umaga.

Agad-agad akong nagsaing pagkatapos ay nagluto ng 3 hotdog. Nagpainit din ako ng tubig dahil alam kong magkakape si Miro at si Mama mamaya. Pagkatapos kong magluto ay agad-agad kong ginising si Mama at Miro para kumain ng almusal.

Alas singko na kasi ngayon at alam kong may pasok pa si Miro. Medyo traffic pa naman kaya't kailngan niyang gumising ng maaga. Alas siyete kasi ang oras ng klase nila.

“Miro! Gumising ka na, may pasok ka pa.“ malakas kong sigaw sa kaniya.

Tulog-mantika rin kasi ang isang ito at kailangang lagi pang sigawan para bumangon.

Nakita ko namang hindi pa siya umiibo.

Aba!

“ALMIRO CREIVEN! Tanghali na, bumangon ka na riyan!“ padarag na sigaw ni Mama.

Nakita ko namang napalikwas siya ng bangon.

Lagot kang bata ka! Mwehehehe

“S-Saglit lang po Ma, maghihilamos lang po,“ wika niya habang dali-daling tinatakbo ang banyo upang maghilamos at magmumog.

Kainis! Kung hindi pa sinabihan ni Mama na bumangon ay baka alas siyete na ay nakahilata pa rin siya.

Nang makalabas siya ay ngunisian ko siya. Tanging irap naman ang iginanti niya sa akin.

Attitude yarn?

Agad-agad kong kinuha ang towel ko ay patakbong pumasok sa banyo.

Inilock ko muna iyon bago maligo.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng mabilis.

Dali-dali akong lumabas ng banyo pagkatapos ko n'on.

Kakalabas ko pa lang ng banyo ay naririnig ko na ang pagbubunganga ni Mama.

“Ikaw talagang bata ka, bakit ba hindi mo magawang gumising ng maaga? Bakit ba hindi ka nag-aalarm?!“ panenermon ni Mama.

Nakita ko namang nakabusangot ang kapatid ko habang sumusubo ng kanin.

“Ma, dapat bang kasama sa pagsubo iyang sermon mo? Mas nabusog pa ata ako diyan kaysa sa kinain ko ngayon eh,“ pangangatwiran ni Miro.

“Aba, ikaw talagang bata ka! Anong oras ang klase mo, huh? Baka ma-late ka!“ Hindi naman maitatangging naiinis na si Mama.

Hindi na naman sumagot si Miro. Ipinagpatuloy na lang niya ang kaniyang pagkain na parang hindi siya napagalitan.

Ganoon naman kami. Kapag napapagalitan kaming dalawa ay hindi na kami sumasagot kapag pinagsasabihan kami. We both know na gusto lang ni Mama na mapabuti kami.

We can't blame her too. Simula noong namatay si Papa, she became over-protective towards us. She's traumatized about the accident.

We're her only family kaya't we always make sure that she won't feel that we're disregarding and ignoring what she's saying.

She wants us to have a better life as much as how I want her to live a life she deserves.

Life was too cruel to her. Losing someone you love must have hurt her so much, but amidst of that, I'm proud of her. I'm proud because she became the best mother a child could ever look for.

Nang masigurado kong I'm ready to go to my work ay nagpaalam na ako kay Mama.

“Bye, Ma. Pasok na ako sa work! “ pagpapaalam ko habang tinatakbo ang gate.

Fuck! I'm gonna be late!

“Ingatt! Huwag kang magpapagutom, Amalia! Umuwi ka ng maaga at huwag kang makikipag-away sa trabaho!“ sigaw niya sa akin. Medyo malayo na kasi ako eh.

Shit na malagkit, paano ako makakapasok nito sa trabaho? Sigurado akong traffic na ngayon dahil medyo late na. Kung makasakay man ako ngayon, baka mamayang alas nuwebe pa ako makarating sa trabaho.

Nasa gitna ako ng pag-iisip ng makarinig ako ng busina. Noong una ay inignora ko ito sa pag-aakalang mula lang ito sa mga nagdaraan ngunit napapiksi ako ng sunod-sunod na ang busina.

Heck, bakit ba ang ingay? Sira na nga ang araw ko tapos may mang-iinis pa ! Arrgh.

Inis ko namang binalingan ang kotseng kanina pang bumubusina.

Naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang mapagtanto ko kung kanino iyon.

S***a! Kay Sir Arvin 'yon!

Nakita ko ang pagbaba ni Sir sa kaniyang sasakyan. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya ng makita kong papalapit siya sa akin.

“Hop in, Miss Heliego. Sumabay ka na sa akin. I'm also going to our company and I think male-late ka na.“ he smiled as he went near me.

“Uhmm, wag na po Sir! Nakakahiya naman po!“ wika ko habang nakangiti.

Nakita ko namang napakunot ang kaniyang noo.

“Oh, don't be. Treat this as a. . . Treat this as a help from a close friend.“ wika niya.

Tumango na lang ako.

Well, wala naman akong magagawa. Kapag tumanggi ako, alam kong mag-iinsist pa rin siya. Malelate rin akong lalo.

Hayys, what to do? What to do?

Sa huli ay pumayag na rin ako. Nakakahiya namang mag-inarte 'no.

Siya 'tong may-ari ng kotse ng pinagtatrabahuhan ko tapos mag-iinarte lang ako?

The audacity!

Teka nga lang, bakit ba ang dami ko na agad nasabi?

Deinna Amalia, itigil mo 'yan!

“Uhmm, napag-isipan mo na ba 'yong proposal ko?“ pagbasag niya sa katahimikan.

Kasalukuyan akong nasa kotse niya habang siya ay nagmamaneho. Medyo awkward ngayon dahil sa shotgun seat ako nakaupo.

Kanina ay sinabi kong sa likod na lang ako uupo but he insisted na rito na lang. Magmumukha daw kasi siyang driver kapag ganoon.

Dala ng hiya ay pumayag na rin ako. Oo nga naman, napaka-kapal talaga ng mukha ko at hindi ko naisip iyon. Hayys!

”Uhmm, yes Sir. I-I. . . I accept the contract, Sir Arvin.“ seryoso kong untag.

Goodbye single life! Goodbye happy life!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status