Sa mundo ng mga mayayaman, hindi damdamin kundi pangalan at kapangyarihan ang nasusunod. Ngunit paano kung isang araw, matali ka sa isang sumpaang kailanman ay hindi mo ginusto....
Forbes Park Mansion, Manila
"Klarise, anak! Bumangon ka na! Malalate tayo sa binyag!" sigaw ni Pilita Olive habang kumakatok sa napakalaking kwarto ng anak.Nasa loob ng isang engrandeng silid si Klarise, napapalibutan ng mga mamahaling chandelier at custom-made European furniture. Ang mga kurtina ay mula sa Italy, ang carpet ay handwoven mula sa Persia. Ngunit kahit gaano ka-ganda ng paligid niya, isa lang ang gusto niya ngayon—ang matulog!
Dumating siya kagabi mula Paris sakay ng kanilang private jet, pagod sa rehearsals at performances bilang isang kilalang ballerina. Halos hindi pa siya nakakapagpahinga, tapos ngayon, gigisingin siya para sa isang binyag?
"Mom, I swear to God, if this is not important—" ungol niya habang pilit tinatakpan ng unan ang kanyang mukha.
"Binyag ‘to ng anak ng pinsan mo, kaya dapat nandoon tayo! Alam mo namang importante ang social connections natin!" sagot ni Pilita, may halong pagkataranta sa boses.
"Fine! Pero bakit kailangan kong magsuot ng puting bestida?!"
"Yan ang motif! Wag ka nang maraming tanong, isuot mo na!"
Napabuntong-hininga si Klarise habang nakatitig sa sarili sa full-length mirror ng kanyang kwarto. Nakasuot siya ng isang eleganteng puting bestida na ni-design pa ng isang sikat na French designer. Napakaganda niya—mistulang isang prinsesa mula sa isang fairy tale. Pero bakit pakiramdam niya, isa siyang tupa na inihahanda sa katayan?"Mom naman, do I really have to wear this? I look like I'm getting married!" reklamo niya habang hinahaplos ang magarang tela ng kanyang suot. "Mag-message na lang ako kay Camille. Susunod na lang ako sa venue. I'm so damned tired from my long flight yesterday. Please, Mom!"
Namumungay pa ang kanyang mga mata dahil sa jet lag, at ang katawan niya ay gustong bumalik sa higaan.
Ngunit walang awa ang kanyang ina.
"Ang arte mo talaga!" sigaw ni Pilita habang nilalapitan siya. "Kumilos ka na kung hindi, kukurutin kita sa singit! Huwag mo akong daanin-daanin sa pag-e-English mo! Dalian mo, ha? Huwag mo kaming paghintayin ng daddy mo! Dapat pagbalik ko, nakagayak ka na!"
"Mommy naman!" reklamo ni Klarise, pero wala na ang kanyang ina—lumabas na ito ng kwarto, nagmamadaling bumalik sa paghahanda.
Walang nagawa si Klarise kundi umirap at bumuntong-hininga. Bakit ba kasi ang kulit ng mommy niya? Para namang malaking kasalanan ang matulog ng kahit ilang oras.
Hindi niya alam na ang bawat galaw ng kanyang pamilya ngayon ay may mas malaking dahilan—isang dahilan na magpapabago sa buong buhay niya.
Samantala, sa Ray Estate...Sa kabilang panig ng mundo ng mga elite, isang lalaki ang mariing nakapikit, nagbabakasakaling makatulog muli. Ngunit imposible iyon dahil sa walang-humpay na katok ng kanyang ina.
"Louie, hijo! Ano ba?! Bakit hindi ka pa bumabangon?!"
Ang kwarto ni Louie ay may malawak na floor-to-ceiling windows na tanaw ang buong Tagaytay Highlands. Ang kama niya ay custom-made mula sa Italy at may sariling walk-in closet na kasing laki ng isang condo unit. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, mas pinili niyang magmukmok sa kama, pilit na tinatakasan ang araw na ito. Pagod siya kahapon sa mahabang oras ng operasyon. Isang cosmetic surgeon si Louie, isang bilyonaryo, CEO at nagmamay-ari ng White Aesthetique Clinic na may iilang branch sa iba't ibang parte ng Pilipinas, at siya ang bunsong anak nina Philip at Georgina Ray na isang trillionaire na nagmamay-ari ng factory na nagdi-distribute ng puting bond paper, notebooks, at iba pa.
Narinig ni Louie ang nakaiiritang boses ng kanyang ina mula sa likod ng pinto. Sinubukan niyang hindi ito pansinin, pero nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang ina na may hawak na puting tuxedo, wala na siyang nagawa.
"Mom, hindi ako mahilig sa binyag!" iritadong sagot ni Louie.
"Louie Ray! Bumangon ka na at isuot mo ang puting tuxedo mo!"
Napabangon si Louie at napaikot ang mga mata. "Puting tuxedo? Para sa binyag?"
"Basta sundin mo na lang ako!" sagot ni Georgina, tila balisa.
Pinagmasdan ni Louie ang mamahaling puting tuxedo na nakahanda sa gilid ng kanyang kama. May kakaibang pakiramdam siya.
"Bakit kailangan kong magsuot nito?" tanong niya, nagtataka.
"May importante tayong pupuntahan," sagot ni Georgina, ang kanyang ina, habang iniaabot ang tuxedo.
Sinipat ni Louie ang suot ng kanyang ina. Nakasuot din ito ng puting dress na para bang a-attend ng kasal.
"Binyag daw ‘to, pero parang masyado kayong pormal," komento niya habang kinukuha ang tuxedo. "At bakit kailangan kong magsuot ng ganito? Hindi ba pwedeng simpleng suit lang?""Walang tanong-tanong, anak! Sundin mo na lang ako, okay?"
"Fine. Pero kung boring ‘to, aalis ako agad." "Hay naku, Anak, ang dami mong reklamo. Sundin mo na lang kami, ok? Naka-ready na ang daddy mo sa baba," napapailing na sabi ni Georgina sa anak. Narolyo ni Louie ang kanyang mga mata. "Yeah, yeah, whatever," sagot niya, saka kinuha ang puting tuxedo mula sa kanyang ina. Isinuot niya iyon nang walang ganang intindihin kung ano ba talaga ang pinaggagawa ng kanyang pamilya ngayon.Pagkababa niya mula sa grand staircase ng kanilang mansyon, naroon na ang kanyang ama, si Philip Ray, na matikas na nakatayo habang pinagmamasdan siya.
"Hijo, let's go," mahina ngunit mariing sabi nito.
Napatingin si Louie sa labas—nakapila ang kanilang convoy ng mga luxury cars, at mukhang hindi lang ito simpleng "binyag." Something was definitely off.
"Dad, can someone please tell me what the hell is going on?"
Matalim siyang tinitigan ng kanyang ama bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Wala kang kailangang alamin. Sumunod ka lang."
"What?!"
Bago pa siya makapagtanong ulit, tinapik siya ng kanyang ama sa balikat. "Trust us, hijo. This is for the best."
"Akala ko ba mom and dad, binyag ang pupuntahan, bakit 'this is for the best'?" takang tanong ni Louie. "Huwag ka na nga magtanong pa, anak. Yan ang motif ng binyag, sumunod ka na lang."Tiningnan ni Georgina ang asawang si Philip na parang binabalaan na huwag magsalita ng kung ano-ano, baka madulas at mabuko pa sila sa plano.
Napangiwi si Louie. "For the best? Ewan ko lang kung para sa akin 'yun o para sa kanila." Ngunit kahit anong gawin niya, tila may isang pwersang nagtutulak sa kanya patungo sa isang bagay na hindi niya pa nauunawaan. At sa oras na makarating siya sa venue, isang bagay lang ang magiging malinaw—hindi ito isang ordinaryong araw, at siguradong magbabago ang buhay niya magpakailanman.
Maagang sumilip ang araw sa kawalan, sumayaw sa puting kurtina ng kubo, at marahang dumapo sa pisngi ni Klarise. Nakahiga siya sa kama, nakatalikod kay Louie, yakap ang unan, at may banayad na paghinga. Tahimik ang paligid—tanging huni ng alon at ang mahinang ihip ng hangin ang nangingibabaw.Sa likod niya, si Louie—nakadilat, gising, ngunit hindi gumagalaw. Takot na baka magising si Klarise, takot na baka mawala ang payapang sandaling ito. Ngunit sa kanyang puso, may init—hindi init ng alaala, kundi ng damdamin na unti-unting sumusulpot. Buong gabi silang magkatabi, hindi para balikan ang nakaraan, kundi para damhin ang kasalukuyan.Hinayaan siyang manatili ni Klarise. Walang tanong, walang kondisyong inilagay sa pagitan nila. Kaya ngayon, heto siya—hindi bilang doktor, hindi bilang estranghero, kundi bilang Louie… ang lalaking muling natututo kung paano magmahal.Dahan-dahan siyang gumalaw, marahang inilapit ang sarili sa likod ni Klarise. Inabot niya ang buhok nito at maingat na in
Humagulhol na si Klarise. “Hindi mo kailangang ligawan ako ulit. Mahal kita, Louie. Kahit ilang beses pa akong masaktan sa pagkawala mo, pipiliin pa rin kita.”Nagpalakpakan si Hilirio. “Ayos! Ibalik ang kasalan!”Tumawa si Philip. “Baka pwedeng sa susunod, mag-cruise wedding naman kayo!”“Hoy,” singit ni Pilita, “huwag muna nating ipressur—”Pero bago pa matapos, si Georgina na ang lumapit kay Klarise at niyakap siya ng mahigpit.“Salamat,” bulong niya. “Sa pagmamahal mo sa anak ko. Sa katatagan mo. Sa pagiging ilaw sa panahong wala siyang makita.”Umiyak si Klarise, yakap ang biyenan.At sa gitna ng tawanan, luha, at muling pagkilala, sumisikat ang araw sa harap nila—liwanag na nagsasaad ng bagong umaga.Hindi pa tapos ang laban, ngunit buo na ulit ang pamilyang minsang winasak ng isang trahedya.Tahimik ang dalampasigan, at ang mga alon ay tila nagkukuwento ng matatandang pangarap na muling binubuhay. Nakalapag ang mga ilaw sa paligid ng kubo sa tabi ng baybayin—maliliit, dilaw, at
Sa dining area ng Page-Rays residence, tahimik ang lahat habang nag-aalmusal. Si Louie ay nagkukusot ng mata, hawak ang mug ng kape, habang si Klarise ay abalang pinapakain si Luna sa baby chair nito. Sa ilalim ng katahimikan, naroon ang pananabik at kaba—dahil ngayong araw, darating ang kanilang mga magulang upang sabay-sabay na magtungo sa beach resort sa Batangas. Magsasama-sama sa unang pagkakataon mula nang mangyari ang aksidente.“Sigurado ka bang kaya mo na, Louie?” tanong ni Klarise, malumanay pero may halong pag-aalala. “Hindi naman kita pipilitin kung hindi ka pa handa.”Tumingin si Louie sa kanya. “Hindi ko man maalala ang lahat, pero… ayokong palampasin ang kahit isang pagkakataong makasama kayo. Baka doon… mas maintindihan ko pa kung sino ako.”Napangiti si Klarise, ngunit kapansin-pansing nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. “Salamat, Louie…”Bago pa siya makasagot, isang mahinang katok ang narinig mula sa pinto. Sunod-sunod na yabag, at maya-maya pa’y narinig ang m
Sa kwarto sa ikalawang palapag, mag-isa si Klarise. Tahimik siyang nag-aayos ng mga pinamiling gamit. Ang liwanag ng lampshade ay malumanay na tumatama sa kanyang mukha—isang mukha ng ina, ng asawa, ng babaeng pilit na bumabangon sa bawat araw na puno ng alaala ngunit walang kasiguruhan kung kailan muling makikilala.Kinuha niya ang isang maliit na baby photo frame. Larawan nila iyon ni Louie at ni Luna, kinuhanan isang buwan bago ang aksidente. Nakangiti silang tatlo. Isang larawang puno ng kasiyahan—ng walang duda, ng isang buong pamilya. Dumampi ang luha sa sulok ng kanyang mata, ngunit agad niya iyong pinunasan.Biglang bumukas ang pinto.Nilingon niya ito, may kaba. At doon niya nakita si Louie, nakatayo sa may siwang ng pintuan, buhat pa rin si Luna na mahimbing nang natutulog.“Gising ka pa pala,” marahang sabi ni Louie.Tumango siya, pilit na ngumiti. “Inaayos ko lang ang gamit ni Luna.”Tahimik na pumasok si Louie, hindi inaalis ang tingin sa kanya. May kakaibang lamig at ini
Tahimik si Louie sa kabilang linya.Hindi niya alam kung ano ang isasagot.Pagkaraan ng ilang segundo, si Klarise na ang lumapit at marahang kinuha ang telepono sa kanya.“Hello po,” wika niya. “Si Dr. Louie po ay nagpapagaling pa. May amnesia po siya mula sa aksidente. Hindi pa siya makakabalik ngayon.”“Oh my God,” saad ng kabilang linya. “We didn’t know. I’m so sorry, Ma’am.”Ngumiti si Klarise, kahit puno ng kaba ang dibdib.“It’s alright. I’ll call again once he’s ready. For now, please cancel any direct appointment and relay to the clients that Dr. Louie is still recovering.”“Yes, Ma’am. Will do.”Pagkababa niya ng telepono, humarap siya kay Louie.“Pasensiya na… pero kailangan mo muna magpahinga. Hindi pa ito ang oras para bumalik sa trabaho.”Tumingin si Louie sa kanya. Walang sabi. Pero sa tingin na iyon… may iba na.Hindi na ito ang tingin ng isang estrangherong may malamig na puso.Ito ang tingin ng isang lalaking nagsisimula nang magtanong kung nasaan ang kanyang puso.At
Tahimik ang umagang iyon sa mansyon ng mga Ray.Sa silid na dating tinutulugan ni Klarise at Louie, tanaw ng araw ang mga kurtinang pinili ni Klarise mismo—puti, may manipis na embroidery ng mga bulaklak. Hindi niya alam kung bakit, pero ngayon lang napansin ni Louie kung gaano kalambot sa mata ang sinag ng araw sa silid na ito.Gumising siya nang maaga, mas maaga kaysa karaniwan. Walang humiling sa kanya na gawin ito. Walang tumawag ng “Love, gising na. May breakfast na.” Wala ang tinig ni Klarise. Wala rin ang yapak ni Luna sa hallway. Ngunit sa di maipaliwanag na dahilan, parang hinahanap ng katawan niya ang mga iyon.Tumayo si Louie at bumaba nang tahimik. Sa may salas, napansin niya ang isang maliit na stuffed toy na naiwan sa gilid ng sofa. Kulay rosas, may mahabang tenga—isang kunehong tila ilang ulit nang nahulog at pinulot. Dinampot niya ito at pinagmasdan.“Luna,” bulong niya.Parang unti-unting umiinit ang dibdib niya. Mula sa likod ng puso niya, may umaalimbukay na hindi n