Ngunit napansin niyang nakatingin ang lahat sa kanila, mga mata’y puno ng kilig at tuwa. Nagpe-perform sila bilang “perfect couple” sa harap ng mga estranghero.
“Smile, wifey,” bulong ni Louie, nakadikit ang labi sa kanyang tenga. “Show must go on.”
Kinilabutan si Klarise, pero hindi niya pinahalata. “Napaka-plastik mo.”
Louie grinned. “Mas plastik ka.”
Napilitan silang umupo sa mesa habang tinutugtugan ng bandang nakangiti pa sa kanila. Lumapit ang waiter at naglagay ng mamahaling champagne sa kanilang baso.
Nagkatinginan sila. Parehong walang balak mag-toast, pero dahil nakatingin ang mga staff, wala silang choice.
“Cheers,” ani Louie na pilit ang ngiti. “To the worst day of my life.”
“Cheers,” sagot ni Klarise, pilit ding ngumiti. “To the nightmare I can’t wake up from.”
Nagsimula na silang kumain, at halos sabay nilang tinikman ang lobster na inihain. Pareho nilang napansin na sobrang sarap ng pagkain—perfectly cooked, malasa, at mahal ang presyo. Pero syempre, hindi nila papahalata sa isa’t isa.
“Ang alat,” reklamo ni Louie, kahit sa loob-loob niya’y gusto niya ang lasa. “Baka expired na ‘to.”
Nagsalubong ang kilay ni Klarise. “Expired? Ano bang panlasa meron ka? Ito ang pinaka-masarap na lobster na natikman ko—ay, I mean, pinaka-malasang pangit.”
Louie chuckled. “Sige na nga. Ikaw na ang magaling sa lobster.”
Napailing si Klarise. “At ikaw na ang magaling sa pagkasira ng gabi.”
Tuloy ang asaran nila habang kumakain. Pero kahit puno ng inis at sarcasm, hindi nila napansin na para na rin silang mag-asawang nagtatalo.
Natigil lang sila nang biglang tumugtog ang banda ng classic love song.
Lumapit ang emcee na nakangiti. “And now… the newlyweds’ first dance!”Nanlaki ang mga mata ni Klarise. “Ano?!”
Nagbuntong-hininga si Louie. “Oh great. Ano pa bang next, fireworks?”
Tinulak sila ng mga staff papunta sa dance floor, at wala silang kawala.
Nagkatinginan sila—parehong walang balak magsayaw pero parehong walang choice.“Let’s just get this over with,” bulong ni Louie, inilahad ang kamay. “Walang iyakan, Klarise.”
Tumaas ang kilay ni Klarise. “Walang iyakan? Baka ikaw ang maiyak sa sakit kapag natapakan kita.”
Louie smirked. “Subukan mo, titiyakin kong madudulas ka sa gitna ng sayaw.”
Naiinis man, tinanggap ni Klarise ang kamay niya. At sa unang pagkakataon, nagkadikit ang mga katawan nila.
Ramdam ni Klarise ang init ng katawan ni Louie, at bigla siyang kinabahan.“Relax, hindi ako manyak,” ani Louie, parang nabasa ang iniisip niya. “Wala akong balak na bastusin ka. Ayokong dumumi ang kamay ko.”
Nag-init ang pisngi ni Klarise sa inis. “Good. Kasi kahit hawakan mo ako, hindi kita mararamdaman.”
Napangisi si Louie. “Talaga lang, ha? Ang lakas ng kabog ng dibdib mo.”
Namula si Klarise. “Ang kapal! Baka ikaw ang kinakabahan dyan!”
Napailing si Louie, ngumisi. “Sa’yo? Dream on.”
Nag-umpisa silang magsayaw, pilit na inaagapan ang mga galaw. Sa totoo lang, magaling sumayaw si Louie. Maingat niyang ginagabayan si Klarise, at kahit galit sila sa isa’t isa, parang nagmi-mirror ang mga katawan nila.
Napansin iyon ng mga tao sa paligid, napapahanga sa chemistry nila sa dance floor.
“Ang sweet nila!” bulong ng isang guest. “Bagay na bagay!” sabi naman ng isa pa.Parehong nahihiya sina Klarise at Louie sa mga komento, pero wala silang magawa. Kailangan nilang gampanan ang papel ng “perfect couple.”
Natapos ang kanta at tumigil sila, parehong humihingal. Nagkatitigan sila—at sa unang pagkakataon, walang sarcasm sa kanilang mga mata.
Pero agad ding naputol ang sandali nang biglang nagsalita si Louie, “Tama na ‘to. Baka ma-umay ako sa’yo.”
Naiinis na binitiwan ni Klarise ang kamay niya. “Hindi ko rin gustong hawakan ka. Baka magka-allergy ako.”
Ngumiti si Louie. “Ang arte mo.”
Ngumisi si Klarise. “Ang yabang mo.”
Nagkatinginan sila, parehong hindi magpapatalo. Pero habang tinitingnan ni Louie ang galit na mukha ni Klarise, hindi niya maiwasang mapansin kung gaano kaganda ang mga mata nito.
Si Klarise naman, kahit naiinis, hindi mapigilang pansinin ang dimple ni Louie sa tuwing nang-aasar ito.
Hindi. Hindi pwede. Pareho nilang tinanggal ang ideya sa isip. Ang honeymoon na ito ay hindi para sa love story.
At habang patapos na ang gabi, isang bagay ang malinaw—itong forced honeymoon na ito ay magbubunga ng isang buwang digmaan... at baka ng isang kwentong hindi nila inaasahan. Kinabukasan, sa balcony ng kanilang suite, nakatayo si Klarise habang nakatanaw sa malaparaisong tanawin ng Coron. Ang bughaw na dagat, ang puting buhangin, at ang mga naglalakihang bato ay parang postcard na buhay. Ngunit sa kanya, ito ang impyerno.Lumabas si Louie na bagong ligo, nakatapis lang ng tuwalya, at nag-uunat ng mga braso.
“Ah, ang sarap talaga dito. Perfect place for a honeymoon, ‘no?”Tumaas ang kilay ni Klarise. “Perfect place para itapon ka sa dagat at hindi na makita.”
Napangisi si Louie. “Ang sweet mo talaga, wifey. Ganito pala magmahal ang mga Olive.”
Umismid si Klarise. “As if may alam ka sa pagmamahal. Tingin ko nga, ang puso mo, bato.”
Naglakad si Louie papunta sa minibar. “Bato nga kung bato, at least, hindi ako marupok tulad mo.”
Napaawang ang bibig ni Klarise. “Marupok? Ako?!”
Tumawa si Louie. “Oo. Isang ngiti ko lang, natutunaw ka na.”
Namula si Klarise. “Ano? Ang kapal ng mukha mo! Wala kang epekto sa akin, Louie!”
Humigop ng kape si Louie at ngumisi. “Kaya pala nung nag-first dance tayo kagabi, kinakabahan ka.”
Napasimangot si Klarise. “Feeling mo lang ‘yon. Baka ikaw ang hindi makahinga dahil sa kaba.”
“Bakit ako kakabahan? Wala ka namang appeal sa’kin,” tugon ni Louie, pero lumihis ang tingin niya.
Hindi agad sumagot si Louie. Tinanggap niya ang singsing, pinagmasdan ito. Tila binabasa niya ang bigat ng bawat pagkakabuo nito—ang pangakong nakaukit sa ginto, kahit hindi niya maalala ang mismong araw.“Sa puso ko… pakiramdam ko, hindi ko ito inalis,” sabi niya, sabay suot ng singsing sa sarili niyang daliri. “Ngayon… isusuot ko na uli. Sa buhay ko.”Napaluha si Klarise. Lumapit siya, at sa harap ng kama nilang dalawa, walang sinuman kundi sila, hinalikan niya ang noo ng asawa.“Welcome home, mahal ko.”Tumayo si Louie sa wheelchair, pinilit kahit manghina. Hinawakan niya ang kamay ni Klarise.“Ako naman. Ako ang dapat magsabi niyan.”Lumuhod si Louie. “Klarise Olive Ray… salamat. Sa lahat. Sa pagkapit. Sa pagmamahal. Sa pagpilit sa’kin kahit wala akong maibalik. Ngayon, handa na akong ibalik lahat. Handa na akong maging asawa mo, tatay ni Luna, at lalaking muling pipili ng tahanang ito… araw-araw.”Napayuko si Klarise at niyakap siya nang mahigpit. Hindi na sila nagsalita. Niyakap
“Louie…” sabi ni Klarise, dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa tenga nito. “Kung naririnig mo ako… sabihin mo lang ang pangalan ko. Kahit pabulong. Kahit sa isip mo lang.”Tahimik na ilang segundo.Hanggang sa…“...Kla…”Mala-hiningang tunog. Halos hindi marinig. Pero dumaan sa pandinig ni Klarise na parang kulog mula sa langit.Napasinghap siya. “Louie?!”Nanginig ang mga labi ni Louie. Nakapikit pa rin ang mga mata, pero gumalaw ang bibig.“...Klarise…”Parang huminto ang mundo.Tumulo ang luha ni Georgina. Si Philip ay napaupo, natulala. Si Pilita ay napahawak sa puso niya. Si Hilirio ay hindi na nakapagsalita, nakatingin lang sa anak ng anak niya na—sa wakas—bumalik.Klarise, nanginginig, yumakap sa dibdib ni Louie.“Diyos ko… bumalik ka…”“...Sabi ko naman sa’yo…” mahinang tinig ni Louie. “...hindi ko kayo iiwan…”“Louie…” lumuluhang bulong ni Klarise. “Mahal na mahal kita…”At sa wakas, dahan-dahang dumilat ang mga mata ni Louie. Mahina, nanlalabo, ngunit nakatuon lamang sa i
Bumaligtad ang mundo. Nawala sa linya ang langit. Nalubog sila sa malamig at malakas na agos ng tubig.Tubig. Hangin. Sigaw.“KLARISE!” sigaw ni Louie mula sa ilalim ng dagat, habang sinisid niya ang pamilyar na aninong lumubog. Hinanap niya ang kamay nito sa gitna ng bula at alon. Lumalaban siya sa hampas ng tubig, hanggang sa maabot niya ito.“Nandito ako!” sigaw niya, hinila si Klarise pataas.Pag-angat nila sa ibabaw, habol-hininga si Klarise, nanginginig, naluluha. “Louie…!”“Okay ka lang?” tanong niya, yakap siya ng mahigpit habang tinatahak ang bangka ng mga rescue personnel mula sa isa pang isla. Ngunit isang alon pa ang humampas.“Louie!”Ngunit sa isang iglap, si Louie ang nawalan ng balanse. Bumitaw siya upang itulak si Klarise papalayo sa banggaan ng mga kahoy na bahagi ng bangka.Nakita ni Klarise kung paanong nilamon ng alon si Louie—wala nang salbabida, wala nang mahawakan.“LOUIE!” sigaw niya, nanginginig ang buong katawan. “LOUIE, HUWAG MONG IIWAN!”Mabilis ang mga pa
Kinabukasan – Bandang alas-otso ng umagaLa Verda Beach Resort Pier, Batangas“Sure kayo po, Ma? Hindi po kayo mahihirapan kay Luna?” tanong ni Klarise habang yakap si Baby Luna, na ngayon ay gising na at ngumanganga habang sinisipsip ang sariling hinlalaki.“Anak naman!” sabat ni Pilita Olive, sabay agaw ng sanggol. “Hinintay ko ‘to buong buhay ko. Ako pa ba ang mahihirapan sa apo ko?”“Hayaan mo na ang Mama mo, iha,” dagdag ni Hilirio Olive, na hawak ang isang bote ng baby lotion. “Kanina pa ‘yan gising. Pati ako sinabihan nang, ‘Hil, kumuha ka ng gatas!’ Ni hindi ko alam kung anong formula ang tama, pero pinilit ko. Ganyan ang epekto ng apo—napapag-aralan kahit ang imposible.”Tawanan.Lumapit si Georgina Ray, naka-shades at nakabikining may cover-up. “At huwag mong kalimutan, Klarise, pediatrician ako. Hindi lang basta lola. Ang apo ko… nasa kamay ng isang propesyonal.”“Grabe kayo, Ma,” natatawang sabi ni Louie habang inaayos ang life vest ni Klarise. “Parang isang team of doctor
Maagang sumilip ang araw sa kawalan, sumayaw sa puting kurtina ng kubo, at marahang dumapo sa pisngi ni Klarise. Nakahiga siya sa kama, nakatalikod kay Louie, yakap ang unan, at may banayad na paghinga. Tahimik ang paligid—tanging huni ng alon at ang mahinang ihip ng hangin ang nangingibabaw.Sa likod niya, si Louie—nakadilat, gising, ngunit hindi gumagalaw. Takot na baka magising si Klarise, takot na baka mawala ang payapang sandaling ito. Ngunit sa kanyang puso, may init—hindi init ng alaala, kundi ng damdamin na unti-unting sumusulpot. Buong gabi silang magkatabi, hindi para balikan ang nakaraan, kundi para damhin ang kasalukuyan.Hinayaan siyang manatili ni Klarise. Walang tanong, walang kondisyong inilagay sa pagitan nila. Kaya ngayon, heto siya—hindi bilang doktor, hindi bilang estranghero, kundi bilang Louie… ang lalaking muling natututo kung paano magmahal.Dahan-dahan siyang gumalaw, marahang inilapit ang sarili sa likod ni Klarise. Inabot niya ang buhok nito at maingat na in
Humagulhol na si Klarise. “Hindi mo kailangang ligawan ako ulit. Mahal kita, Louie. Kahit ilang beses pa akong masaktan sa pagkawala mo, pipiliin pa rin kita.”Nagpalakpakan si Hilirio. “Ayos! Ibalik ang kasalan!”Tumawa si Philip. “Baka pwedeng sa susunod, mag-cruise wedding naman kayo!”“Hoy,” singit ni Pilita, “huwag muna nating ipressur—”Pero bago pa matapos, si Georgina na ang lumapit kay Klarise at niyakap siya ng mahigpit.“Salamat,” bulong niya. “Sa pagmamahal mo sa anak ko. Sa katatagan mo. Sa pagiging ilaw sa panahong wala siyang makita.”Umiyak si Klarise, yakap ang biyenan.At sa gitna ng tawanan, luha, at muling pagkilala, sumisikat ang araw sa harap nila—liwanag na nagsasaad ng bagong umaga.Hindi pa tapos ang laban, ngunit buo na ulit ang pamilyang minsang winasak ng isang trahedya.Tahimik ang dalampasigan, at ang mga alon ay tila nagkukuwento ng matatandang pangarap na muling binubuhay. Nakalapag ang mga ilaw sa paligid ng kubo sa tabi ng baybayin—maliliit, dilaw, at