Se connecterNamangha ako sa matayog na steel gate. Bigla itong bumukas at dalawang nakaunipormeng bodyguards ang aking nakita na naghihintay sa magkabilang gilid ng nakabukas na gate.
Isang malawak na sementadong daan ang tinahak ng sasakyan papasok sa isang engrandeng mansyon. Abot-abot ang aking kaba nang huminto ang sasakyan sa tapat mismo ng magarbong grand entrance ng mansyon. Pinagbuksan ako ni Mang Dex at nagpasalamat ako sa kanya.Bumaba ako sa sasakyan at humakbang papsok ng mansyon. Sumalubong sa akin ang dalawang linya na nakahilerang mga housemaids.Sa tingin ko mga sampu cla. Isa-isa silang bumati sa akin at nagbigay daan sa akin papasok hanggang matapos ang huling linyang housemaids na bumati sa akin. Isang cute na batang lalake ang mariing nakatitig sa akin. Tila ba kinakabisado ang aking pigura at pati ang kilay nito ay magkasalubong na parang sinong matandang tao. "You are late!" nag-aakusang sabi ng bata. Natigilan ako sa malakas na boses ng bata na nakapamaywang sa akin. Natagalan bago ako nakasagot kung kaya't sunod-sunod ang kanyang palatak sa akin. "Are you deaf?can't you understand me?" may himig na inis na sabi ng bata. I gathered all my wits and answered him back. "First of all, I am not deaf, second, my name is Jayda Sarmiento, I am your new tutor and last, I really understood what you have said," kalma kong pagpapaliwanag. Nakita kong lumiwanag ang itsura ng bata ngunit saglit lamang ito dahil muli na naman itong namaywang at pabalyang tinawag ang kanyang yaya, "Nanny, bring her to her room." Humarap siya sa akin at nagsalita, " Clean yourself up! lady housemaid will call you for our class session. Don't be late. That's an order." Nagsalita ang yaya na nasa gilid lang pala ng bata sa di kalayuan, "Ah. miss tayo na po, ihahatid na kita sa iyong silid." Iginiya niya ako papasok ng mansyon at ako naman ay sumunod lang sa kanya, "Ah, miss pasensyahan mo na si young master, ganyan lang talaga iyang ugali ng alaga ko kapag hindi niya pa kilala." "Don't worry......," bitin kong sabi. "Ah, ako pala si Ditas, mukhang matanda lang ako ng ilang taon sa iyo, huwag ka ng magate o ante, mukhang tatanda ako niyan," mahaba niyang pagpapakilala sa kanyang sarili. Ngumiti ako sa kanya at nakipagkamay, "Hi, Ditas!Ako pala si Loren Ann." "Which way ang gusto mo easy or long walk," tanong niya. "Ah, ano pa lang ibig sabihin niyan pinagpipilian mo sa sakin," nahihiwagaang tanong ko rin sa kanya. "Ano ang gusto mo mag elevator or maglalakad papunta sa iyong silid," natatawa niyang tanong sa akin. "Maglalakad na lang tayo, hindi kasi ako sanay sumakay ng elevator, walang ganyan sa aming probinsya," hirit ko pa. Sabay kaming nagtawanan dalawa. Mukhang magkakasundo kami ni Ditas. Hindi siya mahirap kausap at magiliw siyang kakwentuhan. Mukhang sa magiging tutee ko ako magkakaproblema. Bukod sa suplado ito ay may nakikita siyang pagkadominante at strikto ito. Kakaiba ang ugali nito sa mga normal at karaniwang mga bata sa laboratory school kung saan siya nagpracticum ng pagiging guro. "What's going on here? Why both of you are laughing?" sunod-sunod na tanong ng bata. "Ah, eh, young master, wala po tinuturo ko lang ang daan papunta sa silid ni Ms.Jayda, hindi ba Miss?" turo sa akin ni Ditas. "I don't want both of you laughing at my back, hurry up or I'll kick you all from your job," the young boy hissed. "Yes, young master, hindi na mauulit, alis na kami, let's go Ms. Jayda,”hila sa akin ni Ditas. Nagmadali akong sumunod sa kanya paakyat sa hagdan kung nasaan ang magiging silid ko. Akala ko ay isang hagdan lang ang aakyatin namin na may mahigit dalawangpu't pito palapag. Pagkadating namin sa huling palapag ng hagdan ay lumiko si Ditas sa kaliwang bahagi at bumungad sa amin ang panibagong hagdan na naman. Sumunod ako sa kanya at dahan-dahan namang umakyat. Madali naman siyang nakarating sa huling palapag. Ang akala ko ay hulig hagdan na iyon ay hindi pa pala kung kaya't nagreklamo na ako sa kanya. "Ditas, hindi mo naman sinabi sa akin na may apat na palapag pala itong bahay na ito, ang sakit na ng paa ko, okay lang sana kung hindi hagdan ang aakyatin o lalakarin, sanay naman ako sa lakaran pero ang umakyat ng hagdan, naku ang hirap," tumigil ako sa paglalakad at hinilot-hilot ang likuran ng aking paa. "Hindi ba pinapili kita long walk or elevator? sabi mo long walk, halerrrr..hindi ito ordinaryong bahay day, mansyon ito, palasyo pero nakatira dito mga bato, kaya batong palasyo ito day!" palatak niya habang pinupunasan ang pawis sa noo. "Eh,kasi first timer eh!Pasensya na," pairap kong sabi. For the nth time nakarating din kami sa palapag kung nasaan ang magiging silid ko. Binuksan niya ang silid at bumungad sa akin ang napakamaaliwalas na silid.Kulay puti ang buong silid na may double size bed. "Ms.Jayda,magpahinga ka na muna, nasa closet na ang iyong mga gamit.May buzzer diyan kung may kailangan ka pa, pindutin mo lang.Ipapatawag ka lang mamaya ni young master, cge babye!!!" walang lingon-lingon niyang sabi at isinirado na ang pinto ng silid. Naiwan akong speechless at nakatanga sa kawalan. Sa isang iglap lang nagbago na ang lahat ng nakasanayan ko sa buhay. Ito na ang bago kong mundo. Ang paglalaanan ko ng oras at panahon habang hinihintay ang aking suwerte sa DepEd. Gusto ko pa sana magtanong kay Ditas ng maraming bagay-bagay tulad ng sino ang amo ko ang mga magulang ng kanilang young master na may attitude problem at bakit hindi man lang nagpakita sa kanya ang kanyang magiging amo. Ipagpaliban niya muna ang mga isipan na iyan.Siguro abala lang ang kanyang amo sa trabaho. Sa estado ng pamumuhay ng amo niya sigurado siyang ito itong bilyonaryo. Sa laki ng bahay nito na tila shopping mall na may elevator pa ay tiyak niyang hindi ito basta-bastang nilalang.Pati na rin ang asta ng batang amo ay tiyak niyang may pinagmanahan. Hindi lang pagtuturo ng pagbabasa at mga leksyon ang magiging papel niya sa bata kung hindi ay may malalim na dahilan ang Diyos kung bakit napunta siya sa puder nito.Titiyakin niyang mapapaamo niya ang dominanteng young master sa madaling panahon. Sa mura nitong edad ay hindi bagay na magsuplado ito at parang pasan ang mundo, dapat sa batang edad nito ay dapat naglalaro pa at magiliw makipag-usap sa mga matatanda. Binuksan niya ang cabinet kung nasaan ang kanyang mga gamit. Isinalansang niya ito at inayos sa cabinet. Konti lang naman ang kanyang mga damit kung kaya't madali siyang natapos. Binuksan niya ang kabilang cabinet at nakita niya ang set ng pants at blouse na uniporme na may disenyong pangbata. Ito na siguro ang magiging uniporme niya bilang tutor. Naalala niya pa ang batang amo na ipinamukha sa kanya na hindi gusto nito ang kanyang suot. Natawa na lang siya sa isipan na iyon. Talaga ngang mapapasabak siya sa matinding pagpapasensya sa ugali nito. Naglinis siya ng sarili at sinuot ang bagong uniporme. Kasyang-kasya sa kanya damit. Mukhang isinukat sa kanya. Hindi masyadong maluwag at masikip. Komportable siya sa kanyang suot at ang tela nito'y hindi makati, malambot at presko sa pakiramdam. Tumunog ang buzzer at may nagsalita sa intercom, "Prepare yourself Miss, lady housemaid will bring you to young master study area." Maya-maya lang may bumukas sa pinto si Ditas, "Ready Miss Jayda? halika na." Sumunod ako sa kanya at isinirado na ang pinto ng aking silid. Mukhang malalayo na naman ang lalakarin namin sa dami ng palapag at mga silid ng mansyon na ito.(Playing background music) Not sure if you know this But when we first met I got so nervous I couldn't speak In that very moment I found the one and My life had found its missing piece So as long as I live I love you Will have and hold you You look so beautiful in white And from now till my very last breath This day I'll cherish You look so beautiful in white Tonight What we have is timeless My love is endless And with this ring I say to the world You're my every reason you're all that I believe in With all my heart I mean every word So as long as I live I love you Will have and hold you You look so beautiful in white And from now till my very last breath This day I'll cherish You look so beautiful in white Tonight Hindi ko mapigilang maluha habang nakatanaw sa babaeng aking iniibig na naglalakad sa aisle patungo sa akin. Isang mahabang pasilyo mula sa labas ng pinto ng villa hanggang rito sa dalampasigan ang pinalamutian ng fresh wh
"Mission accomplished, boss!," turan ng abogadong may hawak ng mga isinampang kasong laban kay Ledesma. "The pleasure is mine, Attorney, I'll send the full payment in your account immediately today, my secretary will arrange that for you, thank you!," sagot ko bago ibinaba ang linya. Sinigurado kong hindi na makakapagpiyansa si Ledesma sa mga mabibigat nitong mga kaso ngunit noong isang buwan ay nabalitaan ko na lang na ang ibang mga kasong isinampa kay Ledesma ay nabasura dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiya. Ano pa ba ang kulang sa mga eprinisintar na mga ebidensiya upang mapatunayang guilty at criminal si Ledesma? Nanginginig ang buo kung kalamnan sa galit sa nagdaang mga araw. Gusto kung harapin si Ledesma ngayon din upang kastiguhin. Hindi ako makapanti hangga't hindi nahahatulan. Mabuti na lang ay malakas ang aking koneksiyon at impluwensiya. Ako ang nagkuha at nagbayad ng pinakamagaling at pinakabihasa na abogado sa bansa upang humawak ng mga kaso ng mga nabiktima
"Nay.... pa--kar--ga po ni Prince...," biglaang sabi ko ng biglang dumilim ang paningin ko. "Naku, anak...ano nangyari sa iyo?," natarantang sabi sa akin ni inay matapos akong maalalayan paupo sa mahabang upuan sa labas ng klinika ng pediatrician ng anak ko. Kalalabas lang namin sa loob ng pedia clinic ni Prince. Pinaturukan namin si Prince ng polio vaccine dahil saktong apat na buwan na rin siya noong isang araw. Sobra ngang nakakaawa ang anak ko sa kaiiyak kung puwede lang sana ako na lang ang makadama ng sakit kasi parang hinihiwa ang puso ko. Mabuti na lang sinamahan ako ni inay at itay. Si itay ang nagmaneho ng bagong multicab nito habang si inay naman ang sumama sa akin sa loob mismo ng klinika. Magkatuwang nga si inay at itay sa pag-aasikaso sa aming mag-ina sa halos nakalipas na dalawang buwan. "Aywan ko nay bigla na lang umikot ang paningin ko... ah, baka dala lang ng stress kanina sa kaiiyak ni Prince!," sagot ko pa. "Baka nga anak... o siya dito ka muna at tatawag
"Jayda, anak, handa na ang hapunan, halika na at sabay- sabay na tayong kumain," anya ng aking inay Tilde. Kasalukuyan akong nasa malapad naming terasa at nakatanaw sa maliwanag na kalangitan. Kay rami ng mga bituin sa gabing ito, tila nakikisabay rin sa aking kasayahan na sa wakas ay nakauwi na rin ako sa aming tahanan. "Opo nay!," tugon ko pa at nagpakawala ng buntong- hininga. Ngayon lang ako muling nakadama ng kaginhawan. Iyon bang hindi pilit at walang pagkukunwari. Iba talaga ang hangin sa probinsiya at isa pa ay panatag na aking kalooban dahil wala ng manggugulo pa sa akin at sa aking buong pamilya. Sumunod na ako kay Inay Tilde. Maaliwalas ang kabuuan ng native house. Hindi ko pa naggawang magtanong sa malaking pagbabago ng aming munting tahanan kaninang pagdating ko dahil mas inuna pa naming magdrama ni inay at itay. Naalala ko pa kanina na imbes kagalitan nila ako ay isang mahigpit na yakap ng ibinigay sa akin ni inay at itay. Wala akong natanggap na sermon o anum
"Maraming salamat sa maikling panahong pinasaya mo kami, hija... hindi ka namin malilimutan," ang huling sinabi sa akin ng mag-asawang Ledesma na sina tita Zab at tito Zack. Hindi sila makapaniwala sa mga anomaliya at karumaldumal na gawain ng kanilang unico hijo. Maayos naman daw ang kanilang pagpapalaki kay David at hindi sila nagkulang ng paalala sa kung ano ang tama o mali. Sa huli ay wala na rin silang naggawa sa ebidensiyang ipineresenta ko sa kanila. Pero kahit pa may ebidensiya na sa kanilang harapan na nagdidiin kay David sa mga krimeng naggawa nito ay nanaig pa rin ang pagiging mga magulang nila tita Zab at tito Zack. Naaawa man ako sa kanila pero mas minabuti ko na lang magpaalam sa kanila at hindi na sumama pa sa kanila sa presento. Nagmadali na akong gumayak ng aking mga gamit at ni baby. Tulog na tulog ito sa kanyang crib ng abutan ko ito sa nursery na binabantayan naman ng isang katulong. May taxi ng naghihintay sa akin sa labas ng gate para ihatid ako sa ter
"Ann, hija, bakit ngayon ka lang...? Alam mo bang nag-alala na kaming lahat lalong- lalo na ang mapapangasawa mo, buong magdamag kang nawala, ni hindi namin alam kung saan ka hahagilapin, ano bang nangyari sa iyo hija?," sunod- sunod at may pagtatakang turan ni tita Zab ng makapasok ako sa malaking bungalow house ng mga Ledesma. "Ahmnnn... ti-ta nasaan po ang baby ko?," imbes na sagutin siya ay ginantihan ko rin siya ng tanong dederetso pa sana ako paakyat sa nursery upang kunin ang anak ko ngunit pinigilan niya ako. "Wait, hija... samahan na kita, nasa nursery si Junior kasama ang ama niya, ang tito Zack mo naman nakikipagcoordinate na sa kapulisan upang hanapin ka, mabuti na lang nakauwi ka ng ligtas hija!," bigla ako nitong niyakap kaya't napayakap na rin ako sa kanya. Naawa ako sa mga magulang ni David. Ang hinala ko walang alam ang mga ito sa kasamaan na pinanggagawa ng anak nila. Wala namang magulang ang gustong mapahamak ang mga anak nila. Puwera na lang kung minana lang
Madali lang kaming nakarating sa mansyon. Agad akong pinagbuksan ni Mang Tonz ng pinto. Bumaba ako ng sasakyan. Sobra ang aking kasayahan ng makitang sinalubong ako ng mga house maids at ni Tim. May bitbit itong banner na may nakasulat na "Welcome back home Teacher Jayda." "Hello Misss Jayda, wel
Ngayong araw na ito ang labas ko sa ospital.Mahigit dalawang linggo din ako namalagi sa ospital kasali na ang isang linggong wala akong malay. At sa isang linggong pananatili ko na gising na at may malay na ay hindi ko man lang nakita si Jethro na dumalaw sa akin. Tila kinalimutan na nito ako d
"Hinahanap ka niya, Mr. Montenegro, hindi mo ba siya pupuntahan?" sabi ng may edad na nars na tila may himig na panunukso. Hindi naman nag-usisa pa ang management at mga doctors at nurses ng hospital na tumingin at gumamot kay Loren sa nangyari sa kanya. There's nothing to say and nothing to di
"Hijo, maraming maraming salamat sa tulong mo sa aming pamilya, sana pagpalain ka pa ng Diyos sa mabuti mong puso," pasasalamat sa akin ni Inay Tilde ni Jayda. Nasa isang first class level hospital ko pina-admit at pinaoperahan ang Itay Ramon ni Jayda.Hindi ko inisang pareho ang pinagdalhan ko sa







