Share

Chapter 92

Author: VIENNA ROSE
last update Last Updated: 2026-02-13 16:57:47

Lasing at nahihilo pa si Agatha, ngunit nagawa pa rin niyang gawin ang lahat sa maayos na paraan. Nang maayos na ang lahat, hindi na niya nakayang manatiling gising at tuluyan ng nahulog sa isang malalim na pagkakatulog.

Naging napakasarap at napakahaba ng tulog niya.

Paminsan-minsan may mga nurse at doktor na pabalik-balik sa ward at gumagawa ng ingay. Sa normal na sitwasyon, makakaabala ito sa tulog, pero iba ang pagkakataong iyon. Tulog na tulog si Agatha, walang kamalay-malay sa mga ingay
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jomari Del Rosario
bakit ang update ganyan naka2sawa din parehas nlang ng ibang novel... hayssss anu bayan
goodnovel comment avatar
Marivic Canillas
dagdagan naman sana yong chapter hinde yong paisa isa
goodnovel comment avatar
Ginalyn Galope Nera
next please
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 132

    Natawa ng bahagya si Agatha. “Hindi mo naman ako pinapasama sa pagkain sa labas. Paano ko malalaman ang ‘dining etiquette’ mo? Bakit hindi mo kaya utusan si Nica para turuan ako? Mas madalas mo naman siyang kasama.”“Ikaw..” pinigilan ni Noah ang namumuo niyang galit, marahil ay naalala ang tungkol sa travel at nakaramdam ng kaunting guilt. “Oo, nangako akong isasama si lola sa isang travel, kaya pwede tayong magsama-samang lahat. Bakit ba ang talas ng pananalita mo?”Tumawa lang si Agatha. Hindi naman talaga tungkol sa travel ang iniisip niya, wala siyang balak na bumyahe kasama si Noah. “Sumakay ka na sa kotse.” hinawakan ni Noah ang kamay niya at inakay siya palabas ng restaurant. Hindi naman malayo ang restaurant mula sa bahay nila. Tahimik lang si Noah sa buong byahe. Pagkarating sa bahay, agad na naligo si Agatha. Habang nasa bathroom, may kausap si Noah sa phone, pero alam ni Agatha kung sino iyon at wala rin siyang pakialam. Pagkatapos maligo, komportable siyang humiga sa ka

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 131

    “Sigurado kang hindi siya galit? Sasabihin ko sayo, baliktad laging magsalita ang mg ababae. Pwedeng sabihin niyang hindi siya galit pero sa loob-loob niya, hinatulan ka na niya ng kamatayan!” singit ni Sean sa pagkakataong iyon. Napatawa ng mahina si Agatha. Sa unang pagkakataon, nagsalita para sa kanya si Sean. wala siyang pakialam sa first part ng sinabi nito, pero yung part na “hinatulan na ng kamatayan” si Noah– iyon ang totoong nakaintindi sa kanya. “Kalokohan yan,” sagot ni Noah kay Sean. “kung ayaw mong maniwala, tanungin mo si Agatha kung galit siya. Agatha, tapos ka na ba? Nandito na silang lahat.”“Ha? Nandito na si Agatha?” gulat na tanong ni Nica. Nagpunas ng kamay si Agatha at lumabas ng restroom, at ngumiti. “Oo, inayos ko lang ang buhok ko. Kahit pilay na ako, syempre gusto ko pa ring maging maganda.”Biglang naubo ng malakas si Ryan.“Anong problema, Ryan? Bawal na ba akong magpaganda? O dahil ba pilay na ako, wala ng silbi kung maganda ako o hindi?”“Eheh! Ehem! H

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 130

    Para kay Agatha, kabaliwan ang mga sinasabi nito. Hindi niya napigilang magtanong, “Noah, so yung mga pagsasalita ng mga kaibigan mo ng hindi maganda at masama sa likod ko at ang mga pangungutya nila sa pagiging pilay ko, ‘malasakit’ ang tawag mo doon? At kasalanana ko pa na hindi ko iyon tinatanggap?” “Agatha…” napakunot ang noo ni Noah, tila nawawalan na ng pasensya. “Hindi ba nag-sorry na sila sayo? Bakit hindi mo pa rin mabitawan yan?”Napatawa si Agatha. Tumatawa ang tao kapag wala na talagang masabi sa sobrang lala ng sitwasyon. So, sapat na pala ang isang sorry. “So, ang pagtulog niyo ni Nica nang hubo’t hubad ay tanda rin ng kabaitan? Pasensya ka na ha, hindi pala ako sapat na ‘generous’...”Hindi pa natatapos ni Agatha ang sasabihin nang isang malakas na “bang!” ang umalingawngaw. Hinampas ni Noah ang mesa at pinandilatan siya. “Anong kagaguhan yang pinagsasabi mo?!”Ngumiti lang si Agatha nang hindi sumasagot. Tinamaan na naman niya ang kalyo ng magaling na CEO. Matapos a

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 129

    “Ang sunset noong araw na iyon ay kasing-ganda ng sunset ngayon,” mahinag sabi ni Noah habang lalong hinigpitan ang yakap sa braso niya. “Magkaiba sila,’ sabi niya. “Paano naging magkaiba?” tinignan nito ang mukha niya mula sa gilid ng balikat niya, tila nagbibiro ang tono. “Iniisip mo bang matanda na tayo?” Hindi iyon ang iniisip ni Agatha.“Matanda na ako, pero ikaw hindi. Ganon pa rin katulad ng dati,” sabi ni Noah. Ang gusto sanang sabihin ni Agatha, noong araw n aiyon, habang nagliligpit siya ng gamit mag-isa, tinatawag siya ng lahat para magpa-picture. Hindi niya alam kung dahil ba sa chicken leg na ibinigay nito kaya nagkaroon siya ng lakas, o dahil sa kaba sa dami ng sumisigaw, pero sunod-sunod siyang nagtumbling sa damuhan para makasama sa picture. Nagpalakpakan pa ang lahat para sa kanya. Ngayon, kaya pa ba niyang mag-tumbling ng ganoon? Ang matagumpay niyang pagtakas kanina ay dahil lang sa tulong ni Johnford. Pero hindi niya na ito sinabi, marahil ay nakalimutan na n

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 128

    “Bakit?” pakiramdam ni Noah ay hindi iyon logical. Sa pagkakaalam niya, sobrang mahal siya ni Agatha, paanong hindi ito masasaktan na iniwan siya ng sariling asawa sa gitna ng pnaganib?Nasabi na ito ni Agatha noon, dahil hindi niya na ito mahal. Pero hindi naniniwala si Noah, iniisip lsng nito na nagmamatigas lang siya. Tinatamad na siyang magpaliwanag ngayon. Ang mahalaga, aalis na siya sa loob ng dalawang araw, at ayaw na niyang magkaroon pa ng kahit anong gulo o hadlang. Nag-isip siya sandalit at simpleng sinabi, “Ang tao dapaty tumitingin sa future, hindi pwedeng laging nakakulong sa past, kundi paano ka makakausad sa buhay?”Nakahinga ng maluwag si Noah at binigyan pa siya ng pambihirang ngiti habang tinatapik ang buhok niya. “Mabuti at ganyan ang iniisip mo. ano man ang mangyarim tayo ang magsasama habangbuhay. Pagiging masaya at open minded ang pinakaimportante. Tumango si Agatha, syempre, ang sarili niyang “kaligayahan” ang pinakamahalaga, hindi ang “magsama habambuhay.”

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 127

    “Hindi naman sa hindi importante– syempre importante pa rin. Pero sa ganitong klaseng sitwasyon, kung kailangan talaga nating pumili, mas importante ang mukha ni Nica. Tutal, ikaw naman ay…” sinulyapan ni Noah ang mga paa at hindi na tinapos ang sasabihin. Muling naintindihan ni Agatha, may bahid ng lungkot ang kanyang ngiti. “Naiintidihan ko ang punto mo. Tutal, wala na namang silbi ang binti ko, disabled na ako, kaya ano naman kung madamay pa ang mukha ko diba?”“Agatha…” paliwanag niya, “nandito naman ako. Aalagaan kita habangbuhay. Kahit ano pang hitsura mo wala akong pakialam, hindi mahalaga sa akin iyon. Basta ikaw si Agatha, mananatili kang Mrs. Villanueva ko….”“Tigilan mo ako.” ngumisi siya ng may panghamak. “Ganoon ba ka-prestihiyoso ang titulong Mrs. Villanueva? Sulit ba yang ipagpalit sa isang binti at isang mukha?” “Wag mo namang minamasama yung mga sinasabi ko…”“Hindi ko minamasama.” pinutol siya ni Agatha, dahil ayaw na niyang makarinig ng mga kalokohan mula kay Noah

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status