Share

71.

[Yuri]

“Tama ka ng narinig, Yuri. Ang kuya mo ang may kasalanan kung bakit ka nasa ganitong sitwasyon. Malaki ang atraso niya sa amin. Sa oras na magpakita siya ay hindi namin siya bubuhayin.” Galit na galit na wika ni Virvin.

Ang kapatid nga niya ang kailangan nito at hindi si Red!

Pinaghirapan? Ano ang ibig nitong sabihin na itinakas ng kuya niya ang perang pinaghirapan ng grupo nito—

Natigilan siya. Naalala niya ang kinuwento ng kuya niya, ang pagnanakaw ng mga ito kasama ang isang grupo ng mga magnanakaw sa mga Gabrielle.

K-kung gano’n ay isa si Virvin sa mga taong kasama ng kuya niya sa pagnanakaw?

Parang sasabog ang utak niya sa mga rebelasyon na nalaman niya. Sobrang bigat ng dibdib niya.

Binalingan ni Virvin ang lalaki na kadarating lang. “Dalhin na ang babaeng ‘yan, aalis na tayo.”

Nakangising bumaling si Nikka sa kanya. “Sige lang, Yuri. Umiyak ka lang habang buhay ka pa… sa oras na magpakita ang kapatid mo ay ibabaon namin kayong magkapatid sa ilalim ng lupa. Di’ba
SEENMORE

Thank you po sa support♥️🥰🫶

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Elleboj
sa wakas may update na... malapit na tayo sa katotohanan at mga pangyayari ng nakaraan... thanks miss a!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status